🔎Chapter One
Gail
The Ex
AFTER 3 MONTHS...
"Oy, Gail! Pa-load naman oh. Ubos na kasi ang load ko kagabi kahit ten lang."
Eto nanaman si Mich, nakakainis na ahh. Ubos na din nga ang load ko dahil text ng text si mama sa'akin tapos ngayon hihingi pa sya? Ni pisong load nga wala ako sampu pa kaya?
By the way sya ang kaibigan kong si Michielle Ricarte. Just call her 'Mich' for short. Mabait sya at may pagka-tyoe na mahinhin. Pero mukha atang adik sya sa load kasin tingin nga naman natin ngayon, nanghihingi pa sa'kin.
"Wala na akong Load! naubos na!"
"Eto naman load lang. Ang damot naman nito! Sharing is good. But sharing soap is bad,"
"Sponsored by..." singit naman ni Ella. "Johnson's!" sabay pang sabi nilang dalawa pagkatapos ay nag-apiran at tumawa ng tumawa.
Masyado na silang naadik sa Advertisement ng Johnson's.
(Eto yun 👇 sa baba. HAHAHA Sorry kasi dati pa po 'yang Advertisement na 'yan😄 Kaya... pasyinsya pasyinsya.)
Inirapan ko na lang sila dahilan para mapatigil sila sa kakatawa.
"Hay naku Mich..." sabi naman ni Ella sabay akbay kay Mich "Parang 'di ka na nasanay dyan ki Gail ang damot damot talaga nito sa load."
At ito naman ang isa kong kaibigan si Ellaine Clemente. Call her 'Ella' for short. Sya naman ang dakilang texter ng barkada. Adik din yan sa group message. Well I can't blame her kasi habbit nya na yata na mag GM. Hoy, hindi Green minded ahh! Group message kako. Pero, minsan lang ata iyon kapag trip nya.
Seryoso sya at mukhang maldita pero kung kikilalanin mong mabuti ay... mabuti naman. Hehe. Palaban diin yan. Kaya nga nung nakita nya si Nathan nuon na may kasamang babae ay agad nyang sinampal. That's a true friend.
"Halu! Ano nanaman ba nanyayari dito B?"
At ito naman ang boyfriend ni Mich, si Eric Buenafe call him 'EB' for short. EB stands for his initials Eric Beunafe.
Sya naman ang dakilang hacker ng barkada. Mahilg din sya mag text pero minsan lang. Busy kasi sa pag ha-hack ng mga account. Minsan nga ipinag mayabang nyan sa amin, na-hack nya daw ang website ng school namin. Oo, may website kami. sosyal diba? Rich kasi kami. Kayo, poor.
Pero walang pakealam si Mich kung hacker man man si EB. Ganun daw ang pagmamahal. Pwe! Pagmamahal nila pagmumukha nila!
"Late na ba ako?" napatingin kaming lahat sa nagsalita.
And this? This is Jake Raj ang boyfriend naman ni Ella.
Sya naman ang dakilang joker at palaging naghuhugot saming mag babarkada. Minsan din sya ang nagiging big brother ko. Nakikita ko kasi sa kanya si kuya ko.
Si Jake din minsan ang taga-give ng advice. Pero ang higit sa lahat, ay minsan inaatake ng pagkaka-batang-isip nya.
"Tsk."
Ewan ko ba kung ba't ako naiinis. Siguro ay nakita ko kasi sya.
Si Jonnathan Cruz. ang aking Ex boyfriend- idiniin ko talaga ang pagkakasabi ng ex dahil totoo naman talagang Ex ko na sya at parte na lamang sya ng aking past.
Naiinis ako sakanya. Masyado syang babaero. Tingnan mo ngayon ang lapit lapit na naman sa mga babae at nakangiti pa habbang kinakausap yung isang babae na sa tingin ko ay lower year. Alam kong tatlong buwan na anng lumipas simula nung nangyari, pero seryoso? Ganun nya ako kadaling palitan?
Tsk. Kakainis talaga. Basta talaga mga gawapo, babaero!
Yan din ang isa sa dahilan kung ba't kami naghiwalay lapitin sya sa mga babae! Alam lang naman nya na naiinis ako kapag malapitin sya sa mga babae tapos lapit pa sya nang lapit. Nakakainis lang. Tapos hindi pa nya tinataboy. Imbis ay nakikipaglandian pa talaga sya.
Eto pa, nung nagsabi ako sakanya na layuan nya ang mag babae, alam nyo ba ang sinagot nya saakin?
'Ano naman ang problema dun?'
Diba? kakainis lang. Ano naman dun? Ha? Well, para lang sabihin ko sayo, may GF ka na at dapat di ka na makikipaglandian sa iba! Kasi nagseselos ako!
Well I can't blame him. Kasi varsity sya sa school namin at super as in super popular sa school at gwapo. Pero, Hello?! Pwede naman nyang layuan sila kasi alam nyang mag GF sya. Argh!
Alam kong hindi iyon big deal para makipag hiwalay sakanya. Actually hindi lang iyon ang dahilan kung ba't kami naghiwalay e. Naghiwalay kami kasi... kasi... yun nga, nakita ko sya nakikipaaghalikan sa isang babae. Yeah. With my own two eyes! At kasama ko nun si Ella at nakita nya ang panggagago nya. Sa'kin.
Hindi ko ng hinayaang mag-explaine si Nathan dahil kitang kita naman ng dalawang mga mata ko ang nangyari! Hindi nya na kailangang magpaliwanag dahil klaro na sa'kin ang lahat. Na nagsawa na sya kaya naghanap sya ng iba.
Ang nakakainis lang, talagang ginawa nya iyon sa date namin? Bwiset!
"Ano nanaman bang problema mo Gail, ha?" tanong sa a'kin ni Mich habbang naka cross-arms pa.
"Baka meron ngayon kaya masungit," Singit naman ni EB.
Sapukin ko 'tong si EB e. Kalian pa ba syang nakialam sa usapan namin ni Mich? Ipaghiwalay ko silang dalawa dyan ni Mich e. Nag kasalubong naman ang mga kilay ni Ella at tiningnan ang tinitingnan ko.
"I think I know na," Napangiwi naman ako ki Ella na ngayo'y nakangisi pa. Ewan ko kung sarcastic na ngisi ba 'yun o ano.
"Ano yun, bebe?" Tanong ni Jake.
Tsk! bebe I hate that! Bebe. Pwe! Nakakadiri! Ang baduy naman nila mag-isip ng tawagan nila sa isa't isa. Pwede namang babe, bhie, love, honey. Ba't bebe pa? Eww. Kinakahiya ko na sila bilang kaibigan ko.
"E-ewan. T-tara na n-nga!"
Tumayo na ako at kinuha na ang bag ko at lumakad na. Nadaanan ko pa sya na nakikipag-usap sa babae nya. Hindi ko sya tinitingnan at deretsyo lang ang lakad ko. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tumingin sya saakin. Pero 'di ko sya binalingan ng tingin.
Wala na kaya akong pakealam ki Nathan, okay? Wala na. Linoko nya ako. Nakita ko syang may kahalikan na iba. Wala akong pakealam! Shit! Manigas kang gago ka!
Wala ka ng pake pero nagagalit ka pa din?
Hindi pa pala ako nagpapakilala sa'inyo. Ako si Gail Chua. Ako lang ang walang boyfriend sa barkada. Dati meron, pero dahil gago sya, naloko ang tanga. Minsan nga na o-out-of-place ako dahil sa'kanila.
Sila puro mag Boyfriend at Girlfriend. Tapos ako? Single. But, whatever. Tsaka, life must go on. Hindi naman ako mamamatay kung wala akong boyfriend diba? So what kung single? Atleast I live my life at masaya ako!
Masaya nga ba?
"Oy, Gail. Wait lang oy!"
"Hintay naman!"
"Baka gusto mo kaming hintayin, Gail!"
"May lahi ka bang Lion? Tiger? Lion tiger? Ang bilis mong maglakad!" tapos narinig kong tumawa sila.
"Ginawa mo namang katol si Gail, Jake!" napakagat ako sa labi ko nang marinig ko iyon.
Galit na nga ako nagawa pa nilang mag-joke ng ganyan. Teka, sinabi ko bang galit ako? Wahhh!
Mula sa likod narinig ko ang mga sigaw ng barkada ko na hintayin ko sila. Pero 'di ko sila pinapansin at tuloy tuloy lang sa pag lalakad para makabalik na sa room.
Bigla nalang ako natigil sa paglalakad nang may humawak sa braso ko.
"Gail, tawag ka nila,"
Ang boses nya, kilala ko yun!
Humarap ako sa taong humawak ng braso ko at laking gulat ko nang makita ko ang mukha ng gago.
Ba't 'to nandito? Kanina lang nalampasan ko sya ah?
Ang bilis naman nyang mahabol ako? Asa pang hinabol nya ako.
"Akam ko. Naririnig ko sila. Meron akong tenga,"
Ano bang pakealam nya kung gusto ko magpahabol sa mga kaibigan ko? Masyado syang pakealamero. Umalis nalang dapat sya sa harapan ko at di na ako pinakealaman. Dun sya sa babae nya't makipaglandian sya dun buong maagdamag. Wala. Akong pake.
"E ba't di mo sila-"
"Eh sa ano bang pake mo?"
Pagpuputol ko sa sasabihin nya. Tsk. Hindi ko na sya hinayaang sumagot at tumalikod na sa'kanya at lumakad ulit.
Wala na 'tayo' Nathan, wala na. Ikaw mismo ang sumira ng relasyon natin. Sana panindigan mo ang ginawa mo. Kaya sana ay huwag mo na akong pakialaman. Wala ka na dapat pakealam sa'kin dahil tulad mo, parte na lang din ako ng nakaraan mo na hindi na dapat balikan.
Sana naman tantanan mo na ako. Kailangan ko muna ng space at time para makalimutan ang lahat. Sana naman ibigay mo yun sakin. Gusto kong sabihin ang mga iyon sa'kanya. Ang lahat ng hinanakit ko sa'kanya pero hindi ko magawa. Ayaw ko muna syang kausapin.
"Huwag mo na lang kasi sya kausapin, gago!"
"Pakealamero e,"
"Hahahayst."
"Burn!"
Mula sa likod rinig ko ang mga pinagsasasabi nila ki Nathan pero hindi na ako nag-atubli pang lingunin man lang sila. Pero alam kong nasaktan si Nathan sa mga sinabing iyon ng barkada. Minsan na din kasing napalapit ang loob nya sa'kanila.
He deserves it!
Sinira kasi nya ang tiwala na binigay sa'kanya ng barkada. Maging ang tiwala ko sa'kanya.
What a day!
------------------------------------
EDITED VERSION
A/N: Yeheyy! Natapos na din ang chapter one! Hahaha ang tagal ko na 'tong sinulat. Mga, grade six pa lang yata ako neto or grade five. Hanggang ngayon hindi pa din tapos.😂 Pag nababasa ko yung sinulat ko, natatawa na lang ako. Hahaha.😂 Btw please...
🌟VOTE
💭COMMENT
👌AND BE A FAN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro