Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Twenty-five


Gail
Affair


ISANG napaka-laking buntong-hininga ang ginawa ko nang tumunog ang school bell. Sign na break time na namin. Sa mga nakaraang araw, nasanay na akong hindi nakakasama ang barkada. Ramdam ko kasi ang ilang nila sa isa't-isa.

Nagsimula na akong maglakad sa corridor nang may maramdaman akong sumabay sa paglalakad ko.

"Oh, 'di mo yata kasama mga barkada mo?" nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Ewan. May sari-sariling LQ yata, eh." biro ko pa 'tsaka bahagyang tumawa.

Napatawa naman ng mahina si Jc ngunit hindi na nagsalita pa. Ramdam siguro na wala ako sa mood para pag-usapan iyon.

Nakarating kaming dalawa sa Canteen. Sandali kong inikot ang panginingin ko nang mahagip ng mga mata ko ang isang babae at lalaki na nagtatawanan. Sandali akong napahinto.

Bumalik na pala sya?

Napatingin ako sa gawi ni Jc na ngayo'y nakatulala. Sinundan ko ang tinitignan n'ya at napadako sa tinitignan ko kanina.

"Bumalik na pala si Eunice... 'di ko man lang nalaman," rinig kong sambit ni Jc. Napakunot naman ang nuo ko nang mahalatang may lungkot sa boses nya.

Wag mong sabihin...

"Tara na! Baka maubusan tayo ng snack," liningon ko si Jc na ngayo'y naka-ngiti sa harapan ko. Kapansin-pansing peke ang ngiti n'ya.

Pa'no ba naman, nakangiti s'ya pero sinasabi ng mga mata n'ya na malungkot s'ya.

Tumango naman ako't sabay kaming bumili ng pagkain. Nakatayo lang ako at naghahanap ng pwedeng maupuan nang biglang nginuso ni Jc iyong table nila Eunice. Nagda-dalawang-isip pa ako kung pupunta ba ako sa kanila o hindi.

Pero, sige na nga. Silang dalawa lang naman ang nanduon. Baka pwedeng maki-share 'di ba? Ang damot naman nila kapag hindi nila shinare 'yung table.

Napahinto sila sa pag-uusap nang makarating kami sa pwesto nila.

"Pwede ba kami dito?" tanong ni Jc.

"Sure," sagot naman ni Nathan.

Magkatabi kami ni Jc na umupo. Bale ang kaharap ko si Nathan at kaharap ni Jc ay si Eunice. Nakita kong napaayos ng upo si Eunice habang nakabusangot ang mukha.

Naistorbo ba namin kayo? Tss.

Umiling na lang ako sa na-isip. Ayokong ma-badtrip ngayon. 'Yung sa barkada ko pa lang nga naiinis na ako sa nanyayari.

"Nakauwi ka na pala ECA. Hindi mo man lang sinabi,"

ECA? Who's ECA?

"Who's ECA?" pagtatanong ko. Malay ko ba kung sino 'yun. Baka may nakikitang iba itong kasama ko.

"Me. ECA stands for Eunice Carmela Alexandra," ganun pala 'yun.

"So, anong ginawa nyo ni mommy sa Albay? Tss. Si mommy talaga. 'Di man lang inisip na may pasok ka,"

"It's okay naman, eh. 'Tsaka, I'm glad na nakatulong ako,"

Tahimik lang akong kumakaim dito habang nag-uusap sila Jc at Eunice. Hindi ko naman sya kaibigan, eh. Baka mamaya masabihan pa akong FC. Mahirap na.

"Ano bang ginawa nyo sa Albay?" pagtatanong pa din ni Jc. Umangat ako ng tingin.

Pero, wrong move.

Dahil nga kaharap ko si Nathan, nakita kong nakatingin pala sya sa'kin. Bigla tuloy ako na conscious sa sarili ko. Umayos ako ng upo at tumikhim.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" pagtatanong ko sa kan'ya. Dinuro ko pa ang mukha ko. Ewan. Bigla ko lang iyon naisip, eh.

Napatawa naman sya 'tsaka umiling.

"Wala..." naka-hinga naman ako ng maluwag. "Ang cute mo lang kumain. Tulad ka pa rin ng dati." natigilan ako sa sinabi nya.

Napanganga ako sa sinabi nya. Ano daw? Magsasalita sana ako ng biglang mag-ring ang phone nya. Nag 'Excuse me' s'ya 'tsaka sinagot ang tawag.

Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong lumabas pa s'ya ng Canteen. Ganun ba ka-importante iyong tawag n'ya para lumabas pa s'ya? Nawala ang tingin ko sa kan'ya nang biglang umalingawngaw ang isang kanta dito sa buong Canteen.

~I see your face cloud over like a little girl's
And your eyes have lost their shine
You whisper something softly~
I'm not meant to hear~

Dumako ang tingin ko sa dalawang naglalakihang speaker kung saan nanggagaling ang kanta.

"Anong meron?"

"I don't know," kibit-balikat na sabi ni Eunice.

~Baby tell me what's on your mind
I don't' care what people say
About the two of us from different worlds~

Then suddenly isang boses ang narinig kong kumakanta. Wait, familiar sya.

~I love you so much that it hurts inside
Are you listening
Please listen to me girl~

Biglang nagtilian ang mga estudyante kasabay ng paglabas ng isang lalaki mula sa likod ng mga lalaki na mukhang kasabwat n'ya. Namilog na lang ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino 'yun.

Lumapit s'ya sa isang babae at hinawakan ang kamay nito. Kinakantahan n'ya ito habang magka-hawak-kamay silang dalawa. Nagkumpulan ang mga tao na mahahalata mong kinikilig sa nakikita nila.

~Can't we try just a little bit harder
Can't we give just a little bit more
Can't we try to understand
That it's love we're fighting for~

Napukaw ng mga mata ko ang babaeng umiiyak na nakadungaw sa pinto ng canteen.

"Mich..." bulong ko.

Bigla ako nakaramdam ng galit. Tinikom ko ang kamay ko 'tsaka tumayo. Nakita ko sa peripheral view ko na napatingin sa'kin sila Jc at Eunice.

"Saan ka pupunta Gail?" hindi ko pinansin si Jc sa halip ay dali-daling lumapit sa nagku-kumpulang mga tao.

Nakisiksik ako hanggang sa makita ko ang puntirya ko. Lumapit ako sa kanila at sandaling huminto. Napahinto din si EB sa pagkanta't tumingin sa'kin. Hindi lang pala si EB dahil lahat ng tao ay nakatingin sa'kin. Iyong iba narinig kong nagreklamo keyso ang KJ ko daw ganito gan'yan.

Bakit? Kung sila kaya sa sitwasyon ko, magiging KJ ka pa kaya kung nakikita mo ang boyfriend ng kaibigan mo may pinopormahang iba habang 'yung kaibigan mo, harap-harapan na nakikita kung pa'no mag-effort 'yung boyfriend n'ya sa iba? At ang matindi, wala kang makikita na kahit anong pagsisisi sa mukha nya? Or kahit na konsensya man lang.

"Gail-"

Hindi ko s'ya pinatapos magsalita at agad ko s'yang sinampal ng paka-lakas-lakas. Medyo bumakat pa sa pisngi n'ya ang kamay ko dahil sa lakas ng pagkaka-sampal ko. Nagsinghapan ang mga tao kaya napa-smirk ako.

"Oh my Ghad!" singhap ni Qwuennette.

"How dare you! Kaibigan pa naman kita! Ang lakas ng loob mong lokohin si Mich!" nakarinig akong bulong-bulungan ngunit hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang sasabihin ko.

"Akala ko kaibigan mo lang sya. Wala akong idea na linoloko mo na pala kaibigan ko- natin! How-" nagsalita sya na ikinatigil ko.

"Wala kang alam Gail! So don't you say na niloloko ko si Mich. 'Cause in the first place hindi ko naman sya minahal! Second, hindi-"

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko ulit sya pinatapos magsalita at sinampal na naman sya. This time, harder. Baka sakaling maalog ang kukute nya at matauhan sya sa pinaggagagawa n'ya.

"Yes. Sabihin na nating wala ako alam. I have no freaking idea! Pero wala kang karapatan na ganituhin ang kaibigan ko EB! You don't have the freaking rights!" humakbang ako papalapit sa kan'ya at sinampal na naman sya ng malakas.

Narinig kong napa-'Ohww' ang mga tao. Ngumisi ako sa kan'ya.

"Tatlong sampal na 'yan. Baka sakaling matinuan ka't makita mo kung gaano nasasaktam ngayon si Mich sa ginawa mo,"

Tinignan ko ngayon si Mich na nasa pintuan. Puno na ng luha ang mukha n'ya. Then suddenly, bigla s'ya tumakbo. I know kailangan ako ngayon ni Mich. Kaya naman iniwan ko na si EB sa canteen at nagmamadaling tumakbo para sana maka-usap at ma-confort ko si Mich.

Pero agad syang nawala sa paningin ko. Asan na ba ang babaeng 'yun? Bwiset ang bilis tumakbo! Naglakad lang ako ng naglakad at napalingon-lingon sa paligid. Nagbabaka-sakaling makita si Mich.

"No! Wala ka ng karapatan!"

Napahinto ako nang marinig ang sigaw na iyon. Si Ella 'yun, ah? Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng court kung saan narinig ko ang sigaw ni Ella. Sumilip ako dito. Iniingatan kong hindi nila ako makita.

"Please, Ella. No," wait. That voice... Nathan?

Mas inilapit ko pa ang sarili ko para makita ang nangyayari. Wait, Ella and Nathan. Are they... sila ba? Ba't hindi ko alam? Nakahawak si Nathan sa mga kamay ni Ella animo'y pinipigilan ito.

Are they having an affair?

Suddenly I felt betrayed. Bakit? Si Ella ba ang dahilan kung bakit kami naghiwalay dati? Pero, kasama ko s'ya nung nahuli kong may kahalikang iba si Nathan. Hindi kaya plano lang nila iyon para magka-hiwalay na kami ni Nathan at para malaya na sila? Teka, ayaw ko itong mga pinag-iiisip ko.

Naramdaman kong may luhang umagos mula sa mga mata ko. Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan ang paghikbi. Bumabalik na naman kasi. Bumabalik na naman 'yung sakit. Okay na kami, eh. Okay na. Pero bakit ganito? Bakit nila ako ginaganito?

*KRINGGGG

Napatakbo ako nang marinig ko ang bell. Baka makita pa nila ako na nakikinig sa usapan nila. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. I'm hurt. I feel betrayed. Okay na eh. Okay na. Tanggap ko na ang nangyari nuon pero sa mga nalaman ko? Ang sakit.

--------------------------------------
EDITTED VERSION

ALLE: Okay, naisipan kong mag UD kasi matagal tagal na din since nung last chap. So, hope you all enjoyed reading! Comment your thoughts sa nanyari. It will be much appreciated!❤

VOTE🌟
COMMENT💭
BE A FAN!💯

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro