Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Mabibigat ang mga hakbang ni Aurora habang tinatakbo ang kahabaan ng Magallanes Street. Panay ang pahid niya sa pawis at di alintana ang init at pagod makarating lang sa paroroonan. Mahigit kalahating oras na siyang tumatakbo habang walang tigil sa pagluha ang kanyang mga mata. Pinagtitinginan na rin siya ng mga taong nadadaanan at animo'y nagtataka sa kinikilos nito.

Walang perang dala si Aurora kaya hindi siya makakasakay ng pampasaherong sasakyan at pinili nalang takbuhin ang mahabang kalsada makapiling lang ang ina. Panay rin ang tahol ng mga asong nadadaanan niya at wari'y umaagaw ng pansin sa ibang tao.

Gayunpaman hindi alintana ni Aurora ang mga matang nanunuod sa kanya. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya at 'yun ay ang ina.

Isinugod ang kanyang ina kani-kanina lang at tumawag sa kanya ang kapitbahay upang ipaalam ang tungkol dito. Hindi na rin siya nag-abalang magpaalam sa gurong kasalukuyang nagtuturo nuon. Basta-basta lang siyang lumabas at kumaripas ng takbo.

Tumigil siya sa pagtakbo nang nasa harap na siya ng Dela Vega Hospital. Ang ospital kung saan isinugod ang ina. Agad siyang pumasok at nakita ang nurse sa front desk. Tinanong niya kung anong room number ang kinalalagyan ng ina at nang makuha ang sagot ay lakad takbo ang ginawa niya.

Pinahid niya muna ang pawis at maging ang mga luha bago huminga ng malalim at pihitin ang pinto. Isang malungkot na ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi habang ine-eksamin ang sitwasyon ng ina. Siya ang nasasaktan sa nakikita.

Maraming nakalagay na tubo sa iba't-ibang parte ng katawan nito ngunit ang mas nakapagpaluha sa kanya ay ang pagod na mukha nito. Bakas ang hirap at sakit ngunit pinipilit parin nitong lumaban.

Hindi tumigil sa pag-agos ang kanyang mga luha ngunit pinipigilan niya ito. Ayaw niyang magmukhang mahina sa mga ganitong sitwasyon. Wala siyang magawa kundi umiyak ng palihim habang pinapanood ang inang mahimbing na natutulog at dinadama ang bawat sakit.

Kung pwede niya lang hatian ito sa sakit na nararamdaman ginawa niya na. Ayaw niyang makitang nagkakaganito ang ina. Ayaw niyang makitang nahihirapan ang taong mahal niya.

Binalot ng katahimikan at tanging mahinang paghikbi lang ang maririnig sa buong  kwarto.

Sa isang segundo hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa ina at mahigpit na nakayakap habang patuloy parin sa pagbagsak ang mga butil ng luha. Naramdaman naman niya ang mahinang pagdampi nito sa kanyang braso kaya mas hinigpitan pa nito ang yakap.

"Tahan na, anak. Tahan na magiging maayos din ako," sumilay sa mukha ng ginang ang isang ngiti ngunit iba ang isinisigaw ng kanyang mga mata. Napahagulgol nalang si Aurora at walang ibang ginawa kundi yakapin ang ina.

"Mama bakit hindi mo sinabi sa'kin?!" garalgal na boses ang lumabas kay Aurora. "Bakit kailangan mo pang itago, mama."

"Hindi na kailangan dahil malalaman mo rin naman. Tanggap ko na ang magiging kapalaran ko at kung sakaling mawala ako pakiusap 'wag mong iiwan ang pangarap mo" malumanay ang tinig nito habang sinasambit ang mga katagang nakapag-pawasak kay Aurora.

"Hindi mama. Hindi ka pwedeng mawala. Kaya natin 'to please 'wag kang sumuko. Yung pangarap ko, pangarap natin, mama please breath for me!" tinakpan ni Aurora ang mukha habang patuloy sa pag-iyak.

"Hangga't kaya ko Aurora, hanggang't kaya ko lalaban ako para sayo. Ngunit kung dumating man ang araw na kailangan ko ng mamaalam, ipangako mong hindi ka iiyak. Ipangako mong magiging malakas ka at tutuparin mo ang lahat ng pangarap ko. Hihintayin kita sa langit anak, hihintayin kita." tumango na lamang si Aurora kahit ang totoo ay alam niya sa sarili niyang magiging mahina siya. Kahit na ang totoo ay mawawalan ng silbi ang buhay niya kapag nangyari ang kinakatakutan niya.

May Cancer ito stage four, matagal na at ngayon niya lang nalaman. Mababa ang tyansang makasurvive ang ina pero malaki ang tiwala niya sa Diyos. Hindi niya ito kukunin sa piling niya dahil ito nalang ang siyang dahilan kung bakit lumalaban siya. Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang maabot ang pangarap niya at kung mawawala ito, mawawalan na rin ng silbi ang buhay at pangarap niya.

"Gagawa ako ng paraan mama hindi ko hahayaang mawala ka sa'kin. Kaya natin 'to mama, laban lang," pilit na pinapagaan ni Aurora ang sitwasyon.

"Wala tayong sapat na pera anak, masyadong malaki ang kakailanganin. 'Wag na mas pipiliin ko pang mamatay nalang ngayon kaysa ikaw ang maghirap. Ayoko Aurora huwag ka ng mag-abala dahil dun rin naman pupunta ang lahat."

"Mama! gagaling ka. 'Wag kang mag-isip ng ganyan. Hindi ko kakayaning mawala ka. Kaya kong maghirap para sa'yo kung ang kapalit nun ay ang buhay mo," hindi na nakontrol ni Aurora ang boses. Natatakot siya sa mga posibleng mangyari. Hindi niya kaya.

"Aurora naging mabuti kang anak. Nabuhay kang walang kinilalang ama kaya alam kong kakayanin mo rin kung mawawala ako. Huwag mong sayangin ang pagod mo sa'kin dahil matagal ko ng tanggap at hinihintay ko na lamang ang tamang oras–" hindi na naituloy ng ginang ang sasabihin ng sumigaw ang anak.

"Ano ba?! Kakayanin mo 'yan huwag mo naman akong patayin ng dahan-dahan mama. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawawala. Kung kailangan kong isugal ang buhay ko gagawin ko, maisalba ka lang kaya mama huwag ka namang ganyan. Huwag mo naman akong saktan ng ganito. Lumaban ka naman mama kahit para nalang sa pangarap ko" panay ang hikbi ni Aurora habang nagpapaliwanag sa ina.

"Naaalala mo ba, minsan ko ng sinabi sayo na isasakay kita sa eroplano sa pinakaunang lipad ko. Hindi ba't sumang-ayon ka nun kaya mama panindigan mo. Hintayin natin mama, dalawang taon na lang." huling sambit ni Aurora bago naglakad at lumabas sa kwarto.

Kasabay ng pagsara niya sa pintuan ay ang muling pagpatak ng mga luha at walang humpay na paghikbi. Masyado siyang naaapektuhan. Masyado siyang nilalamon ng kalungkutan.

Habang naglalakad palabas ay hindi sinasadyang makabangga niya ang isang ginang. Nagkalat ang laman ng kanyang bag kaya agad niya itong pinulot isa-isa bago ibalik sa ginang at hindi na nag-abalang tignan pa ang ito.

Nakarating siya sa garden ng ospital at duon pinakalma ang sarili. Masyado siyang napuno sa araw na ito. Kailangan niya ng pahinga at kapayapaan. Napapitlag siya ng may maramdamang tumabi sa kanya.

Tinignan niya ito at tumambad ang isang babaeng maganda. Sa tanto niya parang magkasing edad lang sila ngunit angat ang ganda nito. Inabutan siya nito ng kape na agad din niya namang tinanggap at nagpasalamat.

"Care to tell me why did you cry so hard? You know you look like a gurang na." malumanay at napakagandang boses ang lumabas mula rito.

Hindi kumibo si Aurora at patuloy lamang sa pagsimsim ng kape. Wala siyang balak magkwento sa mga estranghero katulad ng babaeng ito.
Sayang lang sa oras.

"Your so mean, I'm just concern to you"

"Wala lang ako sa mood magkwento lalo pa't sa isang estranghero" pabalang na sagot ni Aurora

"Edi magpapakilala ako." masayang sambit ng babae at tsaka tumayo at humarap dito. Napamaang nalang si Aurora, ang akala pa naman nito ay inglisherang puro ang kausap niya marunong din naman palang magtagalog.

"Hi I'm Azaleah Dela Vega and you are?" inilahad pa nito ang kamay habang nakangiti.

"I'm Aurora Fernandez." walang emosyong sambit niya tsaka nakipagkamay kay Azaleah.

"Can I call you Rora? Oh it sounds like lola hahahaha what about Au? Yeah now that's sounds like a dog. Hmm you're name is so rare yet beautiful just like you. You just need some retouch." sambit ni Azaleah habang hawak-hawak pa ang magkabilang bewang.

"Wait, you can call me Zale or Leah just don't call me Aza, you know it sounds so matanda."

Napatawa nalang siya dahil sa kaartehan ng babaeng nasa harapan. Ngayon niya lang napansin na hindi lahat ng inglishera ay mayabang, katulad ni Aza, medyo kikay nga lang pero nakakatuwa naman. Napatigil siya sa pagtawa ng mapansing kanina pa nakatitig sa kanya si Aza.

"Did I just heard you laugh? Ow your tawa is so nakakatuwa. So now, were not plain stranger anymore cau'ze you know na what's my name and I know yours. Kindly tell me what makes you cry, Aurora?"

Walang nagawa si Aurora kundi ang sabihin rito ang mga naging kaganapan sa araw na ito. Nang matapos ay bakas sa mukha ni Aza ang awa at pagkalungkot. Malungkot siyang ngumiti upang sabihin ditong magiging maayos din ang lahat kahit pa alam niya sa sarili niyang imposible ang bagay na iyon.

"What about your dad? Where is he?"

"Wala akong tatay."

"You what? So paano ka nabuo kung wala kang tatay, ah maybe someone  donate some sperm–" hindi na naituloy ni Aza ang sasabihin ng tumayo bigla si Aurora at naglakad papalayo.

"Hey, what's wrong?"

"Hindi mo na kailangan pang buklatin ang bawat pahina ng buhay ko. Kailangan ko naring umalis, salamat." sambit niya bago maglakad palabas at umuwi.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro