🔎Chapter Five
Gail
The Past
NAGLAKAD na ako papunta sa tindahan na binibilhan ko ng cup noodles habang umiiyak. Well, cupnoodles nalang para instant at madaling kainin. Hindi ko naman kasi kasalanan iyon! Ano ba malay ko doon? Ten years old pa lang ako nun or sabihin na nating mage-eleven pa lang ako kasi birthday ko nun nang mangyari ang aksidente.
Bakit ba kasi ako ang sinisisi nya? Hindi ba nya alam na nasasaktan ako sa mga bawat na salita na binabato't sinasabi nya saakin?
***FLASHBACK 5 YEARS AGO...
Umuulan noon. Madulas ang kalsada at gabi na. We're on our way to our house. Birthday ko kasi noon at kasama ko nun si kuya at yung driver namin. Naghanda sila mama ng iba't ibang putahe kaya excited na akong umuwi. Tsaka, sabi kasi nila may regalo sila sa'akin.
The best about birthdays is the giving gifts part. Mayroon naman sa christmas. But I most treasure birthdays.
"Gail, I have a gift for you. Binili ko yan kanina sa mall ng patago. Hope you like it!" kuya said while giving me a sweet smile.
Gwapo si kuya, matangkad at maputi. Kaya 'di na ako magtataka kung bakit habulin sya ng mga babae sa school nila. He was older than me. Of course kuya nga diba? He's 16. while I'm 10 years old that time turning 11.
As I grabbed the gift, I gave him a big and long Hug saying 'Thanks kuya! your the best brother I've ever had!' He then chuckled and said 'Malamang hahaha. Ako lang naman ang kuya mo wala ng iba. Unless, may balak sila mama't papa.' Nag wink pa sya sa'akin nang sabihin nya iyon.
I found myself smiling when I saw my brother's gift to me. It's a teddy bear! Pink teddy! At talagang favourite color ko pa! That night was the most happiest day of my life. Ang saya ko nun. We even shared our laughs and jokes that night.
That was my most treasured moments of my life.
But, I never though that, that will be the last time that I'll get to join my brother. Hindi ko inakala na iyon na ang huling pagkakataon na makakasama ko sya.
"Sir Jaime! Ma'am Gail! Wala po tayong preno!"
"WHAT?!"
"DI PO GUMAGANA ANG BRAKE!"
Nagsimula ng magpanic si kuya at si manong driver.
That time I don't know what to do. I just look at kuya desperately. I started to get scared and I can feel some two drops of tears ready to fall down to my chick. But then kuya look at me. Nakita ko sa mga mata nya na natatakot din sya.
Pero nung time na yun, nginitian nya lang ako. Saying 'Everything will be alright. I promise.' Then he hug me. Pero parang hindi naman yata naging maayos ang lahat tulad ng sinabi nya nuon.
Because that was the last time I felt his hug. Yung yakap na alam kong hindi ko na mararamdaman. Yung yakap na palagi kong hahanap hanapin.
At... yung yakap ng isang kuya.
****END OF FLASHBACK
"Ija, okay ka lang ba?"
Nandito na pala ako sa tindahan. Sa sobrang kakaisip ko ng mga nangyari dati 'di ko namalayan na nakarating na ako sa pupuntahan ko.
Napatingin ako sa tindera na nagsalita. Halata sa mukha nya na sobrang nag-alala sya sa'akin.
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang aking dalawang kamay. Ang dami na pala ng luha ko. Sa sobrang dami aakalain mo na rape ako o kaya naman ay nanakawan ng pera.
"Okay lang po ako." Tumikhim ako. "Ahm. Pabili nalang po ako ng cup noodles. Yung seafood po."
Nag dadalawang-isip pa 'yong tindera na kumuha ng cup noodles. Ayaw yata ako pabilhan neto? O baka nag-aalala sya sa'akin?
"Okay lang po ako manang."
Sabi ko para 'di na sya mag-alala sa'akin.
Ang sarap pala ng feeling na may nag-alala sa'yo. Yung feeling na may nagmamalasakit sayo. Kasi simula siguro nung mawala si kuya Jaime, hindi ko na naramdaman ang ganyan maliban na lang kay papa.
Nag hihintay lang ako ki manang na makabalik ng maalala ko si JC. Linabas ko Cellphone ko at tinext sya. Di na kasi nag reply ang kumag.
"MANANG! PA LOAD HO!"
Bago pa ako maka text ki JC, nakarinig akong isang boses na sumisigaw. Animo'y malayo ang kanyang kausap. Teka, kilalang kilala ko 'yung boses na iyon ah.
Dahan-dahan kong tiningnan kung sino yung tao at laking gulat ko naman ng makita si Nathan. Hindi naman sa sobrang nagulat ako. Yung na awkward-an lang ako na nasa harapan ko sya. Pero sya, parang nagulat at nanlaki pa ang mata nya. Okay? Parang nakakita sya ng multo ah?
Ang ganda ko naman yatang multo.
And besides wala naman akong balak na maging multo kahit na ganito ang sitwasyon ng buhay ko. Complicated e noh? Hindi naman ako aabot sa point na magpapakamatay ako dahil sa sinisisi ako ng mama ko sa pagkamatay ng kuya ko at sa pagloloko sa'akin ng jowa ko.
"G-Gail."
Ngumiti nalang ako at bumaling nalang sa Cellphone ko. Ang awkward ng atmosphere e. At isa pa wala akong balak na kausapin sya noh.
***To: JC ?
Oy! Ano na? Ba't 'di ka na nag re-reply? Patay ka na ba? Sana oo.
Pagkatapos ko 'yun i-text ki JC binaba ko naman agad 'yung Cellphone ko at hinintay si manang na makabalik. Gutom na ako! Ang tagal naman ni manang!
***BZZTT BZZTT
Napatingin ako sa Cellphone ko. Pero 'di naman sa akin 'yung tumunog. Kanino 'yun? Napatingin ako ki Nathan. Sa kan'ya pala 'yung cellphone na tumunog. Tinapat naman nya ang cellphone sa tenga nya at bahagyang napa-talikod.
"Hello, mommy?"
Bumaling na lang ako sa loob ng tindahan at hinintay si mamang. Ang tagal naman kasi. Mas lalo kong itinutok ang atensyon sa tindahan nang makita ko sa peripherical view ko na timingin si Nathan sa'akin. Pero na ako masyadong bitter sa'kanya. I made a promise to myself na kakalimutan ko na si Nathan.
Medyo naiilang lang ako kasi ayaw ko sa lahat ay iyong tinititigan ako na para bang nakkatawa yung mukha ko. Pero ang awkward lang na kasama mo sa iisang tindahan ang Ex mo at hinihintay na makabalik ang tindera.
Na... katabi mo sya ngayon. But, okay lang para sa'akin friends lang kami. The word 'friends' makes me feel uncomfortable. I don't know.
"Ayan na, ija. Ang cup noodles mo. Dahan-dahan at linagyan ko na iyan ng mainit na tubig." Kaya pala ang tagal ni manang. Nakaka taba naman ng puso.
"Salamat po. Magkano po?"
"Twenty-one pesos lang ija."
Binigay ko na ki manang yung pera at linagay ang cupnoodles ko sa lamesa. Meron kasi dito mesa sa may tapat ng tindahan. Dito ako palagi bumibili ng cupnoodles ko. Sarap e.
Parang korean lang ang peg? Hahaha sa pagkakaalam ko kasi kumakain din ng noodles ang mga koreano. Kulang nalang chopstick e. Sayang nga at hindi ako marunong gumamit nun. Kung sakaling naka chopstick ako ngayon siguro ni isang noodle ay wala ako makuha.
Nakarinig naman ako ng tunog sa radyo. Ini-on yata 'yon ni manang. Actually kanta pala ang narinig ko kasi may beat.
"Oh, sa'yo ijo. Ano naman ang bibilhin mo?"
🎵🎤Pwede bang tigilan mo ako?
'Di naman sa 'di kita gusto
Iniingatan ko lang kasi
Ang pusong dati nang nasawi-eh-eh🎤🎵
Hindi ko sila pinansin at kumain lang ng noodles ko. Ang sarap kaya nito. Seafood t'saka masarap kainin ang noodles pag maiinit pa. Nakakapaso lang nga ng dila. Pero worth it naman sa huli dahil sa sarap.
Natandaan ko nung bata pa ako, bumili ako ng noodles sa Canteen namin at dahil sa sobrang gutom ko, agad kong kinain ang Noodles. As in kain agad ah? Yung tipong binili ko pero hindi pa nalalagyan ng mainit na tubig ay kinakin ko agad. Pinagtawanan pa ako ng mga kaklase ko nuon dahil hindi raw ako marunong kumain ng noodles.
🎵🎤Pa'no ba ko lalayo sa'yo?
Kung bawat kilos mo'y gustong gusto ko
Isang sulyap mo lang ay parang langit
Napapaawit ng paulit-ulit🎤🎵
Tapos naalala ko pa nuon. Everytime na kumakain ako ng noodles, napapaso ang dila ko dahil palaging may nangyayari. Yung pakiramdam na parang priniprito yung dila mo dahil sobrang init?
Ngayon feel ko may magyayari nanaman tapos mapapaso dila ko kasi kumakain ako ng noodles. Hahaha! Huwag naman sana.
"HOY IJO! ANO ANG GUSTO MO?!"
"Si Gail po,"
🎵🎤Lalalalalalalala...
Ako ay nahuhulog na
Lalalalalalalala...
'Di ko na mapigilan🎤🎵
A-ano daw? G-Gail? Ako yun diba? Ako yun?
Nasamid naman ako sa pagkain at nabilaukan sa narinig ko. Napatayo ako habang hawak-hawak ang dila ko at pinapaypayan.
Dang it! Ang init! Napaso ang dila ko. Ano ba kasi!
Nakakainis! Shet!
Pero bakit... bakit...
Bakit parang gusto ko? Bakit parang...
Kinikilig ako?
Argh! Wag ka ngang makulit Ex!
🎵🎤'Wag kang makulit
Matatamaan ka sa'kin
'Wag kang makulit
Matatamaan ako🎤🎵
----------------------------------------
EDITTED VERSION
Featured song: Wag ka ngang makulit. By Kim Chiu.
VOTE🌟
COMMENT💭
BE A FAN!💮
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro