Chapter 2
Pasado alas 2 na ng madaling araw pero hindi parin makatulog si Aurora. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya kung papaano siya makakakita ng malaking halaga ng pera. Kailangan niyang mag-ipon para sa operasyon ng ina pero paano? Hindi niya alam kung ano ang magiging unang hakbang.
Batid niya na sobrang laki ng kailangan niya at kahit magtrabaho pa siya ng isang buong taon ay hindi niya mabubuo ang kinakailangang pera. Masyadong malaki at isa lamang siyang tipikal na kolehiyala.
Pagod at puyat. Walang halos kain at palaging tulala sa kawalan. Hindi niya alam kung saan siya tutungo ngayon. Sa may di kalayuan ay may nakita siyang department store at may nakapaskil malapit rito.
Tipid siyang napangiti ng mabasa ang nakasulat. Pumasok siya agad at hinanap ng mga mata ang isa sa mga empleyado dito.
Pinasok niya ang trabaho bilang cashier, kinulang sila sa empleyado dahil kaka-resign lang ng isang babae kahapon. Masyado ring malakas ang bentahan nila ngayon lalo pa't dinudumog ang kanilang lugar sa mga ganitong panahon.
Sa pagkakasabi sa kanya ay buwanan ang sweldo, nasa 5k to 7k depende sa kita. Kahit pa sobrang liit ay hindi siya nagdalawang isip na pasukin ito. Hindi siya pwedeng mamili ngayon dahil kailangang-kailangan niya talaga ng pera.
Sa unang linggo niya sa trabaho ay naging maayos naman ito liban sa mga taong pabalik-balik rito at kung ano-ano ang pinagbibili. Hindi siya tanga para hindi malamang may kursunada sa kanya ang lalaki. Pinilit niya nalang itong 'wag pansinin at ituon ang sarili sa trabaho.
"How much?" tanong ng lalaki habang kinakalkal ang wallet nitong punong-puno ng asul na papel.
Masyadong marami ang binili nito sa tanto niya ay nasa 3k to 5k ang halaga ng lahat pero nang tignan niya ang computer ay mahigit 8k na. Literal na nanlaki ang mga mata niya habang pinipikit ito at binabasa ulit.
"Eight thousand and seventy-three, sir" kabadong sabi niya.
"Credit card or cash?"
"Cash" tipid na sagot nito tsaka naglapag ng malulutong na pera sa lamesa. Napatigil siya ng makita ang berde nitong mga mata. Masyado siyang naaapektuhan nito at tila nang-aakit.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi ng mapagtantong nakatitig narin sa kanya ang lalaki. Sunod-sunod ang pag-iling niya upang kalimutan ang tentasyong nasa harap.
"Here's your change sir thank you," nakayukong sabi niya tsaka inabot rito ang sukli. Babawiin na sana niya ang kamay ng hawakan ito ng lalaki. Kabadong nag-angat siya ng tingin at nakipagtitigan dito.
"S–sir" kabadong sabi niya.
"If you don't mind, can I get your number and yeah, your name miss?" nakangising sambit nito at inaabangan ang sagot ni Aurora. Bahagya siyang nadismaya sa inakto ng lalaki.
Wala rin pala itong pinagkaiba sa mga lalaking costumer. Puro kabastusan ang nasa isip at walang matinong magawa. Masamang tingin ang ipinukol niya rito at sarkastikong nagsalita.
"If you don't mind too sir, you can go out and mind your own business. Masyado kayong bastos at akala sa babae'y basta't gwapo ay madali ng makukuha. Ibahin niyo 'ho ako, nagtatrabaho ako ng matino dito kaya makakaalis na kayo." pabalang na tugon niya tsaka tinawag ang kasunod na babae.
"You misunderstood me, I'm just trying to be friendly here"
"I don't need friends. I need money" sarkastikong sabi nito tsaka nagtipa na naman sa computer. Malayo na ang lalaki pero narinig parin nito ang sinabi.
"Your so tough. I like it." Napailing-iling nalang siya at tinuon ang pansin sa kasunod na costumer.
"Maa'm cash or credit card?" tanong niya.
"I'll use credit card. How much?"
"Five hundred and sixty nine pesos" sagot niya habang may tinitipa sa computer.
"What?! Masyado namang mahal. How much is this?" tanong ng babae at ipinakita ang newly brand na cologne.
"It's four hundred and fifty maa'm"
"Ang mahal naman wala bang mura?" reklamo ng babae. Well isa lang siyang hamak na cashier at sa pagkaka-alam niya ay hindi kasama sa trabaho niya ang mag-discount o manguna pagdating sa presyo.
"Putanginang four hundred fifty!" kahit siya ay hindi makapaniwala sa nasabi. Masyado talagang mababa ang pasyensya niya lalo pa't nasagad na.
Biglang kumunot ang noo ng babae at iritableng tumingin sa kanya. Marahil ay hindi parin nito nakuha ang ibig-sabihin. Masyadong matapobre ang isang 'to.
Ibinalik niya ang credit card sa babae tsaka tinawag ang kasunod na costumer.
Natapos ang kanyang araw, katulad ng dati ay masyadong nakakapagod at ang gusto niya na lang ay lamunin ng antok.
Hindi siya agad dumiretso sa bahay sa halip ay pumunta siya sa ospital para kumustahin ang ina. Gabi-gabi niyang binibisita ang ina pagkatapos ng trabaho, walang alam ang ginang na nagtatrabaho na pala ito.
Plano pa sana niyang humanap ng ibang trabaho pero hindi niya kakayaning pagsabayin. Isa siyang tutor sa umaga hanggang alas dyes at cashier naman sa natitirang araw. Minsan nga ay hindi na siya nakakakain dahil sa mabilisan niyang pag-idlip dala ng pagod.
Gayunpaman ay pinipilit niya ang sariling maging matatag sa bawat araw. Kailangan niyang tumayo bilang anak sa kanyang ina. Ngayon siya nito kailangan.
Hindi na siya nag-abalang gisingin pa ang ina ng madatnan itong mahimbing ng natutulog. Sinilip niya lamang ito ng ilang minuto bago napagpasyahang umalis at bumili ng kape.
Bumalik siya ulit sa dating pwesto sa gilid ng ospital kung saan naroon ang mga puno't halaman. Malamig na hangin ang dumadampi sa kanyang balat, madilim na kapaligiran naman ang lumulukob sa buong paligid at tanging mga bituin sa kalangitan ang makikita.
Napakapayapa, nakaka-engganyo at higit sa lahat nakakahinga siya ng maluwag. Patuloy siya sa pagsimsim ng kape hanggang sa makarinig ng pamilyar na tunog.
Isang tunog na hindi niya pagsasawaang pakinggan. Tumingala siya at doon natagpuan ang eroplanong umiilaw pa at papa-landing na. Pinikit niya ang dalawang mata tsaka ngumiti sa kalangitan. Parang tanga man kung iisipin pero nakasanayan niya na iyon sa tuwing makakatagpo siya ng kapayapaan kasama ang pangarap niya.
Balang araw, siya naman ang titingalain. Balang araw makakasakay rin siya sa eroplanong 'yan at isisigaw sa kalangitan ang lahat ng laman ng kanyang puso. Balang araw, makakapunta rin siya sa kalangitan kapiling ang mga ulap, bituin, araw, at ang hangin. Malayo sa karagatan o sa kalupaan, malayo sa reyalidad.
Naistorbo ang kanyang pamamahinga dahil sa tunog ng kanyang cellphone. Agad niya itong kinapa sa bulsa at nakita ang isang di pamilyar na numero. Hindi niya sana sasagutin ngunit nadala siya sa kyuryusidad.
Sino nga bang tatawag sa kanya sa ganitong dis oras ng gabi. Tanging ang kanyang ina lang at ilang kaklase ang nakakaalam ng kanyang numero kaya't nagtataka siya.
Gayunpaman ay sinagot niya ito at hinintay na magsalita ang kabilang linya.
"Hello?" pagsisimula niya.
"Aurora..." biglang nagsitayo ang balahibo niya at binalot ng kakaibang emosyon ang kanyang puso. Masyadong malaki ang epekto nito sa kanya at nakapagpaluha ng hindi inaasahan. Kilala niya ang boses na 'iyon dahil minsan niya na itong narinig.
"Anak ko," pinigilan niyang mapahikbi at tinakpan ang bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay. Hearing those words from her father makes her cry in pain. Anger is now visible in her eyes and can't help but to cry silently while hearing the deep voice of her father.
Nuong bata pa lamang siya ay minsan niya ng pinangarap na tawagin siya ng kanyang ama sa sariling pangalan at tawaging anak. Ngunit nakakatawa lang na iba ang naging epekto nito sa kanya ngayon. Hindi pagmamahal kundi galit, hindi pagkalumbay kundi sakit.
Masyado na ba siyang masama kung sasabihin niyang kinamumuhian niya ang isa sa naging dahilan kung bakit siya nabuhay sa mundong ito?
Galit na galit siya rito. Sa sobrang galit ay nagawa niya itong kalimutan. Namuhay ng matagal kasama ang isang taong mula sa sinapupunan ay minahal na siya at inalagaan.
Maituturing na ba siyang isang masamang nilalang kung sasabihin niya na sana hindi nalang ang nanay niya ang nagkasakit. Sana hindi nalang ang nanay niya ang naghihirap ngayon. Sana ang tatay niya nalang ang may cancer at hindi ang taong mas nagpahalaga sa kanya.
Patuloy sa pagbagsak ang bawat luha habang pinipigilan ang sarili sa namumuong galit. Ayaw niyang magsalita dahil sa oras na bumuka ang bibig niya ay sigurado siyang hindi maganda ang kalalabasan nito. Masakit siyang magsalita lalo pa't kung ang taong ito ang pagsasabihan niya.
"Anak patawarin mo si papa sadyang hindi lang talaga kami para sa isa't-isa ng nanay mo. Hindi maganda ang pakikitungo namin sa isa't-isa kaya–"
Hindi ko kailangan ng paliwanag mo.
"Kaya nagawa mong mag-asawa ng iba? Kaya nagawa mong magka-anak sa iba? Kaya nagawa mong iwan kami para sa pera, kaya nagawa mo akong kalimutan ng mahabang panahon? Ano pa, ano pang idadahilan mo?!" sunod-sunod na sambit niya habang dinadama ang bawat sakit na namumuo sa puso niya.
Walang kwenta, napakawalang kwenta ng naging tatay niya. Kinaya silang ipagpalit para sa pera sabagay ano nga bang magagawa ng nanay kong hindi mapera. Kung mahal niya talaga kami hindi siya maghahanap ng iba, kung mahal niya talaga ako dapat mas inisip niya kung anong magiging kalagayan ko kapag umalis siya.
Kaso hindi e, umalis siya. Umalis siya ng hindi man lang inaalala ang anak na maiiwan. Hindi niya 'ko inisip.
That's how life works, every human can leave you for f*cking money. They will never see your worth if the money is in their hand. They will never knew your value once they have that f*cking stupid money. How I hate my father. How I hate this f*cking life.
"Hindi sa ganun Aurora,"
"Huwag na huwag mo akong tatawagin sa pangalan ko. Hindi kita kilala at mas lalong wala akong tatay na hangal. Matagal ng patay ang tatay ko! Matagal ka ng nakalibing sa buhay ko!" I shout at the top of my lungs. I'm done, I'm so f*cking full of bullshits! I hate him, I hate my father!
"Sana naman bago ka magpakain sa pera inisip mo 'yung mararamdaman ng nanay ko. Sana naman inisip mo din ako, kung anong mararamdaman ko kapag nalaman kong wala akong tatay. Alam mo bang tuwing family day ako lang 'yung hindi kumpleto dahil walang tatay na tumatayo sa likod ko. Naiinggit ako habang nakakakita ng masayang pamilya, nagtatawanan, nagkukulitan, kumpleto at kuntento sa kung anong meron sila. Sana nga ganun ka din, sana nga ganun tayo." I almost broke my voice. He never know that while he's happy to his new family I'm craving and begging for my father's love. How selfish he is.
"Kaya nga bumabawi ako ngayon, kailangan niyo ng pera para sa pagpapa-opera niya. Just tell me how much, I can give you."
"No thanks, I don't need your symphaty. Besides it's not really your own money so stop being generous like you own it"
"But–"
"No buts, please. I can work and provide for my mother. We don't need you 'cause in the first place you're not really part of our family. You're not my father and you will never be."
I ended up the call and almost throw my phone. Huh, how I hate liars and iresponsible man. How I hate my father.
I can't denied this feeling the way he called my name. The way he called me as his daughter for the very first time. I almost gave in pero mas nangibabaw ang galit ko. Mas nangibabaw ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Such a pity.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro