EROS [3]
EROS' POINT OF VIEW.
I've been waiting for one hour pero hindi pa rin siya dumarating. Hindi ko alam kung pinagtitripan ako ni Bonnie dahil hindi naman siya nagrereply kahit nasiseen naman niya ang mga messsage ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya kaya mas maigi siguro kung pumunta nalang mismo ako sa bahay nila.
Do'n naman talaga dapat ako didiretso, pero dahil masakit pa ang kanang hita ko, mas minabuti kong makipag-meet up nalang. Kaso mauuwi rin pala sa ganito. Pupunta rin pala ako sa kanila, sana hindi na ako naghintay ng isang oras.
Makulimlim na, ilang minuto nalang tingin ko bubuhos na ang malakas na ulan. Padilim na rin dahil maggagabi na. Lumabas na ako sa 7/11 kung saan ko hinintay si Bonnie. Pumara ako ng taxi para mas mabilis akong makarating sa kanila.
Maingat akong sumakay sa loob ng taxi. Ingat na ingat akong 'wag matamaan ang kanang hita ko dahil hindi pa ito magaling. Sa totoo lang, hindi pa dapat ako madi-discharge sa ospital kaya tumakas ako para makipag-meet kay Bonnie.
After the day I accidentally killed Louise, dumiretso agad ako sa ospital. Ang sabi ng doktor, mabuti raw at hindi malalim ang natamo kong sugat. Tinanong nila ako kung saan ko 'yon nakuha pero hindi ko sila sinagot. Paano ko ipapaliwanag sa kanila na nagpatayan kami ng kaibigan ko, at ako ang nakapatay sa kaniya para lang mailigtas ang buhay ko? Na kaya ako may hiwa sa hita ay dahil sinubukan ng kaibigan kong iligtas ang buhay niya?
"Sir, hindi na po ako makakapasok sa loob. Subdivision po kasi 'yan, hindi ako papapasukin ng guard," ani ng driver nang huminto kami sa tapat ng isang malaking gate.
Pilit akong ngumiti bago nagbayad. Pagkatapos dahan-dahan akong bumaba ng taxi. Napangiwi ako nang sandaling kumirot ang sugat ko, pero nang makabawi ay nagsimula na akong maglakad.
Hinarang ako ng guard pero sinabi kong kaibigan ako ni Bonnie. Ilang beses na rin akong nakapasok dito kaya naalala ako ng guard at pinapasok na rin.
Mabilis pero maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Malapit na kasing umulan kaya nagmamadali ako, pero kailangan kong ingatan ang sugat ko dahil baka mawala sa pagkakatahi ang hiwa nito.
Nakasaklay ako para hindi ako gaanong mahirapan sa paglalakad. Ito lang ang nadala ko nang tumakas ako sa ospital.
Tahimik na tahimik sa buong subdivision. Maya't-maya na ang pag-ihip ng malamig na hangin kaya mas nagmadali akong maglakad papunta sa bahay nila Bonnie. Baka abutan ako ng ulan dito sa labas.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, nakarating din ako sa tapat ng gate nila Bonnie. May babaeng nagwawalis sa labas na agad akong napansin. Nakangiti itong lumapit sa akin. Kung tama ang pagkaka-alala ko, mama ito ni Bonnie.
"Anong maitutulong ko sa iyo iho?" tanong niya sa akin.
"Kaibigan po ako ni Bonnie. Nandito po ba siya?" magalang kong tanong.
"Si Bonnie? Hindi pa siya umuuwi simula kaninang umaga," aniya.
Saglit akong tumingin sa bahay nila. "Gano'n po ba. Sige po, babalik nalang ako sa susunod. Pakisabi nalang po kay Bonnie na dumaan ako rito," saad ko.
Akmang maglalakad na ako nang biglang pumatak ang malalaking piraso ng tubig muli sa langit. Mabagal lang iyon no'ng una, pero lumakas na rin kalaunan.
"Iho, pumasok ka muna sa loob. Hintayin mo nalang si Bonnie habang nagpapatila ka ng ulan," ani sa akin ng mama ni Bonnie. Napangiti na lamang ako bago tumango. Wala akong choice kundi manatili rito pansamantala. Hindi ako makakauwi ng maayos lalo na't may iniinda akong sugat.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Maayos naman ang mga gamit sa loob pero hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko. O baka dahil naninibago ako sa itsura nito dahil matagal na nang huli akong bumisita rito?
"Sandali, maghahanda lang ako ng miryenda para may kainin ka habang naghihintay kay Bonnie," aniya kaya wala akong nagawa kundi tumango bago siya umalis sa harapan ko.
Luminga-linga ako sa paligid bago dumapo ang tingin ko sa isang pintuan. Nakasiwang ito kaya nakikita ko ang maliit na parte ng k'warto sa likod nito.
Sa hindi malamang dahilan, para bang hinahatak ako nito patungo rito. Nasa ikalawang palapag ito ng bahay pero kahit nasa baba ay kita ko pa rin ang siwang nito. Open space kasi sa sala at kita ang hallway sa second floor.
Alam kong mali, pero naglakad ako papalapit do'n. Dulot ng sobrang kuryosidad, tila may sariling buhay ang mga paa kong nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang k'warto. Maingat ang bawat paghakbang ko at may kasamang bilis kaya madali akong nakarating sa pintuang nakasiwang.
Dahan-dahan kong tinulak ang pintuan at unti-unti akong pumasok sa loob ng silid. Kahit nakapatay ang ilaw ay may sapat na liwanag na pumapasok dito mula bintanang nakabukas. Ang liwanag ay marahil nanggagaling sa buwan.
Sinuri ko ang bawat sulok ng k'warto. Nakita ko ang isang picture frame sa gawing kanan kung nasaan ang isang study table na puno ng libro. Litrato ito ni Bonnie. K'warto niya siguro 'to.
Napatingin ako sa kama niya. Panandaliang kumunot ang noo ko nang makitang may salamin sa tabi ng kama. Ang weird lang tingnan na may salamin do'n. Sa dinami-rami ng p'wedeng paglagyan ng salamin, bakit sa tabi pa mismo ng higaan niya?
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga librong nakapatong sa study table.
Ilang segundo lang, may napansin akong kulay itim na notebook na natatabunan ng mga makakapal na libro. Parang sindayang tabunan ito para walang makapansin. Mas lalo tuloy akong nabalot ng kuryosidad.
Kinuha ko 'yon at malalim na huminga.
Sana'y alam ko ang ginagawa ko.
Dahan-dahan kong binuklat ang notebook at binasa ang nilalaman no'n. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mangielam ng nga gamit na hindi ko naman pag-aari. Malakas lang ang pakiramdam ko na parang may kailangan akong malaman.
PERSONAL PROPERTY OF
B̶O̶N̶N̶I̶E̶ ANDREA
Kumunot ang noo ko. Bakit binura ni Bonnie ang pangalan niya at pinalitan ng Andrea?
Nilipat ko sa susunod na pahina ang notebook.
Dear Diary.
Masaya ako kasi nakapasa ako sa exam namin ngayon. Dahil mataas ang scores ko, lumabas kami nila Mama at Papa para sa hapunan. Next time, mas gagalingan ko pa para ipasyal nila ako sa Amusement Park. 'Yun ang pangako ni Papa sa'kin.
Bonnie.
Ilang beses akong nagpalipat-lipat ng pahina. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Ang alam ko lang, Diary ito ni Bonnie.
Ilalapag ko na ulit sana sa study table ang hawak kong notebook, nang may mapansin akong kakaiba sa sumunod na pahina.
May maliliit na pulang bilog rito na parang likidong natuyo na. Parang... dugo?
Bonnie's former Diary.
Tinago ko na ang diary na ito kay Bonnie, tutal wala rin namang kwenta ang mga sinusulat niya rito. From now on, this diary belongs to me. Gagamitin ko 'to para balikan ang mga masasayang araw sa buhay ko. Hmm... simulan ko kaya bukas ang pagiging masaya?
Andrea.
Muling kumunot ang noo ko kaya ilang beses kong nilipat at binasa ang bawat pahina. At sa bawat pahina na mababasa ko, mas lalong umiigting ang panga ko. Mas lalong humihigpit ang hawak ko sa notebook. Hanggang sa marating ko ang huling sulat na nilalaman ng notebook.
Bonnie's former Diary.
Lately, sobra na akong nagiging masaya. Napapasaya ko kasi si Sitri, kaya masaya na rin ako. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na madali lang palang pasayahin si Sitri.
No'ng una, kinidnap ko lang si Dorrine at dinala sa kaniya. Pagkatapos, si Dalton... hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang pagmamakaawa ni Dalton sa akin. Pero dahil mabait ako, hindi ko na siya tinorture. Binitay ko nalang siya sa rooftop ng school namin. Ang tatanga lang dahil wala man lang nakakapansin sa akin habang ginagawa ko 'yon.
Gusto ko rin sanang ialay kay Sitri si Louise, kaso itong epal na Gemma na ito, kasama ni Bonnie buong araw kaya hindi ko nagawang kidnapin si Louise. Ang sabi naman ni Sitri, siya na raw ang bahala. Iniisip ko tuloy ngayon kung buhay pa ba siya, o gaya ni Dorrine ay patay na rin? Haha.
Nga pala, sabi sa akin ni Sitri, patay na si Reydel. Pinatay daw ito ni Eulla. Nakakatawa. Kumitil ng buhay si Eulla para hindi kuhain sa kaniya ang buhay niya.
Sino kayang sunod kong iaalay kay Sitri?
Andrea.
Halos malukot ko na ang notebook dahil sa halong galit at matinding lungkot na nararamdaman.
Sino... sino si Andrea!?
"I-iho, a-anong ginagawa mo rito?"
Agad akong napatingin sa gawi ng pintuan. Nakita kong nakatayo ro'n ang mama ni Bonnie. Tinitigan niya akong mabuti hanggang sa makita niya ang notebook na hawak ko.
"A-ang diary ng mga anak ko..." saad niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
"M-mga anak?" tanong ko. "Hindi po ba't nag-iisang anak ninyo si Bonnie?"
Tumango siya pero umiling din kalaunan kaya hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Si Bonnie at Andrea ay mga anak ko," ani niya. "At sila ay naninirahan sa katawan ng iisang tao."
--
An : Sorry for the late updates. What do you think will happen next? Haha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro