🔎Chapter Ten
Gail
Finally
***DISMISSAL
NGAYONG Tuesday hindi ako ang naka-assign na maglinis dahil every Monday lang kasi ako naatasang maglinis sa room. 'Tsaka nakakatamad at nakakapagod kayang maglinis lalong lalo na kung mag-isa ka lang dahil tumatakas yung mga kasama mo na dapat mga katulong mo. Buti nalang talaga 'di ako cleaners ngayon.
Ngayong Tuesday ang maglilinis ay si Mich. Nag papatulong nga sa'akin pero sabi ko si EB nalang yayain nya. Tutal boyfriend naman nya si EB at isa pa kakalinis ko pa lang ng room kahapon noh! Ang unfair naman yata kung maglilinis ulit ako?
"Oh? Bye na may gagawin pa ako." Paalam ko sa'kanila.
"Sige. Text text nalang, Gail." Sabi ni Mich habang nagwawalis
Si EB naman nakaupo lang sa isang upuan. Pinagmamasdan si Mich habang nag wawalis. Naku naman! Ang sweet. Binabantayan nya at hinihintay nya ang Girlfriend nya. Ahw. Inggit si ako.
Inggit ka lang kasi wala kang boyfriend! Single ka!
"Hoy, B! Baka gusto mo akong tulungan dito sa pagwawalis? Hindi umuupo ka lang dyan at walang ginagawa!" Panenermon ni Mich ki EB.
"Sorry B ang sarap mo kasing pagmasdan e." Sabi ni EB habang nakangiti pa at nakatingin ki Mich.
"Naku! Sige alis na ako dito. Hindi ko na kaya ang ka cheesy-han nyo e." Natatawa kong sabi.
Bago pa sila makasagot umalis na ako ng room at 'di na sila pinakinggan. Nagsimula na akong maglakad sa hallway. Habang naglalakad lakad ako, 'di ko mapigilang matawa. Ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko may mangyayari sa'akin ngayon na masaya.
Ano kaya ang gagawin ko ngayong uwian na? Ayaw ko pang umuwi ng bahay. Gusto ko pang lumabas muna at mag ikot-ikot sa bayan namin.
To: bakadatheBEST :DD
Guys labas naman tayo oh, wala akong magawa e.
Sent!
Agad ko namang pinindot ang send button at nagtuloy na sa paglalakad. Ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko. Open kasi itong corridor namin. Kakaunti nalang ang mga estudyante na nakakasalubong ko kasi nga dismissal na at sigurado akong halos lahat na naman ng mga estudyante dito ay nasa computer shop na naman. O kaya naman ang iba ay kumakain sa pansitan.
Saan pa nga ba pupunta ang mga iyon? Adik sa mga dota, league of legends at warcraft ang mga iyon e.
Minsan naiisip ko 'di ba sila nag-iisip o nahihiya man lang? Ang dami dami na nilang record sa POD yet 'di pa din sila tumitigil. Kasi naman, pupunta sa Com shop ng naka uniform pa.
Nakatingin lang ako sa daanan ko ng mag vibrate ang phone ko hudyat na nag reply na sila sa text ko.
***From: bakadathe BEST :DD
Michy:D: Bawal ako, naglilinis ako ng room. Diba ako ang assign ngayon?
EBCD: Bawal din ako tinutulungan ko si B maglinis ng room. Kayo nalang nila Ella at Jake. Sorry talaga.
Ellatine: Sorry wala ako sa mood lumabas e. Next time nalang.
Jakee: Next time nalang Gail. I'm with my cousin kababalik lang nya galing New York, sorry.
Oo nga pala! Nakalimutan kong naglilinis pala ng room sila Mich at EB. Ang bilis ko naman yun nakalimutanl Kanina lang ako umalis ah? May Amnesia na yata ako?
Napabuntong hininga naman ako at napatigil sa paglalakad.
Ano gagawin ko? Ang boring naman wala akong gagawin pagkatapos ng eskwela. Ayaw ko pa naman na umuwi muna sa bahay. Wala din naman ako dun gagawin. Si mama 'di ako pinapansin at galit sa'akin. Si papa minsan lang ako kinaka-usap dahil medyo busy sa paghahanap ng trabaho. Ano ang gagawin ko?
Nagsimula na ulit akong maglakad lakad palabas ng eskwelahan. Nang makasalubong ko ang isa kong kaklase.
"Oy, Gail! Bakit 'di ka pa umuuwi? May Hinihintay ka ba?"
Umiling ako at ngumiti sa'kanya. Kaklase ko sya. Well, ka teammate din sya ni Nathan sa Basketball kaya close kami medyo. Sa pagkakakilala ko sakanya, mabait sya. At 'di ko naman maitatanggi na gwapo din sya. May pagka-chinito, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi.
"Wala. Pa-uwi na ako galing sa room. Naglilinis kasi sila Mich." ngumiti ako sa'kanya at ginantihan din nya ako ng isang napaka tamis ding ngiti.
Juice ko lord naman! Baka magkasala ako ngayon. Feeling ko anytime pwede ng mahulog ang panty ko kaya naman bahagya akong napahawak sa bandang pwetan ko.
"Ikaw? Ba't 'di ka pa umuuwi?" Dagdag ko
"Ah. Nanggaling ako sa court. kakatapos lang ng practice namin sa basketball. Kukunin ko lang bag ko sa room para umuwi na. Sige ah."
Tumango naman ako sa'kanya at umalis na sya papuntang room. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad na parang isang zombie nang biglang tumunog ang Cellphone ko. Sino naman tong taong ito?
***BZTTTTT BZTTTTT***
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan kung sino nag text laking gulat ko nang JC ang pangalan ng nag text. Pero agad ding napalitan ng simangot ang mukha ko nang ma-realize kong si JC yung mystery guy na basta basta lang nag text sa'akin. Siguro sasabihin nya na saakin kung sino talaga sya?
Asa naman ako.
***From: JC?
Hi! Ano gawa mo?
Oo nga pala! Si JC nalang ang itext ko. Agad naman akong nag type sa cellphone ko at agad na nag-reply sa'kanya habang naglalakad.
***To: JC?
Wala nga e. Gusto kong lumabas pero bawal at ayaw ng mga barkada ko. Labas tayo?
***From: JC?
Di pwede. Hahaha. Paano mo na ako nyan mahuhulaan? Kung mag papakita ako sayo? Text text nalang muna tayong dalawa. Hahahaha. Huwag na muna tayo magkita saka na at baka ma-inlove ka sa'akin pag nakita mo ako.
Oo nga noh? Sige text text nalang muna. Tsaka, ang kapal din naman pala nitong ni JC na 'to! Hahaha. Ilang minuto ang lumipas bago ako maka-reply sa'kanya. Ang hirap kasi mag-isip ng topic 'tsaka ayaw kong buksan yung topic na ganun ang kapal kapal pa naman nitong JC na 'toh.
***To: JC?
Sige. Uhm. Isip kang topic.
Naglakad na ako hanggang sa mapadpad ako sa court. Ewan ko nga kung paano ako napadpad dito? Siguro dahil sa nakatingin lang ako sa'aking cellphone namali ang daan ko kaya ako napunta dito. Doon may nakita akong lalaki nakatalikod. Mukhang may hinihintay sya. Parang pamilyar itong lalaki na 'toh.
Biglang gumalaw yung lalaki ng bahagya at nakilala ko na kung sino iyon. Si Jc. Yung bago naming kaklase. Ba't sya nandito? Member na din ba sya ng basketball team? Oo nga pala! Kapatid nya si Nathan. Si Nathan na isa sa Member ng Basketball team dito sa school at sa pagkakaalam ko din ay sya ang Team Captain. At baka hinihintay nya ang kapatid nya. Pero nasaan si Nathan?
Naalaala ko yung sinabi nung kaklase ko na member din ng basketball team na may practice pala sila Nathan sa Basketball at kakatapos palang.
Lalapit sana ako sa'kanya nang tumunog ang phone nya kaya napatigil ako at nanatiling nakatayo sa may entrance ng court.
Kinuha nya iyong Cellphone nya at binasa yung text pagkatapos ay binaba din nya agad at 'di ni-reply-an. Ay, snob ang kuya nyo!
And speaking of replayan, hindi na nagreply sa text ko si JC. Yung ka text ko? Baliw yun ah. Tinulugan na naman yata ako? Kinuha ko naman yung Cellphone ko at nagtext ki JC.
***To: JC?
Oi! Ano na?! Tinulugan mo na naman ba ako? Walang hiya ka talagang lalaki ka! Hindi ka gentleman!
Binaba ko na ang Cellphone ko't lalapit na sana ako ki Jc nang may mag text ulit sa'kanya dahilan para literal na mapatigil ako. Wait. Hindi kaya-- Ano ba 'yang pinag-iisip mo! Nabubuang na yata ako? Imposible naman yata ang iniisip ko?
Pero. Napaisip ako. Paano nga kung... oo? Para matapos na, nag text ulit ako sa'kanya. Ki JC
***To: JC?
JC!
At tulad ng kanina may nagtext ulit sa'kanya at tiningnan lang nya ito at binasa lang. Hindi nagreply. Naghihintay ako na magreply si JC na ka-text ko pero wala. Napako ako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makagalaw o makaalis man lang sa kinakatayuan ko. Hini ako makapaniwala sa nalaman ko.
All this time yung hinahanap ko lang pala ay nasa tabi ko lang? Hindi ko inaasahan na ganito ang manyayari ngayong araw. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Kung matutuwa ba ako? Malulungkot? Ang sagot, hindi ko alam.
Hindi ko alam ang gagawin ko! Nagpakilala na sya sa'akin nuong nakaraang araw. Bakit kailangan nya pang ipagpatuloy ang pagpapahula nya sa'akin?
"Jc!" Napabalik din ako sa urat nang may tumawag ki Jc ng isang pamilyar na boses.
Ngunit 'di ko na inalam kung sino pa man ang tumawag ki Jc at tumalikod na. Kailangan ko ng umalis dito. Mahirap na baka makita pa nila ako at magtaka sila kung bakit ako naroroon sa court.
Baka sabihin ni Jc nanduon ako para supportahan si Nathan sa practice nya. Huh! Asa sya! Kasi kahit kailan, hinding hindi mangyayari iyon! Taga nya pa sa kamatis.
Uhm, baka bato hindi kamatis?
Tumakbo na ako para mas lalong mapabilis ang pag-alis ko sa lugar na yun. Habang tumatakbo, hindi ko mapigilang mapa-isip. Bakit pag nag te-text ako ki JC na mysterious Guy ay sakto din na may natatanggap na message si Jc na kaklase ko? Isa lang ang ibig sabihin nito. Na silang dalawa ay iisa lang.
Nang makalabas na ako ng gate, dali-dali akong naglakad papuntang bahay. Malapit din naman ang bahay namin kaya pwedeng lakarin nalang. Nakatulala akong pumasok sa bahay. Binati nga ako ni papa. Ni 'di ko man lang sya pinansin at namanuhan. Narinig ko naman ang galit na tonong sabi ni mama na wala daw akong ugali.
Habang tumataas ako sa hagdanan binabasa ko ang 1st hint na binigay ni JC sa'akin para malaman kung sino talaga sya. Ngayon alam ko na kung sino ka talaga. Hindi ko na kailangan ng mga hint hint na mga yan para mahulaan kung sino ka.
Ang 1st hint nya, nag sisimula sa letter J ang name nya. So si JC na mysterious Guy at si Jc na kaklase ko ay iisa?
"Ahhh!" Sigaw ko sabay hilata sa kama.
Tinabunan ko ang sarili ko ng unan at nagpagulong gulong. Ayoko na! Ano ba ang dahilan nya ba't nya ako ginanito? Bakit? Ang sakit sa ulo mag-isip! Ba't 'di nalang kasi nya deretsyuhin? May pa 7 weeks to know him pa sya.
Argh!
Finally kilala na din kita JC. Finally!
Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagtext sa'kanya.
***To: JC?
I finally know you, Jc.
Pagkatapos kong i-text iyon sa'kanya ay umayos na ako sa pagkakahiga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
---------------------------------------
EDITTED VERSION
A/N: Hi guys! Hope you like my update. Ginanahan akong mag Update ngayon. HAHAHAHA.
VOTE🌟
COMMENT💭
BE A FAN!💮
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro