Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Sa sandaling nagtama ang kanilang mga mata walang ibang narinig si Aurora kundi ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Para siyang naestatwa sa kinatatayuan at hindi makakilos ng tama. Nakatutok lang ang kanyang mga mata sa perpektong katawan ng binata.

Hindi niya maikakailang biniyayaan nga ito ng itsura at maging ang pangangatawan. Matangkad at sakto lang ang kulay ng balat nito.

Mga mapupulang labi na animo'y nang-aakit at ang kanyang matangos na ilong na nagmamayabang. Ang kaniyang mga mata na kulay abo at ang kilay nitong makapal na nagpadagdag pa ng karisma.

Para siyang napipi dahil sa presensya nito. Nahiya tuloy siya dahil nagmumukha siyang unggoy na naligaw lang sa mundo ng mga tao. Isa pang pinagtataka niya ay kung bakit may mga sugat ito sa braso at binti, hindi naman kalakihan ngunit masyadong marami. Wala ring nababanggit si Mrs. Olivia tungkol dito basta't ang alam niya lang ay may amnesia raw ito.

Biglang naputol ang hininga niya ng maglakad ang binata papunta sa kaniya at wala man lang prenong inilapit ang mukha sa kanya. Waring nakikipag titigan ang mga mata nito at siya nama'y iniwas lang ang tingin. Nahihiya tuloy siya.

Nanginig ang tuhod niya ng hawakan ni Knight ang kanyang baba at iniharap rito. Ngayon ay kitang-kita na niya ang atmospera ng lalaki. Masyadong malapit at nakakaduling na, konting galaw lang baka magkabalikan na sila.

Siya na ang pumutol sa ugnayan ng kanilang mga mata at umatras ng ilang hakbang. Narinig niya naman ang pag-ubo ng ginang at siyang nakaagaw ng atensyon.

"Knight, umupo ka nga tinatakot niyong dalawa si Laureen," pagbabanta ng ginang. Kanina si manang Elena ngayon naman si Knight. Hindi niya tuloy lubos na maisip na masyado siyang pangit at nalalayo sa kagandahan ng totoong girlfriend nito.

"Oh siya kayo na muna diyan, babalik lang ako sa kusina at magluluto na ng kakainin niyo," tumayo na si manang at nagtungo na sa kusina.

Tatayo na rin sana siya ng bigla siyang hawakan ng ginang at binigyan ng isang makabuluhang ngiti. Parang sinasabi nitong goodluck daw. Tumayo narin ito at naglakad papunta sa hagdan. Naiwan tuloy siya at si Knight.

Nang balingan niya ng tingin ang lalaki ay nakita nitong titig na titig ito sa kanya at hindi man lang kumukurap kahit isang segundo. Marahil ay tinatandaan niya ang bawat anggulo ng kanyang mukha.

Nag–iwas siya ng tingin at pinaglalaruan ang kanyang suot na tsinelas. Walang kumikibo sa kanila, medyo nangangalay narin siya dahil kanina pa ito nakayuko at pasimpleng pinaglalaro ang mga daliri sa paa.

"Laureen," awtomatik na lumandas ang kanyang tingin sa lalaki ng marinig nito ang kanyang pangalan este ang pangalang magiging sa kanya pansamantala.

"Look at me please" kabado siyang nakipagtitigan dito at naririnig ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Nagtitigan lang sila sa mga nagdaang oras, napakunot noo nalang siya dahil sa kanilang ginagawa.

Maliit lang talaga ang pasensya niya at kung makikipagtitigan lang siya baka abutin sila ng umaga. Walang kwenta itong ginagawa nila.

Dudukutin na sana niya ang cellphone sa bulsa ng makarinig ng magkakasunod na ungol. Diretsong lumandas ang kaniyang mga mata sa lalaking sapo-sapo na ang kaniyang ulo at parang nasasaktan.

Napasigaw nalang siya upang hingin ang tulong ng mga tao sa paligid at siya nama'y mabilis na tumakbo palapit sa binata.

"Knight, Knight tumingin ka sa' kin. Knight please dumilat ka." pagmamakaawa ni Aurora habang hawak-hawak ang katawan ni Knight. Napahiga na ito sa hapag habang siya naman ay pilit na inihiga ang ulo nito sa kanyang nanginginig na binti.

"Anong nangyari?!" lumapit ang ginang sa dalawa at nakita ang anak na hawak-hawak ang kanyang ulo. Mukhang sumasakit na naman ang ulo nito dahil pinipilit na naman niya ang sariling alalahanin ang lahat.

Dali-daling tumayo si Aurora at tumungo sa kusina. Hindi niya man masyadong kabisado ang bawat lugar sa mansyong ito ay alam niya namang dito nagtungo kanina si Manang Elena.

Mabilis ang kanyang pagtakbo at nakasalubong si manang na wala pang alam sa nangyayari. Hindi na niya ito pinansin at lumapit sa ref. Kumuha siya ng ice bag at maliliit na yelo. Mabilis ang kanyang pagkilos hanggang sa makalapit sa binatang sapo-sapo parin ang ulo.

Maingat niyang idinampi ang ice bag sa ulo nito habang pinapakiramdaman ang binata. Tumigil na ito sa pag-ungol ngunit nakahawak parin ang kamay nito sa kanyang ulo. Binigyan naman siya ng ngiti ni Mrs. Olivia bilang pasasalamat.

Natatandaan pa ni Aurora sa tuwing sumasakit ang ulo niya ay ganito rin ang ginagawa ng kanyang nanay at nakakatawa lang na ngayon ay siya naman ang gumagawa sa isang estrangherong lalaki. Biglang may tumusok sa puso niya ng maalala ang kalagayan ng nanay niya, kung pwede lang na akuin niya ang sakit na nararamdaman nito ay ginawa na niya sana.

Napakagat ng labi si Aurora ng maramdaman ang palad ni Knight na nakahawak na sa kaniyang kamay. Agad niyang binitawan ang ice bag at ipinaubaya na sa binata ang paghawak.

Trabaho lang Aurora, wala ng iba pa. Iyan ang paulit-ulit na pinapasok ni Aurora sa kaniyang utak habang nakahiga sa malambot na kama. Gabi na at katulad nga ng napag-usapan ay dito na siya pinatira. Ang mas ikinabahala pa niya ay magkatabi lamang ang kwarto niya at ang kwarto ng binata. Hindi siya sanay.

Kumuha siya ng isang papel at doon isinulat ang kanyang pangalan.

Aurora Hernandez, an aspiring flight attendant and will fly soon. See you on aboard!

Malawak ang ngiti ni Aurora pagkatapos mabasa ang kanyang nabuong salita. Malapit na, konting tiis lang. Sa ngayon kailangan na muna niyang tumigil sa pag-aaral at ituon ang sarili sa trabaho o mas tamang sabihin na sa lalaki. Kailangan niya ito dahil para rin naman sa kanyang ina ang ginagawa niya. Pansamantala lang naman tsaka darating rin ang araw na maaabot niya ang kalangitan.

Konting tiis lang

Itinago na ni Aurora ang maliit na papel at nagsimula ng mahiga. Kailangan niyang magising ng maaga bukas. Tutulong siya sa pagluluto dahil nakakahiya naman kung ang pagpapanggap lang ang gagawin niya hindi naman siguro siya pagbabawalan ni Mrs. Olivia basta't magpapaalam siya.

****

Nang marinig ang tunog ng alarm clock ay dali-daling bumangon si Aurora at tsaka nagtungo sa ibaba. Alas 4 palang at medyo madilim pa sa labas pero gising na siya. Naabutan niya sa kusina si manang Elena na nagkakape. Lumapit siya dito at tinanong kung nakapagluto na ba ito at ng sumagot ito ng hindi ay agad na lumawak ang kanyang ngiti sa labi. Sinabihan na niya itong magpahinga lang sa gilid at siya na muna sa kusina.

Mahilig si Aurora sa pagluluto lalo pa't dalawa lang sila ng nanay niya. Nasanay na siyang siya ang naghahain ng pagkain at pagsilibihan ang nanay pero sa ngayon ibang tao naman ang pagsisilbihan niya.

Inihanda na niya ang mga kakailanganin. Magluluto siya ng pinakbet. Originally "pinakbet" or "pakbet"  came from Ilocano dish. Natutunan niya 'yun sa pinakamamahal niyang mama.

Na-amaze pa nga siya ng sabihin nitong lahat ng klase ng gulay ay pwede rito katulad ng talong, ampalaya, kamatis, sitaw at kalabasa. Natatandaan pa nga niyang tinanong niya ang nanay kung pwede bang lagyan ng pechay, humagalpak sa pagtawa ang kanyang nanay na ikinakunot ng noo niya. Hindi ba pwedeng lagyan ng pechay ang pakbet?

Dumating na talaga siya sa puntong nag-research na siya. Bawal pala talagang lagyan ng pechay ang pakbet, ayaw nilang kabonding si pechay. May issue yata sila.

"Manang ang bango naman ng niluluto mo, ano ba 'yan?" sumulpot sa kusina ang ginang at ganun na lamang ang gulat ng makitang siya pala ang nagluluto.

"Ah, good morning po ma'am Olivia." bati ni Aurora sa ginang habang suot ang mahiwaga nitong ngiti. Binati naman siya pabalik ng ginang at agad itong kumuha ng sandok.

Lumapit ito sa kumukulo pang gulay at tsaka sumandok na sabaw. Sa kabilang banda ay kinakabahan si Aurora ito kasi ang unang beses niyang pagluto ng pinakbet. Madalas kasi ay sinigang at adobo ang niluluto niya. Isa pa hindi pa niya tinitikman ang niluto kung tama ba sa timpla.

Nabura ang kanyang ngiti ng humarap sa kanya ang ginang at nagsalita.

"Hindi mo sinabing masarap ka palang magluto, dinaig mo pa ako." napatawa nalang siya sa narinig. Marahil ay pinagtatakpan lamang ng ginang ang lasa kung kaya't siya na ang nagkusang sumandok.

Napapikit siya ng may maalala sa lasa, ganito rin ang pagkakatimpla ng mama niya ng unang beses siyang makatikim ng pinakbet. Marahil ay nakopya niya ito.

"Laureen ako na diyan, puntahan mo nalang si Knight sabihin mo kakain na" utos ni Mrs. Olivia. Napamaang na lamang siya. Tumango siya at naglakad na pabalik sa kwartong katabi.

Hindi rin siya sanay na tinatawag siyang Laureen pero katulad nga ng sabi ng ginang ay masanay na raw siya dahil hindi pwedeng may makahalata ng pagpapanggap niya.

Nakailang katok na siya sa pinto ngunit wala paring nagbubukas. Konting-konti nalang talaga at dadambain niya na ang pinto. Mantikain pala matulog ang lalaking 'yun?!

Nagsawa na siya sa kaka-katok. Nasagad na ang pasensya niya. Kung ayaw gumising ng lalaking 'yun ay wala na siyang pake. Hindi naman siya ang magugutom at isa pa pake ba niya!

Tahimik siyang bumaba at nadatnan ang apat na babae sa hapag at masayang kumakain. Nandito na rin ang dalawang katulong kung kaya't sila na lamang ang kulang. Napa buntong hininga siya bago maupo sa bakanteng upuan.

"Oh, nasan si Knight, Laureen?" pagtatanong ni manang. Hindi na niya ito sinagot at inabala ang sarili sa pagkain. Ang pinaka ayaw pa naman niya sa lahat ay pinaghihintay siya at talagang sagad sa buto ang pasensya niya.

Narinig niya ang tawa ng mga kasalo niya kung kaya't napa-angat ang tingin niya. Anong nakakatawa?

"Alam niyo ma'am para kayong si Madam Olivia. Ganyan-ganyan din siya ng una silang nagkasama ni Sir Anton," biglang sumingit si Joy. Ang isang kasambahay na kasa-kasama ni Janine.

"Mantika po talaga kung matulog si Sir Knight, na-adopt niya nga po yata 'yun kay Sir,"  pagsasalita ni Janine. Malayo sa pangalan nito ang pakikipag usap nito. Masyadong malaki ang kanyang boses at aakalain mong lalaki.

"Sayang nga lang at nauna na sa langit si Anton, hindi na niya makikita ang magiging apo niya sa nag-iisang anak," napa-ubo nalang si Aurora sa narinig. Binigyan naman siya agad ng tubig ni Joy at dali-dali itong ininom ng isang lagukan lang.

"Apo? Malapit na po, maghintay lang kayo" alertong napalingon sila sa lalaking naglalakad palapit sa kinaroroonan nila.

Nang marinig ang sinabi nito ay agad na sumilay ang makabuluhang mga ngiti sa kanilang mga labi maliban kay Aurora, para siyang napipi sa narinig.

Katulad ng sinabi niya, trabaho lang walang personalan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro