Chapter 7
Sige na nga! Matanda na kung matanda! Panahon na ni Macoy! Diyan sumikat ang isa sa mga idol ko. Hehe🤣! Eto na ang isa sa mga kanta niya. Hulaan nyo kung ano ang title at kung sino siya.
~~~~~~~~~~
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
"Simula't sapol mahal kita, nalalamon mo... walang-wala sa loob ko, na iiwanan mo. Buong akala ko'y hanggang wakas, bakit biglang nagbago? Balatkayo lamang pala... naniwala naman akooooooh..."
Itinapat ko sa aking bibig ang dulo ng hawak kong mop.
"Kung liligaya ka, sa etits ng iba. At kung ang langit mo ay ang pagtotoot niyaah ahah..." napapikit ako. Damang-dama ko ang lyrics ng kanta. Palagi itong kinakanta ng mga kapitbahay namin sa videoke kaya nakabisa ko na. "Tututol ba akhhooo? Sa kagustuhan mooh. Sapat na ang minsa'y..." Tumuntong ako sa ibabaw ng pasimano. Ikinapit ko ang isang kamay sa hamba upang hindi ako malaglag. "Minahal mo akooh...ahooo..."
"WHAT THE SHIT!"
Nagulat ako sa biglang may sumigaw. Napatingin ako sa kasalukuyang nagsasara na automatic glass door. Sa harap no'n ay ang nakatayo, namumula ang mukha at labas ang ugat sa leeg na si...
"M-Mr. T!"
"Get down there! You rat!"
Rat? As in daga? May daga? Kanina ko pa nga hinahanap iyon! Nandito lang pala sa sa tabi ko. Sa tabi ko nakatingin si Mr. T kaya sigurado akong nakita na niya ang daga!
"S-Saan? Saan sir?" Inihanda ko ang mop para pamalo sana ng pesteng daga. Pero bago ko pa mahuli ang sinasabi ni sir na rat...
Blag!
Ay nahulog na ako mula sa isang dipang taas na pader! Eh sa gusto kong nasa itaas ako kapag kinakanta ang Bakit ni Imelda Papin, 'no!
Naipikit ko ang aking mga mata. Huminga ng malalim. Hmmm... Amoy bagong katam na kahoy na binuhusan ng vanilla at pinalibutan ng ylang ylang!
"Get away from me! Natutulog ka na naman ba?"
Naimulat ko ang aking mga mata. Kulay itim na kurbata. Napakakinis na tela. At malapad na dibdi-
Napahiga ako nang biglang may tumulak sa akin.
"Clumsy! Weird! Crazy!" Narinig ko ang mahina ngunit sunod-sunod na mga salita sa tabi ko.
"M-Mr. T? Bakit po kayo nakaupo sa sahig?" Tanong ko nang makilala ko ang nagsalita na nagpapagpag ng bahagyang nalukot na damit niya.
"You do not know?" Hinilamos niya ang palad sa mukha. "Sinalo kita! Maingay ka na, disgrasya ka pa!"
Napanguso ako dahil sa narinig ko. "'Di naman ako disgrasyada, sir. Virgin pa nga ako." Sabay flip ng aking hair. Bakit ba niya ako nilalait? Ano'ng akala niya sa akin? Magdalena? Kalapating mababa ang lipad?
"W-What?" Kumunot ang noo ni sir. Kunwari pa siyang pa-what-what.
Hinanap ko ang nabitiwan kong mop. Gumapang ako para maabot iyon. Mabilis akong tumayo. Muli kong tiningnan si Mr. T na nakaupo pa rin sa sahig. "Makalait ka naman, sir! Hindi mo pa nga ako kilala, hinuhusgahan mo na ako." Seryoso at matapang kong sabi. "Saka ko na lang hahanapin ang daga sa kwarto mo! Bye!" Tumalikod na ako. Alam kong nagmamartsa ang mga paa ko. Bakit ba? Eh sa nasaktan ang damdamin ko sa sinabi nya 'no!
Sumisinghot ako nang maabutan ni Mang Celo.
"O ineng, napano ka?" Isinabit niya sa nakakabit na hook sa pinto ang dalang belt bag.
"Si Mr. T po kasi..." Singhot ulit.
Lumapit siya sa akin. Napapailing. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko." Nakamot ang ulo. "Dalawang araw ka pa lang. Sabi ko na nga ba't hindi ka tatagal!" Umupo siya sa katabing silya. "Dumaan ka muna sa personnel para makuha mo ang huling sweldo mo."
"P-Po? Huling sweldo?" Pinapaalis na ba ako ni Mang Celo? Ang lakas pala talaga niya sa kompanyang ito. Kaya niyang magtanggal ng tao?
"Oo para naman may pera ka maski paano?" Malungkot na sabi niya.
Nagpunas ako ng luha. "Mang Celo, huwag naman po. Nililinis ko lang naman yung kisame ni sir. Tapos sinabihan niya ako ng disgrasyada. Hinuhuli ko pa nga yung daga sa opisina niya." Pinagsalikop ko ang aking dalawang palad. "Please po, Mang Celo, huwag nyo po akong tanggalin. Pramis po hindi na ako magagalit kapag sinabihan ako ni sir ng disgrasyada." Kailangan ko lang talaga ng trabaho. Baka magalit pa sa akin pati si Magilas. Sabihin pa niyang napaka-centipede ko.
"Ano ba'ng sinasabi mong tatanggalin?" Nakalukot ang noo niya. Napatingin tuloy ako sa ituktok ng ulo niya na nakakalbo na.
"Kayo po. Tinatanggal nyo na po ako." Hinarap ko siya. "Hindi naman po ako masyadong galit kay sir. Kasi nasalo niya ako kanina bago ako nahulog sa sahig. Nadaganan ko pa nga siya at napahiga ako sa dibdib niya..." Ambango-bango kaya niya. At ang tigas bes! "Kundi dahil sa kanya baka napilayan na ako at nasa ospit-" Bigla akong natigilan. Natutop ko ang aking bibig. Nahigit ko ang aking hininga. "M-Mang Celo..."
"Bakit naman kita tatanggalin? Hindi naman ako ang may-ari rito? O bakit namumutla ka?" Titig na titig ang matanda sa mukha ko.
Hindi naman pala ako tatanggalin ni Mang Celo. Pero hala naman! "M-Mang Celo..."
"Ano nga? Lintik na bata ito. Pati ako pinag-iisip mo. Ano ba ang nangyayari sayo?"
"Mang Celo..." Nahawakan ko ang dulo ng manggas ng uniporme niya. "Antanga ko po. Hindi man lang ako nag-thank you kay sir. Niligtas niya ako kanina, Mang Celo." Mangiyak-ngiyak na naman ang boses ko.
Ano naman kung tinawag niya akong disgrasyada? Uso naman na kasi yun ngayon. Sabi nga ni Leng, marami nang kabataang maagang bumubukaka. Kaya nga napapariwara. Kahit na hindi ako ganoong klaseng babae, hindi naman alam ni Sir T iyon. Niligtas pa nga niya ako. Naman! Niligtas ako ni sir kanina! Hay!
Mabilis akong tumayo.
"Ano ba ang sinasabi mo na niligtas ka ni sir?" Tiningnan ko si Mang Celo. Nagdikit ang labi ko at nakuyom ko ang aking kamao. It's now or nevah!
Hindi ko na sinagot si Mang Celo. Tumakbo ako pabalik ng opisina ni sir. Naraanan ko pa sina Ate Wanda at Sir John, pati na rin ang ibang empleyado. Hindi na ako kumatok pa sa office ni sir. Agad akong pumasok sa kwarto niya.
Nakayuko siya sa harap ng kanyang mesa. Hawak ang fountain pen na tila may isinusulat si sir. Alam kong nagulat siya nang bigla na lang bumukas ang glass door niya. At heto ako ngayon sa harapan niya.
"Sir Mr. T!" Tawag ko sa kanya. Nabitawan niya ang kanyang hawak. "Thank you po sa kanina. Okay lang po kahit tinawag nyo akong disgrasyada! Niligtas mo naman ako." Nanlaki ang mga mata ni sir. Napansin kong nakabuka ang bibig niya. Ibinaba ko ang kamay kong sumaludo sa kanya. Yumuko ako. "Sorry po!" saka ako yumukod ng paulit-ulit.
Pagtingin ko sa may pintuan nang pumihit ako para makaalis na ay nakita kong nakasilip si Sir John na iling nang iling habang sa likod niya ay si Ate Wanda na nakahalukipkip at ngiting-ngiti. Mga tsismoso't tsismosa lang 'di ba?
~~~~~~~~~~
Kung liligaya ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo
Ay ang pag-ibig niya
Tututol ba ako kung kagustuhan mo?
Sapat na ang minsa'y minahal mo ako.
May bakas ka bang nakikita sa aking mukha?
Masdan mo ang aking mata, mayro'n bang luha
May hinanakit ba ako sa 'yo
Sa palagay ko'y wala
Ginusto mong magkawalay
Wala akong magagawa.
~~~~~~~~~
Vomments naman po dyan!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro