🔎Chapter Thirty-five
Gail
Happy birthday
TODAY is the day! Walang mangba-badtrip sa akin ngayon dahil good mood lang dapat tayo. Isan-tabi muna ang mga negative vibes and think of happy thoughts. Yes, happy thoughs. Maaga akong nagising at naghanda para sa pagpasok. Bumaba ako ng may nakaguhit na ngiti sa labi.
"Goodmorning mama! Goodmorning papa!" sabay halik ko sa kanilang dalawa sa kanilang pisngi.
"Kumain ka na," ani ni mama na nagtitimpla ng kape.
Umupo ako sa upuan.
"May nakakalimutan ka po ba?" tanong ko ki mama.
Kumunot naman ang nuo nya. Nang maalala kung ano ang petsa ngayon at kung ano ang okasyon biglang namilog ang mata nya senyales na naalala nya na ito.
"Oo, tama! Ngayon iyon 'di ba? Naku, muntik ko pang makalimutan," mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Oo nga. Ngayon iyon, paanong nakalimutan mo?" pagkakaudap ni mama sa sarili.
"Birth-"
"6th death anniversary ni Jaime!" natigilan ako.
Oo nga pala. Kung anong petsa ang birthday ko, 'yun din ang petsa ng pagkamatay ni kuya Jaime. Ba't 'di ko 'yun naalala? Sobrang excited siguro ako sa birthday ko nakalimutan ko na si kuya.
"Bibisitahin natin ang puntod ni Jaime. Gail anak, kung pwedeng agahan mo ang uwi mo para makasama ka sa puntod ng kuya mo," ani mama.
Tumango nalang ako.
Buti pa death Anniversary ni kuya, naalala. Birthday ko, hindi man lang. Sabagay, mas importante naman iyon kaysa sa birthday ko. Pilit akong ngumiti at tumango. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Tumayo na ako at nag-paalam na aalis na. Palabas na ako nang may pinahabol si mama.
"Gail!"
Lumingon ako ki mama. Hoping na naalala nya 'yung birthday ko. Naging okay nga kaming dalawa, pero parang nakalimutan nya ang iilang mga mahahalagang okasyon para sa akin.
"Bumili ka na din ng kandila,"
Marahan akong tumango. Okay, I guess, ako nalang mag-celebrate ng birthday ko. Lumabas na ako at nagpara ng tricycle.
Ngiting ngiti ako ngayon na naglalakad sa corridor papunta sa room namin. Ang iba na nakakakilaala sa akin ay binati naman ako. Yes, today is my birthday! And excited na excited ako na parang ewan. I'm not expecting na su-surpresahin nila ako, 'yung tipong- pagpasok na pagpasok ko pa lang sa room, may biglang puputok na party popper at sisigaw silang lahat ng 'happy birthday!' sabay may pupunta sa gitna na may nakawak na cake at ipapa-blow sa akin 'yung candle.
I'm not expecting that- yeah. Pero bakit ganun? Hindi naman ako nag e-expect pero may part sa akin na na-disappoint.
Pagpasok ko kasi ng room, wala. The usual lang. Parang normal na araw lang sa kanila. Iyong mga kaklase kong nagbabatuhan ng papel, 'yung mga walking encyclopedia na nagbabasa ng libro, 'yung mga nagme-make lov- este, make-up. Expectations versus reality nga naman.
"Goodmorning classmates! Panibagong araw, panibagong katarantaduhan na naman!" pabiro kong saad sa kanila.
May iilang lumingon at may iilan din naman na hindi. Umupo ako sa upuan ko at hinarap si Jc na nagbabasa ng libro.
"Uy, Jc!" tawag ko sa kanya.
Pero imbis na lingunin ako, tumango lang sya't pinagpatuloy ang pagbabasa, ni hindi man lang nya ako tinignan at binati ng 'Uy Gail Happy birthday!" Tss.
Hindi ko na din sya kinulit dahil pumasok na ang teacher namin at nagturo agad. Sa buong araw na nasa eskwelahan ako, wala akong nagawa kundi tignan lang ang mga kaklase ko. Kapag break, kain dito kain duon. Hindi kasi ako pinapansin ni Jc- or should I say, lahat ng mga kaklase ko, hindi ako pinapansin. Pakiramdam ko isa lang akong hangin na nadadaanan lang nila. Iyong invisible ako na hindi nakikita at napapansin. Napaisip tuloy ako, baka may nagawa ako na kinagalit ng buong klase.
I can't help but to be sad. Nuong bata kasi ako, naranasan ko din ang ganito. Iyong pakiramdam na walang pumapansin sa'yo, 'yung walang kumakausap sa'yo, yung pakiramdam na parang walang may gusto sa'yo. Yung... na le-left behind ka. Ayaw ko ng pakiramdam nun, ayoko.
Nanyari na yun sa akin nuon, kaya hindi ko hahayaang manyari ulit sa akin ngayon. Kaya naman nang dismissal na, pumunta ako sa harapan para ilabas ang nasa kalooban ko habang sila, nag-aayos ng mga gamit nila.
"Guys, to be honest, ayaw ko yung mga pinakita nyo sa akin today," sabi ko.
Ang ilan ay lumingon at ang ilan ay tuloy pa rin sa mga ginagawa nila. Pero kahit na ganun, tinuloy ko ang mga sasabihin ko.
"Pakiramdam ko, hangin lang ako. Walang pumapansin sa akin, kumakausap, ni bumati man lang, wala. Ayaw nyo ba sa akin?" tanong ko.
"Gail, ano ba 'to? I need to go home na. May curfew ako, oh," sabi ni Rachelle habang tumitingin tingin pa sa relo nya.
"Yeah, susunduin ko pa kapatid ko. 20 klms from here," sabi naman ni Echo.
"Ako din,"
"Me too!"
Nagsimula nang mag-reklamo ang iba. Hinayaan ko nalang at pinayagan sila na umalis na. Parang galit talaga sila sa akin. Nang makalabas ang lahat, napabuntong hininga ako. Eto na naman tayo. Mag-isa na naman ako, palagi naman. Aalis na sana ako ng classroom namin nang biglang pumasok ang guro namin sa Filipino. Last period namin sya ngayong hapon. Parang may hinahanap sya. Nang makita ako, linapitan nya ako.
"Ms. Chua. Can you help me?" tanong nya.
Napatango naman ako. Syempre, baka dagdag points din 'to. Charot lang.
"Iyong isa kong hikaw, nawawala. I think, dito ko sya nahulog. Ako ang last period nyo 'di ba?"
Tumango naman ako. Ang tanging magagawa ko lang yata ngayon ay tumango. Wala naman ako masabi, eh.
Nagsimula akong maghanap sa ilalim ng mesa. 'Di ba guro sya at ang guro ay palaging nasa harapan, so dito possibleng nahulog hikaw nya. Nang walang mahanap, pumunta kami sa Faculty room, Grade eight room, Computer Lab at sa stage na mga dinaanan nya kanina. Pero wala talaga kami nahahanap ni isa.
Pagod na pagod ako at gusto ko na umuwi, ni hindi ko pa nga nabibili 'yung mga kandilang pinapabili sa akin ni mama. Mag-gagabi na din at madilim na sa eskwelahan.
Naghahanap lang kami nang mag-ring ang cellphone nya. Sinagot naman nya ito. Syempre, hindi ako nakinig, privacy 'di ba? 'Tsaka, hindi ako chismosa.
"Ms. Chua," lumingon ako sa kanya nang tawagin nya ako. "Hehe... nakita ko na 'yung isa kong hikaw," nakahawak pa sya sa ulo habang sinasabi iyon.
"Saan po?"
"Ahm, sorry. It's in my bag lang pala. Salamat sa oras mo,"
So, ganun? Pagkatapos mo akong pagurin sa paghahanap ng hikaw mo, nasa bag mo lang pala? Pinapunta mo pa ako kung saan saan?
"Sorry talaga Ms. Chua. But, may bunga ang paghihirap mo. I promise," at nag-wink pa sya sa'kin at dali-daling umalis.
Napailing nalang ako pagkatapos ay umalis na din ng eskwelahan. Tinignan ko ang relo ko, maga-alas-sain na pala ng gabi.
Naku! Patay ako neto ki mama.
Pinapuwi pa naman ako nun ng maaga para makadalaw sa puntod ni kuya, tapos hindi ko nabili 'yung kandila na pinapabili nya. Naku naman! Si ma'am naman kasi, nagpahanap pa ng hikaw, nasa bag lang naman pala.
Nang makarating ako sa labas ng bahay namin, nakita kong nakapatay ang ilaw sa buong bahay. Umalis na yata sila mama at pumunta na ng sementeryo. Hindi na ako hinintay kasi ang tagal ko. Tss, kasalanan 'to ni ma'am! Gusto ko pa din naman sanang bisitahin ang puntod ni kuya.
Nang buksan ko ang pinto, kinapa ko ang pader at hinanap ang switch. Pero iba yatang switch 'tong nakapa ko?
"HAPPY 17TH BIRTHDAY!"
Napapikit ako nang biglang may dalawang party popper ang pumutok. Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko silang lahat. Buong klase, lahat sila nandito. Sila mama, papa, Jc, Mich, Ella, lahat.
"~Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ Happy birthday, happy birthday~ Happy birthday to you~"
Ngumiti ako.
Lumapit sa akin si papa at mama at hinalikan ako sa pisngi.
"Happy birthday anak," sabi nila sa akin. "Umuwi pa talaga ang papa mo para sa'yo,"
"Hindi ba po pupunta tayo sa puntod ngayon ng Kuya? Tara-"
"Bukas nalang iyon anak," putol sa akin ni mama at 'tsaka ngumiti.
"Sayang naman itong effort ng mga kaklase mo," sabay turo ni papa sa buong bahay.
Tumingin naman ako sa buong paligid. Ngayon ko lang na-realize na puno ng mga balloons ang bahay. Color pink and white. Mayroon ding malaking tarpaulin akong nakita sa gitna. At sa maliit na lamesa naman, nakalagay duon ang iilang regalo na sa tingin ko galing sa kanila.
Malamang, alangan namang galing sa'yo?
"Oo nga naman Gail. Nag-effort kaming mag-design," reklamo ni Jc.
"Tsaka, ang hirap paki-usapan ni Mdm Austria, ah." si Rachelle habang natatawa pa.
"Wait, ang ibig nyong sabihin..."
"Yup!" singit ni Marco. "Pinakiusapan namin si mdm Austria na linlangin ka muna. Nagkaroon kasi ng problema sa paggawa ng tarpaulin. Baka... umuwi ka kaagad tas 'di pa kami tapos,"
Natawa ako. Pero at the same time, thankfull na din dahil nagkaroon ako ng mga ganitong klaseng mga tao sa buhay ko.
Katulad ng ibang kaarawan, kumain, nag-kwentuhan at nagsaya lang kaming lahat. Nagyaya pa ngang mag-inuman ang iba kaso napagalitan kami ni papa. Masyado pa daw kaming mga bata para uminom ng alak. Naiintindihan ko din naman si papa, at 'tsaka, 'di naman ako papayag pag nagkataon, eh.
Buong klase ang nandidito. Wala eh, may unity ang section namin. Hahaha. Ibig sabihin, nandito ang barkada. Pero kahit na nandidito sila, hindi sila 'yung dating maingay at nangunguna sa kalokohan. Ang tatahimik nila I swear. Hindi nila ako kinakausap pero okay lang 'yun, atleast nandidito naman sila sa isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko.
Nagbukas din ako ng mga regalo sa harap nila. Una kong nabuksan ay kanila mama at papa, Isang bag ang laman nun. May iilang mga make-ups, t-shirts at iba pa akong nabuksan.
"Bye! Ingat kayo!" sigaw ko sa mga kaklase ko nang papauwi na sila.
Kumaway naman sila at nagpatuloy na sa paglalakad. Alas-otso na at tapos na ang selebrasyon. Nasa gate ako at pinagmamasdan lang silang papalayo nang makita ko sa gilid si Gaen. Kanina pa ba sya nandyan? I saw him mouthed the words 'Happy birthday.' Ngumiti naman ako as a sign of thank you. Lalapitan nya sana ako nang biglang magsalita si mama na ikinatigil nya.
"Gail," napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
Biglang nasulpot si mama, eh. Akala ko kung ano na. Mabilis pa naman ako magulat.
"Bakit po?"
Tumabi sya sa akin ngunit nanatiling nakatingin sa dereksyon na nilakaran ng mga kaklase ko.
"Sino... 'yung lalaking naka polo na kulay blue?"
Napaisip naman ako. Lalaking naka polo na kulay blue? Wala naman ako nakita kanina na naka polo maliban kay Jc.
"Si Jc ma?"
"Apelyido?"
"Cruz po, Jc Cruz. Kapatid ni... Nathan,"
Bahagyang nagulat si mama nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Pero agad din nyang binawi ang pagkagulat at nagtanong.
"Hindi ba... masyado na syang matanda sa section nyo?"
Nagulat ako sa sinabi ni mama. Paano nya nalaman?
"P-po?"
Tumingin sya sa'kin. Kinakabahan ako sa sasabihin ni mama. Baka mamaya, pagalitan nya ako dahil duon. Age doesn't matter naman 'di ba? Pero hindi yata 'yun uso sa bukabularyo ni mama. Naku naman!
"Kanina kasi, nahulog ang ID nya- hindi school ID, ah. Nahulog yung ID nya at ang nakalagay duon ay twenty-three years old na sya,"
Hala lagot. Baka ipalayo ako ni mama kay Jc. Sya nalang nga ang nakakausap ko sa eskwelahan, mawawala pa. Sabagay, hindi ko din naman masisisi ang mga magulang, over-protective lang talaga ito sa mga anak nila. Lalong lalo na sa mga babae.
"Ah, ganun po ba?" ngumiti ako ng pilit.
Wala eh, speechless.
"Oh sya, tara na. Malamig dito sa labas," pagyayaya sa'kin ni mama.
Tumango naman ako at nagpaalam ng ilang minuto para manatili dito. Hayy. Panibagong araw na naman bukas. Tumingala ako sa langit at ngumiti.
Thank you God at binigyan mo pa po ako ng isang taon sa buhay. Thank you dahil sa pagkakataon na ito. Thank you talaga.
Huminga muna ako nang malalim bago sinarado ang gate at pumasok sa bahay.
-------------------------------
EDITTED VERION
A/N: So, I changed the age of Gail. Hahaha! Dapat pala seventeen years old na sya. Sorna, I was fifteen nang sinulat ko 'tong part na ito, eh😂 naguguluhan na ako!😂
🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FAN!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro