🔎Chapter Twenty
Gail
Help
TAHIMIK kong tinitigan si J. Hindi ako nagsalita ganun din sya. Hinihintay ko syang sumagot pero sa tuwing binubuka nya ang kan'yang bibig ay tinitikom nya din kaagad. Napa-buntong hininga na lang ako.
"Wala. Trip lang namin."
Napatigil ako.
"Eh, bakit ka umiiyak?" napatawa ako. "Mukha kang bata." dagdag ko pa.
Ngumiti sya at humarap sa'akin.
"Naalala ko lang kasi, ampon pala ako." yumuko sya habang tumatawa pero napaangat din naman. "Na wala akong karapatan kasi hindi naman ako kapamilya."
Nalungkot ako sa sinabi nya. Hinmagod ko ang likod nya nang makita ko na maiiyak ulit sya. Gusto kong sabihin sa'kanya na hindi naman naka-batay sa dugo kung kapamilya na ito, pero hindi ko man lang nagawang ibuka ang bibig ko.
"Kapuso kasi ako." sabi nya na ikinatigil ko.
Napatingin ako sa'kanya at tinaasan sya ng kilay. Ang kamay ko na kaninang hinahagod ang likod nya ay ginamit ko para batukan sya.
"Oh? Para saan yun?" tanong nya habang minamasahe ang batok nya.
"Alam mo, hindi ko malaman kung kailan ka nagse-seryoso e. Ano ba?" inis kong singhal sa'kanya. "Seryoso nga Jc!" Pagkasabi ko ng mga 'yon ay nakita kong nagseryoso ang mukha nya.
"Okay," dahil sa sinabi ko napaayos ulit sya ng upo. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. "Galit sa'akin si Mommy."
Medyo natawa ako sa sinabi nya, parehas pala kami. Galit din sa'akin si mama, pero ang pagkakaiba lang, mukhang may pag-asa pang magkabati sila ng mommy nya. Pero kami ng mama ko?Ewan.
"I feel you!" sabi ko sabay tawa. "Galit din sa'akin si mama e." tumawa ako. "Bahala na sya. Kung magalit sya edi magalit. Wala naman ako magagawa."
"Bakit ba nagalit sa'yo mama mo?" tanong ko.
"Hmmm. Kasi nga, nagsuntukan kami ni Nathan." sabi nya sabay tawa na naman.
"Sa'yo lang? Bakit ba kasi kayo nag-away? Hindi ako naniniwalang trip nyo lang." dagdag ko.
Tumigil sya sa kakatawa nya at tumingin ng deretsyo sa'akin. Parang may sinasabi 'yung mga mata nya pero hindi mo matukoy kung ano 'yun.
"Hindi mo na kailangang malaman." sabi nya. "Dahil sa sinabi ko, nasuntok nya ako. Gumanti naman ako. Papa-api ba lolo nyo?" sabi nya sabay ngiti na naman.
Napa-roll eyes na lang ako ki Jc. Hindi ko lubos na maisip kung totoo bang ang mga sinasabi nya ngayon o parte na naman ang mga iyon ng joke nya. Kailan kaya seseryoso ang lalaking ito?
"'Tsaka, 'di nya kailangang magalit. May iba akong gusto. Hindi nga lang ako pinapansin."
Pagkatapos nyang sabihin ang mga katagan 'yun ay napatingin sya sa ibang dereksyon.
"Sino yung girl?" tanong ko.
"Secret."
Napasimangot ako sa sinabi nya.
"Tawa mo? Sapukin kaya kita dyan."
Tumigil sya sa kakatawa at tumingin sa'akin- wait, hindi pala sa'akin, kundi sa likod ko. Tinignan ko ang tinititigan nya at nakita ko ang isang puno ng Nara.
"Anong meron sa puno?" natatawang baling ko sa'kanya.
Umiling naman sya at tumawa na din.
"Wala, nagagandahan lang ako."
Tumango na lang ako kahit hindi ako naniniwala sa sinabi nya. Katahimikan ang bumalot sa'aming dalawa at tanging mga kuliling lang ang naririnig ko nang magsalita ako.
"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" tanong ko. "Sabi mo sa text may hihilingin ka?" naalala ko kasi ang nai-text nya sa'akin kanina. "Ano ako Ginnie?" biro ko.
Tumawa sya at umayos ng upo.
"Hmmm, nakalimutan ko e."
Napaawang ang mga labi ko sa sinabi nya at katahimikan na naman ang bumalot sa'aming dalawa. Ano bang nangyayari? Kanina lang ay ang daldal nya? Ano bang meron at nanahimik na sya ngayon?
"Magsalita ka naman nga."
"Ano naman ang sasabihin ko?"
Napabuntong hininga na lang ako sa frustration sa'kanya.
"Diba sabi mo ampon ka?" napatango naman sya sa sinabi ko. "Eh, kilala mo ba tunay mong mga magulang?"
Napakunot ang nuo nya at nag-isip muna bago nagsalita.
"Hindi ko alam eh. Everytime kasi na itatanong ko ki mommy ang tungkol duon nagagalit sya. Tapos nun 'di nya ako kaka-usapin. Kaya nga iniiwasan ko ang itanong 'yun ki mommy kasi alam kong magagalit sya." mahabang paliwanag nya.
Pagkatapos ay napatingin sya sa langit. Nakita ko namang lumikot ang mga mata nya na parang may hinahanap. Napatingin na din ako sa langit at napamagha sa nakita kong mga bituin sa langin.
"Alam din 'yun ni papa. Minsan tinanong ko sya tungkol dun, narinig ni mama at nag-away sila."
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya sa'akin pero bigla kong naalala ang kuya ko nang tignan ko ang mga bituin sa langit. Kung sana ay buhay pa sya hanggang ngayon at nasa tabi ko edi sana yinakap ko na sya ng mahigpit pa sa mahigpit.
Kuya? Nakikita mo ba ako? Bantayan mo ako lagi ah? I love you, Kuya.
"Magtataka ka ba kung sasabihin ko sa'yong twenty-three years old na ako?" natigil ako sa sinabi nya.
Napatingin ako sa'kanya na nakatingin na din pala sa'akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Isa sa mga jokes na naman ba nya ito? Twenty-one? Wow! Kung twenty-one years old na sya, edi dapat nasa kolehiyo na sya.
"Weh? Ba't mukhang bata pa 'yang mukha mo? Hay nako Jc, huwag mo nga akong lokohin." natatawang ani ko sa 'kanya.
Tapos napatingin naman ako sa'kanya.
"Totoo! The reason why mukha akong bata kasi pinaretoko ako ni mommy. Na-aksidente daw kasi kami nun nung pauwi na kami ng bahay galing ampunan. Then sa lakas ng impact, damage buong mukha ko. So, yun. Retokado ako."
Sinuri ko ang bawat parte ng mukha nya. Hindi naman halatang retokado at hindi mukhang retokado. Hinawakan ko pa ang pisngi nya at pinisil ang ilong. Nang hindi ako makuntento ay sinapak ko sya.
"Aray! Bakit mo ako sinapak?" sabi nya habang hawak-hawak ang pisnging sinapak ko.
"Wala, diba kasi kapag retokado bawal galawin muna. Since five years na ang lumipas dapat kapit na kapait na 'yan sa mukha mo." sabi ko.
"Tini-test ko lang kung maganda pagkakagawa." pinipigilan kong huwag matawa sa naging reaksyon nya.
Magsasalita pa sana sya nang inanahan ko na sya sa pagsasalita.
"So na-aksidente kayo. Tapos anong nangyari?" ani ko.
Hindi muna sya nagsalita at minasahe ulit ang pisngi nya.
"Ayun, nabuhay ako." tawa nya. "'De, apat na buwan nung nagparetoke ako, namatay si Papa. Na-aksidente din tapos nasunog yung sasakyan."
Napatango-tango ako sa sinabi nya. Buti na lang ay gindi sya sinisi ng mommy nya sa pagkawala ng daddy nya? 'Di tulad ko. Hindi na ako nagsalita at ganun din naman sya. Tahimik akong nakaupo at titignan ulit sana ang langit nang tinawag nya ako.
"Gail," napatingin ako sa'kanya. "Naalala ko na 'yung hihilingin ko sa'yo." sabi nya na ikina-kunot ng nuo ko.
Hindi ako nagsalita at tinitigan lang sya.
"Gusto ko makilala ang tunay na mga magulang ko,"
Napalunok ako nang may bumakas na hint sa'akin kung ano ang hihilingin nya. Pero huwag naman sana.
"Tulungan mo akong hanapin sila, Gail. Please."
Nanlumo ako sa sinabi nya. May parte naman sa'akin na gusto syang tulungan pero may parte din sa'akin na nagsasabing 'huwag mong tanggapin 'yan dahil mahirap 'yan.'
Nanatili syang nakatingin sa'akin ganun din naman ako. Hindi ako palayag. Hindi.
"Please,"
"O-okay,"
Sabi ng hindi ako papayag e!
------------------------------------------------------
EDITTED-REVISED VERSION
🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FA!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro