Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Step One Backwards

5 minutes before my meeting with ex.. tinawagan ko si Kent. I don't know... kahit hindi naman kami.. I still feel guilty about the whole thing. Feeling ko pinapaasa ko sya. At the same time, hindi ko alam kung bakit nagalit sya sa 'kin.

Makikipag-usap lang naman ako kay ex eh...

Pero naka-off ang phone ni Kent. Tumawag din ako sa landline nya pero sabi nung maid hindi pa daw sya umuuwi..

Haaay...

--

Sa Starbucks, nakita kong naglalaptop si ex. Naka-reading glasses sya at mukhang tutok na tutok sa netbook nya.

Huminga muna ako ng malalim then I debated with myself if this is the right thing to do.

My stupid self insisted that this would make me happy. I guess there's no sense of right and wrong left in me anymore...

Basta masaya ako. Okay na yun sa 'kin..

Nilapitan ko sya.

"Brent?"

He looked up... and smiled. Namiss ko 'yang ngiti mo, gusto ko sanang sabihin kaso pinigilan ko ang sarili ko. Tiniklop nya yung laptop nya saka sya tumayo.

Medyo nagulat ako ng hinawakan nya yung tigkabila kong balikat tapos hinila nya 'ko palapit at hinalikan yung pisngi ko.

"Akala ko hindi ka darating eh." Ipinaghila nya 'ko ng upuan saka ako pinaupo.

"Ano'ng pag-uusapan natin?"

Hinawakan nya yung kamay ko.

"Mira pwede bang tayo ulet?"

"H-Ha?" Hanep.. direct to the point? Di man lang nya pinaligoy-ligoy..

Eto na yung matagal ko ng inaantay.. Finally! You're being stupid again, his voice seemed to echo in my mind. Am I being stupid again?

Pero eto naman yung gusto kong mangyare di ba?

"Mahal mo pa naman ako di ba?"

Oo naman. Di ba? Kaya nga mas pinili kong pumunta dito at kausapin sya eh. Mas pinili ko sya kesa kay Kent kase mahal ko pa rin sya hanggang ngayon... hindi pa rin talaga ako nakakamove-on...

I nodded.

He smiled and kissed my hand.

--

Kent calling...

 

I blinked.

Brent caling..

 

Namali lang pala ako ng basa. Naalimpungatan kase ako at may tumatawag. Nakapikit ako when I picked up my phone from under my pillow. Akala ko naman si Kent na ang tumatawag... Isang buwan na rin pala mula nung huli kaming magkita.

Haay..

I sort of miss him.

"Hello?"

"Hey.. nagising ba kita? Sorry..."

 

"No.. gising pa 'ko." Pagsisinungaling ko.

"Ah.. tamang-tama. Papunta 'ko dyan ah..."

 

"Ha? Bakit?" I glanced at the clock. 12:45 a.m.

"Nagugutom kase ako weh. I brought some food... nood tayong movie?"

 

"Okay."

"Okay. I'll see you later. Bye. Love you."

 

"Bye.." I hung up, saka sumubsob ulet sa unan ko. Hmmm... I'm still very very sleepy... Dati kase sapilitan akong pinapatulog ng maaga ni Kent eh. Hindi daw kase maganda sa kalusugan ko yung masyadong nagpupuyat. Tama rin naman sya eh. Low blood kase ako.

Haaay... pero kelangan ng bumangon. -_-

--

Burger. Burger ang dala ni ex—este.. bf.

"Walang Chinese?" Tanong ko.

He looked at me, amused and surprised.

"Chinese? Kelan ka pa nahilig sa Chinese?" Natatawa nyang tanong.

Oo nga pala... burger usually ang kinakain namin tuwing gabi. Minsan pizza, misan naman junk food lang. Eh kelan ba kase ako nahilig sa Chinese takeouts?

"Ah.. nevermind. Tara nuod na tayo?"

--

Pero hindi rin kami nakanuod. Bakit? Remember.. itinapon ni Kent lahat ng bagay na kay Brent? Eh lahat ng movies na yun kay Brent eh. Pili nya at bili na. Nagtataka nga si Brent kung bakit wala na yung mga gamit nya dun eh.

So we ended up eating na lang tapos konting kulitan bago ako tuluyang nakatulog sa lap nya. Hindi ko kase kaya ang antok eh.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro