🔎Chapter Twenty-four
Gaik
Yearbook
TAWANG tawa ako ngayon sa pinapanood ko sa youtube. Nanunuod kasi ako ng Hanash Pilipinas. Mayroong dalawang bakla ang na naglilibot-libot sa isang partikular na lugar para magtanong ng random questions tapos kapag nasagot ito ng mga tao, may mapapanalunan silang pera. Grabe lang, ang lulupit ng mga sagot kaya ako natatawa, pero mga mali nga naman.
Nahanap ko ito kagabi habang nagii-scroll ako sa youtube. Bored kasi ako nun tapos nakita ko sa recommendations ng youtube. Eh, aksidenteng na-click ko.
"Hahaha!"
Hindi ko na napigilang tumawa dahil sa pinapanuod ko. Ano daw kasi ang tagalog ng typewritter, eh, ang sinagot ni manong ay coupon bond. Mas lalo tuloy akong natawa sa pagkaka-edit, isabay mo pa ang epic na mga mukha ng hosts.
Nandito ako ngayon sa canteen- actually, kasama ko ang barkada. Pero hindi ko sila feel dahil ang tahimik nila. Pinabayaan ko nalang. Bahala sila sa mga buhay nila.
"Hahaha!" nagpatuloy na lang ako sa kakatawa dito. Parang hangin lang naman kasi mga kasama ko.
"Uhh, kita-kita nalang tayo sa room," rinig kong pagbasag ni EB sa katahimikan. Hindi ko s'ya pinansin at tinutok lang ang atensyon sa pinapanood ko.
"Uy, Gail!" nilingon ko s'ya.
"Oh?"
"Alis na ako," paalam nya sa'kin.
"Oh? Andyan ka pala?" sarcastic kong pagkasabi pagkatapos binaling ang tingin sa cellphone ko.
"Sige,"
At naramdaman ko ngang umalis na si EB. Maya maya'y narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mich. May problema nga yata sila. Pero siguro labas na ako dyan kasi baka... you know, masabihan pa akong pakealamera. Hahayaan ko nalang sila. Baka maayos pa naman nila yang problema nila.
Mich
HINDI ko mapigilang map-buntong-hininga. Paano ba naman kasi, ramdam kong iniiwasan na ako ni EB. Oo nagka-problema kami. At sa tingin ko... hindi na namin ito maayos.
Tapos na kasi yata 'yung usapan namin.
Psh! Ang boba ko kasi! Ba't ba kasi hinayaan ko ang sarili 'kong ma-inlove ng tuluyan dun sa mokong na 'yun? Ambwiset!
Tinignan ko ang barkada. Si Gail hawak-hawak 'yung cellphone n'ya habang tumatawa na para bang wala ng bukas. Ang dami na ngang naka-tingin sa kan'yang estudyante pero mukhang walang pake ang bruha.
Si Ella naman, itong katabi ko, tahimik lang habang pinaglalaruan ang pagkain nya. Mukhang may problema din sila ni Jake. Habang si Jake naman ay nakatulala.
Hayssst! Ano ba namang buhay 'to! Parang life!
Napahilamos ako ng mukha at sa 'di sinasadya napalingon ako sa isang direksyon na sana ay 'di ko nalang ginawa.
Akala ko ba pupunta syang room?
May sinabi ba sya? Wala naman diba? Sinabi nya lang na kita-kita kayo sa room.
Oo nga. Ang boba ko talaga.
Gusto kong alisin ang tingin ko sa kanila pero 'di ko magawa. Ayaw yata ng mga mata ko. May kung anong gusto ko sila makita para malaman ko kung ano ginagawa nila.
Pero sabagay, nakatalikod naman sila.
Si EB kasama si Qwuennette, habang naka-akbay dito.
Bakit ganun? Hinanda ko naman ang sarili ko para dito ah? Bakit parang... ang sakit? Dahil ba mahal ko sya?
"Is he cheating on you?" napalingon ako sa nagsalita. Si Gail.
Seryoso syang nakatingin sa'kin habang naka-kunot noo. Patay na din ang cellphone nya na nasa kamay nya ngayon. Nakatingin din sa'kin sila Ella at Jake.
Umiling ako. "No," kasi hindi naman talaga totoo ang lahat.
Gusto ko sanang sabihin iyon pero 'di ko magawa. Wala akong lakas para masabi 'yun.
"Then why are you crying?"
Napahawak ako sa pisngi ko. May kung anong tubig akong naramdaman. Umiiyak na pala ako?
Tumayo ako. "Napuling lang ako. Comfort room lang ako," sabi ko sabay takbo.
Ewan ko kung bakit ako tumatakbo ngayon papuntang rooftop kahit sinabi ko namang sa C.R ako pupunta. Siguro kasi kailangan ko munang mapag-isa.
Napa-aray ako ng mapaupo ako sa sahig. May nabunggo kasi ako habang tumatakbo ako.
"Okay ka lang ba Miss?"
Pagkatapos mo akong bungguin tatanungin mo kung okay lang ba ako?
Inalalayan naman nya akong tumayo.
"Sorry," sabi ko't tumakbo na naman. Ba't ba ako takbo ng takbo? May fun run ba? Siguro umuwi nalang kaya ako? Gusto ko munang mapag-isa. Walang EB at walang barkada muna. Bahala na kung cutting classes ang ginagawa ko. Basta ang mahalaga, ay makalayo ako dito.
Gail
WALA ako magawa ngayon. Uwian na't tamad na tamad na naman ako. Paano ba naman kasi hindi na pumasok kanina si Mich. Lunch break kasi nuong oras na iyon kaya naman open ang gate kanina. Nakatakas 'yung bruhang 'yun, ah.
Si EB naman, kasama na naman 'yung kaninang kasama nya sa Canteen. Yung- Qwuennette ba pangalan nun? Si Jake at Ella, nauna na pero hindi sila magkasabay.
"Gail samahan mo ako," si Jc.
"Saan?"
"Sa dating school nila mama,"
Iyong school ba dati nila tita Veronica ang tinutukoy n'ya?
Tumango nalang ako. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay kaya sasamahan ko na lang si Jc. Pumunta kami kung nasaan ang kotse n'ya at nag-start na s'yang mag-drive. Medyo malayo-layo din pala ang school nila tita. Halos thirty minutes yata kaming bumyahe.
Sabi kasi ni Jc baka daw may malaman kaming impormasyon kapag pumunta kami dito. At para na din malaman namin kung sino 'yung babaeng bestfriend ni tita Veronica.
Paano ko nalamang babae? Malamang nabanggit ni Jc na inagaw nun 'yung lalaking gusto ni tita. Alangan namang lalaki 'di ba?
"Yes. Bring me your Excellent investigator," rinig kong sabi ni Jc tsaka binaba ang cellphone nya.
Bwiset 'to, nagce-cellphone habang nagmamaneho. Gusto nya ba kaming ma-aksidente? Nang huminto ang kotse agad namang bumaba si Jc at pinag-buksan ako ng pinto.
Aww. Sweet.
"Tara?" tumango na ako 'saka pumasok.
Muntik na kaming hindi makapasok dahil sa guard. Buti nalang may babaeng napadaan at pinigilan 'yung guard sa pagpapapasok sa'min.
"May maipag-lilingkod ba ako sainyo?" tanong n'ya nang makapasok kami sa opisina nya. "Pero pwedeng bilisan ninyo dahil isasara na namin itong paaralan?"
"Ahh, pwede po bang makita ko 'yung records ng bawat estudyante na naging kaklase ni Veronica Monsalve?" deretsyong sagot ni Jc.
Kumunot naman ang nuo ng babae at biglang tumayo. May kung anong kinalikot sya sa isang cabinet. Magkaraan ng ilang minuto, inilapag ang isang yearbook na punit-punit.
"Pasensya na kayo. Matagal-tagal na kasi iyan at kinain na ng mga anay ang iba," tumango nalang si Jc at sinimulang buklatin ang bawat pahina.
Halos punit punit na din ang bawat pahina at malalabo na din ang mga litrato kaya mas lalo kaming nahirapan. Pero may mga nakalagay namang mga pangalan, malabo nga lang.
"Jc, eto!" tinuro ko ang picture ng isang babae. Si Veronica Ailxe Monsalve. Ang ganda pala ni tita nuong kabataan nya. Hindi ako magtataka kung bakit ang gwapo ni Nathan.
Teka nga, si Nathan na naman? Bwiset! Ang layo ko na nga sa kan'ya sya pa din nasa-isip ko? Aish.
"Look, si papa," turo n'ya sa isang picture. Agad namang namilog ang mga mata ko. Ang gwapo ni tito! Wew! Kung sanang nabuhay ako nuong kabataan nila, swerte na lang.
Naku tito, huwag nyo naman sana akong multuhin! Sumalangit nawa!
Richard Ghux Cruz.
Pati pangalan ang gwapo.
Bigla akong may nahagip na isang picture. Parang pamilyar kasi 'yung mukha nya. Tinignan ko 'yung pangalan na ikina-bilog ng mata ko.
"Papa?" si papa!
Jason Brix Chua.
Ibig-sabihin, magkaklase sila papa, tita Veronica at tito Richard? Ang astig naman.
"Papa?"
"Oo! Si papa ito!" turo ko sa isang picture. Tuwang tuwa naman ako sa nalaman ako. Wala lang, masaya lang malaman na magkaklase pala sila dati nuon.
Ibig sabihin, sila tita Veronica at tito Richard ay college sweethearts pala nuon. Ang sweet naman.
Last na page na iyon at grabe! Ang dami pala nilang makara-klase nuon! Tinignan ko lahat ng mga pictures. Sayang nga at may punit duon sa isang picture nung babae. Duon pa sa bandang mukha nya. Pero 'di naman lahat. Nakikita pa naman bibig nya.
Feeling ko maganda ito. May nunal kasi malapit sa bibig. Eh, 'di ba pag may nunal daw duon, ibig-sabihin maganda? Tinignan ko ang pangalan kaso may punit din. Sayang naman. Tumingin nalang ako sa iba.
Ouch parang ang sakit nung sinabi ko? Tumingin sa iba? Lol. Bahala na nga.
May mga nakita pa akong iba na namukhaan ko. 'Yung naging kapit-bahay namin dati tapos 'yung isang kaibigan ni mama na si tita Alle. Gusto ko pa sanang tignan ang iba kaso sinaway na kami ng nagba-bantay kaya napilitan na kaming umalis na at umuwi.
------------------------------------
EDITTED VERSION
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro