🔎Chapter Fourteen
Gail
Acting
BINALING ko ang tingin ko sa harapan. Baka mahalata nila Jc na nakatingin ako ki Nathan.
Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa kamay nya nang makahanap ako ng pagkakataon at nagpatuloy sa paglalakad. Inunahan ko sila. Napatigil naman ako nang maramdaman ko silang tumigil kaya napalingon ako sa'kanila.
"Oy! Bakit ka huminto? May problema ba?" Rinig kong tanong ni Eunice ki Nathan.
Tumalikod ako. Naramdaman ko na nakatingin sya sa'akin. Nagalit kaya sya sa ginawa ko? Dahil... dahil binitawan ko ang kamay nya? Pero hindi dapat sya magalit dahil hindi naman kami. Diba?
Ilang miuto pa bago sya makasagot sa tanong ni Eunice sa'kanya.
"W-Wala. May naalala lang."
Naramdaman kong nagsimula na silang maglakad. Nang maaabutan na nila ako, pumunta naman ako sa right side ni Jc para 'di na ulit magawa iyon ni Nathan. Naglalakad lang kami nang may tinanong sa'akin si Jc habang naglalakad kami. Nagulat naman ako dahil bigla syang may binigay na papel sa'akin.
Paano nanyari yun? Minagic nya ba yung papel?
Nanlaki ang mga mata ko at napahinto sa nabasa ko. Sya naman nagsmirk at lumakad lang. Ano ang ibig nyang sabihin dito? Sino ba ang tinutukoy nya? Magsasalita pa sana ako nang makita kong nasa harapan na pala kami ng Jollibee.
"Okay. Nasan sila?" Tanong ni Eunice.
"H-ha? Nan-dito. T-tara. S-sundan nyo a-ako."
Nauna na ako sa paglalakad papunta sa'kanila Mich dahil nakakaramdam ako ng hiya. Ewan ko kung bakit. Paano ba naman kasi parang nahalata ni Jc na may medyo tension kanina sa'amin ni Nathan. Tapos nauutal pa akong sagutin ang tanong ni Eunice. Bumuntong hininga nalang ako.
"Guys!" Tawag ko ng makita ko sila.
Kumaway naman sila sa'akin. Si Mich nakatalikod at si EB. Kaya ang nakakakita lang sa'amin ay sila Ella at si Jake. Lumapit naman kami sa'kanila.
"Bakit ang tagal--- mo?" Napahina naman ang boses ni Mich sa hulihan nang makaharap sya sa'akin.
Nakatingin lang sya sa likod ko. Parang nakakita ng multo ang gaga. Bigla kong naalala na kasama ko sila Jc.
"Uhm, guys. Si Jc nga pala." sabi ko sabay turo ki Jc. "Hi!" Bati ni Jc sabay kaway.
"Hi! I'm Eunice." Sabi nya sabay lahad ng kamay. "Nice to meet you all." Aabutin naman sana yun ni Jake pero agad ding tinabig ni Ella.
"Bakit?" Tanong ni Jake kay Ella. Pero imbis na sagutin ay tinignan nalang sya ng masama ni Ella. Tumahimik nalang ang loko.
Selos si bes!
"At si---" Hindi natuloy ang sasabihin ni Eunice nang magsalita si Mich "Nathan. Kilala na namin sya. " Sabi ni Mich habang naka cross-arms pa.
"Kilala nyo na pala sya?" Takang tanong ni Eunice sa barkada at nagpalipat lipat pa ng tingin.
Malamang. Kaklase namin sya. Gusto kong sabihin iyon pero mas pinili kong itikom nalang muna ang bibig ko.
"Sino bang 'di makakakilala ki Jonnathan Cruz?" sabat ni Ella na may masamang tingin ki Nathan. Bigla akong natakot sa tingin na ibinibigay nya ki Nathan. Ganun nalang siguro ang galit nya dahil sya ang kasama ko nuong araw na nakita kong nagloko si Nathan.
"Na varsity sa school natin." Dagdag ni Mich
"Hinahangaan ng maraming estudyante sa school." sabat ni Jake.
"At--" Hindi natuloy ang sasabihin ni EB nang pinanglakihan ko sya ng mata.
Mukha naman natakot sya kaya naman iniba nya yung sasabihin nya. Mukha kasing alam ko na ang sasabihin nya. Na ex ko si Nathan.
"At... At..." Kumamot si EB sa ulo. Animo'y nag-iisip. "Kaklase namin?"
Medyo natawa naman ako dun sa sinabi nya. Paano ba naman kasi, patanong.
"Bakit patanong?" Sabi ni Eunice nang natatawa.
"E-Ewan?" kalmadong sagot ni EB
"Kilala namin kayong tatlo. Para san pa't kaklase namin kayo? Tss." Inis na saad ni Mich at tumalikod na sa gawi namin. Hindi nakawala sa paningin ko ang pasimple nyang kurot ki EB.
Hindi ko na pinasalita pa sila at nagsalita na ako. Hindi ako mapakali e. Parang anytime, may mangyayaring hindi ko inaasahan.
"Ano... uhm. Kumain na ba kayo Eunice?" Pag-iiba ko ng topic.
Baka kasi kung saan pa mapunta itong pag-uusap na ito. Ayaw ko kasing buksan ang topic tungkol sa'amin ni Nathan. Kung nagkataon lang maaari kasing maging topic iyon. Kaya, gumagawa ako ng paraan para hindi mabuksan ang topic na iyon. Baka kasi sa huli pagsisihan ko na hindi ako gumawa ng aksyon habang maaga pa.
"Ahh. Oo na. Kumain kami dun sa Greenwich." Sabi nya habang nakangiti at nakatingin sa'kanila Mich "Uhm. Uuwi na ba kayo?"
"Hindi pa. Kakapunta lang namin kanina dito e." Nabatid kong medyo may pagka-sarcastic ang sagot ni Mich.
Napapansin ko. Pipe ba itong si Nathan at Jc? kanina pa sila hindi nagsasalita ahh. Kamakailan lang nagsasalita sila. Kausap ko pa nga si Jc kanina. Anyare?
"Talaga? O edi, sama sama nalang tayong walo! The more the Mannier. Diba?"
Nakakainis naman si Eunice. Awkward na nga 'yang sitwasyon mas lalo nya pang pinapa-awkward. O well, matext nalang nga si JC. Wala akong magawa e. Bahala sila dyan mag-usap-usap.
"GUYS!"
Bigla nalang ako natigil sa pag ta-type ng biglang sumigaw si Nathan. Napatingin naman ang lahat sa'kanya.
"Ahh. Ano. Mauna na ako. May gagawin pa kasi ako. Sumama ka na din kaya Eunice? Diba nagpapasama sa'yo si Mommy papuntang Albay?"
"Ay! Oo nga pala! Sorry guys. Hindi kami makakasama sa'inyo." As if naman na gusto ka namin makasama?
"Nagpapasama pala sa'akin si tita papuntang Albay. Sige ahh. Sorry talaga. Tara na?"
Tumango naman si Jc sa'kanya at umalis na sila. Hindi kami nagsalita hanggang sa maka-alis na sila.
So ano na ngayon?
"Tss. Ba't 'di pa kasi sabihin." Napatingin nalang ako ki Ella. Ano ibig nyang sabihin?
"Ano yun Ella?" Tanong ko ki Ella at napatingin naman sya sa'akin. Hindi sya sumagot hanggang sa nagsalita na si Mich.
"Huh! Wow! Ang kapal nung Eunice na yun Ahh. Napaka-Feeling close naman nya! At ikaw... " pagtuturo ni Mich kay EB. "Matuto kang alamin kung nagse-selos na ba ang Gf mo o ano! Bwiset!"
"Aba, nagseselos ang B ko." Tapos inakbyan pa ni EB si Mich.
"Tigilan mo ako Buenafe, ah!" Naiinis na wika ni Mich at inalis ang pagkaka-akbay ni EB.
"Pero seryoso...." biglang nagseryoso ang mukha ni Jake. Aba, buhay pala ito? Kanina pa kasi medyong tahimik. "Nagiging mabait lang ang tao sa'yo kapag may kailangan sya sa'yo." Seryosong saad ni Jake.
Napa-ayos ng upo si EB at Mich.
"So ibig mong sabihin, may kailangan si Eunice kay Gail?" Tanong ni EB.
Nagkibit-balikat na lang si Jake.
"Ewan. Baka." Sabi nya sabay baling kay Ella na kanina pa tahimik sabay siko dito.
"Huy. Okay ka lang? Sino yang ka-text mo?" Kukunin sana ni Jake ang phone ni Ella nang ilayo nya ito.
Bigla na lang sya tumayo.
"Sorry guys. I need to go. Importante lang." Guys pero sa'akin lang sya nakatingin. Tumango na lang ako bilang sagot dahil mukhang emergency iyon.
Napatingin ako sa likod nya hanggang sa makalabas sya sa fast food.
"Baka ang mama at papa nya na naman." Sabi ni Mich.
Napabuntong-hininga naman ako. Kawawa naman si Ella. Mama at papa nya nanaman ang problema nya. Nag-away na naman siguro ang mga magulang nya.
"Hayaan na. Kain na muna tayo. Gutom pa ako e."
"Okay! Chibugan na..." masayang ani ni EB. "Ulit." Dagdag pa nya.
Bumalik kami sa pagkain pero hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Jake. May kailangan sa'akin si Eunice kaya sya nagbabait-baitan sa'amin-- sa'akin? So she's just acting to be Nice? Kung meron man nga sya kailangan sa'akin ano naman yun? Bakit hindi nalang nya deretsyohin?
--------------------------------------
EDITTED VERSION
A/N: I changed some scenes and deleted some POVs. This is a short update kumpara sa mga last chapters.
VOTE🌟
COMMENT💭
BE A FAN!💮
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro