Chapter 14
Maagang nagpaalam si Aurora kay manang upang bisitahin ang nanay sa ospital. Matagal-tagal na rin magmula ng huli siyang makadalaw doon kasama si Gray. Mukhang natunugan rin siya ni Gray kaya dali-dali itong nag-ayos at nagpaalam kay manang na pupuntahan rin ang tatay nitong doctor.
Napaisip rin si Aurora, ang sabi ni manang matapos ang trahedyang nangyari ay lumayo ang loob ni Gray sa tatay niya kaya may plano siya. May ibubunyag siyang kalokohan ng lalaking 'to since bibisitahin 'raw nito ang tatay niya.
Magkasabay silang umalis ni Gray. Habang nasa loob ng kotse ay hindi mapigilan ni Aurora na mailang. Ang tahimik kasi hindi siya sanay, dati naman pala-salita si Gray at minsan pa nga ay nagbibiro siya kahit corny na.
May kinalikot si Aurora sa kotse nito at maya-maya lang ay may biglang nag-play.
I see your monsters, I see your pain,
Tell me your problems I'll chase them away–
Biglang naputol ang kanta ng pindutin ito ni Gray. Hindi naman nagpatinag si Aurora kaya't pinindot niya ulit, nabibingi na kasi siya sa sobrang tahimik tsaka isa pa maganda naman ang kanta. Anong masama. Maya-maya ay narinig na niya ang kantang kanina lang ay kanyang narinig.
I'll be your lighthouse, I'll make it okay,
When I see your monsters I'll stand there so brave and chase them all away,
In the dark–
Biglang naputol ang kanta at napalitan ng rock song. Biglang kumunot ang noo ni Aurora at pinagkatitigan ang katabi. Mukhang nakikipaglaban pa ito. Napabuntong hininga si Aurora at sa pangalawang pagkakataon ay ibinalik niya ang kanta. Kung matigas ang ulo ni Gray syempre mas matigas ang kanya.
In the dark we, we
We stand apart we, we
Never see that the things we need are staring right at us,
"Ano ba Aurora?!" this time Gray lose his temper, he's pissed off. Things might bothering him or should I say the song is.
"Bakit ba? Pangit ba 'yong kanta? Ayaw mo ba ng ganong klaseng–" Gray cut him with a scary face. It's like this man is not the same, it's not Gray who used to laugh at all time. It's not the Gray she met before.
"Curious huh, Aurora may I remind you that this is my car and I have the privilege–" this time si Aurora naman ang pumutol ng salita nito. She's now wearing her bad bitch attitude. Again and again, her patience.
Nagtatalo ang dalawa kaya inihinto muna ni Gray ang pagmamaneho at ipinark ito sa gilid ng kalye.
"Pati ba naman sa kanta may pinuputok pa 'yang butchi mo?! Kung makapagsalita ka naman. Sasakyan mo nga 'to pero hindi naman kita pinilit isakay ako dito sa punyetang kotseng 'to ah. Kung 'yan ang ikinagagalit mo bababa nalang ako. Hindi ko kailangan ng lintek na kotseng 'yan, kaya kong maglakad," pagkatapos ng mahabang talak ni Aurora ay dali-dali siyang bumaba at malakas na isinara ang pinto ng kotse.
Gray blew a heavy sight before he decided to approach Aurora who is now walking meters away from him. He shout Aurora to comeback but his words fell on deaf ears.
He don't had a choice but to run after Aurora. Nang makalapit ito ay agad niyang kinabig ang dalaga at walang pasabing binuhat ito na parang sako lang. Nagpumilit makababa si Aurora ngunit masyadong malakas si Gray para sa kanya. Isinakay siya ulit nito sa sasakyan at dali-dali naman itong umikot sa kabila.
Binuhay nito ang makina at ipinagpatuloy ang pagmamaneho ng walang imik.
"Ano ba talagang problema mo?" pagbabasag ni Aurora sa katahimikang lumulukob sa buong sasakyan.
Minutes after, Gray decided to spill the beans. This is so private but this naughty girl won't stop asking him.
"That's the last song that my mother sung to me before she died, I don't want to hear that song again hope you understand." tumagilid ang ulo nito at tumingin sa kabilang direksyon. Marahil ay itinatago nito ang kanyang emosyon.
Suddenly Aurora felt guilt, kung alam niya lang na kaya pala kanina pa siya pinipigilan ni Gray ay dahil sa ito ang huling ala-ala niya sa pumanaw na ina. Maybe it cause a trauma to him, pwede kaya 'yon?
"Sorry, I did'nt know," sincerity is now showing off in Aurora's words.
"It's okay, matagal na rin naman mula ng mamatay siya. Just please don't play that song ever again and I'm sorry too," nakangiting tugon ni Gray tsaka ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Sa susunod nalang pala magdadala na lang siya ng headset o di kaya'y headphone para masolo niya lang ang musika. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala, paanong ang simpleng kanta ay pwedeng magpagalit sa isang tao. Imbes na ma-relax ay nagagalit pa ito. Sabagay hindi niya rin naman ito masisisi, ito ang huling ala-ala niya sa nanay niya bago ito mamatay kaya nirerespeto niya ang binata.
****
"Ma, kamusta po kayo dito?" pagtatanong ni Aurora sa nanay habang nakaupo ito sa silya malapit sa ginang. Hawak-hawak pa nito ang kamay ng ginang at kanina pa hindi binibitawan.
"Ayos lang ako tsaka may nag-aasikaso naman sa 'kin. Kilala mo ba si Olivia Alvarez? Ang sabi kasi ng nurse na nagbabantay sa 'kin rito siya daw ang sumagot ng lahat ng kailangan ko. Hindi ko tuloy alam kung papaano ko siya mapapasalamatan." biglang natigilan si Aurora at parang naputulan ng dila. Si Mrs. Olivia, nagpapasalamat siya dahil hindi nito pinapabayaan ang nanay niya. Labag man sa kalooban ni Aurora ay kailangan niyang magsinungaling sa nanay.
Hindi pa nito alam ang tungkol sa pagtigil niya sa pag-aaral. Ang alam lang nito ay busy siya sa pang-araw araw na gawain sa eskwelahan o di kaya'y nagtatrabaho siya sa library ng kanyang paaralan.
Hindi siya pinalaki ng nanay niya para maging sinungaling pero wala siyang pagpipilian ngayon. Siguradong mag-aalala lang ito at baka madagdagan pa ang sakit na nararamdaman nito. Huminga siya ng malalim tsaka ipinagdasal na sana maniwala sa kanya ang ina sa bawat pagsisinungaling niya.
"Ah isa po siya sa mga nagrepresentang tumulong sa inyo kasi nalaman ng eskwelahang pinapasukan ko na may sakit kayo. Gusto daw nilang tumulong," napalunok si Aurora at bahagyang nanginginig ang kanyang tuhod. Hindi niya maatim na magsinungaling rito pero anong magagawa niya.
Siguro sasabihin niya nalang ang totoo kapag gumaling na ito o kung gagaling pa ba ito. Naniniwala naman siyang walang sikretong hindi nabubunyag, siguradong ano mang oras malalaman din nito ang totoo pero sa ngayon 'wag na muna. Ayos lang na siya ang maging masama basta't makaligtas lang ito at makasama pa ng matagal.
Tumango lamang ang ginang bilang pagsang-ayon. Sa kabilang banda alam ng ginang na hindi nagsasabi ng totoo si Aurora. Anak niya ito at siya ang nagpalaki rito kaya alam niya kung kailan ito nagsasabi ng totoo at hindi. Sa ngayon paniniwalaan niya ang alibi nito. Sigurado naman siyang hindi magsisinungaling si Aurora ng walang dahilan, marahil ay inaalala pa rin nito ang kalagayan niya.
Matapos ang ilang kamustahan ay nagpaalam na si Aurora at sinabing may gagawin pa silang project sa eskwelahan. Sa pangalawang pagkakataon ay nagsinungaling na naman siya.
Hindi kasi siya pwedeng magtagal sa ospital dahil siguradong hahanapin siya ni Knight at baka maghinala pa ito mabuti nang nag-iingat.
Lumabas na siya ng silid at naglakad sa pasilyo. Muntik pa niyang makalimutan ang plano. Agad siyang tumakbo at nagtungo sa third floor ng ospital kung saan nakadestino ang opisina ng tatay nitong doctor. Sa pagkakasabi kasi ni manang ay hindi gaanong close ang mag-ama kaya paanong nandoon si Gray nang gabing tumawag ang tatay niyang hudas.
Hanggang ngayon pala hindi na tumawag ulit ang tatay niya. Ganyan naman talaga ang mga lalaking pera lang ang nasa isip.
Sumakay na si Aurora sa elevator at nagtungo sa third floor. Nang makalabas ay nagtanong agad siya sa nurse kung saan banda ang opisina ng tatay ni Gray. Itinuro naman nito ang pinto sa dulo ng operating room. Nagpasalamat siya rito tsaka naglakad papunta don.
Actually hindi alam ni Gray na pupuntahan niya rin ang tatay nito. May gusto lang talaga siyang malaman at isa pa siguradong hindi na mag-aabala pa si Gray na puntahan ang kinalalagyan niya dahil wala naman itong pakialam sa tatay niya.
Siguro nandoon na naman 'yon sa coffee shop sa baba. Ang buong akala niya talaga sa tuwing wala ito sa mansyon ay nandidito siya at tinutulungan ang doctor pero hindi pala. May tinatagong kalokohan ang abong 'yon.
Huminto si Aurora sa nasabing kwarto kakatok pa sana siya ng makita ang nakalagay sa pinto.
Dr. George Ramirez
May napansin lang si Aurora, kung sila Knight ay Alvarez ito namang tatay ni Gray ay Ramirez. Uso ba talaga ang apilyedong may 'rez sa hulihan. Napatawa nalang si Aurora sa naisip at ipinagpatuloy ang pagkatok.
Matapos ang apat na beses niyang pagkatok ay biglang bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang isang lalaking may katandaan na at kitang-kita rin ang pagod sa mukha nito. Ganito ba talaga kapag doctor palaging pagod?
Napansin naman niya ang name tag suot nitong lab gown na karaniwang suot ng nga doctor
Dr. Ramirez
Kung gano'n tama nga ang napuntahan niya. Ito nga ang tatay ni Gray. Kapansin-pansin ang mga nagkalat na papeles sa lamesa nito at marahil ay natambak na. Bigla tuloy siyang naawa sa doctor, ang akala pa naman niya ay tinutulungan siya ng anak nito pero hindi pala. Mapagsabihan nga 'yon mamaya.
"Ah, kayo po ba ang tatay ni Gray?" kahit halatang ito nga ay gusto pa ring makumpirma ni Aurora. Mahirap na.
Tumango lang ang doctor at pinapasok siya sa silid. Inanyayahan siya nitong maupo sa magkabilang silya tsaka siya tinanong.
"Anong maitutulong ko sa 'yo iha?" kahit pala matanda na ay bakas pa rin ang awtoridad sa boses nito at literal na malaki ang boses niya parang si Gray lang.
"Pinapasabi po pala ni Gray na kung pwede ay pumunta po kayo sa bahay ni Mrs. Olivia." binigay ni Aurora ang address nila Knight at tsaka ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Gusto niya daw po kayong makasalo mamayang gabi at tsaka namimiss na raw po niya kayo," nakangiting sambit ni Aurora. Agad namang kumunot ang noo ng dalaga ng makitang tumawa lang ang doctor at animo'y isang magandang biro ang narinig.
"Kilala ko ang anak ko. Hindi niya ako iimbitahing makasalo dahil noon pa ay ayaw na niya sa 'kin. Isa ka ba sa girlfriend ng anak ko?" Isa sa naging girlfriend? Tama nga ang hinala niyang playboy nga itong si Gray, halata naman sa tindig nito hindi nga lang siya makapaniwala.
"Hindi po, hindi po" mabilis na depensa ni Aurora at iminuwestra pa ang kamay.
"Kung ganon kaano-ano ka ng anak ko? Imposible namang kaibigan dahil maganda ka at isa pa si Knight lang ang alam kong kaibigan nito," tumayo ang doctor tsaka binuhat ang kumpol ng papeles sa kabilang lamesa bago bumalik sa pwesto nito. Mukhang busy nga ito sa lagay na 'yan. Gusto man niyang tulungan ito ay hindi pwede dahil wala siyang alam sa mga aparato nito at baka makadagdag lang siya sa kalat na nababalot sa buong silid.
"Girlfriend po ako ni Knight. Kaya kaibigan na rin po ang turing sa 'kin ni Gray. May gusto lang po kasi akong malaman–" biglang naputol ang salita ni Aurora ng mapatayo bigla ang doctor at parang nakakita ng multo.
"Laureen? Pero patay ka na hindi ba?" napakagat nalang ng labi si Aurora. Hindi niya alam na patay na pala ang dalaga walang binabanggit sa kanya si ma'am Olivia maging si manang.
"Actually sir, I'm not Laureen but you can call me by that name since I'm pretending to be the girlfriend though. According to ma'am Olivia may amnesia daw po si Knight at aksidenteng nabanggit nila ang pangalan ni Laureen kaya nagtanong si Knight. Alam niyo naman po siguro ang tungkol sa pagtangka ni Knight na magpakamatay kaya naintindihan ko po ang nararamdaman ni ma'am Olivia." parang nabunutan ng tinik ang doctor at napabuntong hininga. Bumalik ito sa pagkakaupo at seryoso siyang tinignan.
"I'm getting oblivious since I turned seventy's. I also forgot Laureen's face but I can remember her beautiful name, if you're not informed Laureen died months ago because of a car accident. Anyway you can ask Olivia about that if somethings bothering you." tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad-lakad na parang may malalim na iniisip.
"Olivia called me two days ago and according to her, you're Aurora the one who will pretend to be the girlfriend. I just want you to be aware that Knight is a type of guy whom not easy to be fooled so be careful" suddenly Aurora smiled not because the doctor is concern to her but she feel like he's acting as if it is her father and she's the daughter. Sa madaling panahon ay naging magaan ang pag-uusap nila. Sana ganyan rin sila ng tatay niya kung hindi lang ito umalis at nag-asawa ng iba.
Iwinaksi ni Aurora ang nasa isip at itinuon ang sarili sa doctor na kaharap.
"Do you mind sir if I would ask you a few question about your son" biglang naging seryoso ang atmospera nilang dalawa.
"Sure," tumango lang si Aurora at nagbato ng ilang tanong, maagap namang sinagot ito ng doctor.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro