Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Six


Gail
Nathan or JC?

DAHAN-dahan akong lumingon ki Nathan. A-ano daw sabi nya? G-Gail? Nagulat ako sa sinabi nya. Pinaglalaruan ba nya ako? I mean--- alam nya sigurong may feelings pa ako sa'kanya kaya nya ginagawa ito!

Napa-iwas naman ng tingin si Nathan nang tiningnan ko sya at humarap ki manang na ngayo'y gulong gulo sa sinabi ni Nathan. Natauhan siguro ang ul*l. Hahah joke lang.

O may ghad! Nagmura ako. Bad mouth!

"Ano?! Walang Gail dito, ijo." Nagtatakang tanong ni manang.

Manang naman e. Inulit mo pa. Pa'ano na tuloy magpapalusot ngayon si Ex?

"A-ano ho? A-ang sabi ko h-ho eh, pa- pa load h-ho. Sa t-thirty." Utal si gago.

Ano bang problema ngayon ni Nathan? Ba't ganyan sya maka kilos ngayon? Parang kabado? Sabagay, ang awkward naman kasi na magkita kayo ng ex mo diba?

Natandaan ko tuloy nuong mga panahong kami pa ni Nathan. Palagi yang nauubusan ng load. Pero, di ko alam kung bakit sya parati nauubusan ng load. Siguro pinang te-text nya sa mga kabit nya. see? How unfaithful he is. (¬_¬)ノ

"Sige, ijo. Anong number mo?" tanong ni manang habang kinukuha ung cellphone na pang load.

Grabe naman si manang. Sya na nga ang nag babantay ng tindahan, sya pa ang mag loload? Nasan na ba ang mga anak nya? Ba't 'di nila tulungan si manang sa tindahan nila? E, sakanila din naman yan ah.

Shish. Ang bait ko ngayon.

"Pwede po bang isulat nalang?"

Aba ang choosy naman nitong si Nathan. Sya na nga mag magpapa-load, sya pa ang aarte.

Yan din ang ayaw ko sa'kanya e. Ang arte arte! nung kami pa nyan papulutin mo lang ng basura. Ang arte! Ayaw magpulot. Parang ang linis naman nya sa katawan! Tss.

Teka nga, bakit ko ba binabalikan ang tapos na? Naman Gail! kaya nga past kasi nga tapos na nga diba? I'm so disappointed with myself. Aba, taray! Na-english!

"Hay naku ijo! Sa tanda kong ito, sa tingin mo makikita ko pa ba ang mga maliiit na numero na nakasulat sa papel? Kaya sabihin mo na lang."

Hay. Ewan. Wala na akong panahon making sa usapan nila at sa kaartehan ni Nathan.

Linabas ko ang Cellpone ko at tinext ang barkada. Ano na kaya ang ginagawa nila? Baka tulog na sila? Pero ang aga naman yata nila para matulog. Mga aswang ang mga 'yun e.

"M-manang... pakibilisan naman po."

"Aba, maghintay ka! Kaya kayo iniiwanan ng mga jowa nyo e! Hindi kayo marunong humintay! Mga kabataan nga naman ngayon."

*** To: bakada the BEST :DD
Hi guys! Sino pa ba ang gising sa'inyo? Gusto ko ng kausap. Si mama galit na naman sa'akin. I need someone to talk to. please, kung may gising pa sa'inyo. Reply naman agad kayo oh.

#SAD

Binaba ko na ang cellphone ko at kumain ulit ng noodles. Para akong koreana sa kinakain ko. Kasi naman. 'Di ba naman ako tinrhan ng pagkain? Palagi nalang 'to nangyayari. Sawang sawa na kaya ako sa noodles!

"Nakapasok na ba?"

"Oho. Salamat. Magkano po ba?"

"Thirthy four, ijo."

Sasabihin rin naman pala ni Nathan e. Umarte pa. Ang ayaw ko sa lalaki ung napaka arte at KJ! Napaka kill joy! Umalis na si Nathan at mukhang nagmamadali. Parang nagmamadali na tila hinahabol sya ng aswang. Hmmm. Sabagay, baka tumakas lang iyon sa bahay nila at baka hinahanap na ni tita Veronica. Strikto kasi si tita sa oras.

Pero I admit, gwapo si Nathan. Baka nga sa sobrang gwapo nya, pati aswang nagkakandarapa sakanya. Lol, I'm just joking. Pero sa totoo lang, mabait naman si Nathan e, sa mga close nga lang nyang mga tao.

"Baliw talaga iyong lalakeng 'yon"

Napatingin ako ki manang. Ako ba kausap nya?

Tumingin naman ako sa paligid. Oh my ghad! May nakikita ba si manang na hindi ko nakikita? Omg manang! May third eye ka? Why didn't you tell me manang? Bakit?

Ano ba yan! Nababaliw nanaman ako! Pati inosenteng matanda dinadamay ko sa kalokohan ko.

"Diba, ija?"

Dahil sa sobrang pag ti-trip ko ki manang gamit ang isip ko, 'di ko namalayan na nagsasalita pala sya. Ako pala kausap nya? Kala ko naman kung sino eh. Ano ba sabi ni manang?

"A-ahh? Oho." sabi ko nalang kahit hindi ko naman talaga alam ang tanong nya

"Alam mo ija, bagay kayo nung lalakeng iyon"

Kami? Ni Nathan? Bagay?

AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHA! Okay.

Lola, kung 'di lang kayo matanda, papatulan ko na kayo e. Pero, nakakatanda kayo eh. At dahil good girl ako at nilagyan nyo ng mainit na tubig ang cupnoodles ko, I respect your opinion.

"Hahaha kayo talaga manang pala---" 'di natuloy ang sasabihin ko nang tumunog ang Cellphone ko.

*BZZT BZZT*

"Sandali lang manang." Pagpapaalam ko ki manang.

Tumango naman si manang at Kinuha ko naman ang cellphone ko at binasa ang text ni Jake.

***From: Jakee
Bakit? Sinisisi ka na naman ng mama mo? Sus, kainis na iyang mama mo ah. Eh hindi mo naman nga kasalanan 'yung nanyari e. Nakakainis na iyang mama mo ah. Sarap Ikuskos sa unan! Para lumambot lambot naman ang mukha at puso nya. Pusong bato eh.

Natawa naman ako sa text nya. Etong si Jake parang sya si kuya. Pero alam ko di naman talaga sya ang kuya ko dahil wala na si kuya.

***To: Jakee
Oy, grabe ka! Nanay ko pa din 'yun! Ang sama nito! Hahaha.

Magkatext lang kami ni Jake. Naubos ko na din ang cupnoodles ko at tinapon na sa basurahan. Nagpaalam na ako ki manang na aalis na. Nagpasalamat nalang ako sa'kanya.

Naglalakad lang ako ng mag text si JC.

🎵🎤para...rarapp.....ha...ha.
para...rarapp.....ha...ha.🎤🎵

Nagtaka na naman ako. Saan nanggagaling ang kanta na iyon? Palagi nalang ako nakakarinig ng mga kanta ngayong gabi ah? Ano bang meron?

***From: JC ?
Sorry 'di agad naka-reply. Nakatulog kasi ako. Haha sorry. Peace! (v^_^)v

Aba! Tinulugan ba naman ako? Walang hiya 'to! Kung tulugan ko din kaya sya? Tss.

***To: Jakee
Jake. Kita nalang tayo sa school bukas. Goodnight!
";)ヾ(@゜▽゜@)ノ

Nag 'Ok' din naman sya at nag goodnight din sa'akin. Tinext ko si JC. Walang hiya 'tong lalaking toh! Tinulugan ako? Tss. Kahit kelan wala pa sa'king gumawa ng ganyan!

🎵🎤kahit ikaw ay may pag-asa
diba dapat mag syaga ka muna
alam ko na mahirap na mag kamali
kaya ma ingat sa pag pili🎤🎵

Lalong lumakas ang kanta na naririnig ko. Naglalakad na kasi ako pauwi ng bahay at narinig ko na naman ang kanta na pinapatugtog sa court. Ibang kanta na naman ito.

***To: JC
Grabe! Ganun pala ahh? Tulugan? Sige tutulugan din kita! WAHAHAHA ≧﹏≦

***From: JC ?
Grabe! Hahahaha yung sabi mo pala na araw-araw may hint akong ibibigay... ay hindi pwede! Hahaha! After one week may hint ulit ako. Huwag kang mag-alala madali lang naman ang one week e. Hayaan mo seven days nalang makukuha mo na ang second hint mo. Hahahaha! (*¯︶¯*) Tsaka, laking tulong naman 'yung first hint ah?

Tss. Ano ba yan! Wala namang kwenta yung first hint nya e! Ano ang hint dun? Tsaka, hint ba yun? Kasi para sa'akin hindi yun hint at hindi yun nakatulong sa pag-iimbistiga ko sa'kanya. Ba't 'di nalang kasi nya sabihin kung sino sya! Ang dami dami pang nalalaman e!

🎵🎤kaya'y akoy pakipot sayo
ibig kong ibig kong ibig kong subukan kung
tunay ang pag ibig mo
kaya'y akoy pakipot sayo
ibig kong ibig kong ibig kong malaman na kung
dapat kang ibigin ko 🎤🎵

***To: JC?

Psh! Ang daya daya mo! Hahaha! Hindi naman nakatulong yung first hint mo! Parang chinambahan mo lang naman yun para may maibigay ka sa'king hint! :3

***From: JC?
Basta. Intindihin mo kasi. Hindi yung mag re-reklamo ka na agad e. Hindi mo pa naman alam ang totoo :') Basta, pangako next hint, worth it na talaga.

Ibinaba ko na ang cellphone ko pero inangat ko din naman ulit nang may pinahabol pa syang text.

***From: JC?
Sige goodnight! sweetdreams! labyu. <3

🎵🎤kaya'y akoy pakipot sayo
ibig kong ibig kong ibig kong subukan kung
tunay ang pag ibig mo
kaya'y akoy pakipot sayo
ibig kong ibig kong ibig kong malaman na kung
dapat kang ibigin ko🎤🎵

Ako pa pinagalitan nya? Tss. Pag nakita talaga kita--- Tss. Pangako ko din sayo, sasapakin kita! Walang ya ka! May pa labyu-labyu ka pang nalalaman! Tss. Alam ko na yang mga style na yan! Style nyo bulok!

Tsaka, iniintindi ko naman 'yung first hint nya diba? Oero, ano ang hint dun? Kalamang J kasi JC diba? Alangan namang K eh, JC nga? Hayyy!

Kung inaakala nyang kikiligin ako sa pa labyu-labyu nya na yan, pwes...

Tama sya. Kinilig ako.

Shet! Lande!

Pero ang tanong, kanino ka mas kinilig ngayong gabi? Ki Nathan or JC?

Nahinto ako sa naisip ko. Kanino nga ba? Ay ewan! Maka-uwi na nga lang!

---------------------------------------
EDITTED VERSION

A/N: Hi! So, eto na po ang update ko today. Sana po magustuhan nyo and please give this a thumbs-up 👍 and do vote for this part. 🌟
Thank you💕

Featured song: Pakipot by: Donna Cruz


VOTE🌟
COMMENT💭
BE A FAN!💮

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro