Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Fifteen

Gail
Acronym

TODAY is Monday. And guess what? Makukuha ko na ang second hint ko. Hmmm. Ano kaya ang second hint nya? Hindi naman kasi nakatulong sa'akin iyong first hint na binigay sa'akin ni JC e. Walang kwenta. Ang name nya ay nagsisimula sa letter J? natural JC nga diba? Ako ba linoloko nya? Mamaya nyan, walang kwenta ulit ang second hint na ibigay nya.

"Gail!!"

Napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sa pangalan ko. Si Jc.

"Oh, bakit?"

Linapitan nya ako at inakbayan. Ewan ko pero parang nagblush yata ako. Bigla ako nakaramdam na parang nahiya ako. Dati hindi naman ako ganito ahh. Anong nanyayari sa'akin?

"Nakikinig ka ba?"

Napatingin ako ki Jc nang hinarap nya ako. Nandito kami ngayon sa hallway. Hindi ko kasama sina Mich. Ewan ko kung nasaan sila. Nasa room na yata. Sabi ko kasi sa'kanila mauna na sila dahil may nakalimutan ako sa bahay. Pero ang totoo, gusto ko lang mapag-isa muna ngayon.

"A-ah? O-oo."

Tumango pa ako para mapaniwala ko sya. Ang weird lang ng nararamdaman ko. Gusto ko syang tanungin kung sya ba yung 'JC' na nagtext sa'akin. Pero nahihiya ako e. Ngumiti si Jc sa'akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Ang cute mo talaga!" sabi nya sabay pisil sa dalawa kong pisngi.

"Aray ko naman Jc! Makapisil. Parang monay lang pisngi ko ahh." Sabi ko sabay irap sa'kanya. Eh ang sakit e.
"Sus! Nag-inarte pa ang baby ko." sabi nya sabay tawa pa.

Nakita kong napatingin sya ng bahagya sa likod pero bumalik din ang atensyon sa'akin. Ano ba ang tinitignan nya? Tatalikod sana ako nang pisilin na naman nya ang pisngi ko.

"Baby kong damulag. Hahahaha!" Sabi nya sabay tawa ng malakas. Hinampas ko sya ng bag ko at inirapan.

"Tss. Bahala ka nga dyan. Sobrang ganda ko naman yata maging damulag? Tss." Inirapan ko sya at umalis na.

Tumakbo na ako papuntang room namin para makalayo sa'kanya. Pero nang maramdaman kong hindi nya ako sinundan ay nakahinga naman ako ng maluwag. Nilingon ko pa sya at nakita kong may kausap syang lalaki. Hindi ko makita ang mukha nya kasi masyado na akong malayo at natatakpan ng ulo ni Jc ang mukha nya.

Nang makarating na ako sa room agad akong pumunta at umupo sa upuan ko. Hmmm. Wala si Unniecorn ah. Nasan--- ay oo nga pala nasa Albay pala sya kasama ng mama ni Nathan.

"Gail pa-copy nga nang preparation mo sa Math. Hindi ko nagawa yung akin e. Alam mo naman yun si sir. Kapag walang preparation pinapalabas." Sabi ni EB na nasa likod ko.

Nagroll eyes nalang ako at kinuha ang notebook ko sa Math at binigay ki EB. Ayoko sana magpa-copy pero sige na nga. Kaibigan ko naman si EB e.

"Problem?" Umiling ako sa sagot nya.

"Weh? You've just roll your eyes to EB. That means... you have a problem. Oh! English yun ah!" At tumawa pa sya na parang walang bukas.

"Porket nagroll eyes may problema na agad?"

"Hmmm, hindi naman. Trip ko lang." At tumawa naman ulit si Jake. Minsan hindi ko din maintindihan ang isang ito e. Minsan matino. Minsan naman parang ewan.

Tumingin ako sa likod ko. Nakita ko si EB na busy sa pagco-copy sa preparation ko. Habang si Mich nakatulala lang sa isang tabi. Parang malalim ang iniisip.

"Mich." Tawag ko sa'kanya. Ngayon lang sya--- I mean, ngayon lang ulit sya ganyan e. Yung nakatulala.

"A-ahh?" Ang weird ngayon ni Mich. Ano bang nanyayari sa'kanya?

"Okay ka lang?"

"Uhm. O-okay lang a-ako." Tumingin naman sya sa'akin na parang nakakita ng multo.

Magandang multo.

Tumango naman ako sa'kanya at haharap na sana sa'kanila Ella nang tawagin nya ang ulit ako.

"Gail." Hinarap ko sya. Ano bang problema nito?

"Bakit?"

"May sasabihin ako sa'yo."

Ok? Tumango naman ako sakanya. Sinyales na ituloy nya ang sasabihin nya.

"Ano. Si----"

"Good morning class..."

Wrong timing naman si sir oh. Kakainis. Tumayo kami para batiin ang bagong dating na guro. Ano bang bago? Palagi naman yan ang ginagawa ng mga estudyante kapag ganito eh. Pakatapos ay humarap ako ki Mich at sinabing mamaya nalang ipagpatuloy yung sasabihin nya Tumango naman sya at umupo na ako.

"Okay class. Just a reminder. Alam ko hindi ito ang topic natin at 'di natin 'to kailangang i-discuss. Pero, it's just a reminder."

Sir naman e. Ano akala mo samin? Elementary? Kailangan pa ng reminder reminder na yan? Ano? Kailangan ko bang bumili ng extra notebook at gawing reminders notebook? Ganun?

"So, let's say DOH. Ang DOH ay isang acronym. Meaning, Department Of Health. Kaya sya DOH it's because kinuha ang first letter ng bawat words."

Sir, alam ko na yan. Alam ko na yan eh. Yung mga DepEd, DOLE, DSWD, mga ganun. Alam ko na ang bawat meaning ng acronym na iyan. Elementary pa lang ako, alam ko na ang mga gampanin nila.

Tapos biglang may sinulat si sir sa board.

"Iba ang DOH..." Sabi nya sabay turo dun sa sinulat nyang capital 'DOH' sa board.

"Sa Doh."

At tinuro naman nya ang small letters na 'Doh' sa board. Huh? Paanong nanyari 'yon? E parehas lang naman sila ng spelling ahh.

"Eh, Sir. Paano nanyari yun? Parehas naman silang dalawa ahh? I mean-- Parehas sila DOH." Pagtatanong ng kaklase ko kaya nabaling ang atensyon ng lahat sa'kanya.

"Dyan kayo nalilito e. Ang ibang section, dito din nalilito. Kaya mabababa ang score na nakukuha nila."

Ohw. So now I'm starting to like the discussion.

"Eto ah. Department Of Health. Ang acronym nya ay DOH. Ang DOH ay shortcut sa Department of Health."

Napatango-tango ako sa sinabi ni Sir.

"Kapag capital letter ang lahat na letter it means acronym yun. Pero kapag big letter yung simula at yung kasunod ay small letters, word yun. "

Ohh. I see. Paanong hindi ko 'to alam? Akala ko kasi ang idi-discuss nya ay yung mga sangay ng gobyerno katulad ng mga DOLE ganun.

"Example. Ang basa dito ay D... O... H... " Turo ni sir dun sa sinulat nyang capital 'DOH'

"At dito naman, Doh." Dugtong nya at turo doon sa sinulat nyang small letter 'Doh'.

Ohw, gets ko na.

"Nakuha nyo ba ang ibig kong sabihin? Or you want more examples para ma-klaro kayo?" Tanong ni sir na ikina-tango naman ng lahat.

Hmmm. Okay! Buti na lang pala ni-remind at klimara ni sir ang tungkol duon. Ang talino naman pala ni sir e. Sya na ang favorite teacher ko tuloy.

Nasa kalagitnaan ng pagsasalita si sir nang biglang may kumatok sa pinto kaya napatingin ang lahat duon.

"Hi, sir. Sorry for being late. May we enter your class?" Saad ni Jc.

Napatingin ako sa likod nya kung nasaan naroroon si Nathan. Nakasimangot ito at mahahalata mo sa mukha nya ang pagiging irretable.

Tinaas lang ni sir ang kilay nya at nag hand gesture na pu-pwede na sila pumasok. Unang naglakad si Jc papasok at nagpa-iwan si Nathan sa may pinto.

"Do you wish to stay in that forever?" Sarcastic na tanong ni sir.

"Tss." Pumasok sya sa classroom ng nakasimangot pa din. Nagtama ang mga paningin namin pero ganun na lang ang gulat ko ng ang sama ng tingin nya sa'akin.

"Huwag mo na lang pansinin. Meron ata." Biro ni Jc at bahagyang tumawa kaya tumingin ako dito.

"Sya ba yung kausap mo kanina?" Tanong ko. Natandaan ko kasing may kausap syang lalaki kanina. Yun siguro ng dahilan kung bakit sila na-late.

"Uhuh." Binaling nya na ang tingin ki sir at napakunot ang nuo. Maya maya'y ibinalik ang tingin sa'akin. "By the way, pa-copy ng preparation sa Math." Bigla nyang sabi.

Math kasi ang subject namin ngayon. Siguro ay nagtataka sya kung bakit tungkol sa mga acronym ang dini-discuss ngayon ni sir gayong mga equations and formulas ang dapat.

Tinuro ko si EB na busy pa din sa pagco-copy ng preparation ko.

"Na kay EB notebook ko."

Walang anu-ano'y hinablot ni Jc ang notebook ko ki EB.

"Ako muna pre. Mabilis akong mag-copy, promise." At tumalikod na sya para mag-umpisa ng mag-copy.

Pero hindi pa man sya nakakasulat ay hinablot naman ni EB ang notebook ko.

"Ano ba? Ako nauna sa'yo e!"

"Madali lang naman."

"Mamaya na. Matatapos na ako e."

"E mamaya na din! May na-copy ka na. Ako wala! Ako muna!"

"Ako muna nga sabi e."

"Ako na!"

Gusto ko sila awating dalawa pero hindi ko alam ang gagawin ko. Patuloy pa din sila sa pag-aagawan sa notebook ko. Napangiwi ako ng makita kong medyo mapupunit na ito.

Nakatingin na ang buong klase sa'kanila dahil bahagyang nagsisigawan na din sila. Napalunok na lang ako nang makita kong lumapit sa'kanilang dalawa si Sir at inagaw ang notebook ko.

Shit! Mukhang madadamay ako dito ahh.

"Buenafe! Cruz! Get out of my class! Ang lakas ng loob nyong hindi gumawa ng ibinigay kong assignment!" Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nangangamoy na madadawit ako dito.

Sana hinde.

"Nagawa nyo pang mangopya! Kanino ba 'tong notebook na 'to at hinahayaan nyang mang-copy kayo?" Pagkatapos ay tinignan nya ang notebook.

Pumikit ako as a sign of defeat.

"Chua!..." Get out of my class! "Get out of my class!"

Sabi na e. Sabay kaming tatlong tumayo. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Sabi ko nga hindi ako magpapa-kopya next time. At sabi ko nga hindi na si sir ang paborito kong guro.

"Sana pala hindi na lang ako pumasok. Papalabasin lang naman pala ako." Bulong ni Jc at nag-umpisang maglakad.

Nasa unahan si Jc sunod si EB at sa hulihan naman ako. Habang papalabas ay narinig ko pang napasalita si Nathan nang madaanan ko ang pwesto nya.

"Tss. Pa-kopya pa nga."

Napakunit ang nuo ko. Ano bang problema nito? Kanina pa'to ah.

-----------------------------------------
EDITTED VERSION

A/N: May dinagdag lang ako sa chapter na ito. Yung part na pumasok sila Jc at Nathan sa room then pababa. Ehehe.

VOTE🌟
COMMENT💭
BE A FAN!💮

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro