Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

REASON ONE

KABANATA I: SECTION ELEVEN
This chapter is dedicated to licality-

LIEM'S POV

Napaismid ako ng galit na dumating si Miss Roces sa office. Alam kong galit na galit sya ngayon, baka nga sa sobrang galit nya ay ipakick-out na nya kami sa school.

"SECTION ELEVEN! SINONG NAGSABI SA INYONG GAWIN IYON?" sigaw nya ng tuluyan syang makaupo sa swivel chair nyang bago. "TALAGA BANG PINATUTUNAYANG NYONG MGA UTAK KRIMINAL KAYO?"

"Haha, iyong sungay nya humahaba nanaman." natatawang bulong ni Kisses sa akin dahilan para matawa rin ako.

"At kayong dalawa? Miss Frances at Miss Ignacio! Anong itinatawa-tawa nyo dyan?" hindi kami sumagot ni Kisses at nanatiling nakayuko— pasimpleng tumatawa. Ang hitsura ni Miss Roces, akala mo anytime ay papatay sya ng tao. "Talaga bang hindi ko na kayo mapipigilan?"

"Isn't it too obvious, Roces?" inis na tanong ng pinsan kong si Liam. Natawa nalang ako, kahit kailan ay ganyan sya sumagot, kahit pa sa parents nya. "Walang makapipigil sa kung ano ang gusto naming gawin." he smirk.

"Really? Let's see!"

Naiangat ko ang ulo ko ng batukan ako ni Kisses sa ulo. "Tsk, what are you two doing?" inis na tanong ko sa kanila ni Luna.

"Yohan, your gentleman suitor! Hinihintay ka sa labas." kinikilig na sabi ni Luna at saka pinisil pisil ang pisngi ko.

"Yuck, so corny!" singhal naman ni Kisses. Palibhasa'y bitter pa sa Ex boyfriend n'yang cassanova. "Maiwan ko na nga kayo, kailangan ako sa council's room."

"Hmm, take care! Baka makasalubong mo si Sin sa daan, mademonyo ka na naman!" pangaasar naman ni Luna na hindi pinalampas ni Kisses, agad nyang binatukan si Luna at inis na lumabas.

Tsh.

"O, ano 'te? Dito ka lang ba? Aba't iyong chinito mong manliligaw ay naghihintay sa labas." kinikilig nyang sabi atsaka ako iniwan sa aking kinauupuan.

"ATE GIRL?"

"O, anong nangyari at hingal na hingal ka Lulu?"

"Nabalitaan nyo na ba?"

"Ha? Ang ano?"

"May tatlong galing sa Section One ang ililipat dito!"

Napalingon ako kay Lulu. Dahil ba 'yon sa nangyari?

"Talaga? Oh my gosh! Pogi?"

"Hindi, feeling ko nga ay mga walang ibubuga ang mga iyon!"

"Ha, bakit naman? Akala ko ba galing silang section one, ang ibig sabihin, matalino sila!"

"Iyong isa, si Alli! Iyong Vice President ng council?"

"Really? Tsk, kawawa naman sya!"

"Haha, oo nga e!"

"Iyong isa naman, mabait daw. Noemi raw ang name nya."

"Ano ka ba, walang mabait para sa section eleven."

"Alam ko, at itong isa naman. Ito raw yung matalino, yung valedictorian? Si Keziah!"

"What? Sayang naman iyong talino nya!"

"Ya, poor them! Haha!"

Napailing nalang ako, hindi ko alam kung magtatagal ba ang tatlong iyon sa section namin. Baka unang araw palang nila dito ay isumpa na nila.

"Liem, Liem? Hanap ka ni Yohan, kanina ka pa yata hinihintay sa labas." nakangusong tawag ni Ekko sa akin. Tinanguan ko lang sya at saka tumayo.

Yohan. Hindi ko alam kung bakit ayaw nya pa akong tigilan. Ayoko sa kanya.

Nang makalabas ako sa classroom, nakita ko syang nakayuko habang hawak hawak ang isang kulay blue na tupperware. Ano naman kaya iyon?

"Hmm," tikhim ko ng makalapit ako sa kanya "Anong ginagawa mo rito?"

Nakangiting iniangat nya ang ulo nya at inilahad sa aking harapan ang tupperware na hawak nya.

"Ano yan?" inis na tanong ko. Hangga't maaari, ayokong makatanggap ng kahit na ano galing sa kanya.

"Cookies, ipinagawa ko yan kay Mom, para sayo!" nakangiti ngunit nahihiya nyang sabi.

"Ayoko nyan," walang ganang sabi ko atsaka tinabig ang Tupperware na hawak nya.

"P-pero..."

"Ano ba?" inis ngunit mahinanong sigaw ko. Inis ko syang itinulak palayo ng magtangka syany lapitan ako. "Stay away from me."

Hindi na ako nagsayang ng oras at umalis sa harapan nya. Kahit kailan, nakakadiri sya. I hate him. I hate Yohan Yaz Ferrer, my gosh! Ipinapahiya nya ako.

Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis, isang babae na agad ang humarang sa daan ko.

I know her.

"Don't block my—"

"Kung gusto mo, lumihis ka ng daan." nitaas ko ang kanang kilay ko dahil sa sinabi nya.

"S-sorry? What did you say?"

"Pasensya na pero hindi ko na uulitin ang mga sinabi ko."

"Hindi mo ba ako kilala?" matapang at inis na sabi ko, tanging iling lang ang natanggap kong sagot mula sa kanya. "How dare you?"

"Sorry, hindi ko kasi alam na kailangan ko pa palang kilalanin ka." inosenteng sabi nya.

"For you fucking information, I'm Liem Zean Perez! And I am from section eleven."

"E, who cares anyway? Ako kasi, I don't care!"

"W-what?"

"Hehe, sa tingin ko marami ka pang sasayanging oras para tumayo rito. Osya, sige lang! Take you time, I need to go na kasi! Bye, hehe. Nice to meet you!" hindi agad ako nakakilos, saan sya kumuha ng lakas ng loob para sagut-sagutin ang section eleven na tulad ko? I hate her!

Allison, you'll pay for this.

ALLI'S POV

Patuloy ang aking pagtakbo habang palakas ng palakas ang buhos ng ulan sa dinaraanan ko. Hindi ko mapigilang mainis dahil parami na rin ng parami ang putik na lumalandas sa maputi kong binti. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa umulan?

Nang marating ko ang labas ng coffee shop, noon ko lang napansin ang maliit na karatulang nagpapahiwatig na hindi ito bukas.

Hindi ko napigilang mapamura sa inis. Kung alam ko lang sana na ganito ang maaabutan ko rito, hindi na sana ako nagpauto sa siraulong iyon.

Sumilong na muna ako sa shop at pinunasan ang braso kong basang basa na. Bakit ba hindi ko naisipang magdala ng payong?

Tsh.

"O, Alli. Anong ginagawa mo rito?" napalingon ako sa kung saan at sandaling inihinto ang ginagawa ko. Si Grey.

Pinangliitan ko sya ng mata bago ko sya batukan. "Wag mong sabihing galing ka nanaman dyan!" inis na sigaw ko atsaka itinuro ang mataas na building ng isang hotel malapit sa school namin.

"Hoy! Bakit ba ang dumi ng utak mo pagdating sa akin?" inis ding sabi nya na ikinatahimik ko. "Kasama ko si Sta—"

"BAKIT PINSAN KO HA? ANONG GINAWA MO SA KANYA!" nanlaki ang mga mata ni Grey at marahas na tinakpan ang bibig ko. "Hmmp!"

"A-ano ba? Damn, baka may makarinig sayo! Tsk," inis na sabi nya "Wala akong ginawa sa pinsan mo, okay? Inihatid ko lang sya sa classroom nya dahil wala syang payong!"

"Hmmp," pagpupumiglas ko dahil parang wala syang balak bitawan ang bibig ko.

"Hindi ko ito bibitawan hangga't hindi ako nakasisiguradong tatahimik ka!"

Pinangliitan ko muli sya ng mata at walang nagawa kung hindi ang tumango.

"Haha, mauna na ako." paalam nya.

"Hoy! Teka nga lang Grey," pigil ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya. "'Wag yung pinsan ko ha? 'Wag si Star!" babala ko sa kanya na ikinatawa nya.

Hindi nya ako sinagot at tumalikod lang. Kahit kailan talaga.

"Hindi ko sya type, Alli!" pahabol nya dahilan para titigan ko sya. Nakahinga ako ng maginhawa dahil sa sinabi nya. "Mas type kasi kita, haha!"

"Gago." natatawang bulong ko.

Sana ganyan nalang sya palagi. Madalas kasing nakikipag basag-ulo sya sa kahit na sinong matripan nya.

Napatingala ako ng mapansing tumila na ang ulan. Babalik nalang din siguro ako sa school.

Since isang building lang naman ang pagitan ng school namin at ng coffee shop, nilakad ko nalang. Hindi naman siguro ako mapapagod agad kung gagawin ko 'yon diba?

"TABI!" papasok na sana ako sa loob ng school ngunit agad na naagaw ng sigaw na iyon ang atensyon ko dahilan upang huminto ako at mapalingon.

Shit.

"Fuck," bulalas ko at sinubukang umatras ngunit huli na ang lahat. "What the hell!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang puro putik na ang skirt ko. Ang dumi ko na, wala along dalang extra-ng skirt. Paano na 'yan?

"Tsk, bakit ka kasi haharang harang?" napatingala ako sa nagsalita.

"So, ako pa ang may kasalan? So rude!" inis na singhal ko sa kanya, atsaka ko sya pinandilatan ng mata.

"Isn't it too obvious? Its your fucking fault!"

"Watch your wor—"

"Why should I?"

"Don't you know that I am Allison Zilean Rivera? The Vice President of the Student Council!"

"Who cares about your existence, anyway? Tsh," hindi makapaniwalang napanganga ako, hanggang sa hindi ko na namalayang naiwan na pala ang paningin ko sa ere. Ang bastos nya.

Wala syang manners!

"Hoy! Teka nga, hindi ka pa nagso-sorry ha!" hindi nya na ako nilingon pa. Fuck, I hate him!

"Alli, Alli! Nandyan ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap!" iritang sabi ni Kez.

Agad silang lumapit sa akin at tila awang-awa dahil sa nangyari sa akin. "O, anong nangyari sayo?" gulat na tanong ni Noemi.

"That guy, dahil sa walang pakundangang pagpaparking ng lalaking 'yon. Look at me!" naiiyak na sabi ko.

"S-sino?"

"Si E-elijah?"

"You know him?" inis na tanong ko kay Noemi, ngunit tango lang ang isinagot nya sa akin. "Elijah, ha!"

"Dapat hindi mo na sya pinatulan kanina, Alli." napailing ako dahil sa ika-walong beses sinabi nanaman in Kez ang linyang iyon.

"Ano ba? Ako ang kaibigan mo diba? Nakakainis ka naman e," asar na singhal ko kay Kez bago isarado ang locker ko. Mabuti nalang at may extra-ng skirt si Noemi, kung hindi ay mapipilitan akong magditch class ngayon. "Ako na nga yung kinawawa e."

"Tsk, binabalaan lang kita. Look Alli," agad na umayos ng tayo so Kez at nag cross arm sa harapan ko. "He's from section eleven."

"So? Normal na tao lang rin naman ang mga taga section eleven diba? Bakit ba kayo natatakot sa kanila, tsh!" hindi sumagot si Kez at umiling nalang.

"He's a gangster, Alli."

"And?"

"We should be afraid." sabat ni Noemi.

Gangster?

"Tao parin sya,"

"Tao nga ba?"

"What do you mean?"

"A, basta! Take care, sis. Hindi sya basta student ng LIS. Always rember, na ang mga students ng section eleven ay palaging may hidden agenda." babala in Kez sa akin bago sya tuluyang lumabas sa locker room.

What's with that hidden agenda? Bukod ba sa tapunan ng mga black sheeps students ang section eleven, may hindi pa ba ako nalalaman tungkol sa kanila?

Gangsters, sounds like interesting. Sa libro at movies ko lang naririnig and tungkol sa kanila.

Gangster in real life, let's see kung hanggang saan ang ibubuga nya.

"Girls, mabuti naman at nandito na kayo!" bungad ni Miss Roces ng makarating kami sa faculty room.

"Sorry kung pinaghintay po namin kayo, Miss." nahihiyang sabi ko.

"Okay lang iyon mga hija. By the way, take a seat."

"Tungkol saan po ba ang paguusapan natin, Miss?" sabat ni Kez ng makaupo sya.

"Hmm, tungkol sa section eleven." nagkatinginan kami nila Noemi na tila iisa lang ang nasa isip namin.

Section Eleven.

"Narinig nyo na ba iyong bagong kalokohang ginawa nila?"

"Bukod sa pagpintura ng itim sa gymnasium kaninang umaga, don't tell me may bago nanaman!" hindi makapaniwalang usal ko.

"Actually, ga'non na nga Alli." napailing ako at hindi makapaniwalang napatingin kay Kez at Noemi. Hindi rin sila makapaniwala sa narinig nila. "After lunch, pinasabog nila 'yong laboratory."

"WHAT?" sigaw in Kez.

"Yes, and ipinatawag ko kayong tatlo para humingi ng favor."

Nagkatinginan kaming tatlo nila Kez. Marahil nagtatanong din sila kung anong favor and gustong hingiin  ni Miss Roces, sa amin ngayon.

"Starting tomorrow ay sa section eleven na kayo papasok, that's what Dean Tine said. And my favor is, pakiusap baguhin nyo ang magulong section na iyon. "

"WAIT WHAT? NO WAY!"

Wala sa sariling nilandas ko ang daan papunta sa library. I really can't believe na sunod sunod ang kamalasan ko ngayong araw, isama mo pa iyong tungkol sa section eleven. Hindi ako makapaniwala na papasok kaming tatlo nila Kez, noon. All I know ay hindi ko gusto.

AYOKO!

Agad akong napahinto ng matanaw ko si Yohan, sa malayo palang ay tanaw ko na ang kagwapuhan nya.

"Ano ba?" napabalik ako sa reyalidad ng tumaas ang boses ni Liem, I know her. Sya iyong masungit na taga section eleven. Ang babaeng gustong gusto ni Yohan. "Stay away from me."

Agad na naginit ang ulo ko ng sabihin nya iyon. Hindi ba't dapat magpasalamat sya? Dahil yung lalaking gusto ko, ay sya yung gusto? Ang sama talaga ng ugali nya. I hate her!

Ipinapahiya nya si Yohan!

Agad akong humaramg sa daan nya. Inis naman na pinanliitan nya ako ng mata.

Sino ba sya sa akala nya?

"Don't block my—"

"Kung gusto mo, lumihis ka ng daan." usal ko, mataray na itinaas nya ang kanyang kanang kilay at parang nagtitimpi sa ginawa ko.

"S-sorry? What did you say?"

"Pasensya na pero hindi ko na uulitin ang mga sinabi ko."

"Hindi mo ba ako kilala?" matapang at inis na sabi nya, tanging iling lang ang natanggap nyang sagot mula sa akin. "How dare you?"

"Sorry, hindi ko kasi alam na kailangan ko pa palang kilalanin ka." inosenteng sabi ko, ang totoo nyan marami akong alam tungkol sa kanya.

"For your fucking information, I'm Liem Zean Perez! And I am from section eleven."

"E, who cares anyway? Ako kasi, I don't care!"

"W-what?"

"Hehe, sa tingin ko marami ka pang sasayanging oras para tumayo rito. Osya, sige lang! Take you time, I need to go na kasi! Bye, hehe. Nice to meet you!" hindi agad sya nakakilos, alam ko na sa mga oras na ito ay kinamumuhian nya na ako, Well I don't care. I just hate her!

"You? What are you doing here, stupid?"

|To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro