Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

52

K A I

Para akong nakagawa ng malaking kasalanan at hindi marunong magtago kaya nanginginig sa kaba kapag tinanong. Baka nga'y mukha na rin akong maputla. 


Ngayon gaganapin ang pinakahihintay na Agape. Sa totoo lang, tatlong taon na ako sa UST pero hindi ko pa rin alam anong meaning ng Agape. Basta may pailaw at fireworks ang alam ko. Ang ganda rin ng view na gano'n. Perfect for confessing. 


Ilang araw ko na rin 'tong inisip. Tama ba 'to? Sigurado na ba akong aamin ako? Iyan ang ilan sa mga tanong bumubulabog sa isip ko no'ng mga nakaraang araw. Kung tatanungin ako uli, hindi ko pa rin alam kung tama bang aamin na ako. Ngunit alam kong hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko para kay Evie. Mag-iisang dekada ko nang tinatago 'to kung hindi pa ako aamin. 


God, I love her for 9 years already. From the time we got close, I knew I would never love another girl the same way I love her. Heck, hindi ko nga kayang magmahal ng iba pa. 


Si Evie lang ang tinatangi ko. 


I didn't mind it when she said that she love someone else. Hindi ko naman hinahangad na mahalin niya rin ako pabalik. Okay, maybe that's a lie. Deep inside, I wanted that guy to be me. But who am I to wish for something like that? Masyado naman akong selfish kung gano'n. 


"Pre, kumalma ka nga. Mahuhulog na 'yong kwek kwek sa higpit ng hawak mo sa baso oh," saad ni Zach na nasa tabi ko. "Pag 'yan nahulog. Gusto mong maging sisiw uli 'yan?"


Getting his pun, I answered back, "Ano 'to, balut?" 


Hapon pa lang kaya wala pa masyadong nangyayari sa school. Nagmiryenda muna kami saglit ni Zach sa tabi habang hinihintay sina Nami at Evie matapos mag-ayos. Si Beau naman ay nauna na at naghihintay rin sa may Plaza. May kikitain din yata siyang iba bukod sa 'min. Sana babae.


Nang maubos namin ni Zach ang binili naming kwek kwek, narinig kong tumunog ang aking phone. Kinuha ko ito sa 'king bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. It was Evie's caller ID. Dali-dali ko itong sinagot.


"Tapos na ba kayo?" una kong tanong. Nakita ko ring lumingon sa 'kin si Zach, tila parang nakikinig sa usapan naming dalawa.


"Oo, tapos na. Saan kayo? Papunta na kami ni Nami," sagot niya. Rinig ko ang mga ingay sa paligid niya kaya'y tamang papunta na sila. Ang 'on the way' ni Evie ay madalas kasing papasok palang ng banyo para maligo. 


"Nasa may labas lang ng school. Kakakain lang namin ng kwek kwek." Kinalabit ako ni Zach at bumulong na kailangan na naming pumasok sa loob dahil hinahanap na kami ni Beau. "Joke lang pala. Deretso na kayo sa loob ng school, Evie. Sa may Plaza na lang namin kayo hintayin."


"Okay okay. Bibili pala kami ng milktea. Gusto mo?"


"Ayos ah, nanlilibre ka na ngayon. Yes please, hehe," pa-cute ko. 


"Anong libre, utang 'to no."


I clicked my tongue. "Geh, 'wag na pala. Hmp."


Nang ibaba na niya ang tawag ay nagsimula na kaming maglakad ni Zach. Napansin ko ring nagdadagsaan ang mga tao sa labas ng UST. Paano pa kaya sa loob mamaya.

Ngayon lang ako uli nakakita ng ganito karaming tao rito gawa nga ng pandemic. Ang hirap din makalabas no'ng panahong 'yon. Buti ngayo'y medyo gumaan na ang sitwasyon at bumalik na rin ang Paskuhan dito sa campus matapos magdaan ang dalawang taon. Hindi ko alam sa iba pero para sa 'kin isa sa highlight ng December ko ang Paskuhan. 


"Where's Nami and Evie?" tanong ni Beau nang makita na namin siya. 


"Papunta na. Bumili lang ng milktea," sagot ko habang ginagawa namin ang aming handshake. Childish, I know, but it's part of our friendship. 


"Dito na lang ba natin sila hihintayin? Gusto niyo bang sa may Grandstand na lang muna tayo para makaupo?" tanong uli ni Beau. Nagdalawang-isip akong um-oo kay Beau dahil alam kong pag sinabihan namin si Evie na nag-iba ang meeting place nami'y maiinis 'yon.


"Sige. Do'n na lang muna tayo." What can I say? Annoyed Evie is the best Evie.  


Ngunit bago pa kami makapunta sa Grandstand ay narinig na namin ang boses nina Evie at Nami. Napalingon ako. Sa dinami-dami ng tao ngayon sa campus, siya lang ang tinitingnan ko. Para bang lahat ng tao sa paligid ko ay malabo at siya lang ang nag-iisang malinaw pa paningin ko.


Grabe ang epekto mo sa 'kin, Evie.


Nang mamataan na nila kami ay bigla nilang binilisan ang kanilang paglalakad patungo sa 'min. "Hello guys!" Evie greeted us, flashing us with her lovely smile I couldn't help but fall for every time. She could light up a room with just that smile alone.


Nalimutan naming may misa pa pala. Hindi muna kami umalis sa Plaza Mayor dahil doon iyon ginanap. Doon ko rin nakita ang iba kong mga kaklase: sina Darius, Inigo at Friaiah. Nang makita nilang magkatabi kami ni Evie ay agad nila kaming binigyan ng ngisi. Alam na alam ko kung ano'ng iniisip nila.


From four in the afternoon until five in the evening, we listened to the mass. After that, we went to get our food first before going to the field. Along the way, we chatted about literally almost everything. From academics, life in general, and love life I deliberately tried to avoid giving my two cents. It reminded me of the time Evie and I went baking.


Luckily, we didn't meet Axel on our way there. I wanted this day to be perfect. 'Yong walang halong parasitong naninira nito. Pagmumukha pa lamang niya'y sirang sira na araw ko. If only Evie knew the deeper reason why I didn't like Axel from the start. 


As time passed by, I also noticed Axel laying low. Parang wala na siyang paramdam sa 'min sa tuwing pinaglalandakan naming kami ni Evie sa social media. I didn't know if it was a good thing or not. Good kasi wala nang pinoproblema si Evie kung gano'n. Bad naman dahil wala ng saysay ang pagpanggap namin.


"Nakita mo ba si Axel ngayon?" hindi ko mapigilang pagtanong kay Evie. Nakapila kami ngayon para kunin ang pagkain namin. Katabi ko si Evie; si Zach nama'y katabi si Nami at si Beau ang nasa harap ko.


"Bro, what a plot twist. Ikaw yata ang may gusto kay Axel, eh!" sabad ni Zach sa likod ko, na siyang nakatanggap ng tapak sa paa mula sa 'kin. Tangina nito. Nagtatanong lang 'yong tao, eh. 


Napatawa si Evie sa sabi ni Zach. "Kayo pala ang endgame, eh," pag-asar niya. "But to answer that, sadly, yes. Nakasalubong namin ni Nami no'ng papasok kami," sagot niya habang umiirap.

"Like girl, he's so nakakainis! Papansin ang deputa," singit ni Nami. Kaming apat ay napalingon sa kanya sa gulat. Nami doesn't usually curse, but when she does, you'll know it's the real thing.


"What? It's true kaya! He was even grabbing Evie by the wrist, telling her to come with him--mmph!" Hindi na natuloy ni Nami ang kanyang sinasabi dahil tinakpan ni Evie ang kanyang bibig, ngunit narinig ko lahat iyon. That fucking asshole. 


"He grabbed you? Masakit ba? Sa'n ka pa niya hinawakan?" sunod-sunod kong tanong no'ng lumingon na kami sa aming harap. 


Hindi nakatingin si Evie sa 'kin nang sumagot siya. "I'm fine, Kai. Hindi naman masakit kasi sinampal siya agad ni Nami nang hawakan niya ako."


That's my best friend right there.


I bit back a smile but ultimately failed. Deserve niya rin naman. 


Pagkakuha namin ang aming pagkain ay dumiretso na agad kami sa Grandstand para kumain. Nang makarating kami ay naghanap na kami ng pwestong mauupuan. 


"Doon, oh. Maluwag pa." Beau pointed to an empty space.


We settled down and ate peacefully. Medyo palubog na rin ang araw. Sa tingin ko'y magsisimula na mamaya ang event. Balak kong humiwalay na kami ni Evie sa tatlo pagdating ng gabi. I hope everything will go well later.


I roamed my eyes around the place. People were seated with their own circle of friends. Some we're alone and on video call. It was nice to see students gathered here, with smiles plastered on their face.


My eyes dropped down to Evie and saw her enjoying her food like a little kid. Cute wasn't enough to describe it. Every time she took a bite, she does her little dance with her imaginary music. I've noticed girls do this more often. Bakit kaya?


"Gutom pa ako," sambit niyang nakanguso sa 'kin. Isang tawa ang lumabas sa bibig ko nang sabihin niya sa 'kin 'yon.


Inalok ko sa kanya ang pagkain ko. Nasa kalahati na ito ngunit palagay kong mabubusog na siya nito.


Tumingala siya't tumingin sa 'kin. "Sure ka?" Tumango lang ako at sinimulang subuan siya. She gladly took it, and as she did, her body swayed in motion.


Tangina, ang cute talaga.


Then came the night. I leaned forward to Evie's ear. "Let's go? Date na tayo," I whispered and gave her a soft look.


For a split second, she stared at me. Then, she reached for my nose and pinched it. "Masyado kang atat. Tara na nga," she uttered, keeping her voice low that only the two of us hear it.


Nagpaalam na kami sa tatlo at umalis sa pwesto namin. Ang sabi nila'y sa Plaza rin ito gaganapin. Palagay kong mananatili 'yong tatlo roon. Pinili na lamang namin na sa Plaza manood para mahiwalay sa kanila.


Ginugol namin ang natitirang oras sa paglalakad patungo roon. Dahil sa dilim ay mahirapan kaming makita ang aming dinadaanan. Dagdag pa ang mga taong pumupunta na rin doon.


Tumingin ako sa 'king tabi kung narito pa si Evie. Napabuntong hininga ako nang makita kong naglalakad pa siya kasama ko. Delikado na kung mawalay kami at baka hindi ko siya mahanap sa gantong sitwasyon.


"Stay close to me, babe." I slid my hands onto hers, intertwining our fingers. I couldn't see it clearly, but I felt her flinch a little, surprised by my sudden gesture.


"So clingy," I heard her mumble. Her voice was fighting back a chuckle; I found it flattering.


"Only for you, my Evie."


Nakapunta na rin kami sa Plaza. Marami na ring mga tao rito. Hindi na namin nadatnan ang ibang kaganapan dahil pagdating namin doon ay may mga banda nang tumutugtog.


Tila ibon kung lumipad


Sumabay sa hangin, ako'y napatingin


I glanced at Evie and saw her head bumping up and down. She was singing along with the music, along with the people around us. She turned her body around to face me, grabbing both of my hands as she invite me to sing with her.


Sa dalagang nababalot ng hiwaga


Nang kantahin namin ang linyang iyon ay isa lang ang pumasok sa 'king isip.


Tunay kang mahiwaga Evie. Sa lahat ng paraang 'di ko mabatid, nabihag mo ako.


I stopped singing along and just enjoyed watching her feel the music. God, it was such a wonderful sight to see, so wonderful I'd do anything to engrave it in my memories and relive it over and over again.


Natapos na ang banda at nagpatugtog na sila ng instrumental music. Sa tingin ko'y magsisimula na ang pailaw. Parang may suspense ang nangyari dahil may katagalan ang pagtugtog no'ng musikang iyon. Hindi na lang namin namalayan na luwinag na ang campus.


Narinig namin ang mga hiyawan ng mga tao sa Plaza. The lights were amazing. Everyone pulled out their phones to capture the moment. Isa na roon si Evie. Although, I'd rather enjoy the moment than be focused on getting a better shot.


Then, a blast of fireworks came that illuminated the whole grounds of UST. It was funny how instead of watching the fireworks just like everyone else, my eyes were fixated on my one and only. I saw her mouth the words, "Ang ganda." She got her phone and took a video of the ongoing fireworks show.


I got my phone and decided to take pictures as well. After capturing a few shots, I hovered it over her. The camera on my phone didn't do justice to the beauty Evie had. Just as the lights and the fireworks were mesmerizing, she was too.


As she turned her back to face me, I stopped taking pictures. She went near me and started to speak. "Kumuha ka ba ng pictures nung fireworks? Video lang nakuha ko." She pouted. "Patingin nga ako ng iyo!"


Smiling, I handed my phone over to her. My smile grew wider as she realized that my recent captures were full of her as she watched the fireworks. "Thank you sa pang IG ko, pero you should've taken more pictures of the view, no!" she commented. How oblivious.


I leaned forward and whispered in her ear.


"You are the view, Evie."


Staring at me in disbelief, she scoffed. "Ang bolero mo kahit kailan."


"I'm telling the truth, babe. No lies here."


Agape went by in a flash and we didn't realize it was long over when people started to leave the Plaza. Hindi muna kami umuwi dahil hindi pa malalim ang gabi. We decided to walk around the campus, not knowing we would end up walking in Lover's lane.


Wait. Isn't this the perfect place to confess?


With our hands still intertwined, I broke the silence enveloping us.


"Hey...Do you remember the girl I told you about?" Okay. You can do this, Kai. Don't chicken out now.


"Who wouldn't?" She chuckled. "Mukhang in love na in love ka no'ng kinuwento mo sa 'kin, eh."


"Well, yeah. That's because I am."


I stopped my tracks which made Evie halt her steps. She turned around as she realized I wasn't walking with her.


Here goes nothing.


"The girl I'm talking about that day. It's you, Evie."


My heart felt like it would pop out of my chest at any moment. But I knew I needed to say these words out loud. These had been unsaid for the longest time and that changes now.


"What?" she faintly asked. Mukhang hindi yata makapaniwala. Para siyang nakakita ng multo sa gulat.


I knew she heard what I said, but I would say it to her repeatedly until my feelings reach her.


"I love you, Evie. For 9 years, ikaw lang."

--------

A/N:

I'm sorry if the sequence of events may not be accurate. For those who experienced Agape, don't hesitate to correct me if there are wrong details in this chapter. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro