Chapter 56
Nine chapters to go.
Comment, comment po mga honey...
~~~~~~~~~
Humulagpos ako. At saka lumuhod at pinagpupukpok ng martilyo ang paa ng sirang silya. Na para bang may malaking kasalanan ito at kailangang saktan at parusahan.
"S-Sira kasi ang upuan na 'to. Hindi pwedeng upuan. Makakaaksidente pa kaya dapat munang ayusin!" Mabilis na pananalita ko habang halos bumaon na sa kabilang parte ng silya ang pakong pinupukpok ko. Ayokong tigilan dahil baka marinig niya ang napakabilis na pintig ng puso ko ngayon. Ramdam na ramdam ko pa ang init ng katawan niya. Pati na ang amoy niya, na naiwan na yata sa daster ko. Pucha!
Lumuhod din si Brix para mapantayan ako. Mabilis naman akong tumayo. At tumalikod. At dinama ang dibdib kong panay ang kabog.
"Bakit ikaw ang gumagawa nito?"
"E-Eh, sino pa bang gagawa?" mataray na sagot ko pero hindi ko naman magawang harapin siya.
"I just saw Pol..."
"Si Pol? Hay naku, gusto nga niya kong tulungan kanina, kaso pinalayas ko..." Dahil gusto niya 'kong isali sa listahan ng mga babae niya. Gagong iyon! Iniwan ako. 'Di sana may kasama ako ngayon sa pagharap sa isa pang gago.
Saka, teka! Paano niya nalaman na galing dito si Pol? Kanina pa ba siya sa harap ng apartment ko? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? At bakit niya aalamin kung saan ang lugar na 'to? Ini-stalk ba niya 'ko?
"So, LQ?"
LQ? Hindi ko makita ang reaksyon niya kaya hinarap ko siyang muli. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa martilyong hawak ko.
"Anong LQ?" takang tanong ko.
"Lover's quarrel." Seryoso niyang tinuran.
Woah! Pa-abrre-abbreviation pa ang isang ito ngayon!
Kami ni Pol? Lovers? No way! Pagkatapos niyang aminin ang collect then select na paniniwala niya sa buhay. Mag-isa siya. Quarrel siguro, pwede pa. At ikaw, Brixander, hindi mo malalaman iyon. Bahala kang mag-isip. Nuba pakialam mo?
Shit! Ano ba ang nangyayari sa akin? Nawawala ako sa tamang disposisyon. At lalo pang mawawala dahil papalapit siya ngayon sa akin. Ano ba 'to? Saan ba 'ko magtatago? Sumusumpong ang allergy ko!
Malikot ang mga mata kong naghahanap ng matatakbuhan nang maramdaman ko ang kamay niya sa palapulsuhan ko! Ano'ng gagawin niya? Yayakapin ba niya ako ulit? Tapos ibabalya sa pader? Tapos hahalikan sa leeg? Tapos...
At nagulat na lang ako dahil kukunin lang pala niya ang martilyong hawak ko. Muli siyang lumuhod sa tabi ng silya at ininspeksyon iyon. Saka marahang may pinukpok. Inikot-ikot pa niya ang silya bago kumuha ng isa pang pako. May tinamaan ulit ang martilyong hawak niya. Inikot ulit at diniinan ang pinaka-upuan.
"It's done. You can now use it." Tumayo siya at ibinalik ang martilyo sa tool box.
Marunong palang magkarpintero ang isang Brixander Talaserna? Tangna naman! Bakit ang macho niyang tingnan dahil sa ginawa niya? Para iyon lang? Shit ka, Mayumi! Hindi ka dapat na nagtatagal na kasama ang lalaking iyan! Tingnan mo kung ano ang ginagawa niya sayo!
"A-Ano bang ipinarito mo?" kunot-noong tanong ko.
Lumigid ang mga mata niya.
"Maganda sana itong lugar mo, kung hindi lang makalat."
Hayup 'to! Alipustahin na naman ako.
"Kakalipat ko lang at hindi ko pa naaayos lahat ng gamit ko." Si Magilas sana ang nagboluntaryong tulungan ako, kaso hindi ko na siya inabala. Sobrang busy niya sa trabaho lalo at kaka-promote lang niya bilang manager ng isang bar. "Saka ano ba sayo kung makalat dito sa apartment ko?"
Napaatras ako nang lingunin niya. Parang tingin pa lang, kaya na niya akong pagalawin. May telekinesis ba siya?
"Hindi maganda sa babae ang makalat, Mayumi."
Bakit ba nakakakilabot kapag binabanggit niya ang pangalan ko? Napilitan tuloy akong salansanin ang mga papel na nakakalat sa study table ko. Kakatapos lang din kasi ng periodical exams kaya napakarami ko pang tinatapos na test papers.
Sa gilid ng mata ko ay naramdaman ko siyang binuhat ang inayos niyang silya. Inayos niya iyon kasama ng kauri nito sa harap ng dining table. Sumunod niyang binuhat ang sopa ko na nakadikit sa pader. Parang bulak lang iyon sa gaan nang iangat niya at ilagay sa isang pwesto. Napansin kong isusunod din niya ang center table kaso ay napatigil. Ngumisi ako. Yari sa bakal ang mga paa ng mesa na iyon. Subukan niyang buhatin kundi siya magkaluslos! Natawa ako sa naisip ko. Sayang ang haba at laki at tigas ng pag-aari niya kung maluluslusan lang siya. What am I freaking thinking?
Itinigil ko ang ginagawa ko para lapitan siya. Tumingin siya sa 'kin.
"Tulungan mo 'kong igitna ito. Matagal ko nang gustong ayusin ito kaso hindi ko talaga mabuhat." Sabi ko at kumilos na para maigalaw ang center table. Nagmamadaling tinungo niya ang kabilang dulo at pakiramdam ko ay kinuha niya ang lahat ng bigat no'n dahil madali ko lang naisaayos iyon.
"You're blushing." Walang ano-ano ay sabi niya nang sabay kaming napatayo.
Blushing? Ako? No, no, no, no! Dahil lang siguro naalala ko ang haba at laki at tigas ng pag—
"S-Syempre napagod ako sa pagbuhat ng mabigat na table na iyan! Kaya namumula 'ko, 'no!" Nakita ko ang mga kahon ng damit ko. "Hayun pa! Buhatin mo lahat ng kahon na iyon at dalhin doon sa kabilang kwarto. Nang magamit mo naman yang mga biceps mo!" Utos ko pero hininaan lang ang huling pangungusap. Mahirap na baka kung ano ang isipin niya.
At ang uto-uto, binuhat nga ang mga kahon ko. Shocks! Nautusan ko ang isang Mr. T? Nasaan na ang tapang, ang talim, ang tigas at ang tanginanamang si Brix?
"Dito ba?" tanong niya habang isa-isang ibinababa ang mga kahon sa gilid ng kama ko.
"Oo diyan nga!" nakapamaywang kong tugon. "Pakikuha na rin ang mga sampay ko sa labas at mukhang uulan pa ya—" Hindi natuloy ang sasabihin ko. Nanlaki ang mga mata ko nang pulutin niya ang isang pulang tela na nahulog sa isang kahon. Idinisplay kasi niya iyon sa hangin at bumulatlat ang thong ko! Oo, nagto-thong nga ako! Kanya-kanya trip, walang pakialaman! Inagaw ko iyon ng mabilis sa kanya. Ireregalo ko sana sa isang co-teacher ko ang panty na iyon nang magkaroon kami ng bachelorette party. Kaso, nahiya naman ako kaya breast pump na lang ang ibinigay ko. Mas useful pa.
Huling-huli ko ang pagngisi niya na agad din niyang pinigil. Subukan lang niyang pagtawanan ako kundi ko napakain sa kanya ang tong na ito!
"Bilisan mo, uulan na!" muli kong utos at mukha siyang tangang nagmadaling lumabas ng bahay.
Nasabunutan ko ang ulo ko. Hay! Nakakainis. Bakit 'di pa siya umalis? Kailangan ko ng antihistamine!
Agad kong itinago ang pulang panty. Inayos ko na rin ang ibang mga damit ko papasok ng kabinet.
Napabuntong hininga ako. Nandito sa loob mismo ng pamamahay ko ang tagapagmana ng mga Talaserna. Hindi kapani-paniwala. At ginagawa ko pang muchacho. At speaking of muchacho, bakit napakatagal niyang kumuha ng sampay? Kanina pa bumuhos ang ulan, ah?!
Nagsalubong ang kilay ko. Baka naman umalis na siya? Mabuti naman. Nang hindi na ako ma-allergy. Ipinagpatuloy ko ang pagha-hanger ng mga damit.
Teka! Yung mga sampay ko! Bigla kong binitawan ang mga hanger at saka nagtatakbo palabas.
Anak ng!
Yakap-yakap niya ang mga damit ko para hindi mabasa habang binubuhol ang napatid na tali ng sampayan. Kagat pa nga niya ang kabilang dulo.
Tumakbo ako palapit sa kanya at kinuha ang mga damit.
"Ano ka ba, Brixander?! Bakit ka nagpapaulan?"
"N-Nasira ko kasi ang sampayan mo!" sigaw niya dahil malakas na ang buhos ng ulan. Halos hindi ko na marinig ang paligid namin.
Sinigawan ko rin siya. "Pwede mo namang ayusin iyan kapag tumila na ang ulan!" Hinila ko siya papasok ng apartment. Kundi ba naman siya sangkaterbang tanga?! Nakakapag-init siya ng bangs!
"Tss. Nabasa tuloy ang mga uniform ko. Ano pa'ng isusuot ko pagpasok ko? Paano ko ngayon ito patutuyuin? Ang mahal-mahal ng kuryente kung itatapat ko pa 'to sa electric fan! Lukot-lukot pa dahil hindi mo inayos ang pagkuha..." Malakas kong pinagpag ang mga damit at nagtalsikan ang tubig sa mukha niya. "Magpaplantsa pa tuloy ako! Nadagdagan pa tuloy ang trabaho ko!"
"S-Sorry..."
Napahinto ako. Masama ko siyang tinitigan habang hawak ko ang nabasang palda ko. Nakatayo lang siya at pinanonood ako.
"Sor—ry?!" Tse! Mas lalo kong pinatalim ang titig ko. Kung sana sinabi niya ang salitang iyan noon! Napakadali niyang magsabi ng sorry ngayon pagkatapos ng anim na taon? Kakatok-katok siya sa pintuan ko pagkatapos niya akong pahiyain sa conference na iyon? Kaya ako nasuspinde ng isang linggo? Kaya wala akong sweldo ng isang linggo?! Pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sa 'kin. Babangon ako't dudurugin ko siya. Bukas. Bukas! Luluhod ang mga tala!
Ibinato ko ang mga pajama at tuyong daster ko sa kanya. Nasalo naman niya agad.
"Tupiin mo'ng mga iyan! Ayusin mo kung ayaw mong palayasin din kita kagaya ni Apolonio!" nanggigigil akong pumasok ng kwarto. At napapikit. Dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro