Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Thirteen


Gail
Coincidence

INIWAS ni EB ang tingin nya sa'akin at binalingan nalang si Ella. Bakit sya nag-iwas ng tingin? Takot ba syang malaman ko ang totoo? Naisip nya siguro ang katangahan nya na dapat ibang cellphone ang dinala nya hindi yung ginagamit nyang pamg-text sa'akin.

"Sabi ni Ella nasaan na daw tayo?"

Akala ko sya si... nevermind. Imposble naman yun. Just what the fudge na naisip kong paghinalaan ang sarili kong kaibigan?

"Sabihin mo kumain muna tayo dito sa Jollibee dahil gutom na kuno si Gail." Tumango naman si EB at napatingin ulit sa'akin.

"Okay ka lang Gail? Napapansin ko lang kanina ka pa nakatingin sa'akin? Sobrang gwapo na ba ako sa paningin mo at pinagnanasahan mo na ako?" Sabi nya habang nakaturo pa sya sa sarili nya.

Dahil sa sinabi na EB ay napatingin sa'amin si Mich.

"Yup, tama ka. Gwapo ka sa panaginip, lang!" Diniinaman ko talaga ang salitang 'lang para kahit pa-paano ay mabawasan ang hangin nya sa katawan. Amp!

"'Tsaka akala ko kasi, ikaw si JC?"

Just what the fudge? Wala man lang ba silang balak na tanungin ako kung sino si JC? Snob lang nila ang topic? Ganun? Umiling nalang ako at tinuloy ang kinakain ko. Tiningnan ko naman si Mich na parang wala lang sa'kanya iyong nanyari. Binilisan ko nalang ang pagkain ko. Nang matapos ako ay nagpaalam na muna ako sa'anila Mich na pupunta lang sa NBSB- NBS lang pala walang 'B' sa National Book Store.

NBS. National Book Store. NBSB. No Boyfriend Since Birth or pwede ding No Boobs Since Birth.

"Guys, National Bookstore lang ako. May titignan lang."

Tumango nalang sila at nagsimula na akong maglakad papuntang National bookstore. Malapit lang naman kasi sa may Jollibee ang National. Nang makapasok na ako pumunta ako dun sa mga libro. Malamang bookstore nga diba? Alangan namang pumunta ako dito sa Bookstore, hinanap ko mga unggoy?

Gusto ko kasi magbasa. Alam mo yun para hindi ka muna ma-bored. At least na-aaliw ka. Nang naka libot-libot ako, may nakita akong isang libro. '7 weeks To know Him' ang title.

(HAHAHHA. Prinomote sariling libro?😂)

Parang ang ganda ng story. Parang yung story is may isang babae tapos kailangan nyang malaman kung sino yung lalaki. Parang ganun. Tapos pag 'di nya nakilala kung sino yung lalaki sa loob ng pitong linggo, papatayin nung lalaki yung babae?

Naman! Lovestory nagging Horror? Kukunin ko na sana yung libro nang may humawak din dito. Tiningnan ko kung kanino yung isang kamay na nakahawak sa kabilang parte ng libro at laking gulat namin--- mali. Ako pala. Laking gulat ko nang makita ko sya.

"Oy, Gail! Nandito ka pala?" Sabi nya sabay ngiti.

Palagi nalang syang nakangiti. Hindi maaalis ang ngiti sa mukha nya. Parang palaging naka-glue yun sa'kanya. Palagi ko nalang napapansin na sa tuwing magkikita kami palagi na lang syang ngumingiti. May kailangan yata ito sa'akin kaya ganun.

"J-Jc. Hehe." Sabay kamot sa batok.

Iba ang reaksyon ko sa reaksyn nya. Sya naka-smile at ako gulat na gulat na parang nakakita ng multo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya. Pero napatingin lang ako sa libro na kukunin ko sana.

"Ahy! Mahilig ka din magbasa ng mga ganito?" Kinuha nya yung libro at tiningnan. Tumango nalang ako at nagsalita.

"Hindi masyado. Nakita ko lang. Mukha kasing maganda yung story kaya parang gusto kong bilhin." Sabi ko habang nakatingin sa'kanya.

Ang cute nya habang binabasa nya yung nasa likod ng libro.

Ang kinis pala ng mukha nya. Hiyang hiya ang mga tigyawat ko. Ang haba din ng pilik mata, pinkish ang lips, matangos ang ilong. Sa madaling salita, Gwa--- teka, ano mga pinagsasabi ko? Wait! Mali! Mali!

Inalis ko ang tingin sa'kanya at umiiling-iling. Mali! Na-aano na ba ako? Hinawakan ko ang mukha ko at pinagsasasampal ang sarili ko.

"O-oy Gail! Okay ka lang ba?" Napatingin ako ki Jc. Makikita mo sa mukha nya ang pag-aalala. Umiling naman ako at nagsalita.

"Okay lang ako. Ano... ahm. Ba't ka pala nandito?" Binaba naman nya yung hawak nya na libro at ngumiti na naman sa'akin.

Damn that smile! Kanina ka pa! Isa nalang talaga mahuhulog na ako sa'yo.

"Wala. Gusto ko lang mamasyal. Teka, gusto mo ba itong libro? Ako nalang babayad para sa'yo." Tapos pinakita nya sa'akin yung libro na hawak nya.

"Ano? Hindi! Ako nalang. Nakakahiya naman." Umiling nalang sya at hinila ako papuntang counter. Hindi na ako naka-angal dahil kami na yung next. Nakakahiya naman kung bigla nalang kami mag-aaway dahil sa libro.

"Ano pang gusto mong libro? Dali bibilhin ko." Tanong nya sa'akin nang mabalot na sa plastic yung libro.

Nakakahiya naman. Kahit kakaunti ay may pera naman ako dito sa bag ko at kaya ko namang bayaran ang libro. Nasa halos two hundred pesos lang naman iyon.

"Wag na. Tama na itong isa. Tsaka, nakakahiya talaga."

"Wala iyon..." sabi nya. "Babayaran naman ako ni ano e." Bulong nya pero narinig ko naman.

"Ha?"

"Ha? Wala. Sabi ko libro lang iyan. Sa susunod---" Di na nya natuloy ang sasabihin nya nang may tumawag sa'kanya.

"Jc! Nandito ka lang pala! Kanina pa---"

Di rin natuloy ang sasabihin nya nang tumingin sya sa'akin. Ako naman ngumiti nalang kahit pa-paano. Hindi naman ako nagulat na nakita ko si Nathan. Oo si Nathan ang tumawag ki Jc.

"G-Gail! Andito---" Hindi natuloy ulit ang sasabihin nya nang may tumawag sa likod ni Nathan.

Ano ba? Uso ba ang pag-puputol ng sasabihin ngayon?

"Hey! Nathan! Jc! Kanina ko pa kayo--- Ohw. Hi! Gail right?"

Tanong ni Eunice. Ngumiti nalang ako at tumango sa tanong nya.

So magkasama silang tatlo? Sa bagay magkapatid naman si Nathan at si Jc dapat lang na mag kasama sila. Si Eunice? Hmmm. Mag ka-close naman sila ni Nathan kaya 'di na ako magtataka na magkasama sila ngayon.

But Eunice and Jc? Close sila? Hindi naman halata. Sa school kasi 'di naman sila masyado nag-uusap? Yata?

"Ahw hahaha. What a Coincidence."

Ngumiti nalang ako. Tumingin ako ki Jc na ngayo'y nakatingin ki Eunice habang si Eunice naman ay nakatingin sa'akin. Nabaling ang tingin ko ki Nathan. Umiwas sya ng tingin dahil kanina pa pala sya nakatingin sa'akin. Napataas naman ang kilay ko dahil dun. Bumaling nalang ako ng tingin ki Eunice.

"Sorry. Pero may kasama kasi ako. Mga barkada ko. Baka kasi hinihintay na nila ako."

Sa totoo lang gusto ko ng umalis dito dahil na a-awkward-an na ako sa sitwasyon namin ngayon. Tsaka, baka hinahanap na din ako nila Mich. Baka mag-alala sila sa'akin.

"Ohw. Nasaan sila? Can I meet them? Please Gail!" Sabi nya at pinagdikit pa ang dalawa nyang palad.

Tumingin naman ako ki Jc. Nakangiti lang sya sa'akin. Si Eunice naman parang angel na nagmamakaawa. At dahil mapilit sya pumayag nalang ako. Sabi ko nasa Jollibee sila. Kaya nagsimula na kaming maglakad papuntang Jollibee.

Ang FC naman netong si Unniecorn. May balak ba syang kaibiganin yung mga kaibigan ko din? Tss. Sigurado ako ayaw nila makipag-kaibigan sa mga plastic.

Sabihin mo, nagseselos ka.

Habang naglalakad na a-awkward-an naman ako sa posisyon namin. Pano ba naman katabi ko si Nathan habang sa magka-bilang gilid naman sila Eunice at Jc. Ewan. Pero, iba ang feeling ko.

Magkatabi kami ni Nathan habang nag lalakad. Walang malisya. Parehas na kaming naka move-on sa isa't isa. Sya may Eunice, ako wala dahil masaya maging single.

O sige Gail. Ipaglandakan mo sa mundo na single ka!

Pero hindi naman ata iyon tama dahil sa pagkakatanda ko ay pinsan nya si Eunice. So bawal silang dalawa.

Habbang naglalakad nabigla ako nang may humawak sa kamay ko. Tiningnan ko kung kaninong kamay at nabigla nalang ako nang malaman na ki Nathan yun. Aalisin ko sana yung kamay ko nang bigla nyang hinigpitan ang hawak nya sa'akin.

Napatingin naman ako sa'kanya para tanungin sya na anong ginagawa nya. Pero sya deretsyo lang ang tingin sa daan at naka haft smile pa. Gusto kong tanggalin ang kamay ko pero mahigpit ang hawak nya dito. Baka makita nila Jc at Eunice mabigyan pa ng malisya.

Ano bang pinaplano ngayon ni Nathan? Kasi kung ano man ang binabalak nya natatakot ako sa mga pu-pwede nyang gawin.

Aysus. Tanggi tanggi pero gusto naman.

--------------------------------------
EDITTED VERSION

VOTE🌟
COMMENT💭
BE A FAN!💮

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro