Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Twenty-one


Gail
His parents

NAPATINGIN ako sa'kanya ng seryoso nang sabihin nya ang mga iyon. Hindi ko alam ang sasabihin kaya nag-'okay' nalang ako dito.

"Gail, seryoso ako. Please, help me find my real parents."

Napapikit ako ng mga mata at bumuntong-hininga.

"Ako? Bakit ako?" napaharap ako sa'kanya. "Alam mo Jc, gusto kitang tulungan. Pero... ewan ko eh. H-hindi ko kaya."

Nakota ko namang lumungkot ang mukha nya. Gusto ko naman kasi sya tulungan, pero sa tingin ko ay hindi ko kaya.

"How can you say na hindi mo kaya? Hindi mo pa nga nasusubukan."

Natahimik ako sa sinabi nya kaya napayuko na lang ako. Paano ko nga naman nasabi na hindi ko kaya kung hindi ko pa nasusubukan hindi ba?

"Sige na, please." pinaglapat mya pa ang dalawang palad para magmaka-awa. "Wala na akong ibang kilala na makakatulomg sa'akin. Nathan," then he shrugged "I dunno. Just... please, Gail."

Hindi ako nagsalita pagkatapos nyang sabihin ang mga iyon. Iniiwas ko ang mga mata ko sa'kanya at pilit na iniiwasan ang mga titig nya.

"Sige. Okay lang kung ayaw mo." mahina nyang sabi. Mababakas mo ang pagka-lungkot sa boses nya.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang balikat nya nang akmang tatayo na sana sya. Napatingin naman sya sa'akin at bahagya pang ngumiti. Bumalik ulit sya sa pagkakaupo nya kanina.

"Sige na nga,"

Lumiwanag ang mukha nya at mas lalong lumapad ang pagkaka-ngiti.

"But how can we find your real parents? Diba nasabi mo na-aksidente kayo nuon dahil pauwi na kayo galing ampunan? Then anong pangalan ng ampunan na iyon?" mahaba kong tanong.

Napahawak sya sa baba nya at nag-isip.

"I don't remember the name. Shit!" bulong nya na narinig ko naman.

Ginulo nya ang kan'yang buhok.

"Huh? Paano na 'yan? We don't have any leads!"

Nag-isip na naman sya.

"Wait, I remember dati na nag-away sila mommy at daddy kasi tinanong ko sya about some informations."

"Ano sabi?"

Jc

-F L A S H B A C K-
5 years ago...

I WAS sixteen at that time nang malaman ko ang totoo. Ang totoo na hindi ako tunay na anak nila mommy at daddy, at inampon lang nila ako. Three months pa lang ako sa'kanila. Daddy said kinuha lang daw nila ako sa ampunan dahil naawa sila sa'akin. Dahil wala na daw gustong kumuha sa'akin dahil matanda na. Nang papauwi, naaksidente daw kami. Naging malala daw ang naging epekto ng aksidente kaya kinailangang iparetoke ang mukha ko na naapektuhan. Nagkaroon din daw ako ng amnesia kaya wala ako matandaan.

Nasa bahay ako at nakaupo sa sofa katabi si daddy. Kinukulit ko sya na mag-kwento pa sa mga nakaraan ko at kung kilala ba nya tunay kong mga magulang. Sa hindi inaasahan, narinig ito ni Mommy at biglang nagalit. Sumenyas sya kay daddy na sumunod sa'kanya sa kwarto. Tumango naman si daddy at pumasok sa kwarto nila. I got curious kaya naman palihim at dahan-dahan akong sumunod sa kwarto nila. Hindi nakasarang maayos ang pinto kaya sumilip ako at nakinig sa usapan nila. Mula sa dereksyon ko ay nakita ko silang dalawa na naka-tayo.

"Jusko naman Veronica! Sabihin na natin kay Jc ang totoo! Sixteen na sya! Ginagawa lang nating tanga yung bata. Ibalik mo na sya Ver please lang." sigaw ni daddy kay mommy.

"Hindi nya na kailangang malaman ang totoo Richard! Tayo na ang pamilya nya, tayo na."

"Veronica naman. Hindi natin sya anak. Kinuha mo lang sya. Hanggang ngayon ba, galit ka pa din kay-" napasinghap ako nang makita kong sinapak sya ni mommy. Napatakip na lang ako ng bibig para hindi makalikha ng ingay.

"Huwag mong subukang banggitin ang pangalan nya Rich, 'wag. Kami dapat magkatuluyan e!" biglang may butil ng luha ang tumulo sa mata ni mommy. "Kung hindi lang nya inagaw. Ahas sya! Traydor na kaibigan! Walang hiya!" tumataas na ang boses ni mommy dahil sa galit.

"Dapat lang na agawin ko ang anak nya para maramdaman nya din ang mawalan ng minamahal!"

Walang nagsalita pagkatapos sabihin ng mga 'yon ni mommy. Bumalot ng matinding katahimikan sa kwarto. Nakita ko naman na napangiti si daddy ng mapait mula sa kinaroroonan ko. Tumingin si daddy ki mommy na halatang nagulat sa sinabi nya.

"M-mahal... mo pa rin ba sya?" may pagyayanig sa boses ni daddy at mahahalata mong maiiyak na ito.

"Hanggang ngayon ba... sya pa din? Nagsisisi ka ba na naging tayo? Nagsisisi ka ba na ako ang pinakasalan mo imbis na sya?"

Hindi makatingin ng deretsyo si mommy ki daddy. Nanggigilid na din ang mga luha nito.

"Kailan ba... kailan ba magiging ako?" tapos nagdere-deretsyo na ang mga luhang dumaloy sa mukha ni daddy.

"Richard..."

"Ako yung nasa tabi mo palagi Veronica, Ako. Pero bakit sya pa din ang nasa-isip mo?" hinawakan ni daddy si mommy sa balikat.

"Pabayaan mo nalang sila Veronica. Masaya na sila. Wala ka ng magagawa dahil kasal na sila at may mga anak na din, tulad natin."

"Ako nalang Veronica. Nagmama-kaawa ako, ako nalang."

"Hindi! Kailangan maranasan din nya ang naranasan ko! Magiging masaya ako kapag nanyari iyon. Magiging masayang masaya."

"Eh ako? Hindi mo man lang ba iniisip ang mararamdaman ko? Na sinasabi mo yan sa harap ko? Na hanggang ngayon, mahal mo pa rin sya? Hindi mo ba naisip kung ano ang pwede kong maramdaman?" hinawakan nya ito sa pisngi.

"Ako nalang kasi..." tapos bigla nyang hinalikan sa labi si mommy.

"Rich-"

Napaiwas ako ng tingin sa pinto at napatalikod. Kasi naman naghalikan sila at hindi naman pu-pwedeng makakita ang mga batang katulad ko ng live porn 'di ba?

Aalis na sana ako nang biglang may nagsalita.

"Anong ginagawa mo dyan?" si Nathan.

Napatingin ako sa batang si Nathan na nasa harapan ko. Eleven years old pa lang sya ng mga oras na iyon. Hindi nya alam na limang taon akong mas matanda sa'kanya pero nalaman nya din iyon ilang taon ang lumipas.

"Ahh, nothing. Ikaw, watcha doin'?" ginaya ko pa si Isabella sa cartoons na Phinease and Ferb. Paborito nya kasing cartoon iyon.

Sumimangot naman ang mukha nya.

"Tsk, stop it. Hindi bagay."

Napangiwi nalang ako sa sinabi nya. Ang salbahe ng batang ito!

"By the way, where's mom and dad-" agad ko syang hinila nang akmang papasok sya sa kwarto nila mommy at daddy.

"What do you think you're doing?"

Hinila ko sya papalayo sa lugar na iyon at napunta kami sa sala. Duon ko sya binitawan at itinuro ang kwarto nila mommy at daddy.

"Don't disturb them. Baby is under construction." at nag-wink pa ako sa'kanya bago umalis at nagtungo sa kwarto ko.

-E N D O F F L A S H B A C K-

"So, ninakaw ka lang? Hindi ka kinuha sa ampunan?" tanong ni Gail. "Nakakatakot naman pala talaga si tita Veronica, magnanakaw pala sya." sinamaan ko sya ng tingin.

"Peace," Sabi nya sabay peace sign.

Sabagay, nuong nalaman ko ang mga iyon, nagalit akonki mommy dahil nilayo nya ako sa totoo kong mga magulang at nagawa nya pang magsinungaling sa'akin.

"Galit si mommy sa dati nyang kaibigan kasi inagaw nun ang mahal ni mommy dati. Kaya sa paghihiganti nya, kinuha nya ako na anak ng kaibigan nya."

Napatango-tango si Gail sa sinabi ko pero agad din namang nagprotesta.

"Parang hindi naman yata inagaw? Baka mahal nung lalaki yung kaibigan ng mommy mo at ganun din sya. Baka hindi lang matanggap ng mommy mo ang katotohanan."

"Let's not judge one's life if we don't really know the whole story." dagdag nya pa.

Katahimikan ang bumalot sa'aming dalawa hanggang sa nagsalita si Gail.

"I think malapit na natin makilala ang tunay mong mga magulang!"

Napakunot ang nuo ko sa sinabi nya.

"How?"

"Simpl, who's your mother's friend?"

Napamgiwi na lang ako sa itinanong nya.

"Hindi ko alam eh." sabay kamot sa ulo.

Ilang minutong katahimikan na naman ang namayani sa'aming dalawa hanggang sa napansin ko parang na-aligaga sya.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Shit!" mura nya pagkatingin sa relos nya at napatingin sa'akin. "Jc, I need to go." sabi nya sabay tayo. "Lagot ako ki mama neto, nakita tayo. Baka sabihin nun, naglalandi na naman ako."

Napatingin naman ako sa paligid at agad din namang ibinalik ang atensyon sa'kanya.

"Sige, late na din naman. Sorry sa abala. Ingat ka!" sigaw ko nang magsimula na syang tumakbo papaalis. Itinaas naman nya ang kamay nya at nagwagayway.

Pagkaalis nya ay tinitigan ko ang puno ng Nara. Sumandal ako sa upuan at ngumiti.

"Lumabas ka na, I know you're there." sabi ko.

Kanina ka pa dyan?

Tumama ang hinala ko nang dahan-dahan sya naglakad, kasabay nun ang pagdampi ng ilaw sa mukha nya kaya nakita ko ang kabuuhan ng kan'yang mukha.

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko.

"Why do you even care? I should be the one asking you questions." sabi nya sabay upo sa tabi ko.

Nagsalita ako nang hindi sya magsalita.

"What? Akala ko ba magtatanong ka?"

Sinamaan nya ako ng tingin.

"Are you flirting with her?" bigla nyang tanong.

I smiled and patted his shoulder.

"Ang seloso mo naman. Dont worry, she's all yours, Nathan."

------------------------------------------------
EDITTED-REVISED VERION

A/N: Revised some parts tho.

🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FAN!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro