Chapter 13
Pagdating niya sa garden ay nadatnan niya si Knight na nakatulala lang sa kawalan. Hawak parin nito ang gitara pero hindi na nito pinapatugtog. Lumapit siya rito tsaka naupo sa katabing upuan.
Hindi parin yata siya napansin ng binata dahil patuloy pa rin ito sa pagtitig sa kawalan. Anong iniisip nito?
Tinapik-tapik niya si Knight pero ayaw parin nitong pansinin siya. Nainip na siya dahil sa kabobohang ginagawa niya at dahil atat na siyang kumain ng ice cream ay tumayo siya at humarap kay Knight. Nakatulala parin ito kaya kumuha siya ng konting ice cream tsaka isinubo 'yon ng may papikit-pikit pa. Nakasubo na siya ng ilang beses pero ayaw parin talaga siyang pansinin ng binata. Hindi ba ito naiinggit sa ice cream niya?
Inilapag niya sa upuan ang ice cream tsaka inilapit ang mukha sa gilid ng mukha nito. Walang ano't-ano ay sumigaw siya ng napakalakas sa kabilang tenga nito dahilan para mapasigaw rin si Knight sa gulat. Napatawa nalang si Aurora sa inasta ng binata.
Sinapo pa niya ang tiyan dahil sa kakatawa habang nakatitig sa kanya si Knight suot ang galit nitong mukha. Napaka seryoso kasi nito kaya ayan tuloy.
"Ice cream" sambit ni Auora tsaka inilapit sa harap nito ang vanilla ice cream.
Tinitigan lang ito ni Knight tsaka muling ibinalik sa kanya ang tingin. Ito naman hindi mabiro. Ang sama parin ng tingin nito sa kanya.
"Ayaw mo?" dahan-dahang ibinaba ni Aurora ang mangkok tsaka nagsalita. "Edi don't"
"Pwede ba 'wag mo nga akong guluhin. Hindi ka nakakatawa. Nagmumukha kang bata." pabalang sambit ng binata tsaka tumingin ulit sa kawalan habang suot ang seryoso nitong mukha.
Badtrip siguro 'to. "Sorry" mahinang bulong niya tsaka sumubo ulit ng ice cream.
"I saw you kasama mo si Gray. What are you doing?!" iritang sambit ni Knight tsaka bumuntong hininga.
"Sumabay lang ako sa kanya pauwi. Nanggaling kasi–" hindi na natuloy ni Aurora ang sasabihin ng biglang magsalita ulit si Knight.
"Kapag si Gray pwede pero sa 'kin hindi. Manang already told you na kung aalis ka kailangan kasama ako but you dissagree. Tapos ngayon makikita ko nalang na kasama mo si Gray and worst hindi ko alam na may relasyon pala kayong dalawa!" nakipagtitigan na si Knight kay Aurora. Kabado namang inilihis ni Aurora ang tingin tsaka sumubo ulit ng ice cream.
"Kaibigan ko lang siya tsaka nagkataon lang na nandon din siya sa department store." parang batang nagpapaliwanag si Aurora. Muntik nga niyang makalimutang boyfriend niya kuno ang lalaking katabi niya ngayon tsaka malay ba niyang nandon rin si Gray.
Hindi na nagsalitang muli si Knight kaya ipinagpatuloy niya nalang ang pagkain ng ice cream. Ganyan talaga siya kapag kinakabahan idinadaan nalang sa pagkain. Mabuti nga hindi siya tumataba.
Napatigil siya sa pagnguya ng makarinig ng magkakasunod na busina sa tapat ng gate. Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok ang isang binata habang may dala-dalang mga bagahe. Pinakatitigan pa niya ito hanggang sa makilala kung sino ito.
"Abo?" wala sa sariling sambit ni Aurora at hindi inaalis ang tingin sa lalaki.
"Who the fuck is Abo?!" sigaw ni Knight kaya napunta rito ang atensyon niya. "Don't tell me bukod kay Gray meron ka pang ibang lalaking nakakasama!"
Napamaang nalang siya sa pagkamangha. Ang laki naman ng imagination ni Knight bilib na siya.
"Gago! Si Gray ang tinutukoy ko. Diba kaibigan mo 'yan?" hindi na muling nagsalita si Knight. Mukhang napahiya yata. Ayan kasi puro tamang hinala.
"Knight men! Nagpaalam na ako kay Tita tsaka alam ko namang mahal na mahal mo ako kaya dun nalang ako sa kabilang kwarto mo." nakipagkamay si Gray kay Knight nang hindi man lang binabalingan si Aurora. Parang hindi niya napansing may ibang tao pa pala rito bukod sa kanila. O mas tamang sabihin na sinadya talagang hindi siya pansinin. Galit siguro siya rito.
Nagpatuloy lang si Aurora sa pagsubo ng ice cream na malapit niya ng maubos habang pinapanood ang dalawang mag-usap sa harapan niya. Badtrip hindi talaga siya pinansin ni Gray.
Pagkaubos niya ng ice cream ay akmang kukunin niya na sana ang ice cream sa isang mangkok ng maunahan siya ni Gray sa pagkuha.
"Akin na 'to ah," nakangiting sambit niya tsaka ito sumubo. Napasimangot nalang si Aurora at walang ibang nagawa kundi umalis at kumuha ng sa kanya. Naa-out of place rin siya, usapang magkakaibigan 'yon e girlfriend lang naman siya na mukhang pera.
Padabog na tumayo si Aurora tsaka naglakad paalis. Wala siyang choice.
"Ito naman nagtampo agad," sigaw ni Gray sa direksyon niya pero hindi na niya 'to pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makapasok sa kusina.
Kumuha ulit siya ng ice cream, this time parehong chocolate na ang kinuha niya para sa kanilang dalawa ni Knight. Nakakahiya naman baka sabihan siya nitong walang ka-sweetan sa katawan naturingan pa siyang girlfriend niya kuno.
Nang matapos kumuha ay bumalik ulit siya sa garden at napanganga ng makitang pinagpapasahan ng dalawa ang kulay pink na walllet niya. Oo nga pala, 'yong wallet niya nakalimutan niyang kunin 'yon kanina.
"Hoy! Mga gago kayo, akin na 'yan." sigaw ni Aurora at nagmadaling makalapit sa kanila.
Inilapag niya sa upuan ang dalawang mangkok tsaka marahas na inagaw ang wallet sa kamay ni Gray. Itinago niya agad 'yon sa suot na damit tsaka marahas na napairap sa hangin. Mga putangina talaga 'to.
Kakain na sana siya ng ice cream ng maalala niya kung kanino ang isa. Mabait naman siya e kaya lumapit siya sa harap ni Knight tsaka inilahad ang mangkok ng chocolate ice cream. Nakangiti naman nitong inabot ang ice cream tsaka ngumiti. Nakakakilig jusko.
Bumalik na si Aurora sa pwesto tsaka nagsimulang lantakin ang kanya. Susubo pa sana ulit siya ng magsalita si Knight. "Thank you, baby" agad na napaubo si Aurora tsaka tunapik-tapik ang dibdib. Tumayo siya tsaka mabilis na tumakbo pabalik sa kusina at uminom ng tubig. Punyemas!
****
"Akala ko ba hindi ka kumakain ng chocolate na ice cream. Di ba nga sabi mo malagkit tsaka masyadong matamis kaya nga inagaw ko 'yong sayo kanina diba?" pagsasalita ni Gray habang nakakunot ang noo. May nag-iba talaga e.
"Gray, people change tsaka bakit ko naman tatanggihan ang girlfriend ko," nakangiting sambit ni Knight at binigyang diin ang salitang 'girlfriend ko'.
"Tss walang forever. Maghihiwalay din kayo" ngayon naman ay si Gray ang nakangiti ng nakakaasar. For I know bitter lang talaga siya sa pag-ibig dahil wala siyang pagmamay-ari. Minsan nga ay nilalandi na niya ang nga nurse at mga pasyente sa ospital para lang makahanap ng the one pero wala talaga. Ayaw niya ng mga doktora na palaging nasa ospital at nakasuot ng stethoscope gusto niya mga babeng palaging naka-scarf at may hawak na mga maleta. Mga babaeng mahilig sa eroplano at palaging naglalayag sa kalangitan. In short mas gusto niya ng flight Attendant kaysa mga doctor.
"Makakahanap ka rin ng babaeng aalagaan ka katulad ng pag-aalaga niya sa mga pasyente niya," nakangiting sambit ni Knight. Tinapik-tapik pa nito ang balikat ni Gray na bahagyang nakapagbigay inis kay Gray.
"F.A. nga hindi doctor. Gusto ko ng babaeng mahilig sa eroplano" pahayag ni Gray kaya napatawa nalang si Knight.
"Your father wants you to follow his step. He wants you to be a doctor at alam kong wala kang ibang magagawa kundi sundin siya. Ganyan ka naman, parang tuta" sambit ni Knight kaya napasimangot nalang si Gray at isinubo ang ice cream.
"I'm not a puppy anymore. After five years magiging piloto rin ako at hindi doctor. Pustahan pa tayo," napatawa nalang ang dalawa tsaka nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain. Hindi na rin bumalik si Aurora sa pwesto niya kaya ng maubos ng dalawa ang kani-kanilang ice cream ay nag-agawan pa sila kung kanino mapupunta ang ice cream ni Aurora.
Syempre ang boyfriend ang may karapatan pero dahil sa si Gray ang nagbayad nauwi sila sa rambulan hanggang sa masagi nila ang ice cream at matapon. Sayang!
****
"Manang matagal na po bang magkaibigan si Knight at Gray?" pagtatanong ni Aurora habang nakasilip sa bintana at tinatanaw ang dalawang nag-uusap.
"Magmula pa ng bata magkaibigan na sila, ito ang itinuring na pangalawang tahanan ni Gray matapos mamatay ng nanay niya dahil sa aksidente." umupo si manang sa katabing silya at tsaka hinalo-halo ang tinimplang kape.
"Anong pong klaseng aksidente?" Aurora can't stop herself from asking. She just want to know more about the two of them and besides manang is in her free time so why not.
Manang just shrugged and sip some coffee. It took her a minutes before answering Aurora's question.
"Piloto ang mama niya katulad ng papa ni Knight. Kasagsagan noon ng bagyo ngunit kailangan nilang lumipad papuntang Myanmar upang maghatid ng tulong. Dalawang araw silang nagtagal roon at habang lumilipad sila pabalik biglang nagkaaberya. Walang malinaw na paliwanang ang mga awtoridad siguro dahil sa lakas ng hangin at sama ng panahon ay biglang nagkaproblema ang eroplanong pinapalipad nila. Nang gabing 'yon narito si Gray kasama si Knight at nagkataong nanonood ako ng balita ng sabihing nag-crash ang eroplano ng fly emirates at ang mahigit dalawampo't katao ay nasawi. Walang nakaligtas sa kanila," yumuko ang matanda tsaka pinunasan ang tumakas nitong luha. Marahil ay nasasaktan pa rin siya sa nangyari. "Mula noon nagbago na si Gray. Dito na siya palaging nakatambay at palaging nagbabarkada kasama si Knight. Lumayo rin ang loob niya sa tatay niya at minsan lang sa isang buwan sila mag-usap o kaya magkita." matapos ikwento ng matanda ang nangyari ay hindi napigilan ni Aurora ang malungkot.
All this time she just fool by his smile. She thought Gray's life was happy and perfect. Masyado siyang nadala sa mga ngiti nitong ipinapakita sa kanya.
Aurora parted her lips when she saw the two laughing together, it seems like they don't had a bad memory in the past. Maybe they moved on and realize that even they will shed a tears all the time there love ones will never bring back in life. It looks like she's lucky to have her mother even though it has a cancer. She's lucky enough because her mother is alive and breathing, she wipe her tears when she remember that her mother is near in death.
It's sad that forever does'nt exist. Time will pass and human will die. New generation will born to experience life and after that they will die too.
Her mother will die soon and even if she'll disagree she can't do anything because she's not a God. She don't have the power and all she can do is accept the fact even if it hurts and live forward. That's the cycle of life the only important is save your time. Make friends, explore and discover some new things. Make your dream come true and by the time comes, you will have your own happiness and build a family.
Aurora stand and walk toward manang. She hug her tightly and the old lady respond too.
"Salamat sa pag-aalaga sa kanila manang," Aurora sounds so sweet and charming. No wonder why Olivia pick her and pretend to be the girlfriend.
Habang nagyayakapan ang dalawa ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang dalawang binatang nagtatawanan.
"Aurora payakap din ako," sigaw ni Gray kaya't biglang natuon ang pansin ng dalawa sa binata. She just laugh. Childish.
Lumapit siya rito at akmang yayakapin na sana ng hilahin ni Knight ang kaliwang kamay nito at niyakap.
Hindi pa tumatagal ng tatlong segundo ang kanilang yakapan ay biglang bumitaw si Aurora. Muntik niya ng makalimutan na nagpapanggap lamang siya. Hindi siya si Laureen at isa pa baka isipin ni Gray na nagte-take advantage siya dahil lang sa ginagampanan niyang karakter.
"Ah manang di ba magluluto na kayo? Tutulungan ko nalang po kayo. Halika na po," sambit ni Aurora tsaka pilit na pinatayo ang matanda at nagtungo sa kusina.
"Weird" bulong ni Knight na hindi man lang nakaligtas sa pandinig ni Gray. "Ang baho mo daw kasi," pag-iiba ni Gray upang hindi na magtaka pa ang binata. Inamoy naman ni Knight ang suot at bumalik sa seryoso nitong pagmumukha. Halatang hindi niya nagustuhan ang nangyari.
Ayon nga sa napag-usapan. Kailangan ni Gray na ibaling sa ibang atensyon si Knight upang hindi ito maghinala. Mahirap na at baka mapahamak pa si Aurora. Knowing Knight, ayaw nito ng niloloko siya katulad ng nangyari months ago.
Knight is his childhood friend. He wants to see his old friend but Knight seems changed, the way it talk, the way he treat him. It was like he was a plain stranger to him. He laughs when he remembered that Knight is in a temporary amnesia. He almost forgot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro