Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Thirty-four


Gail
Triple date

HAWAK hawak ko ang isang pirasong papel na nakita ko kaninang umaga sa desk ng upuan ko. It's been five weeks since nag-text sa akin ang isang anonymous sender asking me to know him in seven weeks.

"Hey," napatingin ako sa nagsalita.

Umupo sya sa tabi ko at makikita mo sa mukha nya ang saya dahil sa lapad ng ngiti nya. Kabaliktaran naman sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba ako sa fifth hint na ibinigay nung myterious guy or matatakot. Nahalata naman yata iyon ni Jc at inagaw sa akin ang papel na hawak ko at binasa.

"I'm seventeen years old,"

I'm Seventeen years old...

I have my suspision, pero palaging may hindi nag co-connect. Anong problema dun?

It can't be EB. He's still obsessed with Qwennette. Hindi din pwede si Jake kasi He's into his cousin. Hindi rin pwede si Nathan kasi... ayaw ko. Then I remember the scene nuong nasa court si Jc and I texted JC the myterious guy then saktong tumunog ang cellphone ni Jc. The scene nung tinitigan nya lang ang cellphone nya at hindi nag-reply.

But part of me is saying na hindi sya. I don't know, ang gulo.

"Ano 'to?" natatawang tanong nya.

Tinitigan ko sya at pilit na binabasa ang ekspresyon nya. Kung sya si mysterious guy, bakit sya magtataka na makita ang isang hint nya na hawak-hawak ko.

"Hoy!" he snapped his fingers infront of me dahilan para makabalik ako sa reyalidad.

"Okay ka lang ba?" No?

"Yeah," ngumiti ako.

Tumango naman sya at ibinalik ang atensyon sa kapirasong papel.

"So, what is this?" sabay pakita sa'kin ng papel.

Inagaw ko iyon sa kanya at inilagay sa bulsa. Nagkibit-balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Hindi din naman sya nagsalita at nahalata naman siguro na ayaw ko iyon pag-usapan at sumabay na din sya sa akin sa pagkain.

Natapos ang break time at bumalik na kami sa kani-kanilang room. Nag-aalinlangan pa ako kung papasok ba ako sa room pero sa huli napag-desisyunan kong pumasok na din. Tinignan ko ang paligid. Dahil nga stalker ko sya, may chance na nasa paligid lang sya. Wala naman ako napansin sa paligid kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Busy sila sa pagre-review kasi may long quiz kami mamaya.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa, eh. Para kang aligaga?" rinig kong sabi ni Jc. "Dahil ba 'yun dun sa papel?"

Huminga muna ako ng malalim bago tumango't nagsalita.

"Yeah. I just... " nag-isip muna ako ng tamang salita. "Find it creepy?"

"Bakit naman?"

I shrugged.

"Siguro kasi, parang nagmumukha na syang stalker ko?" natatawa ako sa sinabi ko.

Assuming naman na may stalker ako. But the fact na alam nya ang name ko, number and even my school, hindi ba parang ganun na din 'yun?

"Wait, para saan ba 'yung papel?" naguguluhan nyang tanong.

"Iyan 'yung fifth hint ng JC the mysterious guy,"

Napa 'Ahh' naman sya at napa-tango-tango. Sinabi ko na din kasi ito sa kanya.

"So... panong creepy 'yun?" he ask.

"Ewan ko kung bakit ngayon ko lang ito nafi-feel. Nagmumukha syang stalker ko,"

"Malay mo nandito 'yung stalker mo," sabi nya sabay tawa.

Naalarma naman ako sa sinabi ko kaya naman napatingin ulit ako sa paligid. Napatawa naman si Jc sa inakto ko. Pi-nat nya ako sa balikat habang mahinang tawa ng tawa.

"Alam mo, siguro na paranoid ka lang," sabi nya sabay harap sa unahan. Pumasok na kasi ang teacher namin.

Natapos ang klase ng lutang ang isip ko. Gusto ko ng umuwi at magpahinga kaya laking pasasalamat ko ng uwian na. Papalabas na ako ng classroom nang may humawak sa balikat ko. Iyong isa naman yinakap ako sa likuran. Tss, amoy pa lang kilala ko na kung sino itong dalawang ito. Na-miss ko ang kakulitan nila, ah.

"Mich, Ella," natatawa kong saad. "Mich, 'di ako makahinga, wait!" ang higpit kasi ng yakap nya parang wala ng bukas, ah.

Kumalas sa yakap si Mich at saka ko sila hinarap. Pinameywangan ko naman sila. Ilang minutong walang nagsalita then biglang...

"Na-miss ko kayo!"

"Group hug!"

"Awit!"

Then nagyakapan kaming tatlo. Para kaming tanga dito na nagyayakapan. Buti nalang kami nalang ang tao dito sa room kundi magrereklamo ang mga kaklase namin dahil nakaharang kami sa daraanan.

"So, sabayan nyo ako sa pag-uwi?" sabi ko sa kanila habang naglalakad kami dito sa corridor papalabas ng school.

"May lakad ako eh. Sorry!" sabay peace sign ni Mich

"Uhm, ako din?"

Napasimangot naman ako. Bwiset, bumalik nga ang sigla nila, wala din naman sila time para sa akin. Nakakapag-tampo tuloy. Ano ba 'yang mga lakad nila? Importante ba 'yan kesa sa akin?

"Wag ka na sad, Gail. Babawi kami. Right Ella?" tumango naman si Ella.

Nagkibit-balikat nalang ako at sabay na kaming lumabas sa eskwelahan. Kumunot ang nuo ko nang maaninag ko ang pigura ng tatlo... teka apat na lalaking papalapit sa amin.

Napalingon ako kay Mich nang magsalita sya.

"Oh lala!"

Nakita ko namang ngumiti si Ella.

"Hi!" bati ni Mycroft.

Yes, ang apat na lumapit sa amin ay sina Mycroft, Creon, Xander na sa pagkakaalam ko ay galing sa Stanford University na isang malaking karibal ng aming school lalong lalo na sa larong basketball. Kasama nila si...

"Gaen?" nagtataka kong tanong.

Isa pa ito eh, isa pa itong stalker ko. Wait, hindi kaya sya si JC?

"Bakit kayo nandito?" deretsyahan kong tanong sa 'kanila nang makalapit sa 'amin.

"I came here to ask you on a date,"

Nabigla ako sa sinabi nya. Magsasalita sana ako nang sunod na nagsalita si Creon na nasa harap namin.

"May date kami ni Ella," then ngumiti sya ng pagka-lawak lawak.

Itinaas naman ni Xander ang kamay nya.

"Uhm, kami din ni Mich?"

Napatingin ako ki Mycroft na lumaki naman ang mata nya nang titigan ko sya.

"Uhm. Nandito ako para... para ano ba? Thirdwheel?"

Gusto kong matawa sa sinabi nya? Thirdwheel? Baka oo nga? Sya lang kasi ang walang partner sa aming tatlo. Wait, partner? Napatingin ako ki Gaen. Ang lawak ng ngiti nya.

"So, is it a yes?

○○○

WALA akong nagawa nang pilitin ako nila Mich at Ella na sumama sa kanila. Napagkasunduan kasi naming gawing triple date nalang. At 'yun nga, nandito kami ngayon sa isang fast food na medyo malapit lang sa school. Naka-upo kaming tatlong babae sa bandang bintana habang hinihintay ang apat na lalaki na nag o-order nb mga pagkain.

"So... paano mo nakilala si Gaen?" tanong ni Mich.

"Katulong sya ng kapit-bahay namin," tipid kong sagot dahil busy ako sa pagtitingin sa labas.

Maggagabi na kasi baka hinahanap na ako nila mama.

"Actually hindi ako katulong," napatingin ako ki Gaen.

Ibinaba nya ang tray na hawak ganun din ang mga kasama nya. Nagsi-upo sila sa kani-kanilang upuan. Muntikan pa akong matawa nang mapansin kong nakatayo lang si Mycroft at halatang problemado kung saan uupo.

Bumuntong hininga sya bago nagsalita.

"Sa kabilang table lang ako, ah. Nakakahiya kasi sa inyo,"

Sa kabilang table nga sya umupo. Nagsimula na kaming kumain nang magsalita ako.

"Ano ka dun? I mean, 'di ka naman pwedeng anak nun kasi matandang dalaga 'yun." Im talking about the kapit-bahay namin.

"Friend sya ng papa ko. Dun muna ako tumitira kasi nag-aaral ako dito while papa is on Bicol, Albay."

Pagkasabi nyang Bicol, Albay bigla akong may naalala. 'Di ba dun pumunta nuon si tita Veronica? Hindi kaya nagkita sila? Umiling ako sa naisip, hindi naman sila magkakilala bakit sila magkikita? Tumango na lang ako. Wala din naman ako sasabihin kaya nanahimik nalang ako habang sila Mich at Ella panay daldal sa mga ka-date nila.

"Uhm, do you want anything else? O-order pa ako," tatayo na sana sya nang hawakan ko sya sa kamay dahilan para mapatigil sya.

"Naku, huwag na! Okay na ako dito," sabay turo ko sa one piece chicken na in-order nya.

Ngumiti naman sya sa akin at umupo naman ulit sa upuan nya kanina.

Lumipas ang ilang oras walang nagsalita sa aming dalawa. Ewan ko lang kung hindi ito ma-boringan sa'kin, kapag kasi kinakausap nya ako, palaging maikli lang ang sagot ko. Kumbaga, parang dead end na. Wala lang ako sa mood makipag hang-out sa kanila. Gustong gusto ko na kasi umuwi. Napilitan lang ako kaya ako nandito sa harap nila.

"Ah, okay." mahina kong sambit sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Nag-kwento kasi sya kung paano nya ako nakilala at nakita. Noong nakaraang taon pa daw. Ewan ko na kung ano 'yung iba. 'Di kasi ako nakikinig sa kanya. Salita lang sya ng salita nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at binasa ang text ni JC, the mysterious guy.

From: 'JC'?

Sorry if my fifth hint makes you uncomfortable.

Napataas naman ang kilay ko dun. Paano nya nalaman 'yun? Na hindi ako komportable sa hint nya? Ki Jc ko lang naman iyon sinabi, ah?

"Nakikinig ka ba?" napatingin ako ki Gaen.

Ay, nagsasalita pala sya.

"Sorry, ano yun?" I smilled.

"I was talking about Nathan. Nakita ko sya kanina,"

So, what is he trying to say?

"Ano ki Nathan?"

"Well you see, nakita ko nga sya kanina. With a girl.,"

Ano pa bang bago? Palagi namang may kasama syang babae, ah? Hindi na nakakabigla.

"Okay," at tinuloy ko ang pagkain ko.

"Okay!" masaya nyang sabi.

Hindi ko nalang sya pinansin at tinapos na ang pagkain ko.

Umalis kami sa fast food chain ng maga-alas siete na ng gabi. Lagot ako nito ki mama. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon. Kaming dalawa ni Gaen dahil nagkaniya kanyang lakad 'yung dalawa pang nagde-date. Nagyaya pa sana si Gaen na pumunta sa perya kaso tumanggi ako. Sabi ko baka hinahanap na ako sa bahay kaya napagpasyahan nalang naming umuwi. Since mag kapit-bahay naman kami, sabay na kami.

Naglalakad lang kami nang biglang mamatay ang ilaw ng poste. Nagulat ako sa biglaang pagdilim. Hinarap ko si Gaen at ganun nalang ang gulat ko nang maramdaman kong hinila nya ako papunta sa pader at isinandal ako duon.

Nagka-ilaw na ulit at natakot ako bigla nang makita ko ngayon ang pagmumukha nya. Parang ibang iba sa Gaen na nakilala ko nuong isang araw at Gaen na ngayong nasa harapan ko.

Nakakatakot sya!

"G-gaen," pinilit kong makawala sa hawak nya.

"Pakipot ka pang babae ka. Alam ko namang gusto mo din ako,"

Nagulat ako sa sinabi nya at mas nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Nilapit nya ang mukha nya sa akin at akmang hahalikan na sana ako nang bigla akong makarinig ng isang sigaw at ang sunod ko nalang nakita ay nakahiga na si Gaen sa daanan. Tinignan ko ang sumuntok ki Gaen. Kahit si Gaen ang nasaktan ngayon at kailangan ng tulong, hindi ko sya lalapitan dahil sa ginawa nya sa akin ngayon ngayon lang.

"N-nathan,"

Tinignan nya ako ng masama. Hindi sya nagsalita bagkus ay hinawakan nya ako sa kamay at hinila ako. Malay ko kung saan nya ako dadalhin. Naglakad kaming nagka-hawak-kamay, Nang matanto ko kung saan kami pupunta ay nakahinga ako ng maluwag.

"Nathan..." tawag ko sa kanya nang tumigil kami ilang kanto lang ang layo sa bahay.

"Nathan..." pero hindi pa din sya nagsalita at nanatiling nakatingin sa malayo. "Ano ba Nathan!"


Sa wakas! Tumingin na din sya sa akin pero agad din akong natameme nang makalimutan ko ang mga dapat kong sasabihin.

"Sa susunod huwag kang sasama at magtitiwala sa hindi mo kilala. Tignan mo nangyari!" tapos tinuro nya yung daan kung saan namin iniwan si Gaen. "Pumasok ka na sa bahay nyo. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong hindi na makakalapit yung gag*ng 'yun sa'yo,"

"S-sige," tumango ako at nagsimula ng maglakad papasok sa bahay.

Nilingon ko sya sa huling pagkakataaon at nakita kong nakatingin sya sa akin. Ngumiti nalang ako and mouthed the words 'Thank you.'

He just nodd and smilled.

------------------------------------
EDITTED VERSION

A:N so, tuloy tuloy na edit, kasi isasali ko 'to sa wattys 2020 HAHAHA! Hanggant pwede, isasali ko ng isasali 'to.😂

🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FAN!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro