Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Naalimpungatan siya ng may marinig na namang boses. Alam niya kung saan nanggaling iyon at walang iba kundi sa kanyang ina. May kausap ito sa telepono.

"Ang sabi ng doctor nagkaroon siya ng pansamantalang amnesia. Hindi namin alam kung kailan babalik ang ala-ala niya pero sa tingin ko mas mabuti kung huwag na munang bumalik iyon. Ayokong makita siyang nasasaktan na naman ulit."

Tumagilid siya ng higa at pinilit ang sariling matulog pero ayaw siyang payagan ng kanyang mata.

"Kakagising niya lang, tatlong araw bago bumisita si Gray. Wala pa akong balak na sabihin sa kanya. Huwag na muna, siguradong maguguluhan lang siya."

Wala na siyang narinig pang muli. Marahil ay lumabas na ito ng silid. Napaupo siya at huminga ng malalim. Tatayo na sana siya ng biglang sumakit ang ulo niya dahilan para mapahiga siyang muli. Parang may tumatawag sa pangalan niya.

Isang boses ng babae. Hindi niya ito kilala. Ipinilig niya ang ulo tsaka sumigaw sa sakit. Ilang minuto lang ay biglang bumukas ang pintuan at humahangos na ina ang kanyang nakita.

Tinanong siya nito kung may masakit ba pero puro pag-iling lang ang kanyang ginawa. Nawala na ang sakit. Palagi iyong nangyayari sa kanya sa tuwing pinipilit niya ang sariling alalahanin ang isang bagay o tao. Saktong naalala niyang may pinag-usapan ang kanyang nanay at si Gray.

Laureen

Ilang gabi na itong laman ng kanyang isip. Para siyang hina hunting ng pangalang ito at parang ayaw siyang tigilan. Ayaw siyang tantanan. Bumuntong hininga siya bago magsalita. Kailangan niyang magkaroon ng kasagutan.

Magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Gray. Nagkatitigan pa sila ngunit ito rin ang unang sumuko. Naupo ito sa tabi nila habang suot ang kaniyang ngiti.

"Oh, Gray. Ba't nandito ka? Akala ko ba may importante kang lalakarin?"

"Hindi po natuloy tita e," tipid na sagot nito at hindi inaalis ang mga ngiti.

"Ma," pag-aagaw niya ng pansin. Gusto niyang maliwanagan at sa tingin niya sa nanay niya ito makukuha.

"Narinig ko kayong nag-uusap ni Gray. Pwede niyo bang sabihin sa'kin kung sino si Laureen?" parang bombang biglang sumabog ang tanong ni Knight.

Napatigil sa pagngiti si Gray at napalitan ito ng mukhang hindi maipinta. Maging ang nanay niya ay hindi na rin nagawa pang magsalita. Nabibingi siya sa katahimikan kaya't binasag niya itong muli sa pamamagitan ng pagtanong pa ng panibagong salita.

"Pwede ko ba siyang makita? Baka sakaling makilala ko siya." sambit niya na ikinagulat ng dalawa. Nagtataka man ay hindi na siya muli pang nagsalita at hinintay na lamang silang sumagot.

"Ahmmmm, si Laureen. Knight kasi, ahhhhm kasi ano–" natigil sa pagsasalita si Gray ng magsimulang magsalita ang ginang.

"Girlfriend mo si Laureen. Kung gusto mo siyang makita baka bukas dumalaw na siya rito. May ginagawa pa kasi siya e," mabilis na paliwanag ng ginang habang suot ang di mapakaling mukha.

Tumango na lamang si Knight bilang pagsagot. Nagpaalam ang dalawang lalabas muna kaya naiwan na namang mag-isa si Knight.

Habang nakamasid sa labas ay aksidenteng nahagilap ng kanyang mata ang isang babae. Sa tingin niya ay isa itong nurse pero nang makita niya ito ng malinawan ay hindi pala. Marahil ay may binisita rin itong pasyente. Sa sandaling dumaan ito ay bigla na lamang itong lumingon at nagtama ang kanilang mga mata.

Kabadong umiwas si Knight at nahiga na ulit. Bumilis rin ang kanyang paghinga, sa inaasta niya para siyang nahuli ng crush niyang nakatitig rito.

****

"Tita, patay na si Laureen. Wala na tayong maihaharap na Laureen sa kanya. Sana sinabi mo nalang ang totoo." asal ni Gray at kabadong humigop ng kape.

"Gray, ayoko ng masaktan ulit si Knight. Ayoko na. Hindi ko alam kung papaano ko 'to tatakasan. Kawawa ang anak ko," nagsimula na namang lumuha ang ginang. Litong-lito na siya kung pwede lang sanang gisingin niya si Laureen at pakiusapang makipagkita sa anak, ginawa na niya. Kaso patay na ito.

Kukuha sana ng tissue sa bag ang ginang ng iba ang kanyang mapulot. Isang ID?

Sa pagkakaalam niya wala siyang ID sa bag. Malabong maging kanya ito. Binasa niya ang nakalagay na pangalan.

Aurora Hernandez

Sinilip niya ang picture at napapikit-pikit pa ito ng mamukhaan ang nasa litrato. Tama. Ito 'yung babaeng nakabanggaan niya sa ospital ng magising si Knight.

Naalala niya pa ang mukha nitong namumutla at pagod na pagod. Marahil ay puyat ito sa pagtatrabaho upang makakalap ng pera para sa kamag-anak nitong nasa ospital rin.

Bigla siyang napatigil sa pag-iisip. Meron na siyang plano. Ang kailangan niya nalang ay hanapin ang babae upang ipaalam ang plano.

****

Napadaan si Aurora sa isang kwarto sa ospital. Nagtataka lang siya dahil bahagyang bukas ang pinto at sobrang tahimik. Iniisip niya tuloy baka may multo rito.

Talamak pa naman noon ang sabi-sabing maraming mga multo sa mga ospital dahil dito raw namamatay ang mga pasyenteng hindi na naagapan. Masyado pa naman siyang matatakutin.

Huminto siya saglit at muling nilingon ang kwarto. Nagulat pa siya ng magtama ang tingin nila ng lalaki sa loob. Agad naman itong nag-iwas ng tingin at muling humiga.

Nasapo nalang ni Aurora ang dibdib dahil sa pagkagulat. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at katulad ng dati ay may dala na naman siyang pagkain para sa ina.

Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto at nakita ang nanay nitong natutulog. Ibinaba niya ang pagkaing dala sa lamesa at lumapit sa nanay. Hinagkan muna nito ang noo at tsaka umupo at hinawakan ang kamay nito.

Ilang oras siyang nakipagtitigan sa ina. Ineeksamin ang bawat anggulo nito. Sa isang iglap ay biglang bumuhos ang kanyang mga luha. Hindi niya lubos maisip na ano mang oras ay kukunin na ito sa kanya.

Kung pwede lang na pakiusapan niya ang Diyos na 'wag na muna, ginawa na niya kaso wala sa kanya ang desisyon. Nasa tadhana parin ito. Ang gusto niyang gawin ngayon ay tulungan ang nanay sa pagsubok nito at alalayan sa bawat oras na natitira pa.

"Ma, wag ka munang bibitaw ah. Humawak ka lang ng mahigpit. Ma, kailangan pa kita. May pangarap pa tayong tutuparin. Diba sinabi ko sa'yong isasakay kita sa unang lipad ko. Ma, please lumaban ka. Gusto pa kitang makasama ng matagal." pinunasan ni Aurora ang mga luha na tumakas sa kanyang mga mata at nagsalita na para bang maririnig siya ng kanyang ina.

"Ma, nag-iipon na ako ng pera. Sa oras na mabuo ko 'to ipapaopera na kita. Magpagaling ka lang mama. Lumaban ka para sa'ting dalawa." hinalikan muna ni Aurora ang ina bago siya tumayo.

Lalabas na sana siya ng tumambad sa kanyang harapan ang isang matandang babae. Halos magkasing edad lang sila ng nanay niya ngunit mas angat ang ganda nito. Halatang mayaman at may pagka supistikada ngunit ng titigan niya ito ay parang gusto niyang bawiin ang naisip.

"Kayo po ba 'yung babaeng nabangga ko kahapon?" pagsisimula ni Aurora. Kahit hindi niya nilingon ang babaeng 'yun ay nakilala niya parin ito dahil sa hawak-hawak nitong bag.

Ngumiti lang ito bilang sagot. Lumabas na si Aurora at kasunod naman nito ang ginang.

"Paano niyo po nalaman kung nasan ako?"

Nakaupo na sila ngayon sa garden ng ospital. Ang lugar kung saan palaging dinadalaw ni Aurora tuwing naaabutan niyang tulog ang nanay.

"Pinaimbestigahan kita, pina-check ko ang background mo. Kanina ko lang nalaman na may cancer pala ang nanay mo. Nang madatnan kita kanina pati ako naiiyak sa mga pinagsasabi mo. Napakaswerte ng nanay mo sayo," nakangiting sambit ng ginang kay Aurora.

Napuno ng pagtataka si Aurora. Bakit naman siya ine-imbestigahan, sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang ginawang kasalanan.

Nabasa yata ng ginang ang pagtataka kay Aurora kaya ito na ang kusang nagsalita. Wala na siyang oras, bukas na bukas ay kailangang may maipakita siyang Laureen kay Knight. Ayaw niyang paasahin ang anak at pabor rin naman ito sa dalaga dahil nangangailangan ito ng malaking halaga.

Pwede niyang bayaran ang lahat ng gagastusin para sa pagpapaopera ng kanyang nanay. Kahit gaano pa 'yan kalaki ay ayos lang. Meron naman silang pera at isa lang ang gusto niya ngayon. Yun ay ang mapasaya ang anak.

Sana nga lang pumayag si Aurora, wala siyang ibang pagpipilian ngayon kundi ang dalaga. Ito nalang ang huli niyang alas.

"Pwede ka bang magpanggap bilang girlfriend ng anak ko kahit pansamantala lang. Babayaran naman kita. Ako na ang bahala sa perang gagastusin para sa pagpapa opera ng nanay mo," sambit ng ginang habang suot-suot ang mukha nitong nanghihingi ng tulong.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro