Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V

Value your existence.

 

"Where are we going?"

"Wherever you want to go. San mo ba gusto?"

"I don't know.." Nung kami pa ni ex, laging sya ang pumipili ng lugar na pupuntahan namin. Dakilang tagasunod lang ako. Kaya ngayon.. hindi ako makapag-decide for myself...

He sighed. "What do you want to do?"

"I don't know." As I've said.. tagasunod lang ako sa gusto ni ex. Tsk.. antanga ko pala...

"Wala talaga at the moment?"

"Bungee jumping?" I blurted out.

Napatawa sya. "What?"

I pressed my lips together. "Sa yun ang naisip ko eh. Okay lang naman kung hindi natin gawin."

He stood up. Nakaupo kase kami nun sa sala ko. As usual, feeling at home sya.

"Let's go?" He offered me his hand. Aba talagang gagawin namin?

--

We were at this bridge kasama yung isang grupo ng mga jumpers. Fully-equipped sila. They were about to finish preparing me for my jump when I chanced to take a glimpse on the river below. Sobrang taas ng posisyon namin..

Natakot ako.

"Mira okay ka lang?" worried na tanong ni Kent.

Umiling ako at hinawakan ko yung braso nya.

"Kung tatalon ako, tatalon ka rin." Sabi ko sa kanya. He didn't complain. Nagpalagay na lang sya nung mga safety things na nilagay nila sa 'kin kanina.

Tapos yumakap sya sa 'kin. Yumakap din ako sa kanya.

We were pushed sideways and then...

We were falling.

 

--

I'm screaming all the way down.

"STOP SCREAMING!" He yelled.

I screamed some more.

Kaya ang ginawa nya.. hinalikan nya 'ko.

And then I felt the rush of the water in my head. Napatubog na pala yung mga ulo namin sa ilog. Tapos naramdaman kong ni-release nila yung tali. Dali-dali kong hinablot si Kent kase hindi ako marunong lumangoy.

He found me and tried to keep my head above the water.

Nakangiti sya.

"Ano'ng feeling?" He asked.

"Masaya." For the first time since ex... feeling ko talaga masaya ako. Maybe it was the thrill. Maybe it was the water. Maybe it was the jump... or maybe it was him.

I don't know.. but for some reason.. I AM HAPPY.

--

"Mira? Are you okay?"

"Bakit mo kami tinawagan?"

Both Ree and Denise have frowning faces when they saw me waiting in a restaurant. Hindi kase nangyayare ito eh. Na ako ang tumatawag. Palaging sila. Sila yung nag-eeffort to get in touch with me. Palagi.

I hugged them both.

"I missed you guys!"

"Mira are you okay?" Pag-uulit na tanong ni Ree.

I released them both and smiled. "I'm okay."

"Ano'ng meron?"

"Wala lang." Pinaupo ko sila at umorder na kami ng pagkain. "Iiwan ko lang yung last will and testament ko." I teased.

They both glared at me.

"Joke lang!"

"You're not funny."

I sighed. "I just wanna... thank YOU guys for sticking with me through all the bad times in my life. And sorry for taking you for granted. Lalo na nung kami pa ni Brent. Kahit nakakalimutan ko na kayo, you didn't treat me like a stranger. I'm really lucky I have you both.."

They both went "Awwwww..."

"So.. I just want you to know that I appreciate you very much."

They both get up and gave me a hug. Tapos nagkaiyakan pa kami bago dumating yung order namin. Syempre libre ko. Haha.. first time ko ata silang ilibre..

Pero nakahinga na 'ko ng maluwag. Kase nasabi ko na yun sa kanila. Ayoko kaseng mawala na yung chance eh.

And I'm truly grateful for them.. kung wala sila baka... ewan. Hindi ko alam kung saan ako mapupunta kung wala silang dalawa..

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro