Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7th Minute

7th Minute

A/n: Dapat mauuna tong scene na ito bago sila maguidance pero hinuli ko talaga. Ok? Gets?

Pansin ko kasi si Sehun ang laging may kalandian eh Luhan FF to kaya sya naman.. Hue Hue

-----------------------------

 

"Nasan na si Baekhyun?" tanong ni Xiumin. Sya na lang kasi ang kulang sa amin. Nandito kami labas ng school, usapan namin na sabay-sabay kaming papasok pero wala pa rin sya hanggang ngayon.

 

"Ayun oh!" sigaw ni Sehun sabay turo dun sa isang tindahan na malapit sa gate ng school. May kausap na babae ang loko.

 

"Tsk tsk aga-aga nalandi na naman" sabi ni Chen habang nailing pa.

 

"Tawagin nyo na" utos ni Chanyeol. Medyo galit yung aura nya. Nagtatampo pa rin, di na daw sya pinapansin ng bestfriend nya eh.

 

"Makautos ka ha! edi ikaw na  tumawag tutal BESTFRIEND mo naman yun" pang-aasar ni Dyo sa kanya. Diniinan pa talaga yung salitang Bestfriend. Siraulo tong Kwago na to eh no?.

 

"Bakit ako? Sehun ikaw na, ikaw nakakita eh" baling nya kay Sehun tapos tinulak na si Sehun.

 

"Anong ako? Ikaw na!" pangpupumiglas ni Sehun kay Chanyeol.

 

Lumakad ako papalapit dun kung nasaan si Baekhyun. Mas lalo kaming hindi makakapasok kung magtuturuan kung sino ang tatawag sa kanya.

 

"Hoy Bakla este Baekhyun anong petsa na? papasok pa ba tayo?" sigaw ko sa kanya. Sinamaan naman nya ako ng tingin.

 

"Gagu, mauna na kayo susunod ako" sagot nya sa akin pero lumapit ako sa kanila.

 

"Petra, peram mo na ako sa kanya ha?  naghihintay na kasi yung asawa't mga anak nya eh di pa sila nagaalmusal" sabi ko dun kay Petra pero hindi ko na rin hinintay yung sagot nya, halatang nagulat sya sa sinabi ko, hinila ko na si Baekhyun paalis dun sa tindahan.

 

"Ano ba Luhan sabing susunod ako eh" tsaka anong asawa't anak?" pagpupumiglas nya pero hindi ko sya pinakawalan. Nung makarating kami kung nasaan yung iba eh tinulak ko sya, buti nasalo ni Chanyeol.

 

"Ang kulit mo sabing susunod ako eh" himutok nya tapos inayos yung pagkakalagay ng sumbrero nya.

 

"Anong susunod? ikaw ang nagsabing sabay-sabay tayo tas ikaw tong wala? wag mo kong binabadtrip ha basta excited akong pumasok sa loob" saad ni Chen tapos nagcross arm pa.

 

"Badtrip tong si Luhan, kainis!"  bulong nya pero narinig ko.

 

"Tara na" sabi ni Suho tapos naglakad kami papasok.

 

Foundation Day ng school namin kaya walang klase pero pwedeng pumasok, yun ay kung gusto mo. Excited kami kasi noong nakaraan taon, hindi kami pumunta kasi nagkatamaran.

 

"Ang ganda naman dito" manghang komento ni Tao.

 

Yung mga classroom ginawa nilang mga booths. May Photo Booth, Jail Booth and etc. Marami ring Stalls kung saan maraming mabibiling ibat-ibang klase ng pagkain.

 

"Sulat tayo dun!" yaya ni Lay sa amin. May nakita syang Freedom Wall. Pumunta kami dun at nagsulat.

 

"Take me to where Miss Right is =>" yan yung sinulat ko sa freedom Wall. Wala kasi akong maisip na isulat na maganda eh.

 

"Sira ulo ka bat mo sinulat yan?" rinig kong tanong ni Kris tapos nagtatawanan sila. Lumapit ako at tinignan yung pinagtatawanan nila.

 

"Barado ang CR sa classroom namin. Paki ayos  please -_-" -Bhosxz Baynte Uhno. Yan yung nakasalulat na pinagtatawanan nila.

 

"Sino nagsulat nyan? " tanong ko tapos natatawang tinuro ni Chanyeol si Chen.

 

"Bakit Freedom Wall nga di ba?" depensa nya. Tama nga naman.

 

Sunod kaming nagpunta dun sa mga kainan. Tikim-tikim.

 

"Suho, libre mo naman ako nun oh" pangungulit ni Tao kay Suho. Pumayag sya kaya sumunod kami. Aba syempre para maambunan ng grasya.

 

Siguro mga dalawang oras na kaming naglilibot dito sa loob at marami pa rin kaming hindi napupuntahan. Naglalakad lakad kami ng biglang may magsalita galing sa Audio room.

 

"Ok be ready guys ang next color natin ay Yellow!" sabi nung tao dun sa Audio room tapos bilang nagsitilian yung nga babae.Napatingin ako sa T-Shirt na suot ko. Kulay Yellow. Anong meron sa Yellow?

"GO!" dagdag nya tapos nakita kong tumakbo yung iba.Kaya nagtaka ako, paglingon ko sa kanila ay natakbo na rin sila. Tatakbo na sana ako ng may humawak sa braso ko. Nagulat ako kaya tinignan ko kung sino yun, isang Senior. Ang layo na ng natakbo nila Sehun pero hawak hawak pa rin ako nung lalaki. Susuntukin ko na sana sya ng may humawak ulit sa isa ko pang kamay tapos hinila ako papunta sa kung saan.

 

"Oy tulong!" sigaw ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.

 

Nagpumiglas ako pero dalawa sila kaya hundi ako nakatakas.

 

"Kuya pili ka One o Two?" tanong ng isang babae sa akin, dinala nila ako sa isang room na malapit sa building ng Fourth Year,  tinignan ko sya ng nagtataka.

 

"Pili ka na para mamaya makawala ka na, pero yun ay kung suswertehin ka" nakangiting sabi nya sa akin.

 

"Two" walang ganang sagot ko sa kanya na mas nagpalaki ng mga ngiti nya.Ano bang nangyayari?

 

"Minho sa two daw" sabi dun sa lalaking nakahawak sa kaliwa ko tapos nakita kong tumango yun. Hinila nila ulit ako at dinala dun sa room 204 sa builiding ng Fourth Year.

 

Nakita ko ang sign na Marriage Booth sa may gilid ng pintuan.Hinila nila ako papasok ng room na yon. Pagbukas ng pinto ay para talagang may ikinakasal sa ganda ng pagkakaayos. Pinaupo nila ako at binitawan.Tatakas na sana ako ng harangin ako nung tinawag na Minho ng babae kanina.

 

"Wag mo ng subukang tumakas, dadahil ka namin sa Jail Booth mas mahirap lumabas dun" sabi nya sa akin at pinaupo ulit ako.

 

Tinignan ko yung nasa unahan ko. Sa likod pala kami dumaan. Nasa harapan ginaganap yung kasal. Nakita ko si Jimin na kinakasal sa babaeng wagas makakapit sa kanya, natawa tuloy ako kasi ang epic ng mukha nya, halatang ayaw nya dun sa babae.

 

"You may now kiss the Bride" sabi nung kunyaring pari tapos humarap yung babaeng kunyaring ikinakasal kay Jimin at ngumuso.

 

A/n: Kapal ng Mukha ng babaeng to ah >_< Choss

 

Dahan-dahan syang lumapit kay Jimin pero si Jimin ay tumakbo papalabas ng Room.

 

"Hoy Jimin Babes di pa tapos ang kasal". sigaw nung babae tapos hinabol si Jimin pero hinarang sya ni Taemin.

 

"Miss, 50 lahat" singil ni Taemin dun sa babae. Nilabas nya yung wallet nya at nagbayad tapos hinabol ulit si Jimin.

 

"Kuya pasuot po nito" sabi ng isang babae sa akin tapos ibinigay sa akin ang isang barong. Nagtaka naman ako pero kinuha ko pa rin at sinuot.

 

"Upo ka na lang dyan miss saglit lang to pramis" sabi nung Minho sa isang bagong dating na babae. Nakasuot siya ng Gown pero kita parin yung damit tunay na damit nya. Nakasuot din sya ng Yellow T-Shirt. Tapos may may suot  syang headband na puro flowers.May hawak din syang isang kumpol ng rosas.

 

"Ah nahuli ka rin?" tanong nya sa akin. Halata rin kasi sa barong ko yung yellow tshirt ko eh.

 

"Ah oo eh di ko alam na nanghuhuli pala sila para dito. Kainis nga eh" sagot ko tapos ngumiti sya.

 

"Ako rin eh hindi kasi ako nakaattend last year may sakit kasi ako nun" sabi nya tapos pinaglaruan yung roses na hawak nya.

 

"Ahh ako rin, tinamad kasi ako" nahihiyang sagot ko pero tinignan nya ulit ako at ngumiti.

 

"Anong year mo na?" tanong ko sa kanya.

 

"Ako? Second year" sagot nya.

 

"Second year ka rin? Bat parang di kita nakikita sa building natin?" Magkayear lang pala kami.

 

" Hindi ako nalabas ng room namin" sagot nya.

 

"Ahh ganun ba?" sabi ko tapos tumango sya.

 

"Kayo na po" tawag sa amin ng isang Staff kuno sa booth na to. Siya ang Bride ko? Ok lang maganda sya, bagay sa kanya yung damit nya.

 

"Punta ka na po dun kuya" sabi sa akin tapos tinuro nya yung harapan kung nasan yun altar. Pumunta na ako dun para matapos na to tsaka gusto ko ng makalabas dito. Tumayo ako sa gilid. Yung typical na pwesto ng Groom kapag hinihintay yung Bride nya. Nakita kong pinalakad na sya, sinuotan din siya ng Belo. Para talaga kaming ikakasal. Habang naglalakad sya ay background music yung All of Me ni John Legend. Hindi ko alam kung bakit pero napako ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya sa kunyaring aisle na yon. Bumilis rin ang tibok ng puso ko. Ng makarating na sya sa harap ko ay kusang umangat ang kamay ko para hawakan ang kamay niya. Ngumiti naman sya sa akin.

 

"Do you? Ah Miss anong pangalan mo?" bulong ng kunwaring Pari sa kanya. Si Jonghyun  yung kunyaring pari.

 

"Hannah po" sagot nya. Napatingin ako sa kanya. Hannah. Ang ganda ng pangalan nya, bagay sa kanya. Simple pero Maganda parang sya.

 

"Ah Hannah, Ok ulitin natin ha?". tanong nya. Tumango naman kami.

 

"Hannah, do you take Luhan to be your husband? Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?." tanong nya tapos tiningnan si Hannah.Nahihiyang tumango si Hannah tapos sa akin naman tumingin.

 

“Luhan, do you take Hannah to be your wife? Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?.”Tumango ako kasi parang ang akward kung sasagot ako ng I Do hindi ko naman gaanong kakilala si Hannah. Binigyan nila kami ng Singsing tapos may pinapirmahang papel.

 

"Now I pronounce you as Husband and wife. You may now kiss the Bride." sabi nung pari. Tumingin ako kay Hannah at hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga kamay ko at itinaas yung belong nakalagay sa ulo nya at ngumiti sa kanya. Hahalikan ko na lang sya sa Noo. Yun ang plano ko pero iba ang ginawa ko. Hinawakan ko ang baba nya at hinalikan sya sa labi. Pareho kaming nagulat sa ginawa ko.

 

"Sorry" nahihiyang hingi ko ng paumanhin sa kanya.

 

"Ah o-okay lang" nahihiya rin nyang sagot.

 

"Yiiee"

 

"Pamilyado na si Luhan"

 

"San ang Honey moon?" rinig naming may sumigaw kaya napatingin kami sa likod at nakita kong nandoon silang lahat.

 

"Nice Hannah, kasal na kay Crush!" sigaw nung babaeng kasunod ni Kai.

 

"Tumigil ka nga Claire!" sita ni Hannah sa kanya. "Kayo may pakana nito no?" dagdag nya pa pero tumgin sa ibat ibang direksyon yung mga kaibigan nya pwera dun sa tinawag nyang Claire.

 

"Kasalanan ko bang mabagal kang tumakbo at pareho kayo ng kulay ng T-shirt ni Luhan?" depensa nya.

 

"Ok sorry sa interruption, since kayo ang unang ikinasal dahil sa pagkakapareho nyo ng T-shirt, may libre kayong Couple Shirt at libre na rin ang lahat, salamat, next year ulit and Congratulations!" masayang bati nya sa amin tapos inabutan kami ng tig isang T-shirt.

 

"Salamat" sabay naming sabi sa kanya at kinilig naman si Key. Parang si Baekhyun din, malanding parang babae pero matinik din sa Chicks.

 

"Suotin natin ok lang ba?" nahihiyang tanong nya sa akin.

 

"Ah oo naman" sagot tapos hinubad na yung Barong na suot ko at binigay kay Minho. Sabay kaming nagpunta sa CR para magpalit. Nauna akong natapos kaya hintay ko sya sa labas. Pagkalabas nya ay parang tumigil ang mundo ko. Alam nyo yung sa mga anime yung kumikinang yung taong gusto mo tapos may puso puso sa paligid nya? ganun yun nakita ko ng makita ko sya. Simple lang yung T-shirt na ibinigay sa amin. Alam mo yung may nakalagay lang na I<3 Her yung sa akin tapos I <3 Him yung sa kanya. I know common na at korni pero para sa akin ngayon napakaganda nun.

 

"Ok lang ba?" tanong nya kaya bumalik ako sa wisyo. Nakita kong inayos nya yung pagkakasuot ng T-shirt nya sa kanya.

 

"Ah oo bagay nga sayo eh" sagot ko.

 

"Talaga? sayo din bagay" komento nya tapos ngumiti ako. Nagsimula na kaming maglakad pabalik dun sa room 204. Isasauli nya yung headband na ipinahiram sa kanya kanina.

 

"Baka naman may magalit kapag nakita tayong magkasama tapos ganto pa sout natin" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

 

"Ha? wala ah, Hahaha" tawa ko kaya napahinto sya sa paglalakad.

 

"Bakit natawa ka? siguro meron no?" tanong nya ulit.

 

"Depende kung magagalit ka" sagot ko na mas nagpalito sa kanya.

 

"Ha? ako ang magagalit?' tanong nya ulit.

 

"Wala wala ang slow mo" asar ko sa kanya.

 

 

Ikaw na gets mo?

 

 

------------------------------

Lame >_<

 

Thank you po at nakaabot na sya ng 700 reads. TT^TT

 I know mababa pa sya kumpara sa ibang stories dyan pero ang saya lang nakalampas na sya ng 500 reads.

Thank you po talaga *sabog confetti*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro