Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Sixteen

Gail
Second hint.

***BREAK TIME

NANDIRO ako ngayon sa room. Snack na pero nagpa-iwan ako sa para ayusin ang mga gamit ko. Hindi kasi ako mapakali na hindi ayusin ang mga gamit ko at baka mawala pa ang mga ito. Alam nyo naman ang mga tao ngayon, madudulas ang mga kamay.

"Gail, mauna na kami nila Mich sa canteen. Sunod ka na lang,"

Napatingin ako ki Ella na nagsalita. Grabe. Excited na syang pumunta ng canteen? Ganun ba sya ka gutom?

"Oo nga Gail. Punta ka nalang sa canteen. Mauna na kami. Gutom na ako eh." reklamo ni EB sabay hawak sa tyan nya.

"Palagi ka namang gutom B eh. Ano pa bang bago?" saway naman ni Mich sa boyfriend nya.

"Kaya nga. Kaya halika na. Pakainin mo na ako." sabay hila ni EB kay Mich.

Pinalo naman sya ni Mich. Ayan na mag-aaway na nanaman ang dalawa.

"Ano na? Kakain pa ba tayo o magchi-chikahan nalang kayo dyan?" masungit na saad ni Jake.

Nasa pintuan sya at handa ng lumabas. Malamang gutom na gutom na 'to. Nagiging masungit yan kapag gutom na e. Napabuntong-hininga nalang ako. Pinipigilan ko ang matawa.

"Sige na, mauna na kayo. Susunod ako," Paalam ko sa'kanila.

"Sige, dalian mo ah. Hihintayin ka namin."

Tumango nalang ako at bumaling nalang ulit sa mga gamit na inaayos ko. Naramdaman ko namang umalis na sila.

"Gail." Napatingin ako sa tumawag sa'akin. Si Nathan.

"Oh, Nathan. Bakit?"

Nandyan pa pala sya. Ang akala ko pumunta na sya sa canteen at akala ko din ay mag-isa na lang ako na nandidito sa room.

"Ahhh, ano." napakamot sya sa ulo nya. Parang nahihiya syang sabihin ang gusto nyang sabihin. "Pwede ba... sabay tayong kumain?" nahihiyang sabi nya.

Nabigla naman ako sa sinabi nya. Bakit nya ako gustong maka-sabay magsnack?

"Bakit?" Ewan ko kung bakit ko natanong yun. Siguro dala na din ng pagka-bigla.

"Uhm. Wala lang." Napataas naman ang kilay ko. "Gusto ko lang na... maging mag-kaibigan tayo? Closure kumbaga?"

Napatango naman akp sa sinabi nya. Okay. Tama din naman sya. Kung yun ang gusto nya, hmmm. Ibibigay ko yun sa'kanya. Isa pa, yun din ang kailangan naming dalawa. Ang magkaroon ng closure. Nakakapagod din kasing layuan at iwasan sya. Ang awkward lang.

Ngumiti ako sa'kanya. "Sige ba." Napatingin ako sa likod nya. Hindi nya yata kasama si Jc?

"Hindi mo yata kasama si Jc ngayon? Nasaan sya?" Tanong ko.

"Ahh." Biglang nawala ang ngiti nya kanina. "Nauna na sa canteen. Patay gutom yun e." tawa nya. "Tara?" Yaya nya pa. Napailing nalang ako.

"Ilalagay ko pa mga 'to sa locker ko e." Sabi ko sabay turo sa mga libro na nasa desk ko.

"Ahw. Ang dami nyan ahh,"

"Oo nga e,"

Nagsimula na akong kuhain ang mga libro na nasa desk ko.

Nahirapan ako dahil masyadong madami ang mga libro at iilang notebooks na binuhat ko.

"Ay kabayong nabuntis mo!" sigaw ko. Bigla kasing nahulog ang iilang libro.

"Ako na, tulungan na kita." pinulot ni Nathan ang mga libro na nahulog. "Hindi pa ako nakakabuntis ng kabayo." tawa nya. "Isa pa wala akong balak buntisin ang kabayo. Ikaw lang kaya." Bulong nya.

"Ano?" tanong ko ulit kahit narinig ko naman. Gusto kong kiligin pero mas pinili ng sistema ko na huwag na lang.

"Wala." napatayo sya ng maayos nang matapos nya ng pulutin ang mga libro ko. Kinuha ko naman iyon sa'kanya pero agad na inagaw ang mga iyon sa'akin.

"Ang babae, hindi pinag-bubuhat ng mabibigat na bagay." sabi nya sa'akin. "Hayaan mo na kaming mga lalaki ang gumawa nun."

Hindi naman mabigat ang tatlong libro ah?

Lumabas na kami ng room at sinimulang tahakin ang daan papunta sa locker ko.

"Lalaki ka ba?" asar ko sa'kanya na ikina-tawa ko.

Tumingin sya sa'akin ng nakakaloko at ngumiti.

Tumigil sya. "Gusto mo patunayan ko?" mas lalo sya ngumiti ng nakakaloko.

Pinalo ko sya sa balikat. "Gag*! Hahaha!" nagku-kwentuhan at nagtatawanan lang kami habang naglalakad.

"Saan ba mga 'to?"

Napatingin ako sa mga buhat nyang mga libro. Nandito na kami sa harapan ng locker ko.

"Dito na lang Nathan. Salamat sa pagbubuhat. Ilapag mo na lang dyan,"

Sinunod naman nya ang ini-utos ko. Linapag naman nya ito sa tapat ng locker ko. Ako naman ay kinuha na ang susi at binuksan ito. Ganun nalang ako nagulat ng makita ang nasa loob ng locker ko. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko.

Galit dahil may kung sinong tao nalang ang naglagay ng mga ito sa loob ng locker ko? Plus the fact na nabuksan nya ito? O saya? Saya na may nakikita ako ngayong tatlong pulamg sa unahan ko at isang latang naglalaman ng mga tsokolate?

"Oh? Bakit? Anong---"

Napatingin ako ki Nathan. Nakatingin sya sa loob ng locker ko. Napatigil sya at natulala parang hindi sya makapaniwala sa nakita nya. Napatingin din sya sa'akin matapos silipin ang nasa loob ng locker ko.

"Uy wow! Kanino galing ang mga yan?" Sabay turo nya sa mga rosas at tsokolate.

Hindi sya galit?

Aysus. Bakit naman magagalit si Nathan? Umiling nalang ako at kinuha ang papel na katabi ng tatlong Rosas. Napangiti nalang ako ng mabasa ko ang nakasulat. Baliw talaga ang JC na 'to.

Talagang may nalalaman pa syang pa-bulaklak at mga tsokolate ah? Ano sya, manliligaw?

"Yuy. Kinikilig na yan," napatingin ako ki Nathan na nasa tabi ko na pala. Binabasa ang sulat na hawak ko. "May manliligaw ka na pala. I guess, wala na akong pag-asa," tapos kunwaring naging malungkot ang mukha nya.

Gago talaga ang isang 'to.

"Gago ka kasi." pinalo ko sya sa balikat. "Kung hindi mo ako niloko, edi sana tayo pa din hanggang ngayon," biro ko sa'kanya.

"Hmmm. Kung manliligaw ba ako ulit, papayag ka ba?" tanong nya na nakapagpa-hinto sa'akin. Nagbibiro lang naman ako! Hindi ko naman aakalaing se-seryosohin nya!

Inayos ko nalang ang sa loob ng locker ko para may space na paglalagyan ng mga libro ko. Hindi ko sinagot ang tanong nya at nagkunwaring walang nadinig.

"Ilagay mo na dyan Nathan. Salamat ulit. Naabala ka pa tuloy," paumanhin ko sa'kanya.

Nakakahiya naman kasi. Imbis na kumakain na sya ngayon, eto tinutulungan nya ako.

"Wala yun. Basta ikaw." ngumiti naman sya.

Ngumiti nalang ako at yinaya na sya papunta sa Canteen. Syempre linock ko muna yung locker ko. Habang papunta ng canteen napansin kong ngiti sya ng ngiti. Kaya naman inasar ko sya.

"Nagbreak lang tayo nagdrugs ka na." asar ko sa'kanya. "Ngiti ngiti mo dyan?"

"Wala lang," biglang nagseryoso ang mukha nya. "Nanliligaw sa'yo?" tanong nya.

Hindi nga pala nya alam ang tungkol ki JC 'noh? Ngayon pa lang nya nalalaman. Hindi ko naman kasi nababanggit sa'kanya kasi hindi naman kami masyadong nag-uusap.

Natawa naman ako sa tanong nya. "Hindi ahh! Isa syang mysterious guy na basta basta lang nagtext sa'akin," saad ko. "At meron lang akong 7 weeks para makilala sya. And every week mag bibigay syang hint,"

"Then? Ano na manyayari kapag lumipas ang 7 weeks at hindi mo pa din sya nakikilala?"

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Oo nga 'noh? Ano na manyayari after 7 weeks?

"Magpapakilala sya sa'yo?"

Napailing nalang ako sa sinabi nya. Magpapakilala nga ba sya pagkatapos nun? Napatango nalang sya sa ginawa ko.

"Dalian na nga natin. Baka naiinip na sila kaka-hintay sa'atin duon,"

Tumango sya at nagtanong na naman.

"Sa tingin mo, magugustuhan mo kaya yun? Yung JC?" sabi nya pero deretsyo lang ang tingin sa daan. Bakit nya natanong?

"Bakit mo natanong?" hindi nya sinagot ang tanong ko at nanatiling sa daan nakatingin. Ni hindi man lang ako binalingan ng tingin ng lalaking 'to kaya nagsalita ako. "Ewan. Baka? Yata?"

Tumingin ako sa'kanya. Kanina kasi nakatingin ako sa daanan.

"Yung totoo, naka-drugs ka ba talaga? Kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan? Hay nako, Mr. Cruz. Hinding hindi mo na ako maaakit," Natatawang baling ko sa'kanya.

"Wala. I'm just... happy for you. Na-inlove ka sa isang mysterious guy na basta basta lang nagtext sa'yo. Ang ganda lang ng love story mo. Hahaha!" tumingin naman sya sa'akin pagkasabi nyang yun. Pero diretsyo pa din sya sa paglalakad.

"Grabe ka, inlove agad? Hindi ba pwedeng... crush muna?Isa pa allergic na ako sa word na "inlove"." sinabayan ko naman iyon ng hand gestures para naman mas effective.

"Pero malay mo, ma-inlove ka na lang sa'kanya bukas o makalawa." ngiti nyang sabi sa'akin. "Dahil hindi natin alam kung kelan tayo papanain ni kupido."

Napatigil naman ako.

Nagpatuloy naman sya sa paglalakad at iniwan ako dun. Sinundan ko na lang sya ng tingin hanggang sa makalayo na sya. Napa-simangot nalang ako sa naisip ko.

"Hoy, lalaki! Walang hiya ka! Iniwan mo na nga ako pati ba naman dito iiwanan mo din ako?" sigaw ko habang papalapit sa'kanya.

Lumingon sya sa'akin at bumungad sa'akin ang pagka-sarcastic ng mukha nya.

"Wow. Sino kaya sa'ating dalawa ang nang-iwan? Aber?" sumimangot ako sa sinabi nya. Tss.

"Oo na! Oo na! Ako na." hinila ko sya dahil tumigil sya sa paglalakad para lang balingan at sumbatan ako. "Nagugutom na ako. Ang bagal mo maglakad kahit kailan!"

"Sino kaya sa'ating dalawa ang patigil-tigil maglakad?"

Hindi na lang ako nagsalita at sabay na kaming pumunta sa canteen.

-----------------------------------------
EDITTED VERSION

VOTE🌟
COMMENT💮
AND BE A FAN👌

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro