🔎Chapter Thirty-one
Gail
Up until now
WALANG pasok ngayong araw dahil nag de-deliberation ang mga guro kung saan nira-rank up ang mga estudyante batay sa mga grades nila. Minabuti na ng principal namin na i-suspend muna ang klase dahil nga dito. Wala din naman magtuturo dahil busy ang mga teachers sa pag-compute ng grades.
Kinuha ko ang cellphone na nasa side table at nagbasa-basa sa gc namin. Ang iba sinasabing kinakabahan sila kasi pamiramdam nila bumaba ang rank nila, ang iba naman kampante lang, mayayabang, eh. Iyong iba naman walang pake. Ako, aaminin ko kinakabahan din ako ng kaunti. Matalino naman ako at nakapasok ako sa honors nuong nakaraang quarter. Pero kasi ngayon nahirapan ako sa iilang subjects at lessons kaya baka nanganganib ding bumaba ang rank ko.
Hindi naman ako bobo. Hindi din ako matalinong matalino. Iyon bang, katamtaman lang. Sa rating ng one to twn, ang rate ko ay mga six lang.
Alam kong hindi dapat ako maging grade concious kasi hindi naman tayo mapapakain o mabubuhay ng grades na iyan. Pero sa tuwing iniisip ko 'yung mga paghihirap nila mama at papa sa'kin mapa-aral lang ako, gusto kong ako ang manguna para naman masasabi kong nasusuklian ko ang paghihirap nila.
*TING
From Jc:
Gail! Miss na kita! Mwah!
Napatawa naman ako sa chat sa akin ni Jc. Oh, 'di ba? Improving na ako? Hindi na text kundi chat na!
Minsan talaga may pagka-batang isip din 'tong si Jc.
Sineen ko lang ito at pinatay na ang cellphone. Bahala sya d'yan mag-chat nang mag-chat. Minsan kailangan nating i-seenzoned sila para naman maramdaman nila na ayaw natin silang kausap. Kesa naman replay-an mo, plastik naman.
Hindi naman sa ayaw ko kausap si Jc. Wala lang ako sa mood mag-type.
Bumaba ako sa sala. Nakita ko si papa nanunuod ng tv- actually, parang sa youtube pinapanuod nya, eh. Atsaka mukhang luma na ang balitang pinapanuod nya, pangit pa ang graphics, eh. Si mama naman may kausap sa telepono.
Tinabihan ko si papa sa sofa.
"Hi pa," bati ko. Wala lang, mema. Memasabi ganun.
Tumango lang sya.
"Isang kotseng nagliliyab ang naabutan ng mga bumbero dito sa National Road. Sinasabing bumanga ang kotse sa isa sa mga poste at 'saka lumiyab-"
"Ano ba naman iyang pinapanuod mo!" narinig kong reklamo ni mama. Tapos na yata sya sa pakikipag-usap sa telepono. Naniningkit na mga matang tinignan nya ang tv. "Limang taon na ang nakakaraan nang inere 'yan, ah? Duon ka nga sa bagong balita!"
"Ano bang masama sa pagbabalik sa nakaraan?"
"Aba, nag-huhugot ka pa d'yan!"
Umiling ako at tinuon nalang ng pansin ang balitang nasa tv. May isang babaeng nag re-report dito at ang ackground nito ay ang mga bumberong inaapula ang sunog mula sa isang kotse. Kahit five years ago na 'to, part pa rin naman ito ng history, noh.
"-sinusubukan ng apulahin ang sunog. Samantala, ang driver ng sasakyang ito ay kinilala bilang si-"
"Ay jusko po!" sigaw ni mama nang biglang mag brown-out.
Napa-facepalm na lang ako. Naku naman! Kung kelan walang pasok, 'tsaka pa nawalan ng kuryente. Ang init pa naman dito sa bahay. Nakakainis naman! Buti nalang umaga pa ngayon.
"Ano ba namang APECOL na ito! Nawalan na nga ng kuryente nung isang araw, hanggang ngayon ba naman? Hay nako!" tumayo si mama at naglakad papuntang kusina.
Narinig ko naman napa-buntong hininga si papa. Wala, eh. Wala na magagawa. Kung brownout, brownout talaga. Ang boring na nga ngayong araw, mas lalo pang pinapa-boring.
Umalis sila mama at papa sa sala at ako lang ang naiwan. Bumuntong hininga ako nang maramdaman ko na ang boredome. Naku naman!
Magkaraan ng ilang minuto, bumalik sila mama sa sala.
"Gail, ikaw munang bahala dito, ah. Aalis kami ng papa mo. Si aling Tess at aling Martha pupunta dito para maglaba. Pagkatapos, bigyan mo sya ng five hundred pesos. Okay ba?"
Tumango naman ako sa bilin ni mama. Hinatid ko sila sa labas ng gate at nang mawala na sila sa paningin ko, 'tsaka lamang ako pumasok sa loob ng bahay at humiga sa sofa.
Inaantok ako. Ang sarap pa naman matulog ngayong umaga. Nakaka-temp ang mga huni ng ibon. Parang sinasabi nila na matulog ka na Gail, matulog ka na. Ipipikit ko na sana ang mata mata ko nang may marinig akong sumisigaw sa labas.
Sa inis ko, lumabas ako ng magkasalubong ang kilay. Nakakainis namam! Matutulog ako, eh. Istorbo! Dalawang babae na sa tingin kong edad fourty pataas ang naabutan ko sa harap ng gate namin.
"Magandang umaga!" Anong maganda sa umaga? Peste! "Ako si Tess! At ito naman ang kapatid kong si Martha. Tinawagan ako ng mama mo para maglaba," sabi ng babaeng halos puti ang buhok. Ahh, sila siguro yung kausap ni mama sa telepono kanina.
Agad ko silang pinapasok at hinatid sa likod ng bahay. Duon kasi ang mga labahan at duon kami naglalaba. Nagtatawag si mama ng taga-laba kapag hindi nya na kaya ang mga gawaing bahay. Sobrang dami kasi ang mga labahan ngayon, umabot ng tatlong basket. Hindi kasi sya nakapag-laba nuong nakaraang linggo kaya umabot ng ganun.
Nagsimula na silang ihanda ang mga gagamitin. Mula sa sabong panglaba, mga plangana, downey at tubig. Nang matapos, sinimulan na nilang kusutin ang mga damit. Si Aling Tess sa pagsasabon, at si aling Martha naman ang sa pag-babanlaw.
Aalis na sana ako nang magsalita si aling Tess.
"Alam mo bang ang sungit sungit ng mama mo nuong bata?" napatigil ako sa sinabi nya at napaharap.
Tinuloy nya ang pagsasalita nang hindi man lang binabalingan ako ng tingin. Busy ito sa pagkusot ng mga damit.
"Ako ang palaging kasama nuon nung bata pa sya. Natatandaan ko, kapag ayaw nya ang bagay na binigay mo sa kanya, itatapon nya yan!" tapos tumawa sya.
Naging interesado ako kaya naman humugot ako ng isang upuan at umupo.
"Tapos po?"
Tumingin sya sa akin.
"Hmmm. Yung mama mong masungit, naku! Kapag na ba-badtrip iyan, naku ang bunganga! Parang machine gun na walang tigil sa kaka-dada." natawa ako sa machine gun.
Talagang idinescribe nya ito bilang machine gun, ah?
"Nakakatakot pala si mama," pabiro kong saad.
"Naku oo!" masigla saad ni Aling Martha. "Takot lahat sa kanya pati lalaki dahil sa kasigaan nyan!"
Tumigil muna sya saglit 'tsaka pinalitan ang tubig na nasa planggana nya. Sunod na nagsalita si Aling Tess.
"Mga kaibigan nyan, puros lalaki. Akala nga namin tibo iyang nanay mo, eh!"
"Uy, hindi naman lahat. May babaeng kaibigan naman sya, noh!" Pagku-kwento ni Aling Martha. "May isa syang kaibigang babae. Kala nga namin girlfriend nya,"
Naengganyo ako sa mga naririnig ko ngayon kaya naman nawala na parang bula ang antok ko kanina. Titibo-tibo pala si mama nuon, gusto kong matawa sa mga nalamam ko ngayon! Siguro ang theme song nila ni papa, titibo-tibo.
"Pero syempre akala lang namin iyon," tapos ngumiti si Aling Tess at nagkatinginan silang dalawang magkapatid.
"Nakilala nya ang papa mo, at nabuo ka," baliw na saad nya.
"Akalain mong ang dating titibo-tibo at tigasin, lumambot sa isang lalaki lang,"
Atsaka nagtawanan ang dalawa. Natawa na din ako. Kung naririnig lang ni mama ang mga pinagsasasabi nila ngayon, malamang hiyang-hiya na iyon ngayon. Hindi ko lubos na akalain na ganun pala si mama nuong kabataan nya.
Tumayo si Aling Tess at kinuha ang isang basket ng mga labahan habang kinukuha ang uniform ko. Pinapanood ko lamang sya nang kinapa ang bulsa ng uniform ko at may nakuhang isang kapirasong papel.
Tumingin sa akin si aling Tess.
"Sa'yo ba 'tong uniform?" tumango ako. "Oh," sabay abot nya sa akin ng papel. "Baka may importanteng nakasulat d'yan. Buti nalang kinapa ko muna bago basain,"
Nakakunot nuong kinuha ko ito sa kanya. Actually, pagkakita ko sa maliit na piraso ng papel, okay lang naman na mabasa sya kaya hindi na ako na-alarma. Pero nung pagkasabi nyang baka may importanteng nakasulat, duon na ako ma-alarma. Baka kasi notes 'to sa school o ano pa man. Mahilig kasi akong magsulat sa maliit na piraso ng papel at ilagay sa bulsa kapag nagmamadali ako. Laking pasasalamat ko lang talaga at nakita iyon ni aling Tess.
Ngumiti ako sa kanya bago buksan ang papel.
Sorry. Haha. Si Nathan na maghahatid sa'yo. He texted me earlier, sabi nya sinusundan nya tayo habang papunta tayo sa ampunan. Maybe he's... jelous. Akala nya magde-date tayo. Why don't you give him another chance?
-Jc cute
Ah! Tanda ko na! Eto yung ibinigay sa akin ni Jc kahapon na nagpunta kami sa ampunan! Iyng papalapit sana ako ki Tintin tapos nagpaalam sya na sa kotse sya di-diretsyo pero nuong pumunta ako dun, si Nathan ang naabutan ko at sya ang nag-drive sa akin pauwi. Buti nalang walang pulis na nagbabantay sa daan.
Why don't you give him another chance?
Napatingin ako sa last sentence nya. Give him another chance? For what? Pinapasok ko naman sya ulit sa buhay ko, ah? I consider him as a friend. Naka-move-on na ako sa nangyari sa amin at kinalimutan na iyon. What kind of chance should I give him?
Maybe he's jelous...
Maybe he's jelous...
Maybe he's jelous....
I shook my head. No! Bakit naman sya magseselos? Sa amin ni Jc? Magkaibigan lang naman kaming dalawa, eh!
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni papa sa aking likuran.
"Aling Tess, Aling Martha!" bati ni papa sa dalawa.
Lumapit si papa sa kanila at nag-kwentuhan silang tatlo. Umalis nalang ako dahil na o-OP ako. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa tindahan kung saan palagi akong bumibili ng cup noodles. Nandun naman na si papa, eh, may magbabantay na sa bahay.
Buti nalang may dala akong barya sa bulsa ko. Umupo ako sa upuan na nanduduon at sinimulang kainin ang cup noodles. Napailing ako nang maalalang parang nangyari na ito dati. Deja vu?
"Kasi naman! Sige na please?" napalingom ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Para kasing pamilyar.
Umangat ako ng tingin. And to recognize the voice earlier, it's Eunice's. Nakita kong napatingin sya sa gawi ko. Akala ko lalapitan nya ako at ituturo sa kasama nyang si Nathan pero hinde. Humarap sya sa kausap nya at nagsalita.
Hindi ko mahinuha kung ano ang sinabi nya dahil napakahina ng boses nya na hindi ko marinig mula sa kinaroroonan ko kumpara kanina na sumisigaw sya.
Ngumiti si Nathan na para bang nakakatawa ang sinabi ni Eunice. Wait, are they talking about me? May sinabi bang nakakatawa si Eunice tungkol sa akin kaya nakangiti ngayon si Nathan? Nakatingin kanina sa akin si Eunice. So, baka ako nga ang pinag-uusapan nila? O baka hindi din?
"Okay, okay. Sasamahan na kita. Just stop what you're thinking,"
May plano sila?
"No. Answer first my question."
Binalingan ko ng tingin ang cup noodles ko at matamlay na pina-ikot-ikot ito. Wala na ako sa mood kumain. I feel like I've been talking behind my back. Nakaka walang gana. Sumubo ako ng isang beses. Mula sa kinaroroonan ko, naririnig ko na ang usapan nila.
Isang subo nalang. Aalis na ako.
"Mahal mo pa ba?"
Napatigil ako sa narinig ko. Naghihintay ako sa sagot ni Nathan pero ang tagal nya sumagot.
Sumubo ako.
Okay, uhm, last one. Isang subo nalang.
Naghihintay pa rin ako pero wala pa din. Teka nga, bakit ba ako naghihintay sa sagot nya?
"Uhm..."
Sa wakas! Sumagot na din sya! So, aalis- no!
Two more. Just... two. Promise aalis na ako.
I just need to know his answer?
Ilang minuto na ang nakakaraan ngunit wala pa din syang sagot. Naka dalawang subo na din ako. Huminga ako ng malalim bago tumayo. Babalik nalang ako sa bahay. Baka hanapin ako ni papa, sabihin naglakwatsya na naman ako- which is true. Mahirap na.
Nang madaanan ko sila at malampasan, 'tsaka lang nagsalita si Nathan na narinig ko.
"Yup. Up until now, my feeling didn't change for her,"
Napakagat labi ako para mapigilang hindi lumingon sa kanila. Baka kasi isipin nila, assuming ako na ako ang pinag-uusapan nila. Narinig kong tumili si Eunice na parang kinikilig.
Okay.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makabalik ako sa bahay. Dumeretsyo ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Itutulog ko nalang siguro ito. Itutuloy ko ang kaninang naudlot na antok ko. Matutulog namang ako buong araw! Yeah!
---------------------------------
EDITTED VERSION
A/N: Lame ba? Sorry tuyo utak ko, eh. AHAHAHA!
🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FAN!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro