25
E V I E
I could never get used to this.
Inimbita ni Mama si Kai na rito na lang maghapunan sa amin. Ganito lagi ang set-up dito sa tuwing wala ang mga magulang niya. Simula no'ng nalaman ni Tita na hindi pala kumakain si Kai sa mga araw na wala sila sa bahay ay binilinan niya si Mama.
Hindi ako nagrereklamo na sa bahay namin si Kai naghahapunan ngunit hindi mawala sa isip ko na parang tinuturing na namin siyang pamilya rito. Hindi pamilya na parang kapatid ko, kundi parang nobyo ko. E, pa'no ba naman, papasok palang ng bahay si Kai, ang salubong sa 'kin ni Mama ay "Nak, andito na uli boyfriend mo."
How I wish, Mama.
Hindi rin bago na iyon ang sabihin niya ngayong hapunan. Hindi rin bago na tanggihin ni Kai ito.
"Evie! Halina dito at kakain na!" rinig ko ang tawag ni Mama mula sa baba.
Nagsimula na akong bumaba ng hagdan at una kong nakita ang kumikinang na ngisi ni Kai. I never really admitted it before but he really has a nice smile. The kind of smile that would make you go weak on your knees.
Sa tagal ng aming tinginan ay hindi ko na namalayang nasa huling habang na ako ng hagdan. Napasigaw ako nang dumeretso ako pababa.
"Lalampa na naman siya. Nakita lang bebe niya e. Nako," asar ni Mama na tinawanan lang nina Kai at Papa.
"Ewan ko po sayo, Ma."
The dinner was filled with chatter and laughter. It was nothing new when we had dinner together. Jokes were thrown here and there that made it lively. Mama asked Kai how school had been and how his parents are. Parang hindi naman nagkita no'ng isang araw.
Matapos ang hapunan ay pinaiwan ko kay Mama ang mga hugasin. Balak niya kasing siya pa ang maghuhugas ngunit alam ko namang pagod siya galing trabaho.
"Tulungan na kita diyan," bulong ni Kai sa 'king likod nang tumaas na sina Mama sa kanilang kwarto para magpahinga.
"Kaya ko na 'to. Just stay sa kwarto. Alam ko namang ata ka na maglaro ng PS4," I dismissed. Although he wouldn't budge as I still felt his body slightly pressed against my back, reaching for the plates beside me. His breath was chilling, making me invisibly hitch a breath.
"Ang boring kung wala ka. Tulungan na kita rito." It seemed like he wouldn't take no for an answer so I let him be. Sa huli, siya ang tagapunas ng mga pinggang nahugasan ko na.
Malapit na kaming matapos sa among ginagawa nang marinig namin na may pababa sa hagdan.
"Evie, nak, punta lang muna kami mag-grocery ha. Nakalimutan namin kanina," paalam ni Mama.
Nagpunas ako ng aking mga kamay at naglakad palapit sa kanila. "Kai, dito ka muna. Bantayan mo tong si Evie," dagdag niya.
Here she goes again, treating me like a child. Well, siguro nakatulong din 'yong pagiging only child ko.
Jokingly, Kai saluted. "Ma'am, yes ma'am!"
We watched them set off a little while later. As if on instinct, Kai and I looked at each other, no words uttered. Until he did.
"Date tayo?"
Kumunot ang noo sa kanyang sinabi. Date? Rito? Ng ganitong oras? "Ano namang gagawin natin dito sa bahay?" tanong ko.
He shrugged his shoulders. "Wala lang. Home date, gano'n." nilagay niya ang kanyang palad sa kanyang baba, tila parang nag-iisip. "Laro tayo PS4! Dali, kailangan pa kitang talunin sa Tekken," aya niya.
"So, game night?" pagklaro ko.
Tumango siya at binigyan ako ng malaking ngiti. "Yup! Game night!"
Umakyat na kami at tumungo sa aking kwarto. Dumeretso si Kai sa TV para buksan ito at i-set up ang PS4 para sa 'ming lalaruin mamaya habang ako nama'y kumuha ng damit. "Maliligo lang ako saglit," paalam ko.
Hindi na rin ako nagtagal sa loob dahil sa lamig ng tubig. Halos manginig na ako dahil sa ginaw kaya nama'y nagbihis na ako agad at lumabas na ng banyong tabi na aking kwarto. Nang paglabas ko'y nakita kong nauna ng maglaro si Kai. Tatalunin pala ha. E, nag-solo na sa paglalaro.
Narinig niya yata ang mga hakbang kong patungong kama dahil lumingon siya ng bahagya sa 'kin. "Oh? Tapos ka na?" aniya.
"Hindi. Babalik pa ako uli sa loob. Nakalimutan kong banlawan buhok ko. May shampoo pa, e," I answered, sarcastically. Napatigil siya sa paglalaro at tiningnan ako sa mata, sabay inirapan ako.
He paused the game, stood up, and went to me. Umakyat siya ng kama at umupo sa 'king likod. "Sa'n na blower mo? Tulungan na kitang patuyuin buhok mo," he requested, which took me by surprise. He had never done that before.
Not missing that chance, I told him to get the blower in the last drawer of my cabinet. We spent minutes drying and combing my hair while chatting about our day. Muntikan na akong makatulog dahil sa lambot ng pagsuklay niya sa 'kin. Nakakapanibago.
Really, I could never get used to this.
Ever since we were in high school, I already knew how affectionate he was toward his friends. Especially me. I never once liked it when people are clingy to me. Some would say that physical touch wasn't my love language. And I didn't think it would ever be.
But somehow, Kai is the only exception.
It was questionable how he wasn't treating me the same way he usually did to Nami, where in fact, both of them knew each other before Kai met me. I didn't like the feeling of assuming something that will never happen. Something like Kai liking me back.
Alam kong imposible kaya dinadaan ko na lang sa mga panlalandi kong joke lamang. Ngunit, 'di niya alam ay totoo talaga ang sinasabi ko.
"Akala ko ba maglalaro tayo?" tanong ko matapos niyang patuyuin ang aking buhok. Napansin kong mag-isa na siyang naglalaro at hindi na ako inaya. Kaasar lang.
"Wait, mag-rank up lang ako saglit." Ang sinabi niyang saglit ay nagtagal ng isang oras. Hindi ko na siya hinintay at nagbasa na lang ng libro. I knew he was too immersed with the game that he would forget the concept of time.
Maybe we were too alike in that aspect when I didn't notice Kai crawling on the bed, placing himself beside me. He rested his chin on my shoulder, attempting to read the book I was reading. Knowing how he hates reading, he wouldn't last a second.
"Inaantok na ako. Can I just sleep here?" aniya habang humihikab at unti-unting sumasara ang mga mata. Sasagot pa lamang ako ngunit nakita ko na ang kanyang mga mata'y nakasara na't nagbabalak na matulog.
"Mhm," I just hummed in response. I closed the book and set it aside once I heard his breaths become deeper. "Ang bilis mo talagang makatulog," bulong ko sa 'king sarili. I tried to lay him down, carefully so as I wouldn't wake him up. Ang dali nga niyang makatulog subalit madali ring magising.
Seeing a strand of his hair falling down in front of his eyes, I brushed it backward while sinking in the feeling of fondness I had for him. Alam kong bawal, pero hindi ko mapigilan. Alam kong dapat kaibigan ko lamang siya, pero minsa'y naghahangad ako ng higit pa roon. Kahit alam kong hinding-hindi niya ito maibibigay sa 'kin.
If I would rank the worst feelings ever, falling for your best friend would be one of the tops. And what's worse? Loving him.
I like to believe that this silly feeling that caused me a whirlpool of thoughts inside me would definitely go away. That it will pass.
I said the same thing 9 years ago.
And it did not pass.
Giving in to temptation, I plant a soft kiss on his forehead. So soft he wouldn't feel a thing.
"What will I do to you, Kai," I mumbled before I let myself drift to sleep beside him.
---------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro