Chapter 54
Mahigit anim na taon na ang nakalipas. Those years that I've been forgetting how my life turn upside down. Nang lumabas ako ng ospital, dumiretso na ako sa Cupang. Hindi ako nagpaalam kay Lolo Emilio at lalo na kay Brix. Wala na rin namang halaga. I was just a rat, a pest na dumaan sa buhay nilang lahat.
Ipinagtapat ko kina tatay at nanay ang lahat. Kung paano muntik na akong makasal sa isang Talaserna at kung paano muntik na akong mahulog sa bitag niya. Nagalit sila. Pero ano nga ba ang magagawa namin? Mababa lang ang estado namin sa buhay. Wala kaming laban.
Hindi na ako muling tumapak pa sa Talaserna Corporation. Nakatanggap ako ng scholarship kaya ipinagpatuloy ko pag-aaral, kasabay ng pagtatrabaho. Ibinuhos ko ang lahat ng makakaya ko para hindi na muling matawag na isang mangmang. Hinding-hindi na mangyayari na tapakan ng kahit sino ang pagkatao ko.
Naging janitress ako ng isang eskwelahan habang nag-aaral. Tinulungan ako ni Pol na makapasok sa isang paaralan nang minsang magkita kami sa Maynila. Mula sa pagiging tagalinis, naging taga-file ng mga dokumento, naging assistant teacher at ngayon, isang iginagalang na guro sa larangan ng Ingles.
May mga gabing sumasagi sa isip ko ang nakaraan. Paano ko ba makakalimutan ang mga pangyayaring iyon sa buhay ko? Naging dahilan iyon para talikuran ko ang dating ako. Yung ako na hindi dinidibdib anumang dumating na problema. Yung ako na parating nakatawa. Yung sinasabi ni Leng na hinahanap-hanap niyang kaibigan na palaging may nakahaing biro anumang sitwasyon. Yung babaeng tatanga-tanga pero babaeng masayahin at puno ng buhay.
And I promised myself, I will not go back to who I was. Never again.
Inilapag ko sa mesa ang hawak na bote ng wine. Alam kong sa akin pa rin nakatuon ang mga mata ng marami. Nang bigla na lang magsalita ang emcee.
"Thank you very much on that very warm wine welcome. If I'm not mistaken, our teacher here is from Calugas Elementary School and one of our major English Teacher. Please give a round of applause to Ms. Mayumi Dimabuyu..."
Umalingawngaw ang tunog ng palakpakan sa buong bulwagan. Alam kong adlib lang ang ginawa ng lalaking emcee na iyon para huwag mapahiya sa harap ng mga sponsors. Pero mukhang effective naman dahil maging ang mga gurong nakasimangot kanina ay nakatawa na. Namataan ko si Pol mula sa kanyang mesa na pumapalakpak nga pero walang reaksyon ang mukha. At ang big shot na sponsor na si Talaserna ay hindi man lang nakiayon sa iba. Nakatayo lamang siya, titig na titig sa akin habang nakaigting ang panga.
Nahihiya akong ngumiti sa karamihan. Hanggang humina ang mga ugong at unti-unting nawala sa akin ang atensyon ng lahat. Doon pa lamang ako nagsalin ng inumin sa baso ko. Pinuno ko iyon at mabilis na tinungga. Kumakabog pa rin ang dibdib ko. Lalo na at alam kong nar'yan lamang siya.
Nagsalin muli ako sa kopita. Habang naririnig kong isa-isang binibigyan ng importansya ang mga sponsors sa pamamagitan ng mga video presentations ay naririnig ko rin ang tambol sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Para akong may allergy kapag nae-expose sa salitang Talaserna. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako.
"Let's hear from the teacher of Calugas Elementary School." Nag-init ang tainga ko nang marinig ang pangalan ng school namin. "Ms. Dimabuyu was one of the pioneers who started the Teacher's Advocacy for poor children. With the help of our sponsors here, in just a matter of months, the advocacy has been a well-known project. Ms. Mayumi . . ."
Sh*t! Mabilis kong nainom ang wine sa baso. Lalong tumindi ang nerbiyos ko. Sanay naman na akong magsalita sa campaigns at events pero not now. God! Not now!
"Do you have any question from our sponsors here?"
They all looked at my direction. Shit, shit, shit! Why now? Gusto kong sumigaw at magsisi. Sana hindi na lang ako pumunta rito. Sana hindi ako naa-allergy na katulad ngayon. Sana hindi ko binuksan ang nyetang wine na iyan! Sana wala rito ang Brixander na iyan!
"Yes." Napatayo ako. Taas noo. It's now or never. I came here for one reason. To represent my school. Napamahal na sa akin ang pinaglilingkuran kong eskwelahan pati na ang mga estudyante. Na karamihan ay galing sa mahihirap na pamilya. Na nagsimula sa pagiging walang alam. Mga tatanga-tanga sa mundo at pinagtatawanan. Na unti-unting natututo at lumalaban sa harap ng lipunan. "May I just our sponsors..." Tumikhim ako. Para kasing may bumabara sa lalamunan ko. "Without money involved, can you give us examples on how you are helping the poor little children? And for once in your life, did you not despise, judge or crush anyone who are uneducated or rather ignorant?" Hindi ko napigilang diretsong tumingin sa pinatutungkulan ko ng mga tanong. Kay Brix na matama akong pinagmamasdan. "Or perhaps you are just pretending to be virtuous but in reality, you are not?"
Namayani ang bulungan sa paligid. Alam ko, maging ang emcee ay hindi inaasahan ang tanong ko na may panunuya sa mga bisita. But I don't care. This is how I am feeling right now.
"It's alright. You don't have to answer. We will now proceed to the giving of awards." Putol ng emcee na halatang nadismaya sa tanong ko at gumawa agad ng dibersyon.
"I will answer that question." Natigilan ang emcee na pababa sana ng stage. Pati mga tao na naririto ay agad nanahimik. "I said, I will answer Ms. Mayumi..."
Anak ng! Dapat bang bigkasin ang pangalan ko ng may diin? Napalunok ako. There is tension everywhere. Tension between us.
"We're here for only one purpose. To help others, the young generation. If we have committed mistakes, we try to fix them. We are only humans. We're not gods."
Nagpanting ang tenga ko. Not god? Pero kung umasta sila, para silang diyos na kailangang sundin.
"Really?" napalakas na bulalas ko. "Then why do you have to boast the whole world all of the good things that you did to the children? Why all these expensive advertisements and promotions? Your purpose is not for helping others. But exposure for profit. What kind of fixing was that?"
Nakita kong napalunok siya. At umalon ang dibdib. Sa totoo lang, parang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib ko. Nangangatog pati mga tuhod ko.
"Ms. Mayumi," he said that I almost faint, I didn't know why. "Do you know that business is another issue here? And you shouldn't relate it into other matters. Or maybe," nakatutok siya sa mga mata ko. "You are referring to your own personal experience? If so, we can talk about that privately. You and me. After this."
Pucha!
Hindi na 'ko nakatiis. Tuluyan na akong tumalikod. Tinungo ko ang pinakamalapit na banyo.
Humihingal akong napaharap sa salamin. May gustong lumabas mula sa mga mata ko. Na hindi ko na napigilan.
Shit! Why am I crying? Ako ang matapang na nagsimula. Ako pa rin ang luhaan? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit nasasaktan ako?
Napapikit ako habang dumadaloy ang mga luha sa mata ko. Nanghihina akong umiyak habang inaamin sa sarili, na si Brix pa rin ang may kayang gawin ang lahat ng ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro