🔎Chapter Twenty-seven
A/N: Okay, as much as possible ay hindi ko muna ifo-focuss ki Gail ang part na ito. Kasi, wala lang. Ehehe. Promoting the story of Eunice and Jc, HAHAHA! Hindi ko pa nga lang nasusulat ang story nila.
Jc
ANG weird ng kinikilos ngayon ni mommy. Ewan ko kung nag o-overthink lang ba ako o ano. Pero kasi this past few days, napapansin kong palagi sya aligaga na ewan. Parang palaging may hinahanap. Nang tanungin ko sya kung ano ang hinahanap nya, sinabihan nya lang ako ng "Wala ka na dun".
Minsan nadaanan ko ang kwarto nya, nakabukas ng kaunti ang pinto kaya naman sumilip ako. Nakita kong nakakalat ang mga gamit nya habang nagkakalkal sya sa drawer nya. Hinayaan ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad papuntang kwarto ko at baka makita pa ako.
Inilapag ko sa side table ang hawak kong juice na tinimpla ko kanina sa kusina at kumuha ng isang libro at binuksan ito kung nasaan ang bookmark.
Sabado ngayong araw kaya naman makakabasa na naman ako ng paborito kong libro. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang mag ring ang cellphone ko. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ng Caller. Sinagot ko ito.
"Hello, Eunice," inilapag ko ang hawak kong libro at sumandal sa headboard ng kama ko.
[Hey, ang boring. Let's go shopping! Hehe.]
I just rolled my eyes. Bakit ba gustong gusto ng mga babae ang shopping? Gastos sila ng gastos! Minsan naiisip ko, nag-iipon din ba kaya sila? May pera pa kaya sila?
"Na naman? 'di ka ba nagsasawa sa kaka-shopping mo?" singhal ko sa 'kanya.
[No,] deretsyo nyang sabi. [Just... Go with me okay? Sasamahan mo lang naman ako,] argh!
"Sasamahan or... Wala kang driver? Or should I say tagabitbit ng mga shopping bags mo?" I chuckled.
Ganyan sya sa akin. Pinapasama ako sa kada mga lakad nya dahil wala syang tagabitbit ng mga pinamili nya. Ginawa ba naman akong bodyguard?
[Uhh!] I heared her sight. [Whatever. Pupunta na ako dyan! Sa ayaw o sa gusto mo, you'll go with me!]
"I'm busy- " 'di pa man ako nakatapos sa sasabihin ko, binaba nya na ang tawag. Manners nga naman.
Umiling nalang ako at 'saka tumayo. Madali akong naligo at nag-ayos ng sarili. Mga babae nga naman, kapag may gusto sila, hindi sila titigil hangga't 'di ito nakukuha.
Maya maya'y may narinig akong tatlong katok sa pintuan.
"Sir Jc? Nand'yan na po si Ma'am Eunice,"
Hindi tumagal ay lumabas na ako sa kwarto at naabutan si Eunice sa sala. May hawak itong kape at nakaupo na akala mo sa kanila 'tong bahay.
"Let's go," ninaba nya ang kape 'tsaka tumayo.
Tahimik ko syang sinundan hanggang sa makarating kami kung saan naka-park ang kotse nya. Binigay nya sa'kin ang susi sabay pinaharurot ito.
Tahimik lang kami habang bumabyahe nang magsalita ako.
"By the way, anong ginawa nyo ni Mommy sa Bicol?" pagtatanong ko. Simula kasi nung makabalik sila, ang weird ng mga kinikilos ni Mommy.
"Uhm, important matters?" tinignan ko sya.
"Like what?" tummingin na din sya sa'kin.
"Like- Gosh Jc! Tumingin ka nga sa daanan! Mamaya mabunggo pa tayo!" I quickly return my attention on the road.
Tama sya. Baka mabunggo kami. Nasa diversion pa naman kami at malalaki ang mga sasakyan na dumaraan dito. Sayang ang bayad pangpa-Ospital. Hindi ko na sya tinanong pa at tahimik na nagmaneho. Tahimik din naman sya.
Nang makarating kami sa Mall, pinark ko ang sasakyan at sabay kaming pumasok sa loob. Sinalubong kami ng malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng mall.
"I'm hungry. Let's eat muna," tumango naman ako at sinundan sya.
Nagmumukha na akong alalay- tagasunod ng isang 'to.
Pumasok kami sa Chowking at umupo sa bandang malapit sa may salamin. Nagprisenta naman ako na ako nalang ang mag o-order. Ilang minuto lumipas, bitbit ko na ang mga pagkain papunta sa pwesto namin.
"Magsalita ka naman. Ang tahimik mo," ani Eunice.
Tumawa naman ako ng mahina. Ang totoo nyan, nahihiya ako sa kan'ya. Kahit ilang beses na kami nagkasama, nahihiya pa din ako sa kan'ya.
"Ano namang sasabihin ko?"
"Hmmm, ikaw. Kahit anong maisip mo," sabi nya sabay subo ng pagkain.
Nag-isip naman ako. Ano ba pwedemg itanong sa kan'ya?
"Ahh!" may naisip na ako! Sana naman 'di sya mailang sa itatanong ko.
Napatingin naman sya sa'kin na may malaking question mark na nakapinta sa mukha nya.
"Nagka... boyfriend ka na?"
Palihim kong pinagkrus ang daliri ko sa ilalim ng lamesa habang nakatingin sa kan'ya at inaabangan ang isasagot nya. Nakita kong nabigla sya sa tinanong ko ngunit agad ding tumawa. Uminom sya ng juice bago sinagot ang tanong ko.
"Oo, dalawa," tipid nyang sagot.
Palihim akong napasimangot. Na-disappoint ako sa sinagot nya. Nag-expect kasi ako na wala. Siguro nga, wag ka mag-expect, kung ayaw mong masaktan.
Tumango nalang ako.
"Pa'no kung..." bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan na naman ako sa itatanong ko sa kan'ya.
"Kung... may manligaw sa'yong mas matanda sa'yo. Papayag ka ba?" I'm just curious. At the same time, inaalam ko ang limitasyon ko para naman alam ko kung saan ako lulugar.
Gusto ko din namang malaman kung may pag-asa ba ako sa kan'ya. Knowing my age, ilang taon ang gap naming dalawa.
Kumunot naman ang nuo nya.
"Like- six years ang gap n'yo. Would you still accept him?"
I'm worrying na baka marinig nya ang kabog ng dibdib ko sa sobrang lakas. I'm looking her in the eyes. Suddenly, parang nagsisi ako sa itinanong ko sa kan'ya. Feeling ko kasi sa loob-loob nya, she feel disgust.
Syempre sino ba namang magkakagusto sa taong mas matanda sa'yo? Sa panahon ngayon, sa sobrang jugdemental ng mga tao, mas pipiliin mong magka-relasyon sa kasing edad mo.
"I don't know," she shrugged at pinaglaruan ang pagkain nya.
Disappointment. Yes. For the second time, I feel disappointment. Bakit ba kasi nagtatanong ako ng mga tanong na alam kong makakapag disappoint lang sa'kin? Mga tanong na alam kong imposible?
"It depends..." umangat ang ulo ko sa pagkaka-yuko.
What does she mean na it depends?
"What do you mean?"
Kinagat nya ang burger na inorder nya 'tsaka nilagyan ng ketchup.
"Hmmm, it depends sa ugali."
Bigla akong nabuhayan sa sainabi nya.
"I'm not after for the physical looks naman, eh. I'm more focus in it's inner self," kumagat ulit sya sa burger.
"Inner beauty stays with you but physical beauty fades. Pag tumanda tayo, mawawala din ang looks. So mas pipiliin ko ang kayang mag-stay keysa sa panandalian lang."
Ngumiti ako. I guess, I have a chance?
"Pero 'wag naman yung sobrang tanda na. Like, ten years, ganun!" tumawa sya kaya naman tumawa na din ako.
Six years lang naman ang gap namin eh. Six years. I can't help but to smile. Pero bigla kong naalala na hindi pala kami pwedeng dalawa. Pinsan ko sya.
"Uh, Eunice." umangat ang ulo nya at tinignan ako sa mata. Ngumiti naman ako sa kan'ya.
"Why?"
"Kapuso ka ba?"
Kumunot na naman ang nuo nya.
"Kapuso, you mean GMA?"
Tumango ako.
"Yeah? Bakit?"
Ngumiti ako.
"Pinapatanong kasi ni mommy kung kelan ka magiging kapamilya."
Shet! Takte! Ba't ako kinikilig sa sarili kong banat? Dapat si Eunice ang kiligin, eh! Nakita ko namang ngumiti sya. Efrective ba banat ko? Umiling iling naman sya.
"Are you a doughnut?" aba! May baon ding banat, ah.
Tinaasan ko sya ng isang kilay. "Hinde," pang-aasar ko sa kan'ya. Nag-pout naman sya na ikinatawa ko.
"Oh, sige na nga, bakit?"
"Cause I find you a-Dough-rable. Wahhh- Hahaha!" napatawa nalang ako sa reaksyon nya. Para syang kinikilig na natatawa.
Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan habang kumakain. Nang matapos, umalis din kaagad. Nagpaalam sya na mag c-cr muna kaya naman hinintay ko sya dito sa may stall ng mga cotton candy.
Ilang minuto ang lumipas wala pa din sya. Napagdesisyunan kong duon nalang sya hintayin sa cr nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na pigura ng babae.
Kilalang kilala ko sya dahil nakakasama ko sya sa bahay. Si mommy! Pupuntahan ko sana sya nang biglang may lumapit sa kanyang isang babae at kinausap sya. Ipagpapatuloy ko sana ang paglapit sa kanila nang may humawak sa braso ko.
"Uy! San ka?" napatingin ako sa likuran ko. Si Eunice.
"Eunice, Si mommy! Ayun oh-" napatigil ako nang pagharap ko ay wala na sila sa pwesto nila kanina.
"Asan na sila?" luminga-linga ako ngunit sa dami ng tao, ni anino ni mommy wala ako nakita.
"Baka busy mommy mo. 'Wag mo na guluhin pa," sabi ni Eunice. Tumango nalang ako.
"For now, let's shopping na! Dali! Samahan mo akong bumiling cosmetics!" wala na akong nagawa nang hilahin nya ako papasok sa watsons.
Agad syang pumunta sa mga cosmetics habang napalingon ako ulit sa dereksyon kanina ni mommy. Anong ginagawa nya dito? Hmmm. Sabagay, palagi namang umaalis si mommy sa bahay at busy sa trahabaho. Bakit ba ginagawa kong big deal iyon?
Napailing na lang ako.
Tch.
------------------------------------
EDITTED VERSION
A/N: New update for tonight! Enjoy reading and abang abnag lang mga peps!❤
🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FAN!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro