Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58

Unedited version
Buy 30 Days with Mr T at https://shopee.ph/Psicom-30-Days-with-Mr.-T-by-Mar_Mojica-i.56563909.9215047598
——-
Warning: Incomplete po ito sa Wattpad. Buy the book at PSICOM Shop, SHOPEE OR LAZADA
Maraming salamat po sa suporta 🙏

~~~~~

"Aray! Masakit yun, Leng ha." Napahawak ako sa braso ko na kinurot ni Leng.

"Eh, pa'no, kanina ka pa riyan tulala. Nakakahalata na 'ko sayo, May, ha. Last week ka pa ganyan."

"Last week na ano?" ininom ko ang tequila sa baso ko.

"Wala sa sarili. Katulad ngayon. Kanina pa 'ko kwento nang kwento sayo, hindi ka naman nakikinig." Pinitik niya ang mani papasok sa kanyang bibig.

"Wala namang kwenta ang kwento mo, eh." Irap ko sa kanya.

"Walang kwenta na nagkakamabutihan na kami ni Magilas?" halos maibuga ko ang iniinom ko sa mukha niya. Buti na lang nakailag siya. "O kita mo na! Anong walang kwenta ang sinasabi mo riyan ngayon?" tanong niyang ngingisi-ngisi. Pinunasan niya ng daliri ang tumalsik sa noo niya.

"Kakausapin ko ang kapatid ko. Nabubulagan lang siya."

"Sakit mong magsalita. Akala ko pa naman matutuwa kang magiging hipag mo na 'ko. Pero bes, seriously, kami na ni li'l brother mo."

Pucha nagpa-cute pa. Nagsalin pa ako ng tequila sa baso ko. Agad na ininom ko iyon.

"Bes wala naman akong hadlang sa inyo. Ang akin lang ay baka may iba pang choice, 'di ba?" Paliwanag ko. Ang pangit pa rin kasi niya kahit lumipas na ang maraming taon.

"Gaga ka, May! Porke may Pol ka na. At speaking of the devil, hayan na siya."

Pareho kaming napatingin ni Leng sa direksyon ni Pol. Nakasuot ng yellow or peach polo shirt, hindi ko masyadong maaninag dahil sa iba't-ibang kulay na umiikot sa paligid. Papalapit siya sa aming pwesto na kumaway pa.

Marami na ring tao rito sa loob. Maggagabi na kasi. Kapag friday ay marami raw tao rito. It's a disco-bar-resto na ipinagmamalaki ni Leng. Loyal customer siya rito. Ilang ulit na niya akong inaaya na mag-bar kami pero ngayon ko lang siya pinaunlakan. Gusto ko kasing makalimot.

"Hi guys. What's up?" nagbeso sa amin si Pol. At agad nag-order ng drinks sa waiter.

"Buti dumating ka na. Ito kasing si May, absentminded. Iniisip niya masyado ang trabaho niya. Hindi na lang mag-enjoy na gaya ko."

"Alam mo naman si Mayumi. Talagang mahal na mahal niya ang mga estudyante niya. Pero tama si Leng. Set aside everything first and enjoy the night." Sabi niya na nanghila ng silya para tabihan ako.

"Tomooo! Tingnan mo, iligid mo ang mga mata mo." Si Leng ang gumawa ng sinasabi niya. "Napakaraming gwapo, 'di ba? Mamaya may isa riyan na makikipagkilala na sayo. Isasayaw ka at tapos ililibre ka ng drinks. Tapos, mag-yayayang lumabas. Tapos..."

"Tapusin ko kaya ang buhay mo!" mataray kong dugtong sa sinasabi niya. "Kayo ni Pol ang maghanap ng mga ewan. Huwag nyo kong idamay."

"See. See Pol. Ganyan siya kanina pa. Wala sa sarili. Mainit ang ulo. Kulang ba iyan sa jugjug?" diretsong tanong ni Leng kay Pol.

"Jugjug?" kumunot-noo si Pol na nagtanong. "What's that?"

"Pol, hindi mo alam ang jugjug?" si Leng na hinila pa ang kwelyo ng polo ni Pol. Umikot ang mga mata ko. "Sex. Kulang ba sa sex si May?"

Pinaghiwalay ko sila. Nakita kong nagulat si Pol. Eto namang si Leng, ngingisi-ngisi na naman.

"Tama na nga, Leng." Simangot kong sabi. Pero hindi pa rin siya tumigil.

"Kako lang naman baka nakukulangan kayo ni Pol sa jugjug kaya umiinit ang ul... Aray!" Kinurot ko siya ulit. And this time, sa singit niya. I'm sure mamamantal yun.

"Hindi kami talo ni Pol! Magkaibigan lang kami." napalakas kong sabi. Napansin kong nag-iba ng ekspresyon si Pol.

"Ay! Ganoon?!" ani Leng na nagpalit-palit ng tingin sa amin. "Mali pala ang akala ko." Saka muling ngumiti. "Kung ganoon, eh 'di free ka na maghanap ng lalaki? Tara, hanap tayo ng papa nang hindi ka tumandang dalaga. Twenty-five years old ka na, wala ka pang alam sa lalaki."

Nagsalubong ang kilay ko. Ano bang pinagsasasabi niya? Kung alam lang niya! Ako pa nga ang umibabaw at nagpakadominante. Tss. At hindi ko na yun mabubura sa isip ko kahit kailan! Patawarin sana ako ng mga estudyante ko.

Tumugtog ang isang malikot na awitin. Si Leng ay parang bulateng napatayo agad.

"Sayaw tayo!" aya niya sa amin.

"Kayo na lang." Ako at saka uminom ng tequila. Nakakarami na akong baso pero okay lang. Libre naman daw ito ni Leng ngayon. Mamasang na kasi siya sa Bangbang Ali. Malaki na siyang kumita.

"KJ mo naman." Reklamo ni Leng. "Ikaw na lang Papa Pol. Isayaw mo naman ako." Nag-beautiful eyes pa siya.

"I better stay with Mayumi." Nakangiting wika ni Pol. Pero hinila na siya sa braso ni Leng.

"Narinig mo naman, 'di ba. Friends without benefits ka lang kay May. Huwag ka nang umasa dahil tatandang dalaga na lang iyan! Kaya nga nag-teacher iyan eh."

Loka-loka! Ano naman ang tingin niya sa mga teacher? Mga old maid?! Hindi ko na siya nasagot dahil iniwan na nila ako para magsayaw. Nilantakan ko na lang ang cheese cake sa plato ko.

Hindi ko pa nangangalahati ang cake nang may umupo sa tabi kong isang lalaki. Medyo bata pa, maybe nineteen or early twenties. Naamoy ko agad ang alak sa bibig niya.

"Miss, pwede ka bang maisayaw!"

"Bakit ako makikipagsayaw sayo? Kilala ba kita?" direkta kong sabi. Saka tamad na sumubo ng pagkain.

"Taray mo naman, miss. Pa-hard to get ka pa halata namang gusto mo rin."

Aba't!

Uminom muna ako ng alak. Patitikimin ko siya ng hinahanap niya. Ibinuga ko sa mukha niya ang tequilang nasa bibig ko.

"Fvck!" galit niyang sigaw. Halatang hindi inaasahan ang ginawa ko. Napatayo siya. Buti nga sa kanya. May itsura siya kanina, ngayon mukha na siyang basura. "You motherfvcker..." Nakita kong umangat ang kamao niya papunta sa mukha ko. Awtomatikong natakpan ko ang sarili at napapikit.

"Get away from her, asshole!" narinig kong boses ng lalaki.

Nagmulat ako. Nakita kong nakalupasay na sa sahig ang nambastos sa akin. May dugo sa labi.

"I-I'm sorry, I'm sorry! I'm not going to fight!" kawawang pakiusap pa niya habang paatras na gumagapang sa sahig. Pero sinipa pa rin siya ng lalaking naka-all black.

"Go away! I don't want to see your face here! You understand?!"

"Y-Yes sir. Y-Yes sir." Nahintakutang sabi at saka nagtatakbo.

"At ikaw..."

Napanganga ako ng harapin ako ng lalaki. Parang nawalan ako ng oxygen.

"A-Ako?"

"Yes you!" galit na sabi sabay higit sa kamay ko. "Sumama ka sa 'kin."

Hindi pa 'ko nakakasagot ay nahila na niya ako. Napaka-dominating, sobrang commanding, so autocratic, dictatorial, dogmatic!

Dinaanan namin ang maraming tao. Nagpapatay-sindi pa rin ang mga ilaw. Malakas pa rin ang tugtog. Maingay pa rin ang mga taong nasa paligid.

Sa isang pintuang kapag pinasok mo ay nagba-bounce back kami dumaan. Tapos ay may nadaanan kaming mga unipormadong mga tao. Parang mga empleyado rito. Isa-isang nag-bow pagkakita sa amin. Bumati ng good-evening. The usual responses when they get to see him. Nakayukod ang lahat. Na parang may dumaang hari.

Pabalya niya akong ipinasok sa isang silid. Umaalon ang kanyang dibdib nang bitawan ako.

"Now, you are my captive. Itutuloy mo ang hindi natin natapos, Mayumi."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro