Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Thirty-three


Gail
Time

IT'S BEEN month since the last hang out of barkada. Ramdam ko na may namumuong tensyon sa kanilang apat. I know they're into something, na may problema sa kanila. And as a friend, I want to be the bridge para bumalik ulit sa dati ang barkada. Iyo dati na masaya lang.

Kay Mich at EB, I know na may tinatago sila sa akin. Not just sa akin but sa buong barkada, same as Jake and Ella. That's why I need to know it. Para naman maliwanagan ako sa nangyayari sa kanila at maprotektahan ko ang mga babae kong kaibigan. Kahit pa kaibigan ko sila EB at Jake, hindi ko hahayaang api-apihin lang nila mga kaibigan ko, noh.

Naguguluhan lang ako ng kaunti. They're inlove with each other but then suddenly, wala. Nawala ang dating sweetness nila. I think, it's about the girl named 'Qwennette' or 'Qwen'

Naisipan ko na pumunta ng perya kasama ang barkada. Gabi naman ngayon kaya siguradong hindi ako makikita ni Gaen. And besides, kailangan ko din ilibang ang sarili ko. I think that's a good idea, matagal tagal na din. I reached out for my cellphone then nag-type. I know hindi sila papayag kapag nalaman nilang kasama ang buong barkada. Like- pag nalaman ni Ella na kasama si Jake, since nagkakailangan nga sila, hindi sya papayag. Same as Mich and EB. Kaya naman iniisa-isa ko silang minessage na pumunta sa perya. Hang-out time!

From: Ella.
Okay. G ako d'yan. Wala naman sila mama 'taka papa, eh.

From: Mich
Game! What time ba?

From: Jake
Nice, marunong ka na gumala Gail, ah.

From: EB
Uhm, okay. I need to talk to you, I wanna say sorry. Let's talk later.

Buti naman ay pumayag silang lahat. Itinext ko sa kanila na ngayon na pupunta sa perya at sa entrance muna maghintay. Nag-okay lang ako kay EB, 'yun lang. I think kailangan din talaga namin mag-usap. I felt guilty sa ginawa ko sa kanya duon sa canteen, but, I'm just defending Mich.

Tumayo na ako sa kama't naligo ng mabilisan. Nang matapos, bumaba na ako. Naabutan ko si mama na may kausap sa telepono, siguro si papa iyon dahil tuwing gabi ay magkausap sila.

"Oh, anak. Nagugutom ka ba? May natira pang itlog dyan sa lamesa," ani ni mama.

Ngumiti lang ako 'tsaka umiling.

"Hindi na po mama," lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

"Magpapaalam lang po sana ako na kung pwede ako pumunta sa perya," pagpapaalam ko kay mama.

See? Nagyaya ako sa mga kaibigan ko na pumunta ng perya, ni hindi pa nga ako nagpapaalam sa mga magulang ko.

Humarap sa akin mama at itinapat sa akin ang telepono. Naka flash sa screen ang pangalan ni papa.

"Sino kasama mo?" rinig kong sabi sa kabilang linya.

"Sila Mich lang po. Barkada," mabikis kong sagot.

"'Wag ka lang magpapa-abot ng alas-dyes anak ha. Delikado na ngayon," ngumiti ako ki mama.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na bati na kami ni mama, na napatawad nya na ako. Naintindihan nya ng wala naman talaga ako kasalanan sa nangyari, na aksidente lang ang lahat.

"Sige po. Bye ma! Bye pa!"

Dali-dali akong pumara ng tricycle at nagpahatid sa perya. Nang makababa ako, may sari-sarili silang mundo. Si Mich nag ce-cellphone, si EB nakikinig ng music sa earphones, si Jake nakayuko lang habang nakatayo, si Ella naman nakaupo lang. One meter ang distansya ng dalawang babae sa dalawang lalaki.

"Gail!" ani Ella at lumapit sa akin. "Akala ko naman tayong tatlo lang nila Mich. Kasama pala si Jake," bulong nya sa akin.

Ngumiti nalang ako sa kanya at napalingon nang magsalita na din si Mich.

"'Di mo nalang itinext sa barkada. Iniisa-isa mo pa talaga kami?"

"Well, sorry kung ganun. Kapag kasi itinext ko sa barkada and alam nyong kasama ang lahat, baka... 'di kayo pumayag," narinig kong tumikhim si Jake.

"Alam kong may problema sa inyo. Kaya nga, eto. Mag-uusap tayo, bakada sa barkada."

Inialis ni EB ang earphones sa tenga nya't nagsalita.

"Well sorry din Gail, I need to go. Next time nalang pala tayo mag-usap." sabi nya sabay alis sa harapan ko.

Bumaling ako ki Jake na tahimik lang na nakatayo. Tinaasan ko sya ng kilay. Maya maya'y may nag-text sa kanya na ikina-alerto naman nya.

"Uhm, sorry din Gail, ha. Nagpapatulong kasi sa'kin 'yung pinsan ko sa Science project nya ngayon." ipinakita pa nya sa akin ang convo nila.

Tumango nalang ako. Lumapit naman sya sa akin at pi-nat ako sa balikat sabay sabing... "Sorry," at dali-daling umalis.

Bumuntong hininga ako sabay tingin sa dalawang babae na naiwan. Nakangiti na sila ngayon. Siguro they felt comfortable na wala na ngayon ang dalawang lalaki. Gusto ko man sila kausapin tungkol sa nangyayari, pero baka mas lalala pa. Kaya mabuti na din sigurong huwag nalang muna.

"Girl bonding time!" Sigaw Mich. Tumawa naman kami at tuluyan ng pumasok.

Una naming sinakyan ay ang Caterpillar na paborito kong ride. Eto kasi 'yung ride na medyo hindi naman nakakatakot. Medyo nakakahilo nga lang kasi paikot sya. Sunod namam ay ang bump car. Syempre tig-isa kami ng kotse, tawa lang kami ng tawa at binubungo ang bawat isa. Si Ella ang kawawa dahil hindi marunong kung paano mag-drive, kaya binungo namin ng binungo. Naglaro din kami nung papuputukin 'yung balloons. Ewan ko kung anong tawag dun.

Grabe ang tawa nila ng maitapon ko 'yung dart sa bubong imbis duon sa balloon, natawa na din ako sa kagagawan ko. Nang matapos, nag-break muna kami at bumili ng cotton candy at palamig. Bumili din kami ng onion rings na isa rin sa paborito ko.

"Uy! Gusto ko i-try yung horror train!" shem. Ayoko.

Umiling ako sa kanila. Sila naman ay tumatawa at hinihila ako papunta duon pero ayaw ko talaga. Alam kasi nila na ayaw na ayaw ko sumakay sa mga ganyan na rides. Nerbyosa kasi ako. Isang beses lang ako nakasakay sa horror train at mula nun, nangako ako sa sarili ko na hinding hindi na sasakay duon.

Wala akong nagawa kundi ang sumakay nalang. Ano bang magagawa ko? Ang kulit ng dalawang ito, eh, pinilit ako. At ang dalawang 'to, sa gilid ba naman ako pinaupo? Nag-makaawa ako na sa gitna pero ayaw talaga nila. Nagalit saamin 'yung nag-babantay dahil nakakaabala daw kami sa iba pang gustong sumakay. Kaya 'yun, no choice.

"Alam nyo, lagot talaga kayo sa'kin pag natapos 'to," pagbabanta ko sa kanila.

Tumawa naman si Ella na nasa gitna.

"Talaga ba?" paghahamon nya.

"Oo. Walang kayong awa! Kaibigan ba-"

"Boo!"

"Ahhhh! Yawa ka! Pisti! Mamatay ka na! Bwiset!"

Yumakap ako kay Ella na katabi ko na tawa lang ng tawa. Ganun din si Mich. Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mga mata ko para hindi ko sila makita. Buong byahe, nakatakip lang ang mga mata ko at minsan nagugulat at napapayakap kay Ella, sila naman tatawa tawa lang. Nang matapos na ang ride, mabilis akong bumaba at bumili ng tubig.

"Nerbyosa ka talaga," tawa ni Ella.

Hindi ko sya pinansin at uminom lang ng tubig hanggang sa maubos ito. Humarap ako sa kanya.

"Nasaan si Mich?"

Itinuro nya ang horror train.

"May kausap dun, eh," tumango naman ako.

Ilang minuto ang lumipas, lumapit sa amin si Mich na nakangiti.

"Sino yun?" tanong ni Ella.

Napansin kong nag-blush sya na ikinakunot ng nuo ko.

"Si... Xander. Kaklase ko dati,"

"Crush mo? Yieeee!" panunukso ni Ella at sinundot sundot ang tagiliran nito. Agad namang dumipensa si Mich.

"Tumigil ka nga! Nung Elementary pa 'yun!"

"So crush mo nga? Hahaha! Ayiee! Kinikilig sya, nagbu-blush ka, eh!"

Ewan ko pero bigla ako nairita. Okay, nakakailang man aminin pero, kay EB pa rin ako boto. Pangalan pa lang nung lalaking 'yun, parang babaero na, eh. 'Tsaka, 'di ko pa 'yun kilala. Si EB, kilalang kilala ko na. Kaibigan pa nga, eh. Pero medyo familiar ang name nya, ah.

"Tss. Tama na nga 'yan," ani ko. "Dun tayo sa Ferris wheel!"

Tumango naman sila at sumunod na sa akin. Masyado kaming natagalan dahil ang daming nakapila at gustong makasakay. Isabay mo pa ang mga taong nagsisingit sa pila. Nang sa wakas, nakasakay na rin kami. Nasa taas na kami at kitang kita ko ang dami ng tao sa buong perya. Ang dami din ng mga ilaw.

"Buti nalang nakasakay tayo, noh?"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mich at tumango lang. Sandaling katahimikan ang bumalot bago ako nagsalita.

"Anong nangyari sa inyo ni EB?" pagbaling ko ng tingin ki Mich.

Natigilan sya saglit at nag buntong-hininga.

"Hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo nalalaman ang totoo noh?" mahina syang tumawa.

Hindi ako sumagot sa kanya imbis ay hinihintay lang ang susunod nyang sasabihin.

"We're fake. Fake couple,"

Nagulat ako sa sinabi at pag-amin nya pero hindi ko pinahalata. Si Ella naman na nasa gilid, tahimik lang na nakikinig. I smirk, prepare yourself Ella, dahil ikaw ang isusunod ko.

"Uhm, Qwennette and Eric are been together since elementary. Ang harot nila, noh?" at tumawa pa sya. Yeah, maharot sila. "Nag-break sila nang maghiwalay sila ng school. Eric in our school and Qwen in Muntinlupa,"

"Hindi matanggap ni Eric na ganun ganun nalang nag-end ang relashionship nila. So me, as a friend..." tumawa sya at nakikita kong may namumuong luha sa mga mata nya. "He ask me to be his fake girlfriend para pagselosin si Qwen dahil umaasa sya na babalik si Qwen at pagnangyari 'yun, magseselos sya saming dalawa at babalik sya kay Eric," ngumiti sya. "And I said yes!"

Nakangiti pa syang sinasabi 'yan, ah. Proud pa talaga sya. Pero at the same time, alam kong nasasaktan sya. Kahit papaano, alam kong may nararamdaman din sya ki EB.

"Hindi ko naman kasi alam na mamahalin ko sya ng ganun. Umasa ako na makakalimutan nya si Qwen and that he will fall for me too. Pero hinde," pinunasan nya ang luha nya sa pisngi. "Nalaman ni Eric na nag-transfer si Qwen sa school natin kamakailan lang," yeah. Kaya pala ngayon ko lang sya nakita.

"And Eric is still hoping na magbabalikan sila sa dati," mapait syang ngumiti. "Kaya nga he's starting to move," yumuko sya.

"Nililigawan nya na si Qwen."

"And me as a friend, I have to be happy for him. Cause in the first place, I'm just a friend. Even if it hurts to be just a friend," saka sya sumandal at tumingin sa labas. "Fvck that friend!" bulong nya pero narinig ko naman.

Tahimik. Katahimikan ang namayani sa aming tatlo. Ni walang nagsalita o gumawa ng ingay. Si Mich nakatingin lang sa labas habang si Ella, tahimik na nakaupo. Speaking of Ella...

"Ikaw Ella, anong nangyari sa inyo ni Jake?" halatang nagulat sya dahil namilog ang mga mata nya.

Akala mo ligtas ka, ah.

"Ahm," tumikhim sya.

"We're good," sabi nya.

We're good? Eh kanina nga nagre-reklamo sya sa akin na bakit daw kasama si Jake tapos ngayon, we're good? Ako ba pinaglololoko nito? Tinaasan ko sya ng kilay.

"Okay. I don't want to have ka-dramahan here. So, to make the story short, he loves his cousin. More than just a cousin." What? Hindi ko gets?

"Mahal nya 'yung pinsan nya! Low gets ka!" Ohw. "Hindi ako naniniwala na Science project ginagawa nila. Tsk, maniwala na bobo,"

"Ngayon nagsisisi na ako kung ba't ko minahal 'yung lalaking 'yun! Kadiri sya! Peste sya!" sabi nya sabay tingin din sa labas.

"Tapos ngayong bumalik na 'yung pinsan nya, hinayaan nya lang ako na parang walang nangyari?"

"Then fine! Kung hahayaan nya ako, hahayaan ko na din sya. Kala nya sya lang ang marunong mawalan ng pake?"

Umiling ako. Ganito na pala ang pinagdadaanan ng mga kaibigan kong babae hindi ko man lang alam. Problema sa pag-ibig. Mga kaibigan ko, nag dadalaga na. Hahaha! Lumapit ako sa kanila at umupo sa pagitan nilang dalawa sabay akbay. Humarap naman sila sa akin.

"Alam nyo guys. Everybody deserves a second chance. Intindihin nyo 'yung sitwasyon nila. Let them explain," sabi ko sa kanila.

Nagtinginan lang sila sa isa't isa at 'tsaka nagsalita.

"Eh ikaw?" ani Ella.

"Ba't 'di mo binigyan ng second chance si Nathan? Kung everybody deserves a second chance?" sabi ni Mich.

"Ni hindi mo nga sya hinayaang makapag-explain,"

Natigilan ako. Ba't napunta sa akin ang topic? Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"If he really loves me, then why do he need a second chance? Bakit hindi nya pinahalagahan ang unang pagkakataon na ibinigay ko sa kanya at umabot pa sa ganito?" ani ko.

"I still need time. Papakinggan ko naman ang explaination nya, but not this time. I still need more time para ihilom 'yung sugat na binuo nya," pag-aamin ko.

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Akala ko, okay na sa'kin. Akala ko, wala na syang epekto sa akin. Akala ko... akala ko nakalimutan ko na sya. Tama nga ako, akala ko lang lahat ng 'yun dahil everytime na sya na ang pinag-uusapan, natatameme ako.

"And that's what we also need Gail, time. Kaya please, huwag mo muna kaming pilitin na makipag-ayos sa kanila," ani Mich.

"Tulad mo, we also need time para ihilom yung sugat na ginawa nila dito," sabay turo ni Ella sa puso nya.

Now I felt guilty. Sa kagustuhan kong ipagbati sila, mas lalo ko lang pala napapalala 'yung sakit na nararamdaman nila. Na-realize ko na hindi lang naman pala ako ang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman ko. I'm not alone. Kung sa akin, panloloko lang, what more kung ginamit at hinayaan ka?

Ngayon napatunayan ko talaga ang katagang "Madaling sabihin, pero mahirap gawin." Iyong tipong, naga-advise tayo sa iba pero sa atin- sarili natin mismo, hindi natin magawa o mai-apply.

"I'm sorry. Gusto ko lang mabalik sa dati 'yung barkada," sabi ko sabay yuko.

"Well, nangyari na ang nangyari. We can't turn back time. Kahit gaanong kagusto nating balikan ang isang bagay, kung hindi naman na talaga pwede..." pangbibitin ni Ella.

"Let's just face the truth and move-on," tumamgo nalang ako.

Tama sila. Hindi ko na maibabalik ang dati, ang gusto ko. Kaya ang mabuti pa, mag move-on nalang at harapin ang katotohan. Nasa present tayo kaya present dapat ang problemahin, 'wag ang past kasi tapos na ito at hinding hindi na maibabalik.

Ngumiti nalang ako sa kanila at ganun din sila. Tumingin din ako sa labas at in-enjoy ang view. Pero may biglang pumasok sa isip na na ikinataka ko.

Ano ang katotohanan?

------------------------------------
EDITTED VERSION

🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FAN!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro