🔎Chapter Thirthy
Gail
Birthday
"ALAM mo Gail, hindi pa din ako makapag move-on duon sa ampunan, eh," napatingin ako ki Jc nang magsalita sya.
Kinuha ko ang mga kailangan ko na libro sa locker at ini-lock ito.
"Oh? Bakit naman?" pagtatanong ko sa kan'ya habang naglalakad kami sa hallway.
"Wala lang. Para kasing... ewan. Ang weird, parang gusto kong bumalik?"
Same. Simula nung pumunta kami duon sa ampunan na iyon, parang gusto kong bumalik ng bumalik. 'Yung tipong parang may gusto kang makita sa lugar na iyon.
"Sabagay, gusto ko ding makita si Tintin," nakangiting saad ko sa kan'ya.
"Tintin?" tanong nya.
"Si Tintin, 'yung batang kausap ko nung papaalis na tayo,"
Kumunot ang nuo nya at napatingin pa sa itaas animo'y nag-iisip. Tss, nakalimutan nya na agad? Napaka-ulyanin naman ng lalaking 'to. Napaka-bata pa, may Alzheimer's disease na.
"Ahh! Yung bata!" tumango ako.
"She looks cute by the way," komento nya.
Inimagine ko si tintin habang naglalakad kami. Tama nga naman sya, cute si tintin.
"Alam mo naalala ko sa kanya si tita Veronica," bigla ko nalang nasabi.
"Pa'ano mo nasabi?"
"Ewan ko, siguro kasi malungkot si Tintin? Tapos malungkot din si Tita," kuwento ko.
"Lahat naman malungkot," Tumawa na din sya.
"Speaking of Tita Veronica, kamusta sya? I mean- 'di ba kakagaling lang nyang Bicol?"
Nagkibit-balikat lang sya pagkatapos ay tumawa. Bigla ba naman akong paluin sa balikat ng pagkalakas lakas.
"Hay naku, Gail. Huli ka na sa balita, ang tagal na ni mommy naka-uwi ta's ngayon mo lang sya kakamustahin?"
Eh, malay ko ba. Bigla kasing napasok si tita Veronica sa usapan. Para hindi naman masyadong awkward, kinamusta ko nalang. Alangan namang, murahin ko sya sa harap ng isa nyang anak?
"You know what, kahit hindi ko kadugo si mommy, I still care and miss her. Lalong lalo na nung halos isang taon sya sa amin hindi nagpakita nuon."
Napakunot ang nuo ko.
"Hindi nagpakita?"
"Ibig kong sabihin, hindi nagpakita... kasi may inaasikaso syang business sa ibang bansa, that's why," pagpapaliwanag nya sa akin.
"Bakit naman kailangang abutin pa ng isang taon?"
Hindi naman sa kinokontra ko si Jc. It's just like... nakakapag-taka. Kadalasan kasi ang mga business trip inaabot lang mga days, weeks pero yung kay tita, isang taon?
"Aba aba naman, Gail. Kinokontra mo ba mommy ko, ha?" kunwaring galit na saad nya.
Natawa ako sa kan'ya nang mag-akto sya na parang bakla. Nakataas ang dalawang kilay at makapamewang pa.
"Uy grabe ka, nangtaka lang naman ako,"
Tumawa nalang kaming dalawa at nagtuloy-tuloy na papunta sa room. Napatigil kaming dalawa nang makitang nagkukumpulan ang mga estudyante sa pintuan mismo ng room namin.
"Anong meron? Ba't sila nagkukumpulan?" sabi ko.
"Aba malay ko, kasama mo ako paano ko malalaman?" sarcastic na sabi ni Jc.
Tinignan ko sya ng masama, napataas na lang sya ng dalawang kamay. Inirapan ko sya't nakisabay sa mga nagkukumpulan. Nang makahanap ng tyempo, nakahila ako ng isang estudyante na mapag-tatanungan.
"Anong meron?" tanong ko.
"Uy Gail, ikaw pala!"
Yeah yeah. Pabitin naman ang isang 'to.
"Next next week na kasi ang intrams. Ngayon nagpapalista na ang mga players sa bawat laro,"
Napatango naman ako. Next next week pa naman pala, kung mga akto sila, parang bukas na.
"Ba't kayo nagkukumpulan?" tanong ni Jc nang makalapit sya.
"Baka kasi maubusan ng bakante sa basketball, eh. Official list na daw kasi 'to,"
Napatango naman ako. Sabagay, halos lahat ng lalaki sa section namin gusto maglaro ng basketball. Sampu ang lalaki sa section namin plus thirteen sa kabilang section, and twelve lang ang kukunin. Nag-excuse nalang kaming dalawa ni Jc at nakapasok din ng classroom. Nakita naming si Nathan lang ang nanduon.
"Hindi ka magpapalista?"
Umiling naman si Nathan sa tanong ni Jc.
"Nope, kasali na ako dun. Automatic pasok na ang mga varsity,"
Oo nga. Varsity sya sa basketball.
Umupo nalang ako sa upuan ko at tumunganga. Maya maya'y nagsi-pasukan na din ang iba kasama ang guro namin. Lesson dito, lesson duon. Tunganga dito, tunganga duon.
"Jc, balik tayo sa ampunan," sabi ko sa kan'ya nang uwian na.
"Bakit? Papa-ampon ka?"
"Hindi noh. Gusto ko lang makapag-laro kay Tintin,"
Nangako pa naman ako dun sa bata na babalik ako. Ayokong umasa sya sa wala. Nangako akong babalik ako, kaya tutuparin ko, babalik ako. Sana all noh, bumabalik?
"Tanda tanda mo na, nakikilaro ka pa? Kapag ikaw pinaglaruan, makikita mo."
"By the way, may update ba sa paghahanap sa real parents mo?" bigla kong natanong sa kan'ya habang naglalakad kami sa corridor.
Medyo matagal tagal na din kasi nang magsimula kami maghanap. Sa pagpunta ko ngayon sa ampunan, naalala ko bigla ang tungkol duon.
"Hmmm. Wala pa sa akin sinasabi si Kuya Jeff, eh," napatango nalang ako.
'Yung Jeff na tinutukoy nya ay ang personal investigator ng pamilya nila, na-kwento nya sa akin ang tungkol duon. Wala naman kaming dapat na ipangamba dahil pinagkakatiwalaan sya ng mommy nya. Kaya din siguro sa kanya ini-reffer ang pag-hahanap sa totoo nyang mga magulang.
"Teka, bakit may investigator ang mommy mo? May pinapa-imbistiga din ba sya?" Tanong ko.
"Wal- meron!"
"Ano?"
"I'm not sure kung ito nga. Pero kasi narinig kong may kausap sya sa phone. Sabi nya, ipapa-investigate nya 'yung secretary nya kasi kahina-hinala daw. And yun... lumabas, traydor pala sya,"
Napatango nalang ako sa kwento ni Jc. Hindi talaga maiiwasan ang mga traydor na tao. 'Yung feeling na 'yung mga tao na pinagkakatiwalaan mo, sila pala mismo ang unang unang ta-traydor sa'yo. 'Yung mga taong inaasahan mong tutulong sa'yo.
Nang makalabas kami sa school, agad kaming nag-byahe papunta sa ampunam. Buti nalang pala dala nya ang kotse nya. Kundi, baka anong oras na kami makarating duon and worst, sarado na. Buti nalang may lisensya na sya dahil sa pagkakatanda ko, above eighteen years old na sya at nasa tamang edad na.
Biglang tumunog ang phone ni Jc. Kinuha nya ito at palit-palit ang tingin sa daan at sa cellphone nya. Mabilis syang nag-type dito at maya maya'y napangisi.
"Anong nakakatawa? Sinong nag-text?"
Sa halip na sumagot, mas lalong lumapad ang ngiti nya na parang babaeng kinikilig.
"Oy ano ba? Para kang bading na kinikilig dyan!" sigaw ko sa kan'ya.
"Bakit? Ang mga babae lang ba ang may karapatang kiligin?"
So kinikilig nga sya?
"Mamaya uuwi na ako. Baka hanapin ako ni mommy,"
Napatingin ako sa kan'ya.
"So sino ang hahatid sa akin?"
Hindi sya sumagot sa tanong ko imbis ay nagpatuloy lang sa pagda-drive. Hindi ko nalang sya tinanong ulit at tinuon ang pansin sa labas ng bintana.
Magkaraan ng ilang minuto, nakarating din kami sa destinasyon namin. Pinark ni Jc ang sasakyan at pumasok sa loob.
"Kayo 'yung bumisita nuong nakaraang araw 'di ba?" tanong ng isang madre nang makasalubong namin.
"Opo sister," sagot ko. "Kami nga po iyon,"
"Anong maitutulong ko sa inyo?"
Nagkatinginan kami ni Jc bago sya nagsalita.
"Eh, kasi sister, etong kasama ko napamahal ata dun sa isang bata na nandito," pabirong saad ni Jc.
Napangiti naman duon si sister. Nag-krus ang mga kamay nya at nakangiting humarap sa akin.
"Ang ibig bang sabihin nun, ay mag-aampon kayo?"
Ehh? My mouth was half-open. Sa tingin nya, mag-aampon kami kaya kami nandito? Jusko! Sixteen years old pa lang ako for pete's sake! Nakakainis na ang madreng ito, ah. Minsan, ang sarap batukan ng mga mababait na tao lalong-lalo na ang madreng nasa harapan ko ngayon.
Mabilis akong umiling.
"Naku hindi po, sister," demonyo. Psh. "Nangako po kasi ako ki Tintin na babalik ako," at 'di ko sya aampunin. "Nasaan po ba sya?"
"Ah! Halika kayo!"
And she lead the way. Salamat naman at nakaligtas kami sa ka-Lg-han ng madreng ito. Malalaglag ang puso ko sa pakikipag-usap dito. Dumaan kami sa iilang silid at nang huminto si sister, napahinto din kami. Kumatok muna sya bago binuksan ang silid. May kinausap sya sa loob, feeling ko mga bata dahil may narinig akong mga boses ng bata. Makaraan ng ilang segundo, hinarap nya kami.
"Naku, ija. Wala si Tintin dito,"
Anong ibig nyang sabihin? Nawawala si Tintin? Panong-
Biglang bumukas ulit ang pinto at iniluwa nun ang isang payatot na batang lalaki na sa tingin ko ay 6 years old.
"Sister! Baka po nasa may puno si Tintin! 'Di ba po palagi syang nanduduon kapag birthday nya?"
Birthday ngayon ni Tintin?
"Oo nga pala! Salamat sa pagpapaalala, Red! Ulyanin na talaga si sister!" at Lg pa.
Humarap sa amin si sister.
"Halika samahan-" pinutol ko si sister.
"Hindi na po. Alam ko naman po kung nasaan iyon, eh," sabi ko.
Nadaanan ko kasi iyon nung una kaming pumunta dito at nabighani talaga ako sa punong iyon kaya siguro hindi ko nakalimutan.
Tumango si sister at nagsimula na kaming maglakad. Kailangan pa naming lumabas dahil sa labas ito ng ampunan. Nang makarating kami sa destinasyon namin, agad hinanap ng aking mga mata si Tintin, at tama nga ang sinabi nung bata kanina, heto sya at naka-upo habang nakatingin sa malayo.
"Dun lang ako sa kotse," paalam ni Jc. "Uhm, eto pala Gail. Hehe. Bye!" sabay abot nya sa akin ng kapirasong papel.
Hindi ko nalang sya pinansin at inilagay sa bulsa ang papel na binigay nya nilapitan ko si Tintin at umupo sa tabi nya.
"Happy birthday! Sorry wala akong gift. Ngayon ko lang nalaman, eh kung 'di pa sinabi nung..." tumigil ako at inalala ang pangalan ng batang lalaki kanina. "Red." ngiti ko.
Lumingon sya sa akin at ngumiti.
"Okay lang po iyon ate. Sapat na po 'yung pagbati nyo sa akin," nakangiti nyang sabi.
Ngumuti din ako sa kan'ya at pinisil ang magkabila nyang pisngi. Ang cute naman ng batang ito.
"Ilang taon ka na?"
"Five years old na po!" Masaya nyang sabi at nagpalakpak pa.
"Bakit ka pala nandidito? Birthday mo, dapat duon ka sa loob at nagsasaya. Ba't parang malungkot ka?"
Biglang nawala ang ngiti sa kan'yang mukha at napalitan ng kalungkutan. May sinabi ba akong masama?
"Wala lang po. Gusto ko lang dito kasi ang fresh po ng hangin," napayuko sya. "Tsaka, umaasa ako na baka pagpasok ko mamaya, nandyan sila para kunin ako,"
"Kahit na iniwan nila ako, hindi ako galit sa kanila. Basta, kunin lang nila ako,"
Nakita kong napasinghot sya at napapunas ng luha.
Naawa ako para kay Tintin. I felt sad for her. Ang liit-liit pa nya pero ang laki-laki na ng puso nya. Siguro ganyan din ang mga magulang nya, mapagkumbaba at mapag-unawain, kaya namana nya ito.
Ngumiti ako 'saka sya niyakap. I know malungkot sya ngayon. Limang taon na sya naghihintay, limang taon ng umaasa na balang araw, babalik ang totoo nyang mga magulang. She's too young to experience that.
Tayo ngang umaaasa sa mga crush natin, walang nangyari.
Ilang minuto ang lumipas bago sya magsalita.
"Ate, maggagabi na po. Hindi pa po ba kayo uuwi?"
Napatingin ako sa langit. Oo nga, madilim na ang langit at wala ng araw. Baka hinahanap na ako nila mama.
Kumawala ako sa yakap at hinarap si Tintin.
"Happy birthday ulit! Huwag ka na malungkot okay? Smile!"
Ginamit ko ang dalawa kong hintuturo upang i-spread ang aking bibig at i-form ito ng naka-ngiti. Imbis na ngumiti, pinagtawanan ako ni Tintin, mukha daw akong clown. Ang batang iyon, nakakatawa ba ang pagmumukha ko?
Umiling nalang ako at nagpaalam na sa kan'ya.
"Bye Tin! See you again!" in any chances. Feeling ko kasi magiging busy na ako this incoming days at wala na akong time na makapag-bisita sa kan'ya.
Kumaway naman sya at ngumiti. Mas malapad na ang ngiti nya ngayon kesa nuong kanina.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng ampunan at nagtungo sa lugar kung saan ipinark ni Jc ang kotse nya kanina. Naningkit ang mga mata ko nang makitang walang tao sa loob.
Ang sabi nya kanina nandito lang sya sa kotse nya?
Lumapit ako sa kotse at malapitang tinignan ang loob. Wala namang tao sa likod. Saan kaya nagpunta yun?
"Ahem," narinig kong may umubo sa likod ko kaya naman napaharap ako dito.
Ganun nalang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
He's not Jc, by the way.
"Uhm, umuwi na si Jc. He ask me to drive for you,"
It's Nathan. How did he got here? Akala ko ba stict si tita Veronica sa oras? Bakit sya nandito pa din sa labas at hindi pa umuuwi?
"M-may pinuntahan kasi ako. M-malapit dito. And... since malapit naman na ako dito, h-he ask me to drive you,"
Tumango naman ako sa sinabi nya. Alam din ba nyang hinahanap namin ang totoong mga magulang ni Jc? Dapat hindi nya malaman! Paano kung sabihin nya iyon ki Tita Veronica? Edi mapapagalitan na naman si Jc.
Pumasok na ako sa loob ng kotse. I sat on the passenger's seat. Nang maka pasok sya sa sasakyan, hindi muna nya ini-start ang kotse.
"What?" tanong ko nang mahuli ko syang nakatingin sa akin.
He lean forward kaya naman napaiwas ako ng tingin at napaatras. I can smell his perfume dahil sa sobrang lapit nya sa akin. Napapikit pa ako ng mga mata sa pag-aakalang hahalikan nya ako.
*CLICK
Sabay layo nya sa akin.
"Safety first!" he said.
Speaking of safety first...
"May lisensya ka?" tanong ko sa kan'ya.
Napatigil sya pero agad ding inistart ang makina.
"Don't worry," humarap sya sa 'akin. "I'll be gentle," sabay wink nya sa 'akin at nagsimula ng mag-drive.
Napaiwas ako ng tingin. Is it me? Ako lang ba ang nakaisip na double meaning ang sinabi nya? I shooked my head. Ang dumi naman ng isip ko! Sa linggo magsisimba nga ako at iinumin ko lahat ng holy water sa simbahan.
-------------------------------------
EDITTED VERSION
A/N: Nakakainis si Tisoy, 3 weeks na simula nang mag-land fall sya sa amin pero hanggang ngayon wala pang kuryente. Nakakainis! Kasi naman nauso pa ang bagyo! Namomoblema tuloy ako sa pagcharge.
By the way, here's chapter 30! Sana nagustuhan nyo and nag-enjoy kayo sa pagbabasa! Thank you and Vomments are highly appreciated!❤
New A/N: wala lang. HAHAHAHAHA!
🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FAN!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro