Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Eighteen


Gail
Stare


"S-SALAMAT," ani ko ki Jc.

"You're welcome," sabi nya habang nakangiti. Ngumiti na lang din ako.

Gusto kong sumigaw dahil pakiramdam ko biglang tumahimik ang buong paligid. Napatikom silang lahat at hindi na nagsalita.

"Parang gisto ko tuloy magpa-tugtog ng music,"

Baliw din si EB 'noh? Kinuha nya 'yung cellphone nya at binuksan. Nagpatugtug na sya ng kanta na hindi pamilyar sa'akin.

NOW PLAYING: Love Triangle
By: Raelynn

🎶~ Sitting on the front step, little white suitcase
Hearing that diesel, 'fore it hit the front gate
His headlights burning down a Friday night
Southern bell statue standing in the screen door
Watching her whole world head for an old Ford
With a man that can't look her in the eye.~🎶

Ewan ko pero sa ngisi pa lang ni EB parang may balak sya. Hindi ko lang matukoy kung ano. At talagang dinaan nya pa sa kanta ang pang-aasar sa'akin.

Wait, paano ko naman nasabi na inaasar nya ako?

🎶~Then I'll run to her
Wrap my arms around her skirt
And I cry for him out the window~🎶

Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Pinaikot-ikot ko lang ang spaghetti sa tinidor at minsan ay tinutusok tusok.

🎶~Some mamas and daddies are lovin' in a straight line
Take forever to hearten and take a long sweet ride
But some mamas and daddies
Let their heartstrings tear and tangle
And some of us get stuck in a love triangle~🎶

Ngayon, confirm ko na. Nang-aasar talaga si EB. Tss. Inaasar nya ako dahil sa nanyari.

Tahimik lang kami habang kumakain. Na a-awkward-an na nga ako. Tapos mas lalo pa akong naiinis. Kasi naman si EB sinabayan pa ung music.

🎶~In a love triangle, yeah
Ooh-ooh-ooh-ooh.~

Tumahimik na lang ako. Kahit naman na magwala ako, wala din naman magagawa yun. Pero si EB, parang ayaw magpa-awat.

"Hahahaha! Ang tahimik nyo naman. Talk naman kayo!"

🎶~Some mamas and daddies are lovin' in a straight line
Take forever to hearten and take a long sweet ride
But some mamas and daddies
Let their heartstrings tear and tangle
And some of us get stuck in a love triangle.~

"Ohh-ohh-ohh-OHHHHH."

D

alawang rason kung bakit naiinis ako ay EB ay una ang sensitive nya. Bwiset! Hindi man lang ba nya nahahalata na naiilang ako sa mga nangyayari? Pangalawa, nung sinabayan nya yung kanta. Argh. Ang panget ng boses my ghad!

Hanggang sa natapos ang kanta at sakto dahil nag-time na at tapos na din kami kumain. Tumayo na kami at pinag-isa naman ni Mich ang mga bowls para dalhin sa lababo. Sayang nga at may mga natira pa. Sayang ang dyes pesos doon ah.

Sabay kaming pito na naglakad sa hallway papunta sa room. Tahimik lang kami habang naglalakad pero ang nakakainis lang nasa unahan ang mga mag-syota. At ako naman ang nasa likod kasama sila Jc at Mathan.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Ayaw ko mag-assume na ng dahil sa'akin kaya sila nagkakaganyan. Pero kung dahil nga sa'akin, bakit naman? Tinignan ko si Jc. Deretsyo lang sya ng tingin, same as Nathan.

Agad akong umupo sa upuan ko nang makarating kami sa loob ng room.

"Gail, alam mo ba kung ano ang violet?"

Napatingin ako ki Jc nang magsalita sya. Hindi ko matanto kung bakit nya bigla sinabi 'yun? Nag-aral ba sya? Simpleng violet lang 'di nya alam? Aba't mabuti nakapag-highschool sya.

"Color," proud kong sabi.

"Mali," sabi nya sabay smirk.

Mali? Tama naman diba? Ang violet ay color? Napanganga na lang ako sa sinabi nya. Ano ba ang description nya ng violet?

"Bakit naman? Tama yun oy!"

"Mali. Bigyan kita example ah," huminga sya ng malalim. "Mama! Mama! Nawala po 'yung laruan ko!" sabi nya habang naga-acting na para bata.

"Huwag ka mag-alala anak, I'll just violet," patuloy nya sabay tingin sa'akin na pinipigilan ang tawa.

"Ha. Ha. Saan mo nakuha yan? Sa WaleyJokes.com ba?" sabi ko habbng pinipigilan din ang tawa ko.

Actually hindi naman talaga ako natawa sa joke nya. Dun lang ako natatawa sa fact na ang waley ng joke nya. Ta's yung pag se-self support nya- yung sya lang natawa sa joke nya.

"Ayt. Grabe ka naman sa'akin," ani nya sabay pout. Natawa naman daw ko nung nag-pout sya.

"Sige, nguso pa. Para maging duck ka na," sabay taawa ko.

"Duck talaga ahh? Wow sosyal. Duck," natawa na naman ako sa 'kanya. "Pwede namang sisiw o kaya-"

"Ulol! Baka pato?" mas lalo ako natawa nang makita ko syang napakamot sa batok nya at napa-isip. "Iba ang sisiw sa pato,"

"O, saan ba nanggaling ang sisiw?" tanong nya.

"Sa Manok?" patanong kong sagot dahil naguguluhan ako.

"Ay, sa manok ba? Akala ko sa pato e." napanamot na naman sya sa batok nya.

Naguluhan din ako. Teka, na-brainwash tuloy utak ko!

"Eh pero ito,"

"Alam mo ba, matutunaw ka na?"

Napaisip ako sa sinabi nya. Matutunaw? Aba, talagang may mga jokes syang hinanda ngayong araw ah?

"Ha? Sa pagkakaalam ko, tao ako at hindi ice-cream. Kaya bakit naman ako matutunaw?" ngumiti naman sya at lumapit sa tenga ko.

"Cause I'm so hot," naubo naman daw ako sa sinabi nya. Ang kapal. Lumayo sya sa tenga ko at hinawakan ang balikat ko at tinapik-tapik pa iyon. "Sorry,"

Kunwari naubo ba naman ako dun. Grabe! Nasobrahan yata ito sa eclectric fan kaya ganito. Naipon ang mga hangin sa katawan.

"Why so kapal?"

Tapos tumawa lang sya ng tumawa kaya natawa na din ako. Tinawag ako ni Mich na nasa likod ko. Lumapit din naman ako. Baka mag jo-joke din sya.

"PDA pa,"

"PDA ka dyan. Natawa lang ako sa joke nya." tawa ko.

"Tss. Matutunaw ka talaga," nahinto naman ako sa sinabi nya. Shet! May baon din si Mich.

"Haha. Bakit naman?"

Yung ekpresyon ko naging "Wow! Mag jo-joke din ba sya?" Baka waley din 'yan tulad ng kay Jc? O baka naman sabihin nya na hot din sya kaya ako matutunaw?

"Kasi po, kanina pa nakatingin sa'yo 'yun oh." turo nya sa isang pamilyar na dereksyon "Baka matunaw ka nga. Kanina pa yan e. Simula nung nag-usap kayo ni Jc," bulong nya sa tenga ko.

Napatingin ako sa tinuro ni Mich at nakita ko si Nathan na nakatingin din sa'akin. Ang sama ng tingin nya. Kung pwede lang makapatay ang tingin kanina pa siguro ako patay dahil kanina pa nya ako tinititigan ayon ki Mich.

"Told yah," tapos lumayo na si Mich.

Umiwas ako ng tingin kasi naman kay Nathan dahil wala siguro syang balak na kumalas sa titigan namin at bigla ako nakaramdam ng ilang. Galit ba sya sa'akin? Anong ginawa ko? Dalawang beses nya na akong tinititigan ng masama. Wala naman ako ginagawa sa'kanya. Akala ko ba okay na kami? Psh.

"Goodmorning class!" nabalik lang ako sa realidad nang pumasok sa room si sir.

-------------------------------------
EDITTED VERSION

ALLE: Pagod mag UD😂 Sana magustuhan nyo ang bagong chapter ng 7 weeks to know him. Sana di kayo napapagod mag suporta sa mga stories ko at sana din patuloy nyong subaybayan ang kwento ni Gail, Nathan at Jc. Kasi madami pang mabubunyag.

A/N: Hindi ko aalisin ang nots ko dahil alam nyo na 😂 SV. Sentimental Value. Amp😂

🌟VOTE

💭COMMENT
👌AND BE A FAN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro