BONNIE [1]
An : I've been writing this for a while, kaya wala akong update kahapon. Hindi ko kayo na-inform na may narration din ako in between the Chats. This is for important events. Gusto ko mang gawing pure epistolary ang buong story, hindi p'wede. May mga bagay kasi na mas magandang i-deliver through narration. Sana maintindihan niyo. Magkakaro'n din ng narration/POVs ang iba.
Enjoy! Vote and comment hehe.
P.s. I'm not satisfied with this part, so if you find it lame, I'm sorry. I'll edit this part soon :))
---
BONNIE'S POINT OF VIEW.
It's 3 AM, and I don't know how to sleep.
Nakakaranas ng black out ang buong subdivision namin ngayon. Kaya pawis na pawis ako habang nakahiga, nakaharap sa cellphone, at hindi alam kung paano mababawasan ang bigat at kabang nararamdaman.
I used to laugh at Sitri. Para sa akin, prank lang ang lahat ng tungkol sa kaniya. 'Yun naman talaga ang unang papasok sa isip ng mga tao lalo na kapag imposibleng bagay ang pinag-uusapan. It's a prank. It's a joke. It's just something to ignore.
Not until I accidentally ordered something. Someone.
No'ng una hindi ako naniniwala na si Earl, 'yung kinain ko. It really taste like a normal food, but what makes it unique, is its juice.
I don't know how to describe it, pero hindi ko inakalang gano'n ang lasa ng karne ng tao.
Whatever its taste is, I really vommit.
Hindi ko mabilang kung ilang suka ang nagawa ko no'ng gabing malaman ko, na si Earl, at 'yung pagkain ay iisa. Si Earl 'yung ilang beses kong nginuya. Si Earl na crush na crush ko na artista, ay kinain ko. I almost praise the food, and honestly, I wanted more that time.
Hindi ko alam kung anong punyetang recipe ang nilagay ni Sitri sa pagkain na 'yon, at kung bakit sarap na sarap ako do'n that time.
Kaya hindi ako naniniwala no'ng una na si Earl 'yon. Because for fuck's sake, mukha at lasang pagkain 'yon.
Pero si Eros at ang iba na mismo ang nagsabi.
Sitri isn't good. Sitri isn't normal.
In the first place, I knew something isn't normal about Sitri. Pero ayokong i-entertain 'yon. Kaya mas pinili kong tumaliwas sa sinasabi ng mga kaibigan ko. Ayokong isipin na masama si Sitri, dahil in-add siya ni Gemma sa gc.
Not until Gemma became weird.
Usually, kami ni Gemma ang magkasama sa school. Para kaming magkapatid dahil sobrang close talaga kami. But lately, palagi na siyang lumalayo sa akin, sa amin. Ayaw na niyang sumama sa kahit sino sa aming magbabarkada.
She's back to being a loner again.
Tingin ko, si Sitri ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Si Sitri rin ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang lahat ngayon.
Dorrine went missing. Hanggang ngayon hindi namin alam kung nasaan siya. Kung ayos ba siya o talaga bang nawawala siya. Wala namang nakakapagbigay ng lead sa amin kung saan namin siya p'wedeng matagpuan.
Sa ngayon, ang lahat ay sinisisi si Sitri.
Tama naman kasi sila.
Nagsimula ang lahat nang dumating si Sitri sa gc namin.
Kinailangan kong magpanggap na hindi ako natatakot sa kaniya. Nagpanggap ako na hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan ni Sitri. Dahil hindi naman talaga kapani-paniwala.
Pero habang tumatanggal, mas natatakot na ako sa kaniya. Sa mga bagay na kaya pa niyang gawin. Sa mga bagay na p'wede niya pang magawa kung tatagal pa siya sa gc namin.
A stranger is watching.
Hindi ko alam kung ano na namang pakulo ni Sitri ngayong gabi. Pero sobrang kinikilabutan talaga ako.
Pinatay ko ang cellphone ko, at marahan kong ipinikit ang mga mata ko.
Pero hindi ako makatulog.
Kahit anong p'westong gawin ko, parang hindi ako kumportable. It's almost 4 AM, pero hindi pa rin ako makaramdam ng antok. Ito ang unang beses na hindi agad ako makatulog. Usually, if I wanted to sleep, it will took only a couple of minutes. Pero ngayon, halos kalahating oras na akong nagpupumilit na matulog.
Biglang pumasok sa isipan ko ang mga nababasa ko sa social media. Na kapag hindi ka raw makatulog sa gabi, it's because someone's watching you.
Someone you can't see, but watches you.
Napa-upo tuloy ako dahil nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. I roam around my room.
It feels so cold. Hindi ko alam kung dahil ba madaling araw ngayon o dahil sa aircon. O baka dahil natatakot ako at kinakabahan.
Totoo kayang may nakatingin sa akin ngayon?
I froze when a silhouette of a girl passes through the door. Hindi ko kasi naisarado ang pintuan ng k'warto ko, dahil dumiretso na ako sa paghiga kanina. Nagsisisi tuloy ako na hindi ko sinarado 'yon.
"Ma?" I whispered, kahit alam kong hindi si mama 'yung babaeng dumaan sa harap ng pintuan.
Tulog na sila mama at papa sa mga oras na 'to. Oo nga't maaga nagigising ang mga magulang ko, pero sobrang aga pa. Tsaka ang k'warto ko ay nasa dulo ng second floor. Ang k'warto nila mama ay nasa bukana, sa may bandang hagdan. Kaya kung bababa ang isa sa kanila, hindi ko makikita.
Then who the fuck is that girl?
Out of curiosity, dahan-dahan kong tinanggal ang kumot na nakapulupot sa buong katawan ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa may pintuan.
Sa bawat hakbang, mas nadadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Parang aatakihin ako sa puso sa bilis ng pagtibok nito.
Nang makarating ako sa pintuan ng k'warto ko, agad kong nilingon kung saan nanggaling 'yung babaeng dumaan dito.
Bintana.
Nakabukas 'yung bintana sa may dulong pader. Pumapasok tuloy ang malamig na hangin dito. Dahil do'n, mas nadagdagan ang kaba ko.
Someone entered our house.
Could it be a thief?
Pumunta ako sa may hagdan para sundan 'yung babae. Do'n ko siya nakitang papunta. Madilim sa parteng ito dahil palagi naming pinapatay ang ilaw sa gabi.
Sa bawat hakbang ko pababa, mas lalong dumadami ang pawis ko sa batok, noo at leeg.
Agad akong napahinto nang may marinig akong mahinang paghikbi.
Sa pinaka-ibabang hagdan ito nanggagaling.
Mahina lang ito no'ng una, hanggang sa unti-unti na itong lumakas, at maging pag-iyak.
Lumapit ako sa kung saan ko ito naririnig.
Sa mga oras na ito, literal na naririnig ko na ang pagtibok ng puso ko.
'Yung babaeng dumaan sa harap ng pintuan ng k'warto ko, na galing sa bintana sa second floor, ay naka-upo ngayon sa hagdan. Umiiyak ito, at nakatalikod sa akin.
Hindi ko alam kung anong salitang dapat kong sabihin. O kung may dapat bang lumabas na salita sa bibig ko.
I know her.
Nakatalikod man siya, kilala ko kung sino ang babaeng 'to.
"Do-Dorrine..." I finally whispered. "Sa-saan ka nang---"
Hindi ko natapos ang mga salitang dapat kong ibibigkas, dahil marahas akong napatakbo pabalik sa k'warto ko nang humarap siya sa akin.
'Yung mukha niya.
Malayong-malayo sa magandang mukha ni Dorrine.
Agad akong nagtalukbong ng kumot.
Sobrang diin nang pagkakapikit ko ng mga mata ko.
And because of that, mas lalo ko lang naalala ang mukha ng babaeng nakita ko sa hagdan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro