🔎Chapter Twenty-nine
Jake
Break-up
TIK TOK. Tik Tok.
Gising na ako pero nakahilata pa din ako sa kama habang pinagmamasdan ang kisame ng kwarto. Nakakatamad tumayo't gumalaw ngayong umaga.
"Jake! Ano ba? Wala ka bang balak pumasok? Aba, naghihirap kami para lang makapag-aral ka tapos a-absent ka? Ala, pasok!" napabangon ako sa kama nang maramdaman kong papalapit sa dereksyon ko si mama. Alam ko naman kasing may dala-dala syang isang balde ng tubig na ibubuhos nya sa akin.
"Ma, naman! Eto na po, gagalaw na!" napakamot ako sa ulo ko habang kinukuha ang t'walya't pumasok na sa banyo.
Pagkatapos kong maligo, inayos ko ang sarili ko 'tsaka lumabas sa kwarto ko at nagpaalam ki mama. Hindi na ako kumain dahil hindi naman ako sanay kumain ng almusal. Umalis ako dala-dala ang kotse na binigay sa akin ng papa ko. May lisensya naman na ako kaya pwede na 'yan. Papunta na ako sa dereksyon ng eskwelahan namin nang may bigla akong maalala.
Si Gianna!
Agad kong iniliko ang kotse ko at pinuntahan ang bahay nila Gian. Si Gian ay pinsan ko na umuwi galing New York. She will be staying here in the Philippines for good, "daw". Ewan ko kung bakit pa sya nag da-dalawang-isip na manirahan ng permanente dito sa Pilipinas.
I smiled. I just can't help it. Alam kong mali ang nararamdaman ko para sa 'kanya, she's my cousin and to admit it, yes, I like her. I like Gian. I like my cousin. I don't care kung ano ang sabihin ng ibang tao dahil hindi mo naman madidiktahan ang puso kung kanino ito titibok.
"Hey Gian! Hatid na kita sa school nyo?" agad kong sabi nang makita ko syang palabas sa bahay nila.
Hindi ko ma-explain ang saya na naramdaman ko nang tumango sya at ngumiti sa akin. Sumakay sya sa passenger's seat at saka ko na pinaandar ang kotse. Habang nagmamaneho nagku-kwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa maka-abot kami sa eskwelahan nya.
"Salamat sa paghatid Jake! Sige na, male-late ka, oh!" agad kong tinignan ang relo na nasa kamay ko. Shit! Oo nga! Ten minutes nalang time na!
Nagpaalam ako sa kan'ya at agad na pinagarurot ang sasakyan sa dereksyon ng paaralan. Nang makarating sa room, agad akong pinalo ni Ella sa balikat.
"Peste ka talaga Jake! Bakit hindi mo ako sinundo? Ha?" napakamot ako sa ulo ko. "Alam mo bang hinintay kita?"
Oo nga pala! May usapan kami ni Ella na susunduin ko sya ngayong lunes. Nakalimutan ko. Eh, sa kailangan ko kasing ihatid sa school si Gian kundi male-late sya. Malayo pa naman 'yun.
"Beb, sorry nakalimutan ko. Ehehe," sabi ko sabay kamot sa batok. Eh, sa totoo namang nakalimutan ko, ah.
Nag-smirk nalang sya at tinarayan ako. Psh. Arte ng babaeng 'to! Ngayon ko lang naman sya hindi nasundo, ah? Tss. Nilabas ko ang libro ko sa Math 'saka nagbasa. Mabuti pang mag-review nalang muna habang hindi pa pumapasok ang teacher namin.
○○○
Ellaine
I FEEL so sad. As in. Dapat nga maging masaya ako kasi nagkabati na kami ni Jake. Pero I don't know. Parang... Parang nagbago kasi sya. Simula nung nagkabati kami, pakiramdam ko wala na syang gana sa 'akin. I mean, wala na 'yung dati. Nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-usap at ayusin ang hindi naming pagkakaunawaan at 'yun nga, nagkabati kami. Pero ngayon, ewan.
Dati araw-araw nya ako sinusundo sa bahay. Dati makulit sya at napaka-childish. Pero ngayon, parang ayaw nya na sa akin. 'Yong bang ayaw nya ako makasama, maka-usap. Nagsisisi siguro sya na nakipag-bati sa'kin.
Maybe I'm overthinking?
Yes! Baka 'yun nga.
Masaya akong naglakad patungong room dala-dala ang lunch na kinuha ko kanina lang sa may guard house. Nagpahatid kasi ako ki mama ng pagkain for two para sana samin ni Jake. But to my surprise, hindi ko sya nakita sa room.
"Asan si Jake?" tanong ko ki Gail.
"Nagmamadaling umalis, eh. Nagka-ayos na kayo?" tumango nalang ako.
"Kakain daw sa labas, eh. Akala ko kasama mo?"
Wala syang sinabing kakain kami sa labas. Umupo nalang ako sa upuan ko at napatingin sa dalawang lunch box na nasa harap ko. Sayang naman 'to.
"Anong ulam mo?" napatingin ako sa nagtanong na si Jc. Ngumiti na lang ako sa kan'ya.
"Adobong manok,"
Binuksan ko ang lunch box at bumungad sa'kin ang amoy ng bagong lutong pagkain. Nagulat ako nang biglang may tinidor na bumungad sa harap ko sabay tusok ng isang pirasong patatas.
"Ehehe. Pahinge," tumawa na lang ako at 'saka ibinagay sa kan'ya ang isang lunch box. "Sa'yo na 'to. Wala din naman kakain. Sayang lang,"
"Ganun ba? Salamat!" lalo akong natawa nang mabilisan nyang kinuha ang isang lunch box. Patay gutom talaga ang isang 'to.
"Uy, okay ka lang ba?" bulong sa akin ni Gail. Tumango nalang ako sa kan'ya.
Ewan ko. Hindi lang yata ako sanay na hindi kami magka-sabay kumain ngayon ni Jake. Maybe busy lang sya o kaya'y may emergency sa bahay nila. Be positive Ella! Tumango nalang ako't ngumiti.
Yeah, hanggang kaya ko, I'm okay.
Natapos ang lunch at ni anino ni Jake ay hindi ko nakita. Hindi sya pumasok ngayong hapon. Sayang dahil may bagong lesson tapos nag-quiz kami sa math, malaki laking points din 'yun, major subject, eh
"Iniisip mo si Jake noh?" sabi ng katabi ko na si Mich.
"Nakita ko sya sa isang restaurant..." and? Pabitin naman ang isang 'to. "May kasama syang girl. Ang sweet nila kanina. Nag-break na ba kayo?" natigil ako.
Babae? Ah, baka si Gianna kasama nya. 'Yung... pinsan nya.
"Ah, maputi ba tapos blonde yung buhok?"
Tumango sya.
Bigla akong nakaramdam ng inis nang tumango si Mich. Sana pala hindi ko na lang tinanong.
"Pinsan nya 'yun na kakadating lang dito sa Pilipinas. Natural ganun sila, ikaw ba naman matagal na nawalay sa pinsan mo, 'di ba magkakganun ka din?" mapait akong ngumiti.
She shrugged.
"Hindi din. Nung bumalik 'yung pinsan ko galing Albay, 'di naman ganun 'yung gestures ko, eh. And to think, he's a boy,"
Natulala nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Gusto kong idahilan yung magpinsan sila kaya ganun, gusto kong paniwalaan 'yun. Pero paano kung mismong nasa harapan ko na ang ebidensya?
"Unless..."
"They're close cousins-"
"Sabihin mo, hindi mo tanggap yung katotohanan kaya ang dami mong rason." ani Mich at humarap na sa unahan.
Tulala akong humarap sa unahan. Nakatitig ako kay sir pero wala ako naiintindihan sa sinasabi nya. Nang mag dissmissal, agad akong umuwi at nagpalit ng damit. Balak kong puntahan si Jake sa bahay nila. Wala lang, gusto ko lang. Gusto ko lang makasigurado na walang... ahas na umaaligid.
Kinuha ko 'yung brownies na binili ko nuong isang araw sa ref at nagsimula ng maglakad papuntang bahay nila Jake. Ang mama nya ang nagbukas ng pinto kaya naman nag-mano ako dito.
"Tita, si Jake po?"
Hindi pa man nakakasagot si Tita nang may dalawang taong bumaba mula sa hagdanan na nakakuha ng atensyon ko. Isang lalaki at isang babae na ayaw kong makita. Bahagya ko pang nakita na sumimangot ang mukha ni tita.
"Be- Ella, nandito ka?" halatang nagulat sya na nakita ako at napakamot sa ulo.
Ngumiti ako at at tinaas ang hawak kong isang box ng brownies.
"Nagdala ako ng brownies. Baka gusto mo," tumingin ako ki Gianna.
"Mabuti pa Ellaine, dito ka na kumain. Tutal, nakaluto naman na ako, eh," masayang wika ni tita. Magsasalita sana ako nang unahan ako ni Jake.
"Ma, baka busy si Ella. Ma-" pinutol ko sya. "No, hindi ako busy..." tumingin ako ki tita. "Pwede po ba tita?"
"Sus, oo naman! Tara dito sa kusina!"
Pumunta kami sa hapag. Handa na ang lahat at amoy na amoy ko ang mabangong ulam na bagong luto. Mukhang masarap.
"Gian, upo ka." napalingon ako ki Jake nang iusog nya ang upuan para kay Gian.
Bahagyang napasulyap pa sa akin si Gian bago umupo at ngumiti. Nanatili lamang akong nakatayo at hinihintay na ipag-usog din ako ni Jake ng upuan. Ilang segundo ang lumipas, walang nanyari. Kaya umupo nalang ako. Inilapag ko ang brownies na hawak ko sa lasema. Sandaling katahimikan ang namayani nang magsalita si Jake.
"Gian, tikman mo 'to. Paniguradong masarap 'to." sabay lagay ng chapsuy sa pinggan ni Gian.
"Syempre, si tita ang nagluto, eh,"
Naghintay ulit ako na pagsilbihan ni Jake ngunit sa huling pagkakataaon, walang nangyari. Nagsisimula na silang kumain pero ako ni wala pang pagkain sa pinggan.
"Ellaine, ayaw mo ba ng ulam? Anong gusto mo? Ipagluluto kita," dahil sa sinabi ni tita, lumingon silang lahat sa'kin. Umiling ako.
"Naku, hindi po. Nawalan po kasi ako ng gana. Uuwi nalang po ako," tumayo ako. "Jake, pwede ba kita maka-usap?" tumango naman sya.
Lumabas kami sa bahay nila para duon mag-usap. Malayo sa mama nya, at mas lalo ng malayo ki Gian. Sandaling katahimikan ang namayani. Hindi ko alam kung pa'ano mag-uumpisa.
Now playing: Sana
By: I belong to the zoo.
(A/N: Paki play nalang yung nasa media. Mas maganda kasi duon kasi habang nagbabasa kayo, tumutogtog.)
"So?"
Tumingin ako sa mga mata nya. Pinipigilan kong umiyak. Hindi lang ako mapakali sa mga nangyayari. Kanina sa sinabi ni Mich, 'yung kaninang nakita ko.
"Ano ba ako sa'yo?" halatang naguluhan sya sa sinabi ko dahil nagsalubong ang kilay nya.
"Girlfriend-"
"Pero bakit hindi ganun ang nararamdaman ko?" pagpuputol ko sa kanya. "Hindi ko feel na girlfriend mo ako,"
Natahimik sya.
"Simula nung dumating 'yang pinsan mo, nagkaganito na tayo! Hindi naman tayo dating ganito, ah?" napalakas ang boses ko.
"Ella-"
"Bakit Ella tawag mo sa akin? Ayaw mong marinig nya ang endearment natin? Bakit? Kasi natatakot ka?"
"Ella-"
"Ano?! Sabihin mo naman sa akin 'yung totoo, oh! Ano ba? Tayo pa ba o wala na?"
"ELLA! Pwedeng patapusin mo muna ako?" nabigla ako sa bigla nyang pagsigaw.
"You wanna know the truth? Fine! Syinota lang kita para pabalikin si Gian dito!"
Natulala ako sa inamin nya. Nag-uunahang bumuhos ang mga luha ko na kanina pang namumuo. Anong sabi nya?
"I love Gian! I love her more than you!"
Shoot! At sa moment na ito, naramdaman kong bumagsak ang mga luha ko. Eto yung gusto ko 'di ba? Malaman 'yung katotohanan? Bakit parang... ang sakit? Bakit naman ganito?
"Ano may tanong ka pa?"
Hindi ako makapagsalita. I'm shocked.
"Ginamit mo lang ako?" Hindi ba 'yun obvious Ella?
Sinapak ko sya.
"Sana sinabi mo ng maaga!" maluha-luha kong saad. "Sana tinapos mo na muna yung sa atin bago ka nakipaglandian sa iba!"
I smirked.
"Ano tingin mo sa' akin? Gamit na pwede gamit-gamitin lang? Hindi pwede 'yun, Jake. Hindi... pwede... 'yun," humawak ako sa gate nila nang biglang manghina ang mga tuhod ko.
Hindi sya nagsalita at nakatayo lang na nakatingin sa malayo.
"I'm sorry, umalis ka na,"
"Ano bang ginawa ko, Jake?" imbis na sagutin ako, pinalabas nya ako sa kanilang gate at ini-lock iyon. Tumalikod sya at nagsimulang maglakad.
Unang hakbang...
"Jake!" lumingon ka please.
Pangalawang hakbang...
"Please! Jake!"
Pangatlong hakbang...
Nag-flashback sa akin yung mga memories namin. Simula nung nililigawan pa lang nya ako, hanggang sa sinagot ko sya. Lahat ng 'yun ginawa nya para sa pinsan nya?
Pang-apat na hakbang...
"Bebe!" Alam ko kung gaano ka-corny at kung gaano ka-ayaw ni Gail ang tawagan namin. Pero, masisisi nyo ba ang inlove?
Pang-limang hakbang...
"Gago ka!"
Pang-anim na hakbang...
"Sana iba na lang syinota mo, gago!"
Pang-pitong hakbang...
"Ang sakit, tangina!"
Pang-walong hakbang...
"Wala kang konsensya!"
Pang-syam na hakbang...
"Isa pang hakbang... wala na. Tapos na tayo,"
Huminto sya kaya sandali nabigyan ako ng pag-asa.
"Umalis ka na," at tuluyan na syang pumasok sa bahay nila.
Pang-sampung hakbang...
Natulala ako. Hindi na ba talaga namin pwedeng ayusin? Wala na ba talaga?
Sinubukan ko syang tawagan sa cellphone ngunit out of coverage. Marahil, tinanggal nya ang battery. Biglang umulan ng malakas kaya naman napatakbo ako sa malapit na tindahan para duon muna magpalipas ng ulan.
Gago, 'yun, ah. Ang sakit.
----------------------------------------
EDITTED VERSION
A/N: Huwaaa. I think this part kindda lame. WAHAHAHA! I'm so sorry! But seriously, medyo nasasaktan ako habang ini-edit ang part na ito. Ang shakit😂
🌟VOTE
💭COMMENT
💯BW A FAN!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro