Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Thirty-two


Gail
Stalker

MAY gwapo akong nai-spot-an dito sa terrace ng bahay namin. Ahihi, landi naman. Bakit ba? Ang gwapo, eh. Crush ko. Hahaha! Kasalukuyan ko syang tinitignan mula dito habang nag ce-cellphone sya. Dito ko nakita sa kapit-bahay namin. Bakit ngayon ko lang sya nakita? Ang sagot, ewan. Pero ang gwapo nyang maging katulong.

That's right, katulong! Akala ko nga nung una, anak sya nung kapit-bahay namin, pero napaisip akong, wala naman pala anak kapit-bahay namin dahil matandang dalaga ang nakatira dito.

Mahina akong napangiti sa naisip ko. Ano ba naman 'yan, Gail! Nagkita lang kayong dalawa ni Nathan kahapon, bumobo ka na.

Napailing ako. Wait, Nathan na naman?

Pero imbis na maiinis, mas lalong lumapad ang ngiti ko. Kinikilig ako. Oo na, nakakakilig naman talaga 'yung mga pinaggagawa nya. Hindi ko naman mapigilang hindi kiligin lalong-lalo ng may past kami, minahal ko din naman 'yun.

Ehh, blah blah blah.

Nabalik nalang ako sa reyalidad nang makarinig ako ng sigawan. Napatingin ako kung saan nanggagaling ang ingay at ganun nalang napalaki ang mga mata ko nang makita ko 'yung crush kong kapit-bahay nakatingin sa akin kasama 'yung mga kaibigan nyang tambay yata na nakatingin din sa akin habang nakangiti at tinulaktulak pa 'yung crush ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla akong nahiya. Nakangiti kasi ako kanina bago nila ako mahuli at natulala malapit sa kanila. Baka akala nila isa sa kanila ang nginingitian ko.

Putspa naman, oh.

Hindi ko na nakayanan ang hiya ko kaya naman dali-dali akong nagtago't pumasok sa loob papunta sa kwarto ko. Nakakainis naman!

Nakaramdam ako ng gutom kaya naman bumaba ako at deretsyong pumunta sa kusina. Pagkabukas ko ng ref, natakam ako bigla ng makita ang isang slice ng chocolate cake na may strawberry ang toppings. Nilabas ko ito at kinain.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng pumasok si mama sa kusina dala ang dalawang malalaking eco bag sa kamay nya. Nilagay nya ito sa lamesa at nagsimula ng ayusin ang mga iyon.

"Naku!" napatingin ako ki mama. "Gail anak, nakalimutan kong bumili itlog. Pwede bang bumili ka ng apat kanila aling Pisi?" nakahawak pa sya nyan sa batok nya.

"Makakalimutin na talaga ang nanay mo,"

"Sige ma," nilahad ko ang palad ko. "Bayad?"

Nameywang naman sya.

"Aba, hindi ba pwedeng libre?"

Natawa naman ako.

"Ma, sa panahon ngayon, wala ng libre libre,"

Natawa naman si mama at ibinigay sa akin ang pambayad. Maingat akong lumabas sa bahay namin para hindi ako makita nung katulong ng kapit-bahay namin. Nakakahiya naman kasi. Nang masigurado kong walang tao sa paligid, dali-dali akong tumakbo papalayo sa lugar. Hingal na hingal ako habang tinatahak ang daan papunta sa tindahan nila aling Pisi.

Bakit kaya Pisi ang pangalan ni aling Pisi? 'Di ba kapag madami kang ginagawa, Pisi ka? Hahaha! Waley. Pansin ko ngayon, hindi na mainit ang ulo sa akin ni mama. Iyong tipo na, hindi na sya sa akin palaging galit at tinuturing nya na akong anak. Siguro naisip nya na it's time to forgive.

Si papa, nagbyahe na sya papunta sa Manila. Oha, hindi na sya palaging nasa bahay! Improving na si papa dahil nagkaroon na sya ng trabaho! Sa pagkakaalam ko, nakahanap sya ng slot sa isang sikat at malaking kompanya sa Manila. Nangangailangan daw ng Janitor. Aba aba, huwag maliitin ang Janitor, ah. Kahit hindi naman gaanong kataaas ang posisyon ng Janitor, marangal pa din ito at hindi illegal. Kaninang umaga ang alis ni papa. Ni hindi man lang ako nakapag paalam sa 'kanya. Na-late kasi ako ng gising. Kapag kasi mga Weekends, sanay akong magising ng tanghali na or minsan super late na talaga.

Hindi tulad ng mga senator ngayon, mataas nga ang posisyon,
Kurakot naman. Example nalang, si Bong Revilla. Ang yaman yaman nya at artista pa pero hindi pa din sya kuntento at pumasok pa talaga sya sa pagiging senator para lang makakuha ng mga pera. Imagine, pera iyon ng taumbayan pero sya, ibinubulsa lang. Aba, huwag lang iyan magpapakita sa akin dahil isasampal ko sa pagmumukha nya iyong sixteen draft cases nya.

Pero hindi din naman tanga si Bong, eh. Ang mga Pilipino din. Imagine, alam na nila na kurakot at mandurugas si Bong, but still, binoto pa nila. Like what the?

Teka nga, paano napunta sa politika ang usapan?

"Aling Pisi, apat nga pong itlog," sabi ko ki aling Pisi nang makarating ako sa tindahan nya.

Nang ibigay nya ang binili ko, aalis na sana ako nang pagtalikod ko nakita ko ang mga kaibigan nung kapit-bahay ko. Napamura ako sa isip. Bwiset naman, sinusundan kaya ako ng mga 'to?

"Miss 'di ba ikaw 'yung kapit-bahay nila Gaen? 'Yung babaeng kanina sa may terrace?"

I just stood there. Wala ako magawa. Nakakahiya! Wait, nandito sila, so it means, nandito din 'yung lalaking kapit-bahay namin?

"Oo sya nga pare!" sabi nung isa.

Kung titignan, gwapo din naman sila. Binabawi ko na 'yung kaninang sinabi ko na mga mukhang tambay sila. Napatingin ako sa isa pang lalaking kasama nila.

"By the way, I'm Mycroft. Just call me 'Croft' in short," nilahad nya pa ang kamay nya pero hindi ko tinanggap.

Kasi naman, wala talaga ako magawa! Naiisip ko pa din 'yung kanina. Tumango nalang ako. Napakamot naman sya sa batok nya nang hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay nya.

"And this is Creon,"

Nag-wave naman yung Creon sa akin habang nakangiti. Nginitian ko din sya. Ang rude naman kasi kung sisimangutan ko lang sya 'di ba?

Eh, 'yung hindi pagkikipag-shakehands kay Mycroft? 'Di ba rude din 'yun?

Napailing ako sa naisip.

"And this..." turo ni Mycroft sa isa pang lalaking nasa likuran nila.

"I'm Xander. Nice to meet you," pagpapakilala nya.

Nginitian ko din sya. Lumipas ang ilang segundong walang nagsalita. Huminga ako ng malalim at aalis na sana nang magsalita si Creon ba 'yun?

"'Di ba ikaw si Gail? Gail Chua?"

Tumango naman ako. Paano nya nalaman ang pangalan ko? Ni hindi ko nga sila kilala. Nagsimula akong maglakad at napansin kong sinusundan pala ako ng tatlo.

"Brad, siguro magseselos 'yun si Gaen kapag nalaman nyang kasama natin sya," bulong ni Xander pero narinig ko naman.

Magseselos? Bakit naman?

Tumingin ako sa kanila na may malaking question mark sa aking mukha. Napatigil naman sila dun.

"Should we tell her?"

Tell her what?

"Anong sasabihin nyo?"

Mas lalong napakunot ang nuo nang magsalita sila ng ganun. What the hell? Hindi ko nga sila kilala pero kung makapag-salita sila, akala mo matagal na nila akong kilala, and take note, may sasabihin daw sila sa akin.

"Yep, wala din naman mawawala. Malalaman din naman nya,"

Okay. Pinag-uusapan nila ako sa harap ko mismo.

Humarap sa akin si Mycroft at sinalubong ako ng makahulugan nyang ngiti na makalaglag panty. Pero syempre hindi nahulog panty ko, matibay kaya garyer nito!

"Uhm, pano ba 'to?" napakamot sa ulo si Mycroft

"We are from Stanward University," sabad ni Creon.

Stanward? Pamilyar- Aha!! nakalaban iyon ng school namin last year sa basketball! Sa school nila ang venue at ang natatandaan ko nun, ang school namin ang nanalo sa larong iyon. 93-90 ang score. Bakit sila nandito? Mag re-revenge ba sila dahil hindi sila nanalo nuon? Ano? Sasaktan nila ako kasi school namin ang nakatalo sa school nila last year?

"Hahaha! Wala kaming gagawin sa'yo!" sabi ni Mycroft.

Nabasa nila isip ko?

"Anong kailangan nyo sa'kin?" deretsyo kong saad.

Nagkibit-balikat naman si Creon.

"Bakit nyo ako sinusundan?" tanong ko ulit.

"Sabi ni Gaen," Simpleng saad ni Xander.

Gaen? Yung kapit-bahay namin? Gaen ang name nya?

"To tell you, stalker mo si Gaen," natawa si Mycroft sa sinabi at nakipag-apiran pa ki Xander.

Stalker? Paano ko naging stalker 'yun?

"Para malinawan ka, Gaen is... Err, your admirer? Hahaha amp!" natawa na rin si Creon.

"Bakit ba natin 'to ginagawa?"

"Cause Gaen's our friend. He owe us one. Torpe kasi 'yung isang 'yun."

Habang busy sila sa pakikipag-chismisan sa isa't isa, sinamantala ko na ang pagkakataon para makalayo sa kanila. Ang creepy nilang tatlo, ah. Nang medyo makakayo na ako tumingin ako sa likuran ko kung may sumusunod ba, lckily, wala ako nakita. Pagkaharap ko sa dindaanan ko, sakto namang may nabangga ako.

"Sorry,"

Tumingala ako at ganun nalang ang paglaki ng mata ko nang makilala kung sino ang nasa harapan ko.

○○○

NAGLALAKAD kami ni Gaen pabalik ng bahay. Oo, tama, si Gaen. Actually, wala naman ako balak tanungin sya tungkol dun sa mga pinagsasasabi mismo ng mga kaibigan nya pero sya na mismo ang nag open-up.

"Mga kaibigan ko talaga," tapos napahawak sya sa batok nya. Natawa nalang ako.

"Uhm, Gail. You see, totoo ang sinabi nila," he chuckled. "I'm your stalker,"

"Why?" bigla kong natanong sa kanya.

Curious lang ako na malamman ang dahilan.

Nagkibit-balikat sya.

"I don't know. Maybe you just caught my eyes that day that I can't stop stalking you after that," tumingin sya sa akin.

Iniwas ko naman ang sarili ko sa pagharap sa daanan at tingin lang ng deretsyo. Teka, ibig bang sabihin nun, kinuha ko mata nya?

"Una kitang nakita nun, nasa bleachers ka sa school kasama mo mga kaibigan mo. Love at first sight kung tawagin. Ang ganda mo kasi,"

Suddenly, naramdaman kong namula ang mga pisngi ko. Sa sinabi nya parang lumaki ang tenga ko at gusto pang makarinig ng mga papuri nya.

"Kalaban ng school namin ang school nyo sa basketball. We loose that match. All my life ayaw na ayaw ko ang natatalo, pero nung araw na 'yun sabi ko sa sarili ko, okay lang. Cause you're part of the school. Alam mo 'yun? Estudyante ka."

Nakikinig lang ako sa kanya.

"Then 'yun nga, I stalked you. But ganun nalang ang kadismayahan ko nang malaman kong may boyfriend ka, si Nathan," then may binulong sya na sobrang hina kaya hindi ko narinig. Kailangan ko tuloy sya tanungin kung ano 'yung sinabi nya.

"Ano yun?"

Umiling sya at imbis na sagutin ang tanong ko, pinagpatuloy nya ang pag-kwento nya.

"Alam mo bang sobrang saya ko nung nalaman kong naghiwalay kayo? I heard he cheated on you?"

Napatigil ako. Ayaw ko ng balikan iyon. I'm over it.

"Sorry," napansin nya yatang nag-iba ang mood ko nang ma-bring-up nya ang topic.

"Okay lang. I'm over it," ngumiti ako.

Nakita ko namang ngumiti sya.

"Sorry kung ngayon ko lang sa'yo ito sinabi. Alam ko kasing kakagaling mo lang sa break-up and it's rude kung bigla-bigla nalang ako papasok sa eksena 'di ba?"

So, anong ibig nyang sabihin?

"Maybe, sapat na ang apat na buwan. You're over it naman 'di ba?" sabi nya.

Wait, parang alam ko na kung saan ito tutungo, ah? Am I ready? Sh*t. Pumunta sya sa harapan ko at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Can I court you?"

○○○

HINDI ko alam ang gagawin nung tanungin ako ni Gaen kung pwede ba daw nya akong ligawan. Kaya naman, tumakbo ako papuntang bahay. Wala akong pake kung tinatawag nya ako, basta tumakbo ako pauwi. Pagkatapos kong ibigay ki mama ang itlog, pumunta ako sa kwarto ko at nagkulong. Sinaraduhan ko din ang pinto papunta sa terrace at ibinaba ang kurtina para hindi ko sya makita. Hindi ko lang alam ang gagawin ko. Am I ready to enter a new relationship? Ready na ba ulit ako?

Apat na buwan na nakakaraan nung naghiwalay kami ni Nathan. Dapat ready na ako 'di ba?

So it means, papayagan ko si Gaen na ligawan ako?

Umiling ako!

Bahala na si batman! Kung ano ang mangyari, edi mangyari! Wala naman ako magagawa duon, eh. Kung 'yun ang nakatakda, edi 'yun na.

Bumaba ako para tulungan si mama sa pagluluto. Nang makapagluto, kumain na kami. Ako na ang nagprisentang maghugas ng pinggan at pagkatapos ay umakyat ulit ako sa kwarto ko dahil inaantok na naman ako. Bwiset! Daig ko pa yata ang buntis at baboy sa ginagawa ko, eh.

Pero seryoso, Am I ready to enter a new relationship?

-----------------------------------
EDITTED VERSION

A/N: Baboy din naman ang nagbabasa nito, eh. AHAHAHA! Mga banat ni Gail. New update for today. Haha! I know it's lame, but, pagtyagaan nyo na HAHAHA! Tyaga lang ng tyaga, may adobo kayo as a reward 😂

🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FAN!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro