Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Seven


Gail
Shame


NAGISING ako kinabukasan. Ang tamad gumalaw pag umaga. Ang sakit sakit pa ng likod ko. Ano nga yung ginawa ko kagabi? Nakalimutan ko na. Tumayo na ako sa kama at kinuha ko na yung twalya ko't naligo na. Ang lamig ng tubig! Kinuha ko na yung shampoo na palagi kong ginagamit

"Sunsilk." natawa ako nang binasa ko yung brand.

Mukha akong baliw dito na kinakausap ang sarili. Sabagay, baliw din naman ako dati pa. Tapos ay kinuha ko na yung sabon kong napaka dulas.

Duh? May sabon bang magaspang?

Sabi nila, kapag itong dove daw na sabon ang gagamit mo, gaganda daw ang balat mo. Tsk. Hindi naman totoo e. Ang gaspang pa din naman ng balat ko. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at nag uniform na. Nagagandahan ako sa uniform namin.

Color blue sya na stripes. Ang ganda talaga! 'Di ko naman ma-explain kasi 'di naman ako magaling sa pag describe ng isang bagay tulad ng uniform. Nang matapos na ako mag bihis, kinuha ko na ung cellphone ko at nagulat ako sa nakita ko.

"OH MY GHAD!" napatakip ako ng bibig ko.

Laking gulat ko nang madaming messages agad ang sumalubong sa'akin. Hindi naman yata nila ako na-miss ano?

7 message from Mich
1 galing from Ella
5 message from EB
2 message from Jake
3 message from JC

What the? Grabe naman natulog lang ako ang dami na ang nag message saakin? Ang tamad tamad pa naman mag back read ng mga message. Una kong binasa yung message ni JC. The mysterious guy. Syempre, na-excite ako basahin ang message nya e,

Tulog ka pa ba?
Sent 5:29

Tulog pa nga. Sige. Bye!
Sent 5:34

Gumising ka na pala. Late na tayo sa klase! :)
Sent 6:12

Napangiti naman ako dun sa mga message ni JC. Medyo magaan ang loob ko sa'kanya. Parang, kilala ko na sya dati pa. Pero saan at kailan? Ngayon ko palang nga sya siguro nakikilala. Imposible naman yata 'yong sinasabi ko.

Binuksan ko 'yong sa barkada. Lang ya! Nag usap-usap sila kagabi. Hindi man lang ako sinama? Akala ko ba tulog na sila? Tss. Na titiis nila ako? Magtatampo ako mamaya. Hahaha tampo mode?

Bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko sila papa na kumakain na ng almusal.

"Bye Pa!" sabi ko sabay labas na sa pintuan.

Wala naman pakealam sa'akin si mama. Kahit na magpaalam pa ako sa'kanya, parang wala din naman sya naririnig. Sanay na akong 'di mag ba-bye ki mama.

Pagdating ko sa eskwelahan nakita ko kaagad sila Mich sa Gate.

Alam nyo naman siguro ang ginagawa nila? Malamang nag hahalukat nanaman sa mga cellphone nila. Agad ko silang linapitan at binati. Hmmm. Pasalamat sila hindi ko kaya magtanim ng galit. Hahaha.

"Goodmorning Mich, Ella, EB, Jake!" masayang bati ko sakanila

"Oi, Gail. Ang tagal mo. Kanina pa kami nandito sa harap. Hinihitay ka namin." sabi ni EB habang nakatingin pa din sa Cellphone nya.

Sapakin ko 'tong isang 'to. Ako kausap tapos nakatingin sa phone nya.

"Oo nga. Tsaka, nabasa ko yung text mo kagabi." sabi ni Ella tapos hinug ako.

"Oo nga. Nakakainis na yang mama mo ah. Hindi ba niya alam na 'di mo naman talaga kasalanan yun? Nag kataon lang." sabi ni Mich at yinakap din ako.

Ngumiti ako ng pilit at kumalas sa yakap nila.

"Wag. Wag na muna nating pag-usapan yan."

Tumango naman sila.

"Tsk. Bebe, guys pasok na nga tayo. Nakakahiya. Dito pa kayo nag drama!"

Ang sungit naman ngayon ni Jake! Pero, oo nga naman. Nakakahiya nga naman dito pa kami nag yakapan sa harap ng gate. Ang dami tuloy nakatingin sa'amin. Mukha kaming baliw dito. Hinarangan pa namin yung mga estudyante na papasok sa school.

Pumasok na kami sa school at naglakad na papuntang room nang may mabangga ako.

"Aray ko naman! Watch where you're going bitch!" sabi ng isang babaeng mukhang sampung taon na mula nung huli syang nag toothbrush sa sobrang baho ng hininga.

De joke lang. Hahahahah. Pero, bagay din naman yun sakanya. Tss. Hindi ako ang bitch! baka sarili lang ata nya ang sinasabihan nyang bitch? Nilait ang sarili. Tss. At isa pa, sya ang hindi tuumitingin sa dinaraanan nya.

Umalis na sya kasama ung mga bakulaw nyang kaibigan. Akala mo naman ang gaganda. E maganda lang naman sila nuong 'di pa nauso ang mga tao! Tss. Nakaka badtrip. Mukha din lang naman nga na silang mga unggoy!

Susugurin ko na sana ng hawakan ni Ella ung braso ko dahilan para matigil ako sa pag susugod sa kanya. Tss. Pasalamat kang babae ka, nagawa akong pigilan ng kaibigan ko.

"Hayaan mo na." sabi ni Ella.

"Alam mo namang may mga nagagalit pa sa'yo kahit na hiwalay na kayo ni Nathan e."

Yep. Tama. May mga tao pa ding nagagalit at kinaiinisan ako ng dahil ki Nathan. Iniisip kasi nila na ako ang nangaliwa at nagkaroon ng affair. Pinagpipilitan nilang iyon ang nangyari kahit hindi naman talaga.

"Don't worry. Kapag ginalawa ka nila..." tumigil si Mich sa pagsasalita at tumingin ki EB na ngayo'y naka tingin din ki Mich habang naka ngiti pa. "Kami na bahala ni B na ipakita ang impyerno sa'kanila." sabay smirk nya at tingin sa'akin.

"At kami naman ni bebe.." tumigil si Ella at inakbayan si Jake.

"Kami na bahala ng kabaong nila." pagpapatuloy ni Ella

Grabe, kabaong agad?

"Hala. Ikaw lang ah. Wag mo kong idamay."

Napangiti na lang ako dun sa sinabi nila. Nakaka touch naman. Kaya mahal na mahal ko tong mga friends ko e. They are True friends. Kahit na minsan medyo makulit sila at mapagbiro, they are always here to support me. Ang saya pag may ganito kang kaibigan no? Dinadamayan ka na, nag mamalasakit pa sa'yo.

Mahirap ang magkahanap ng ganitong mga kaibigan. Kaya habang na sa'yo na ang mga ganitong kaibigan, alagaan mo ito at huwag papakawalan. Dahil sa oras na pakawalan mo sila, balang araw pag sisisihan mo ang ginawa mo at mapapa-isip ka nalang na nawalan ka ng karamay. Dahil kakaunti lang ang mga ganyang kaibigan at maswerte ako dahil na sa'kanila na ang mga katangian ng totoong kaibigan.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa mga ganitong sitwasyon dinadaan ko nalang sa biro para 'di ako mailang. Hindi ko kasi malaman ang gagawin ko dahil nawawalan ako ng sasabihin at nagiging speechless. Lalong lalo na sa mga siywasyon na ganito.

O shet. Words of wisdom ko. Hahaha.

"Iiyak na ba ako?" sabi ko sabay ngiti ng napakalaki. Hindi ko mapigilan na matawa sa sinabi ko.

"Sira!" sabay batok ni Mich sa'akin.

"Tara na nga pasok na tayo!" Sabi ko. "Baka ma-late pa tayo at mapag-initan na naman tayo ni growling python! GRRRRR!" Pabirong saad ni EB. Agad naman syang binatukan ni Mich. Sira kasi.

"Hahahahaha B, hindi umuungol ang ahas! Ahahaha!" sabi ni Mich habang tawang tawa.

Napatingin naman sila Ella at Jake at nakisabay na din sa pagtawa.

"Edi, Sisling Python. Ssssss!" Panggagaya nya sa tunog at kilos ng ahas. Natawa na lang din ako dahil mukha syang timang na galaw ng galaw. Animo parang uod na nabudburan ng asin.

"HAHAHAHHAHA!"

Naglakad kami ng magkakasabay habang tumatawa. Sa gitna ako habang sa left ko sila Ella and Jake at sa right naman sila Mich at EB.

At ito ang pinaka ayaw ko. Yung pinag titnginan kami ng mga tao dito sa school. Pa'ano ba naman, alisin na natin ang katotohanang maingay kami. Tama nga naman maingay kami dahil nag papatawa si EB about sa 'Sisling Python' nya.

Si Ella at Jake nagkukulitan at nagtatawanan at ang sweet sweet pa nila. Sa sobrang sweet baka sugurin na sila ng kampon ng mga langgam. Sila Mich at EB magka-holding hands habang nag-uusap sa 'Sisling Python'. Huwaw. May pa-holding hands while may pa-sway-sway pa?

E ako? Ako lang walang partner ganun? Ako lang walang kausap, katawanan at kakulitan ganun? Porket may mga partner sila, hindi na ako iniintindi. Sarap batukan ng mga kaibigan ko! E kanina lang, kung maka 'kami ng na bahala sa kabaong nila' at 'kami na bahala ipakita ang impyerno sa'kanila' parang ang bait bait. Ta's ngayon?

"Hahaha!! Tama na nga B!" sabay palo ni Mich sa balikat ni EB.

"Sisling Python."

"Bebe Am I a bee?" tanong ni Jake ki Ella.

"Huh? Hindi ahh! Tao ka bebe tao! Hahaha!"

"Can you be my honey?"

Nag roll eyes na lang ako. At tiniis ang ingay na ginagawa nila. Hindi ko naman magawang suwayin sila kaya nanahimik na lang ako.

Naglalakad lang ako nang mahagip nang mga mata ko si Nathan sa corridor. Nakatayo lang sya dun at parang may hinihintay. Aalisin ko na sana ang paningin ko sa'kanya pero huli na dahil nakita nya akong nakatitig sa'kanya. Natigil ako pero tuloy pa rin sa paglalakad.

Ewan ko lang kung ako lang ba or ano pero nakita ko syang bahagyang ngumiti habang nakatingin sa dereksyon ko. Napa-iwas naman ako ng tingin pero hindi pa man nakaka-tatlong segundo ay tinitigan ko muli sya.

Nakatingin pa din sya!

Ako ba ang hinihintay nya?

Bahagyang nakalapit na kami sa dereksyon nya at nakangiti pa din talaga sya habang nakatingin sa dereksyon namin- dereksyon ko. Lalapitan ko na sana sya at ko-komprontahin tungkol sa pagtititig nya sa'akin nang may lumakad na babae sa gilid ko.

Si Eunice.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong ni Eunice.

Bahagya namang nagulat si Nathan pero nanatili pa rin ang ngiti nya sa mukha at napailing.

"Hindi naman masyado. Tara?" Yaya ni Nathan na ikina-tango na lang ni Eunice at umalis na sila.

Natigil ako. Literal na napatigil sa paglalakad. Maya maya ay naramdaman ko nalang na ginugulo ko ang sarili kong buhok.

My ghad! Muntik na akong mapahiya sa harapan nya kanina! Muntik na! Hindi naman pala ako ang nginingitian nya kundi si Eunice na nasa likod ko lang! Shet!

Assuming ka kasi.

"Gail?"

Napalingon ako kila EB na nasa harap ko. Marahil naramdaman nilang tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil na din sila. Napangiwi na lang ako dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang hiya kahit na hindi naman natuloy ang mangyayari sana kanina.

Napapikit ako at mabilis na naglakad. Iniwan ko silang apat na nagtitingingan at nagtatanungan sa isa't isa.

"Anong nangyari dun?"

"Malay ko. Nairita ata sa Sisling python mo."

"Baka naman sa honey bee ko?"

"Lol."

Narinig ko pa silang nagtawanan hanggang sa makapasok ako sa classroom. Nahagip pa ng mga mata ko sila Eunice at Nathan na masayang nag-uusap. Padabog akong umupo sa upuan ko.

Nakakainis! Sa susunod hindi ko na sya tititigan para hindi ako makaramdam ng ganito na parang nahihiya kahit hindi man natuloy yung gagawin ko kanina.

What a shame! Kung nangyari 'yon.

--------------------------------------
EDITTED VERSION + LITTLE REVISED VERSION

A/N: Hi guys! Thank you sa mga nagbabasa (kung meron man) sa storyang ito. Thank you very much. And please continue to support it. I would just like to say that I revise this part. Hindi naman po lahat ang binago ko. Kaunti, as in kaunting kaunti lang ang binago ko. Ang last part lang ang pinalitan ko. I even change it's title cause I don't find it's commection to this chapter.

VOTE🌟
COMMENT💭
BE A FAN!💮

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro