Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Umalis muna si Gray para mabigyan ng privacy ang mag-ina. Balak niyang bumili ng paboritong kape at maupo sa kanyang pwesto. Pababa pa lamang siya ng makarinig ng boses sa may di kalayuan.

Nasa second floor pa lamang siya kaya't nagtataka siya kung saan nanggaling ang boses na 'yun. Wala naman sigurong multo dito dahil sa tagal niyang nagpabalik-balik dito at hindi pa siya nakakita ng multo sa naturang ospital.

Palagi niya kasing binibisita ang tatay nitong doctor. Minsan ay tinutulungan niya na din ito sa bawat papeles, nag-aaral narin kasi siya ng medisina. 'Yun ang sabi ng kanyang tatay, pero may isang bahagi sa kanya na pagpipiloto ang gusto.

'Yun ang pangarap nilang dalawa ng mama niya bago ito lumisan sa mundo. Ipinangako niya rin dito na balang araw magiging piloto siya at maglalayag sa kalangitan. Kaso ayaw niyang labanan ang tatay, hindi niya masabi ang totoong nararamdaman nito dahil baka magmukha lang siyang kawawa.

Napabuntong hininga nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Dali-dali siyang tumakbo at sumilip sa baba, mukhang alam niya na kung saan nanggagaling ang boses na 'yun.

Mula sa di kalayuan ay nakita niya ang babaeng nakatayo habang may hawak na telepono sa kanyang tenga. Matangkad at may katamtamang kulay ng balat. Maitim at malalago ang kaniyang buhok na dinuduyan ng hangin at siyang nagpapaganda pa rito.

Hindi niya alam pero bigla nalang siyang napangiti. Naramdaman niya rin ang bahagyang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, marahil ay natagpuan na niya ang kanyang mamahalin.

Bigla siyang napakunot noo ng magsimulang sumigaw ang babae. Hindi siya tanga para hindi maisip na galit ito at marahil ay kaaway ang kausap. Nakakatakot ang bawat pagbigkas nito.

Sa kabilang banda bigla siyang naawa rito ng magsimula itong punasan ang mukha, nagsisimula na ata itong maiyak. Maging siya ay naapektuhan at parang dama na rin nito ang sakit na nararamdaman ng dalaga.

Tinapos ng dalaga ang tawag sa isang makabuluhang salita. Muntik pa nitong maibato ang kanyang telepono ngunit napigilan nito ang sarili. Humakbang ito ng dalawang beses at tsaka tumingala sa kalangitan.

Nakita niya tuloy ang sarili sa dalaga. Ganyan din siya sa tuwing nagagalit o kaya sa tuwing nalulungkot siya at napapaiyak.

Hindi niya namalayang may naapakan pala siyang lata dahilan para makalikha ito ng malakas na ingay. Agad siyang nagtago sa katabing pader. Huminga siya ng malalim bago sinilip ulit ang dalaga ngunit wala na ito.

Tss, sayang....

****

Pauwi na siya ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Sinagot niya ito at nakausap ang nanay ni Knight.

"Tita,"

"Gray pwede bang bumili ka ng pagkain tsaka samahan mo na rin ng inumin. Pakihatid nalang dito sa ospital, babayaran nalang kita rito."

"No need, tita. May pera naman po ako tsaka malapit lang rito 'yung department store kaya ayos lang," pagpapaliwanag niya.

"Salamat Gray, napakabait mo talaga"

"Tsaka gwapo rin po tita," narinig niya ang pagtawa ng ginang mula sa kabilang linya kaya napangiti nalang din siya.

"Kahit kailan ka talaga, sige na." ibinaba na ng ginang ang tawag kaya nagsimula ng paandarin ni Gray ang kotse papunta sa malapit na department store.

Ang sabi ng ginang ay ilang pagkain lang at inumin ang bilhin niya ngunit halos bilhin niya na ang lahat ng makita niya. Tama na rin ito para hindi na sila magpabalik-balik pa.

Kasalukuyan siyang naglalapag ng mga pinamili ng marinig ang pamilyar na boses. Napaangat siya ng tingin at duon nakita ng malapitan ang mukha ng babae.

Tama, siya nga 'yung babaeng sinisilip niya kahapon sa ospital. Palihim siyang napangiti sa naiisip. Coincedence ba kamo o sadyang nakatadhana na talaga.

Napailing-iling nalang siya sa sariling isip. Nagmumukha siyang bakla kapag kinikilig.

"How much?" tanong niya matapos ilapag ang kahuli-hulihang pinamili. Kinapa niya ang wallet sa bulsa tsaka nagbilang ng pera.

"Eight thousand and seventy-three, sir" sagot nito habang may tinitipa sa computer.

"Credit card or cash, sir?"

"Cash" maikling sagot niya habang nakatitig sa babae. Masyado siyang tinatamaan dito. Ramdam na rin niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Parang ano mang oras ay hihimatayin na siya.

"Here's your change sir, thank you." sambit nito at inabot ang sukli. Dali-dali niya namang kinuha 'yun habang nakatitig sa babaeng nakayuko.

"S–sir" natauhan siya ng salubungin siya ng dalaga. Binitawan niya ang kamay nito at huminga ng malalim. Nawawala na yata siya sa sarili.

"If you don't mind, can I get your number and yeah, your name miss," hinugot niya na ang lahat ng lakas para lang sabihin sa dalaga ang mga katagang 'yun. Gusto lang siyang makipagkilala rito.

"If you don't mind too sir, you can go out and mind your own business. Masyado kayong bastos at akala sa babae'y basta't gwapo ay madali ng makukuha. Ibahin niyo 'ho ako, nagtatrabaho ako ng matino dito kaya makakaalis na kayo," suot pa nito ang mataray na mukha. Animo'y ano mang oras ay mangangagat na ito.

"You misunderstood me, I'm just trying to be friendly here."

"I don't need friends, I need money." habang tumatagal ay mas nahuhulog pa siya rito.

Papaanong ang babaeng aksidente niya lang narinig kahapon ay hahangaan niya ng husto. Maging ang pag-iisip nito at ang prinsipyo ay nakakalula. Hindi niya kaya. Nahuhulog na ata siya.

"You're so hard. I like it," binigyan pa niya ito ng makabuluhang ngiti bago lumabas ng department store. Isa na namang prinsipe ang nahulog sa isang reyna.

****

"Oh, ba't nakangiti ka dyan." bungad ng ginang ng makita si Gray habang dala-dala ang mga pinamili.

Batid niyang may nangyari na namang kababalaghan sa binata kaya ito nakangiti. Hindi niya na ito inabala sa halip ay binuksan na nito ang mga pinamili.

Sa kabilang banda, habang magkasama ang mag-ina ay kinausap siya nito. Ang sabi nito ang lalaking kasa-kasama nila ay si Gray, ang nakababatang kaibigan niya. Tumango na lang siya kahit hindi masyadong naintindihan ang ina.

Ilang araw niya ng iniisip ang mga nangyari pero wala talaga siyang maalala. Sumasakit lang ang ulo niya sa tuwing pinipilit ang sarili.

Naalimpungatan siya ng may marinig na nag-uusap. Dala ng kyuryusidad ay pinakinggan niya ito habang nagkukunwaring tulog.

"Tita, paano po si Laureen. Siguradong magwawala siya kapang nalaman niya ang nangyari." napakunot noo siya ng marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Marahil ito si Gray.

Isa pang nagpasakit ng ulo niya ay ang pangalang binanggit nito. Sino ba 'yun at parang napaka big deal sa kanila.

"Hindi ko alam, sa ngayon hayaan na muna natin siyang magpahinga. Ayokong makitang nasasaktan na naman ang anak ko kaya pwede bang ilihim muna natin 'to sa kanya. Wag na muna ngayon," isang mahinang boses ang narinig niya mula sa kanyang ina. Napabuntong hininga na lamang siya at hindi na pinakinggan ang pag-uusap nila.

Sa halip na makatulong sa kanya ay lalo lang itong nagpasakit ng kanyang ulo. Parang pinapalo siya ng martiyo sa kanyang utak. Nakakabingi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro