SITRI [1]
An : To all #SiNie shippers, this part may trigger ya'll. Kayo ang magde-decide kung lulubog na ba ang barko ng #SiNie. After reading this, for sure dadami ang bashers. Please bash me in the following accounts :
Fb : Abdiel WP
Twitter : abdiel253
Yt Channel : Ayel Velasquez
O kaya kahit sa MB ko nalang. Salamat xD.
SITRI'S POINT OF VIEW.
"Andeng," I said, calling the attention of the girl standing right beside Bonnie.
Bahagya siyang lumingon sa akin. "Ang pangalan ko ay Andrea," pagtatama niya sa akin na hindi ko pinansin. Binalik niya ang tingin kay Bonnie, na ngayo'y mahimbing ng natutulog.
Lumapit ako sa kaniya at inabot ang isa sa dalawang wine glass na kanina ko pa hawak. Inabot din naman niya agad 'yon. She sipped a little.
"I prefer calling you Andeng than Andrea. Isn't cute?" sabi ko habang pinaglalaruan ang babasaging baso sa kamay ko.
"Hindi bagay sa akin ang pangalan na 'yon Sitri," sagot niya.
"Then don't call me Sitri. Tawagin mo rin ako sa tunay kong pangalan," malamig na saad ko rito, dahilan upang titigan niya ako gamit ang naniningkit niyang mga mata. Tumaas ang dalawang kilay ko, at nakipagtagisan ng titigan sa kaniya, hanggang sa siya na ang sumuko.
"Fine. Call me Andeng," inis na saad nito bago muling humarap kay Bonnie. Muli siyang uminom ng alak.
Kanina pa siya sa k'warto na ito. Palagi siyang ganito. Nagmamasid kay Bonnie. Hindi ko alam kung anong balak niya sa babaeng 'to. Akala ko nga isusunod na ni boss si Bonnie sa mga kaibigan nito, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin. Naiinip na nga ako, pero kailangan kong magtiis. Hindi ko trabaho ang kumuha ng buhay, kaya wala akong magagawa ro'n.
"I have a question for you, Sitri," saad ni Andeng sa akin, habang hindi inaalis ang tingin kay Bonnie.
"Hmm?"
"Do you still love her?" tanong niya na nagpahinto sa akin ng saglit.
Napatingin ako kay Bonnie.
"I no longer love her. Since the day, she refused to be mine," malamig kong tugon.
"Pero naging kayo noon, hindi ba?" sabi ni Andeng.
"Naging kami nga. Pero hindi naman siya naging akin. Wala ring k'wenta, hindi ba?" nakangisi kong saad.
"And who do you love now?"
"You. I'm yours. My heart is with you, right? You helped me the day, she refused me. Now I belong to you. And you're mine. For eternity," walang pag-aalinlangan kong sagot sa kaniya.
Napatingin ako kay Bonnie.
We used to be happy before. Pero hindi ko alam kung anong nangyari. Nagising nalang ako na hindi na niya ako mahal. Na wala na raw 'yung pagmamahal niya sa akin. The day she refused me to love her, is the worst day I ever had when I was alive.
Kahit wala na ang puso ko, ramdam na ramdam ko pa rin 'yung sakit. 'Yung talim ng mga salita na binitawan niya sa akin noon, na parang hindi ko binigay lahat ng mga gusto niya. As if I didn't do my best, to make her happy, to make her do what she loved. 'Yung mga salitang akala ko, never kong maririnig sa kaniya.
After our break up, hindi ko kinaya ang sakit. We've been together for almost two years. Sinong hindi masasaktan kung mauuwi rin pala ang lahat sa wala?
Naaalala ko pa no'n, pumunta ako sa paborito naming lugar ni Bonnie. Sa rooftop ng apartment kung saan ako nakatira dati. Sa sobrang sakit nang nararamdaman ko noon, naisip kong tumalon sa labin-dalawang palapag na gusali.
Pero hindi ko nagawa.
Noong una, sinubukan ko. Ngunit hindi ko talaga kaya.
Inisip ko... paano kung nagkamali lang ng sinabi sa akin si Bonnie? Baka maiinit lang ang ulo niya. Baka gusto lang niya ng space? Baka nasasakal ko siya? Siguro hindi talaga niyang intensyong sabihin ang mga masasakit na salita na binitawan niya?
Maybe, she still loves me.
I cried hard that night.
Sa rooftop, sa gitna ng gabi may isang lalaking umiiyak na parang tanga.
Until Andrea came.
Hindi ko napansing dumating siya noon sa rooftop. Namalayan ko nalang na katabi ko na siyang nakamasid sa mataas na lugar.
"Bakit hindi ka tumalon? Hindi ba't masakit?" sabi niya sa akin noon. Umiiyak pa rin ako, at nawiwirduhan kung paano siya nakarating sa rooftop nang hindi ko nalalaman. Tinanong ko rin ang sarili ko kung sino siya, at kung bakit tila may alam siya sa pinagdadaanan ko.
"I don't want to. What if she said that because she's---"
"Confused? She need space? She needs to refresh herself?" Pagputol niya sa sasabihin ko. Wala sa sarili akong napatango, dahilan para ngumisi siya at tumingin sa akin. "Hindi mo ba naisip na baka hindi ka talaga niya mahal in the first place?" nakakalokong tanong niya sa akin, dahilan para saglit akong matahimik no'n.
Simula nang maging kami ni Bonnie, kaunti lang ang naka-alam na may relasyon kami. Ayaw sabihin ni Bonnie sa kahit kanino na mag-on kami. Ang dahilan niya, ay baka tutulan kami ng mga magulang niya. Iniisip ni Bonnie na paghihiwalayin kami ng mga magulang niya kung sakaling malaman ng iba kung anong relasyon ang mayroon sa amin.
Never kaming nagho-holding hands in public. We never had a date---I mean, meron. Sa rooftop. Kung saan kaming dalawa lang. We never treat each other like a couple whenever her friends is around. Never din akong nakapasok sa loob ng bahay nila. Ngayon nga lang ako nakapasok sa k'warto ni Bonnie.
"She loved me. Minahal ako ni Bonnie," saad ko.
"Bakit patago?" nakangising tanong ni Andrea sa akin, na noo'y hindi ko pa alam ang pangalan.
"Ginawa niya 'yon para hindi kami magkahiwalay. Iniisip niya---"
"Iniisip niya ang sarili niya," diretsong saad ni Andrea. "Ginamit ka niya. Para makapasa siya sa semester. Ikaw ang gumawa ng project niya. Ng mga assignments niya. Nagbuhay alila ka para sa kaniya. Hindi ba?"
Hindi ko na maalala kung gaano kalukot ang mukha ko no'n. Basang-basa pa ang mukha ko sa pinagsamang luha at pawis. Ang agad na pumasok sa isip ko, ay kung paano nalaman ng babaeng katabi ko ang lahat tungkol sa amin ni Bonnie.
"P-paano mo nalaman ang mga bagay na 'yan?" Hindi na ako nakapagpigil at tinanong ko na siya. "Sino ka ba talaga? Paano ka nakapunta rito sa rooftop?"
Ngumiti siya noon. Ngiting never kong nakita kay Bonnie kapag magkasama kami. Ngiting kahit magbiro ako sa harapan ni Bonnie, hinding-hindi ko nakita sa labi niya. 'Yung ngiting, masaya siyang kasama ako. 'Yung ngiting matagal kong pinangarap na makita sa kaniya pero hindi ko nakita kahit isang beses man lang habang kami pa.
"My name is Andrea. You can call me whatever you want. If you're not good in names, call me love," ani Andrea. "Alam kong masakit diyan." Tinuro niya ang puso ko. "So if you will agree, kaya kong kuhain ang sakit na 'yan."
Hindi ko alam kung anong gusto niyang gawin, o kung anong tinutukoy niya. Pero agad akong pumayag. Kung kaya talaga niyang tanggalin ang sakit na nararamdaman ko ngayon, then go.
"I need your heart if that's so," sagot niya.
"What do you mean?" tanong ko.
"Jump here. Then I'll have your heart. The pain will be removed immediately," aniya na agad kong tinutulan.
"Ayokong mamatay."
"Hindi ka naman mamamatay. You just need to jump here, para makuha ko ang puso mo. In that way, mawawala na ang sakit na nararamdaman mo," nakangiting saad niya. Kumunot ang noo ko no'n. Sa isip ko, nababaliw na ang babaeng kaharap ko. Bakit ko kailangang maniwala sa kaniya hindi ba? Eh kakikilala ko lang sa kaniya.
"I need to go," saad ko bago tumayo. Maglalakad na sana ako palayo pero agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"I want your heart," sabi niya.
Ang naaalala ko nalang pagkatapos no'n, ay wala na akong nararamdaman. Walang saya, walang lungkot. Walang sakit, walang hapdi.
Manhid.
All I know is I love Andeng, ang tawag ko kay Andrea. Mahal ko siya to the point na natabunan ang pagmamahal ko kay Bonnie. Wala na rin akong kahit konting malasakit at awa na nararamdaman para sa kaniya. Kaya kahit singilin na siya ni Boss, wala akong paki.
This is part of our job. I need to be professional.
"Sitri," tawag sa akin ni Andeng dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "If ever I return to you your heart, will you still love a demon like me?" tanong niya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya upang ilapit ang mukha ko sa kaniya.
"Of course. A demon like you, still deserves to be loved by a heartless soul," ani ko bago pagdikitin ang noo naming dalawa. Bahagya pa akong nakayuko dahil mas matangkad ako sa kaniya.
"You know Sitri," mahinang saad ni Andeng.
"Hmm?" I murmured while my eyes are still closed.
"I may have your heart, but I think your soul will never be mine."
Agad akong dumilat at bahagyang dumistansya sa kaniya upang makita ang reaksyon niya.
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong.
"Hey lovers, it's working hours. Why are you here?" Mula sa madilim na bahagi ng k'warto ni Bonnie, lumabas ang isang makisig na lalaki. Si Boss.
"Boss Belzeebub." Sabay kaming yumuko ni Andeng.
"May um-order ba ulit sa'yo Sitri?" tanong ni Boss.
"Yes. Three girls from the other street," sagot ko.
"Andrea, you know what you will do," ani Boss.
"Yes. Handa na ang order. Ide-deliver ko na lang," sabi ni Andeng.
"Good. I still have debt to charged," sabi ni Boss bago ito muling mawala sa dilim.
Napatingin ako kay Andeng.
"Let's go back to work," aniya. Maglalakad na sana siya paalis pero agad kong hinawakan ang kamay niya. "Sitri? May sasabihin ka?"
Nilagay ko sa pisngi ko ang kamay niya, at dinama ko ang lamig na nagmumula rito.
"Andeng, na te amo aeternum."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro