Epilouge
Epilouge
“Caring for a FRIEND is like caring for a TREE. It’s not measured by how TALL it could be, but by how the ROOTS have grown DEEPLY.”
----------------------------
Sehun's POV
It's been three years since Luhan hyung died.
Tatlong taon
Pero para sa akin kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa lahat. Yung putok ng baril, yung tunog na makina, yung pagtawag nya sa pangalan ko at kay Hannah. Masakit sa akin na nangyari yun pero mas masakit sa part ni Hannah. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko kahit laging sinasabi nila Hyung na wala akong kasalanan.
Flashback
"Naku Sehun sinasabi ko sayo walang patutunguhang maganda kung sasali ka dyan sa inaalok sayo ni Ivan" pangaral nya sa akin. Heto na naman sya. Nagiging Kuya sa akin. Minsan nasasakal na ako. Hindi naman ako babae para maging overprotective siya. Lalaki ako at kaya ko na ang sarili ko.
"Bakit ba ano bang pakielam mo?” inis na sagot ko sa kanya. Wala eh napuno na ako. Wala syang karapatan para diktahan ang buhay ko.
"Sinasabi ko lang sayo na walang magandang maitutulong sayo ang pagsali sa Frat, Frat na yan. Sisirain lang nyan buhay mo." sagot nya pero inirapan ko lang sya. Wala ng makakapigil sa akin dahil buo na ang desisyon ko. Gusto namang magiba ng environment. Palagi na lang sila ang kasama ko.
Tinawagan ko si Ivan matapos ang pag-uusap namin ni Luhan hyung, iniwan ko sya sa library. Mamaya naman nandun na rin si Dyo kaya may kasama na sya.Sinabi kong sasali na ako sa Fraternity at mamayang uwian na daw ang initiation ko. Tama, sasali ako ng Fraternity. Alam kong buwis buhay yun pero parang ang astig kasi kapag kasali ka dun. Alam kong lahat sila ay hindi papayag kaya't hanggang maari ay tinatago ko, hindi ko alam kung saan nalaman ni Luhan hyung na inalok ako ni Ivan.
"Oy sa bahay mamaya ah, wala namang pasok bukas tara't maghappy-happy, sa bahay na lang din kayo matulog" sabi ni Chen hyung. Oo nga pala Birthday nya. Gusto kong pumunta pero mamaya din ang initiation ko.
"Hindi ako pwede may pupuntahan ako" sabi ko na nagpatigil sa kanila. Halatang nagulat silang lahat sa sinabi ko.
"Ano? may date ba kayo ni Krystal?" tanong ni Baekhyun Hyung. Great binigyan nya ako ng alibi. Lahat sila ay nakatingin pa rin sa akin.
"Oo meron, matagal na rin kaming hindi nakakalabas eh" dahilan ko.
"Hindi ba pwedeng sa susunod na, minsan na lang tayo mabuo oh" sabi ni Suho Hyung pero umiling ako at tumayo.
"Una na ako at maghahanda pa ako para sa date namin ni Krystal. Pakasaya kayo" paalam ko at umalis na. Agad akong dumiretso sa Hide out ng Frat nila Ivan. Sinimulan nila ang Initiation at nakapasa ako.
Isang linggo akong hindi nakapasok dahil hirap akong maglakad dahil namamaga pa ang mga binti ko. Araw-araw din akong nakakatanggap ng text at tawag mula sa kanila. Tinatanong kung ayos lang ba ako, ganto, ganyan. Pero hindi ko sila sinasagot.
Kahit nahihirapan ay bumangon ako para makapagluto ng pagkain ko. Dito ako nakatira sa condo ko na bigay ni Papa, kaya walang nakaka-alam na sa pamilya ko na sumali ako ng Frat.Kasalukuyan akong nagluluto ng marinig kong bumukas yung pinto ng Condo ko pero parang guni-guni ko lang kaya pinagpatuloy ko ang pagluluto.
"Tinuloy mo pa rin?" nagulat ako ng marinig ang boses ni Luhan Hyung. Halata sa boses niyang ayaw niya sa nakita. Nakaboxer ako kaya kita ang mga pasa sa hita ko.
"Kaya ka ba hindi pumapasok dahil dyan?" tanong nya sabay turo sa hita ko pero hindi ko sya pinansin, pinagpatuloy ko lang ang pagluluto ko.
"Tinatanong kita Sehun" naiinis na tanong niya.
"Nakikita mo na nga magtatanong ka pa" sagot ko sa kanya. Hindi ako ganyan sumagot sa kanya dati.
"Yan, yan ba ang tinuro sayo ng Frat na sinalihan mo ha? ang pabalang na sumagot kapag tinatanong ka!” nanggigil na sigaw nya. Heto na naman sya, naririndi na ako.
" Pwede ba kung sesermonan mo lang ako, makakaalis ka na" walang ganang sagot ko sa kanya.
"Sehun naman, hindi ka pa ba nadala sa mga balita sa TV ngayon tungkol sa Hazing na yan ha? pano kung di mo kinaya ha edi palutang lutang ka sa ilog ngayon" nag-iba na ang tono ng boses nya, kung kanina galit ngayon nag-aalala na.
"Buhay ako ok, wag ka bg OA dyan" sagot ko sa kanya.
"Sehun hanggang maaga pa magquit ka na dyan, para hindi ka na mapahamak" ani niya na nagpapantig sa mga tenga ko.
"Ano bayan? lahat na lang ba ng gagawin ko kailangan idikta mo? may sarili akong buhay at kung anong gusto kong gawin, gagawin ko. Wala kang pakielam kung magpalutang lutang ako sa ilog ngayon kasi buhay ko to! Nasasakal na ako sayo, sa inyo alam mo ba yun? Kailangan dapat ganto, wag kang sasali sa ganto. Kaibigan lang kita! Kaibigan lang kaya wala kang karapatan diktahan ang buhay ko buwisit!” sigaw ko sa kanya at umakyat ng kwarto ko at nilock yun.
Matapos ang pag-aaway namin na yun ay hindi na ako nagpakita sa kanila. Alam kong sinabi na nya lahat sa kanila.
Pinagpatuloy ko ang pagiging Frat member. Napabayaan ko na ang pag-aaral ko, lagi akong napapa-away at umuuwi ng may sugat sa ibat -ibang parte ng katawan. Masasabi kong masaya ako sa ginagawa ko kasama ang mga ka-Frat pero minsan bigla na lang pumapasok sa isip ko sila Hyung.
Ano kayang ginagawa nila?
Kumain ba ba sila?
Galit ba sila sa akin?
Minsan nakakasalubong ko sila, papansinin nila ako pero iiwas ako. Hindi ko alam pero ayaw kong makita nila ako ngayon.Lagi pa rin akong nakakatanggap ng text at tawag sa kanila, lalo na kay Luhan hyung pero kagaya dati di ko sinasagot.
Ilang buwan na rin ang nakalipas at hanggang ngayon ganon pa rin ang buhay ko. Makikipagbugbugan, inuman, nagamit na rin pala ako ng drugs. Hindi na ako kagaya ng dati. Malayo na sa mabait at baby nilang si Sehun. Hindi na rin ako napasok sa eskwelahan. Wala na rin kami ni Krystal. Nakipagbreak sya simula nung makita nyang may kasama akong ibang babae. Ok lang marami pa naman dyan. Nabalitan kong uuwi na rin si Hannah. Ok yun para maging masaya naman si Luhan hyung.
"Mamayang gabi susugod daw ang grupo ni Timothy sa atin kaya maghanda kayo" sabi ng leader naming si Ivan. May laban mamayang gabi. Masaya to, matagal na rin akong di nakakasuntok.
"Lalo ka ba Sehun ikaw daw ang target nun" paalala nya.Si Timothy duwag naman yun kaya sisiw lang sa akin yun.
Wala pa sa takdang oras na ibinigay nila Timothy ay sumugod na sila. Napakarami nila kaya mukhang mahihirapan kami pero kaya yan. Pero mali ako, wala pang ilang minuto ay marami na sa amin ang bumagsak dahil na rin sa sobrang dami nila.
"Sehun tawagan mo si Luis sabihin mo back up" utos ni Daniel, isa sa mga ka-frat ko. Nagtago ako para makatawag kay Luis. Nagmamadali akong tinawagan sya buti at mabilis niyang sagot.
"Luis back up nandito kami sa Sampalok St. ang dami nila Timothy!" sigaw ko kay Luis ng sagutin niya ang tawag ko.
"Sehun” tawag sa akin ng natawagan ko. Hindi number ni Luis ang nadial ko kay Luhan Hyung.
"Sehun ayos ka lang ba? ano bang nangyayari dyan?" sunod-sunod na tanong niya. Napako ako sa kinatatayuan ko. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Kahit kailan talaga gusto nyang nasa maayos akong kalagayan.
"Sehun tulong!" sigaw ni Nigel na nagpabalik sa wisyo ko. Pinatay ko ang cellphone ko at tinulungan sya.
Tatlo na lang kami nakatayo at marami pa sila Timothy.
"Ano nasan na ang tapang nyo ha? wala mga lampa pala kayo eh" pagmamayabang nya. Sinugod ng mga tauhan nya sila Nigel at Ivan tapos One on one kaming dalawa. Nagsuntukan kami kahit pagod na ako ay nakuha ko pa syang itumba.
"Sinong lampa sa ating dalawa ngayon?" sabi ko sa kanya at sinipa ang tyan nya. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad.
"Sehun!" sigaw ng isang pamilyar na boses at kasunod noon ang putok ng baril. Naramdaman kong may yumakap sa akin at sabay kaming bumagsak dalawa.
"Luhan!" rinig kong sigaw nila Suho Hyung.
"Gago ka ah!" nakita ko si Tao ba pinagsusuntok si Timothy. Tinignan ko yung yumakap sa akin, si Luhan Hyung. May tama siya sa dibdib.
"Dalhin na natin sya sa ospital" sigaw ni Dyo at dali-dali namin syang binuhat papasok sa van na dala nila. Binilisan ni Suho hyung ang pagmamabeho at mabilis namin syang nadala sa ospital. Habang nakahiga siya sa stretcher ay hinawakan niya yung kamay ko.
"Se-hun si Han-nah, si Na-na uuwi na sya, sun-duin mo sya Sehun" sabi nya kahit na hihirapan na sya.
"Hindi, ikaw ang susundo sa kanya, lalaban ka Hyung. Lalaban ka" sagot ko tapos ngumiti sya sa akin at pumikit.
Ipinasok sya sa OR para matanggal agad yung bala sa dibdib nya pero hindi nya kinaya.
Narinig ko ang tunog ng makina. Kahit na naghihina pa ang katawan ko dahil sa dami ng natamo kong sugat kanina at pumasok ako sa OR.
"Luhan hyung!" sigaw ko pero nakapikit na sya, pumatak na ang mga luha ko.
"Hyung di ba sabi mo ikaw ang susundo kay Hannah? Hyung naghihintay si Hannah sayo! Hyung gumising ka dyan Hyung! Luhan Hyung sorry kung di ako nakinig sayo! Sorry!" hinawakan ko ang kamay nya pero hindi na sya nagresponse.
End of Flashback
Minulat ko ang nga mata ko ng maramdaman ko ang malakas na hangin. Nandito sya. Umupo ako at inilapag yung mga bulaklak na dala ko sa puntod nya.
"Miss na kita Hyung" sabi ko sa kanya habang inaalis yung nga dahon na nakakalat sa puntod nya.
"Bakit mo ba kasi sinalo yung bala na dapat sa akin?" sisi ko sa kanya. Nung araw na sumugod sila Timothy sa amin ay araw rin ng pag-uwi ni Hannah galing sa America. Papunta na silang airport ng maidial ko ang number ni Luhan Hyung imbes na kay Luis. Sabi ni Suho hyung pagkatapos ko daw ibaba yung tawag ay agad syang sinagawan ni Luhan hyung na dumaan sa Sampalok St. Sa. lugar kung saan ako nakikipagbugbugan. Alalang-alala daw si hyung sa akin noon na halos gusto na raw nyang paliparin yung van na dala nila. Pagdating nila sa Sampalok St. ay agad bumaba si Luhan hyung sakto namang kakatalikod ko lang. Nakita ni Luhan hyung na bumunot ng baril si Timothy at itinutok sa akin kaya agad syang tumakbo para iligtas ako. Tinamaan sya sa dibdib. Sakto sa puso kaya hindi na sya nailigtas.
"Wag mo kaming alalahin dito ok lang kami. Si Chen Hyung ayun nanganak na yung asawa nya kambal nga eh. Si Xiumin Hyung nay charity na sya, pinangalan pa nga sayo eh. Si Kris hyung nasa Canada na, dun sila nakatira ng pamilya nya. Si Suho Hyung may-ari na ng bangko at ikakasal na next year. Si Baekhyun hyung masaya na sila ni Petra, tatlo na nga anak nila eh. Si Lay hyung isa ng doctor. Si Chanyeol hyung ayun sikat na pari na. Si Tao kakakasal lang nung isang buwan. Si Dyo naghihintay na manganak si Lala. Si Kai ayun sikat na Dancer na. At ako eto naghihintay sa sagutin ulit ni Krystal. Dapat hyung nandito ka para may idea ako kung pano sya liligawan, para may nagpapalakas ng loob ko kapag sinusungitan nya ako." Bumuntong hininga ako.
“Ang dami ng nangyari Hyung pero sa ngayon lahat magaganda. Si Hannah? ok naman sya. Nagfofocus sa trabaho nya. Hay Miss na miss na talaga kita hyung. Sorry ha kung di ako nakinig sayo noon.” tinignan ko ang lapida nya.
“Siguro kung di ako sumali buhay ka pa no? Siguro kung hindi kita natawagan noon, nandito ka pa. Masaya na siguro kayo ni Hannah.Sorry talaga Hyung. Kahit ilang beses akong humingi ng sorry sayo di ako magsasawa. Bantayan mo kami lagi Hyung." pagkatapos noon ay umalis na ako.
Naglakad-lakad ako. Hindi ko namalayan na nakarating ako sa lugar kung saan ko unang nakilala si Luhan Hyung.
"Hoy bata akin yan" rinig kong sigaw ng isang batang lalaki dun sa batang may hawak ng bola. Pero nakatulala lang yung batang may hawak ng bola.
"Hoy bata sabi sa akin yan eh" ulit nung batang maliit at sapilitang kinuha yung bola sa batang may hawak nito.
"Ano ka ba Seth hindi naman nya kinukuha eh" singit ng isa pang bata.
"Bata pasensya ka na ha bago kasi yung bola nya kaya ayaw nyang may nahawak na iba" paliwanag nung bagong dating na bata.
"Seb tara na naghihintay na sila Clyde" yaya nung batang may hawak ng bola dun sa bagong dating na bata.
"Sige Seth mauna ka na kakausapin ko lang sya" sabi nung batang lalaki.
"Ah sige sumama ka na ibabalik ko lang talaga yung bolang nakuha ko dun kanina." sagot nung batang may hawak ng bola kanina.
"Ako nga pala si Seb" pakilala nung batang lalaki.
"Lester" pakilala nung Lester at nakipagshake hands.
"Magpakilala ka" utos nung Seb dun sa Seth pero sumimangot ito.
"Haha" tumawa yung Lester dahil sa nakita nya.
"Anong tinatawa-tawa mo ha?" inis na tanong nung Seth pero binatukan sya ni Seb.
"Magpakilala ka sabi eh" inis na ulit nito.
"Seth" walang ganag pakilala nung pinakabata sa kanila. Kinuha nung Lester yung kamay nung Seth at nakipagshake hands.
"Lester" Pakilala ni Lester kay Seth at nagulat ang bata sa inasta ng mas nakakatanda kaya marahas niyang kinuha pabalik ang kamay niya.
Napangiti ako, nakikita ko sa kanila kung pano kami nagkakilala dati.
Nakikita kong kagaya ng samahan namin magiging masaya sila. Kagaya ni Luhan hyung magiging kasing bait nya si Lester at alam kong mas magiging mabait si Seth kaysa sa akin.
Tumalikod ako at muli akong naglakad. Inaalala lahat ng masasayang bagay na nangyari nung kasama pa namin si Luhan hyung. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang mga yun.
Hindi ko alam kung saan na ako napadpad sa kakalakad ko. Napahinto ako ng may tumamang bola ng basketball sa paa ko. Pinulot ko iyon at tinignan.
“Pwede ko bang makuha yung bola ko?” tanong ng isang pamilyar na tinig. Tinignan ko kung sino yung nagsalita. Hindi ako pwedeng magkamali, kahit tatlong taon na ang nakakalipas kabisado ko pa rin ang boses ni hyung.
Nasa harapan ko ang taong matagal ko ng gustong Makita. Ang taong nagawan ko ng malaking kasalanan. Ang BESTFRIEND ko.
“Hyung?” tawag ko sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo nya.
“Haha wag nyo po akong tawaging hyung kasi mas matanda pa po kayo sa akin” sagot nya habang nakangiti.“ Ikaw po si Oh Sehun di ba? yung MVP ng XOXO University last three years ago?” balik na tanong nya sa akin, tumango naman ako.
“Fan nyo po ako simula ng mapanood ko ang laban nyo nung First year highschool ako. Lagi nga po akong nanonood ng laban at practice nyo” masayang kwento nya. Tinignan ko lang sya.
“Hehe masyado na po akong FC di pa ako nagpapakilala, ako nga po pala si
XIAO LU”
-----------------------------
I did my BEST but I guess my BEST was’nt GOOD ENOUGH >_<
Tapos na sya Yehey!!!
Ayos lang ba?
Comment naman po kayo oh? Please *le luhod*
Sige na kahit anong ilagay nyo. Kahit na :-( lang ok na..
Ang hindi magcomment papaluto ko kay DYO at ipapadala sa planeta ni V!!
Naku kung ganon ang parusa kahit ako di magcocomment HAHAHAHA
Sige na Comment po kayo..Gusto ong magkaroon ng FEEDBACKS eh. Kahit negative ok lang.
JEBAL JEBAL JEBAL TT^TT
HEHEHE drama ko no?
Muli salamat po sa lahat ng nagbasa nito kahit korni >_<.
P.S: Nakakamatay po yung nasa MM --->
@agentdanryn Ayan ipinost ko na ha!!
7/29/14-8/2914
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro