Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LOUISE [2]

An : Hello! Sa mga nalilito, ito po ang paglilinaw. Iba po ang school nila Stanley, Sep at Daniella sa school nila Bonnie, Dorrine, Gemma, Mimi, Louise, Eros at Reydel. Magkaiba rin ang kinalulugaran ng bahay nila Dorrine, Louise at Reydel (na magkakapit bahay lang), sa bahay nila Bonnie, Mimi, at Gemma. Sana nakatulong ito :)

LOUISE'S POINT OF VIEW.

Napatigil ako sa pagta-type sa cellphone nang makaramdam ako ng kakaibang lamig sa paligid. Hindi ko maipaliwanag. Normal naman na malamig sa loob ng bahay namin lalo na kung gabi dahil maaliwalas ang kinatitirikan nito. Pero iba 'yung lamig ngayon.

May kasamang... kilabot.

Dahil dito, hindi ako nakapag-reply kay Bonnie. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ang nakita ko kanina. Alam kong imposible, pero 'yun talaga ang nakita ko kanina.

Katapat ng bahay namin ang bahay nila Reydel. Ang bintana mismo ng k'warto ko ang pinakamagandang spot kung gusto mong tingnan ang harapan ng bahay nila. Kaya nakita ko mismo, na umuwi si Reydel.

Gumapang muli ang kilabot sa buong katawan ko nang maalala kung anong itsura ni Reydel nang umuwi siya.

Hindi ko alam kung namamalikmata ako kanina, o talagang... nakita ko si Reydel na walang ulo.

Kilala ko si Reydel simula ulo hanggang paa. Kahit nakatalikod, naka-side view o kahit nasa malayo. Matagal na kaming magkapit bahay, at alam na alam ko kung siya 'yon o hindi. Kaya sure ako na si Reydel ang nakita kong pumasok sa loob ng bahay nila kanina. Kahit wala siyang ulo.

Geez.

Giniginaw ako sa sobrang kaba. Nangingig ako sa kilabot habang iniisip kung totoo ba ang nakita ko, o baka gawa-gawa lang ng imahinasyon ko.

Sobrang bothered na kasi ako lately dahil sa pagkamatay ni Dorrine. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Hindi pa rin tumatahimik ang kaluluwa ko hangga't hindi ko nalulutas ang pagkamatay niya. Hangga't hindi nasasagot ang lahat ng mga tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong mapatingin sa pintuan ng k'warto ko. Sa pinakamadilim na bahagi, nakita kong may parang aninong dumaan. Sobrang bilis no'n kaya hindi ko nagawang sumigaw agad.

Louise, tama na. Nag-o-overthink ka lang.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pilit kong sinasabi sa sistema ko na walang aninong dumaan. Na madilim lang sa k'warto ko kaya kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Baka masiyado na akong stress at kung anu-ano nang na-iimagine ng utak ko.

I need to sleep.

Right.

Hindi na ako sumagot kay Bonnie. Hindi ko kasi alam kung tulog na ba siya sa mga oras na ito, kaya minabuti ko nalang na ilagay sa lamesang katabi ng kama ko ang cellphone. Pagkatapos, humiga na ako at niyakap ang unan na nasa tabi ko.

Malamig pa rin, at kinikilabutan ako sa lamig na 'yon. Hinatak ko ang kumot ko paangat hanggang sa balikat ko para maibsan ang lamig na nararamdaman ng katawan ko.

Pero hindi ko magawa.

Ilang beses kong hinatak pataas ang kumot, pero ilang beses din itong bumababa sa paanan ko. Parang...

Parang may humahatak nito mula sa paanan ko.

Dahil sa kaba na nararamdaman ko, binaluktot ko ang buong katawan ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa yakap-yakap kong unan, at dagli kong pinikit ng sobra ang mga mata ko.

Rinig na rinig ko ang bawat pagpintig ng pulso ko. Ang bawat pagtibok ng puso kong animo'y tumakbo ako ng malayo at mabilis.

Sa kabila ng lamig na bumabalot sa atmospera ng silid, heto ako't pinagpapawisan. I don't even know how to care about my sweats. All I know is I don't want to move. I don't want to open my eyes.

Ang alam ko lang, hindi ako nag-iisa sa k'warto ko.

I know, there's someone with me with my room. Marahil siya ang humahatak sa kumot ko. Siguro kaya ako kinikilabutan ngayon ay dahil nandito siya, malapit sa akin.

Sobrang tahimik.

Wala akong kahit anong marinig p'wera sa mga kuliglig sa paligid.

Nakakabingi ang katahimikan.

Nakiramdam ako sa paligid. Hanggang sa naramdaman kong parang lumilindol. Para akong hinehele nito.

No'ng una mahina lang ang pag-alog, pero maya-maya lumakas na ito.

Agad akong napatalon sa higaan.

Patuloy ito sa paglangitngit sa sahig at pag-alog kaya tumakbo ako papunta sa sala. Hindi ako pumunta sa k'warto nila Mama dahil siguradong magagalit sila sa akin. Ayaw nilang naiistorbo sa kanilang pagtulog. Maaga rin silang natulog ngayon tulad ng nakagawian. Kaya wala akong choice kundi manatili sa sala.

Mas maliwanag dito. Mas maraming ilaw na agad kong binuksan.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat nang bumulaga si mama sa harapan ko. May dala siyang baso na may lamang tubig habang nakatingin sa akin.

"Bakit gising ka pa? Anong ginagawa mo rito sa sala?" tanong niya sa akin habang umiinom. "Bakit ganiyan ang itsura mo? Para kang takot na takot. Pawis na pawis ka pa. Hindi ba gumagana ang aircon sa k'warto mo?" tanong muli ni mama.

"A-ah m-mama." Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang kakaibang naranasan ko sa loob ng k'warto. Paniguradong hindi niya ako papaniwalaan. "Hi-hindi lang talaga ako ma-makatulog," tangi ko na lamang saad bago gamitin ang palad ko pamunas sa namumuo kong pawis sa noo, batok at leeg.

Marahang tumango si Mama. "Tumayo lang ako para kumuha ng tubig. Bigla akong nauhaw. Ang init na kasi ng panahon ngayon," sabi ni Mama bago pumunta sa kusina. Ilang sandali lang, bumalik siya sa sala. Wala na siyang dalang baso. "Matutulog na ako ha. Ikaw din 'wag ka ng magpuyat. Uminom ka nalang ng gatas para makatulog ka agad," aniya.

Tumango na lamang ako at pilit na ngumiti.

Aakyat na sana si mama sa hagdan nang mapahinto kaming pareho at mapatingin sa bintana.

Sobrang ingay sa labas ng bahay.

Base sa tunog na nakapukaw sa atensyon namin ni Mama, may ambulansya o sasakyang ng pulis na dumating sa tapat ng bahay namin.

"Anong meron?" tanong ni mama.

Itinaas ko ang parehong balikat ko upang ipahiwatig na maski ako ay walang ideya.

Imbis na umakyat papunta sa kanilang k'warto, binuksan ni mama ang pintuan ng bahay. Siguro tulad ko, gusto niyang alamin kung anong nangyayari sa labas. Sobrang ingay kasi.

Sumunod ako kay mama hanggang sa makalabas kami ng gate ng bahay.

Nagulat ako sa dami ng kapit bahay naming nakiki-isosyo sa nangyayari.

Gumapang muli ang kaba sa dibdib ko nang makitang pinaliligiran ng mga pulis ang bahay nila Reydel. Ang bahay na nasa tapat mismo ng bahay namin.

"Grabe ano. Hindi ko talaga inaasahang gagawin niya 'yon sa edad niya."

"Malala na talaga ang kabataan ngayon."

"Diyos ko. Nakakakilabot naman ang gabing ito."

Maraming bulung-bulungan sa paligid namin. Ang ilan sa mga 'yon ay narinig ko ng malinaw kaya mas lalo akong kinabahan. Nagkaro'n ako ng ideya sa kung anong nangyayari.

"Helena, anong meron?" tanong ni Mama sa isang matandang babae na katabi niya.

"Hindi ko rin alam. Ang narinig ko lang, nagkaro'n ng patayan sa loob ng bahay ng pamilya Perez," sagot ni Aling Helena, tinutukoy niya ang bahay nila Reydel.

"Nako. Tingin ko nag-addict 'yung anak nila Mrs. Perez. Patayin ba naman ang mga magulang niya? Pagkatapos pinugutan niya pa ng ulo ang sarili niya?"

"Haaa? Ginawa niya 'yon!?"

"Oo! Grabe talaga. Uuwi na nga ako. Kinikilabutan talaga ako."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko.

Ayokong tanggapin ang mga narinig kong bulung-bulungan. Hindi ako naniniwala na kayang gawin ni Reydel ang mga sinasabi nila. Alam kong hindi mapapatay ni Reydel ang mga magulang niya. For sure chismis lang ang lahat ng 'yon.

"Louise anak, tara na. Pasok na tayo sa loob," sabi ni mama sa akin.

"Ah... ma, mamaya na po ako. S-si Reydel..."

Bahagya namang tumango si Mama. Alam niya kasing matagal na kaming magkaibigan ni Reydel. Iniisip niya sigurong nag-aalala ako, which is tama naman. Gusto ko ring kumpirmahin kung tama nga ang narinig kong mga bulung-bulungan.

"Sige. Basta pumasok ka na rin agad ha. Baka kung ano pang mangyari diyan sa labas. Mahirap na," sabi ni mama. Tumango naman ako bago siya pumasok sa loob.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa pintuan ng bahay nila Reydel, kung saan maraming pulis.

Ang ingay talaga sa paligid dahil sa sirena ng mga pulis at sa ambulansiya.

Maya-maya pa, may nilabas na bangkay ang mga pulis mula sa loob ng bahay nila Reydel. May takip itong puting tela, kaya hindi ko alam kung sino ito. Mas lalo akong nangamba nang may isa pang bangkay na inilabas ang mga pulis.

Mukhang totoo nga.

May namatay sa bahay nila Reydel.

Tiningnan ko pa kung anong sunod na mangyayari. Hanggang sa makita kong may isa pang bangkay na inilabas ang mga pulis. Sumatutal na tatlong bangkay ang nailabas nila sa bahay.

Mas lalong nabuhay ang mga bulung-bulungan sa paligid.

"Alam niyo ba. Narinig ko sa mga pulis na nawawala 'yung ulo ng anak nila Mrs. Perez. Hindi nila alam kung nasa'n 'yung ulo. Ire-review pa yata nila ang CCTV sa bahay ng pamilya."

"Nakakatakot naman."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari na 'to.

Una si Dorrine.

Pagkatapos, si Reydel naman ngayon.

Kailangan kong alamin kung ano ba talagang nangyayari. Kung bakit nangyayari sa amin ito.

Kailangang malaman ni Bonnie ito.

When I was about to enter our house, bigla akong nawalan ng balanse. Nahilo ako bigla sa hindi malamang dahilan.

Naging blurd din ang paningin ko.

Naramdaman kong may humatak sa akin. Hindi ko alam kung sino. Basta ang alam ko lang bago ako nawalan ng malay, may kumuha sa akin.

SOMEONE'S POINT OF VIEW.

"I'm so sorry Reydel. Kailangan kong gawin 'to. I need to work for them, to keep me safe. This is an exchange for my life's security. Sana maintindihan mo," I said before putting back my cap. I silently walked through the darkest part of the street.

"Good job, kid. Your life is safe now," bungad na saad sa akin ng matangkad na lalaki. Ang sabi niya, Beelzebub ang pangalan niya. The weirdest name I've ever heard in my life.

"Siguraduhin mo lang. Dahil gusto ko nang manahimik," matapang kong saad kahit takot na takot na ako.

"Yes of course. You are now safe. Don't share what you know. Or I'll hunt you again," nakangising saad nito bago mawala sa dilim.

I should be happy.

I'm safe now.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro