Chapter 51
Caution: SOME CONTENT OF THIS BOOK WAS DELETED.
~~~~~~
"Masarap ang tulog ko kagabi. Hindi ba halata?"
"Ows? Bakit namumugto mata mo?"
Babatukan ko na itong si Gloria. Ang hilig mangialam eh.
"Syempre, nasobrahan ng tulog kaya namugto. Ikaw ba naman makakita ng live show. Penge ngang tinapay!" Kumuha ako ng bread and butter. Maidaan na lang nga sa kain ito. Sumubo ako ng malaki. Yung talagang malaki. Yung malaking-malaki.
Nagulat ako nang may pumalakpak. Akala ko ay may nagtatawag ng kalapati. Pagpihit ko ay nakatayo sa gilid ko si Lilyng haliparot. Nakasuot ng bra at panty lang. Pero natatakpan naman ng roba. Kulay black pa nga, kakulay ng buto at balumbalunan niya. Kitang-kita ko dahil may bio-x-ray ako!
"At talagang nandito ka pa?" tanong ni Lily na may nakakaasar na ngiti.
Agad kaming iniwanan ni Gloria. Naniniwala rin siguro siya na, two is company, three is a crowd. Ibig sabihin, mahina ako sa math.
"Talaga namang dito ako nakatira, ah." Ngumunguyang sagot ko.
"Pagkatapos ng nakita mo kagabi, may mukha ka pa ring magtagal dito." Humalukipkip siya. "Hindi ka pa rin ba nakahalata? Wala kang puwang sa bahay na 'to, Mayumi. Walang puwang dito ang alila at walang pinag-aralang gaya mo." Hindi ako kumibo. Maraming laman ang bibig ko, lulunukin ko muna. Baka gusto niya, pati siya lunukin ko. Lulunukin ko siya ng buhay! "Binayaran ko na ang judge na magkakasal sa inyo. Peke ang magiging kasal nyo ni Brix." Alam ko na iyan, bruha! Nakakapag-init siya ng ulo. Sarkastiko siyang tumawa. "Sobra ang landi mo, Mayumi. May asawa't anak ka na nga, kumekerengkeng ka pa kay Brix. You're such a slut!"
Gagang Lily ito, ah. Hindi ako islat! Kahit hindi ko alam kung ano ang islat. Wala pa kasi ako sa letter 'i' ng dictionary, eh. Saka bakit sinasabi niyang may asawa't anak ako? Hindi pa nga kami ikinakasal ni Brix. Isa pa, kakatapos ko lang mag-mens. Imposibleng may anak kaming nabuo ni Brix. Manghuhula kaya ang Lily na 'to?
"Islatin mo'ng mukha mo!" mahinang sabi ko at planong talikuran siya. Wala akong panahong makipag-usap sa kanya.
"What did you say?" Nakapamaywang niyang tanong. Namumula ang tenga niya pati na ang leeg niya. "Ulitin mo nga ang sinabi mo!"
Seryoso ko siyang sinagot. "Sabi ko, ang ganda ng mukha mo," pero napakapangit ng ugali mo! Sarap mong ilubog sa kumukulong mantika. Kung pwede ko lang sanang sabihin iyon sa kanya. Kaso, alam kong mahalaga siya kay Brix. At kapag nasaktan ko siya, masasaktan din si Brix.
Nanliit ang mga mata niya. Na para bang isang langgam lang ang tingin niya sa akin ngayon. Hindi ko na lang siya pinansin. Dinala ko ang tinapay ko at saka nilayuan siya.
"Hoy! Hindi pa 'ko tapos sayo!" sigaw pa niya sa likod ko. Pero nagkunwa na lamang akong walang nadinig.
Sa gilid ng pool ako naupo. Nakakalat ang mga naglalakihang paso. Halos mapuno na ng bulaklak ang paligid. May mga palamuti na rin na nakasabit sa mga puno. Palatandaan na nalalapit na talaga ang araw ng kasal.
Nilibot ko ng paningin ang paligid. Ang napakalawak na paligid na hindi ko inakalang mararating ko. Gusto ko lang naman, makatulong sa pamilya ko. At sa pagnanais kong iyon, heto na ako ngayon. Nakikipaglaban sa mga taong hindi ko naisip na makikilala. Mga taong tinitingala, iginagalang, matatayog at dati-rati ay tinatanaw lamang.
Napatingin ako sa mga paa kong gumagalaw sa ilalim ng tubig. Pagkatapos nito, hindi ko na mararanasan pang muli ang maglublob sa kulay asul na tubig na 'to. Kahit man lang sandali ay naranasan kong maging bahagi ng mundo nila. Mundo kung saan ay may kasinungalingan at gawa-gawa lamang.
Kapag nalaman na ng lahat na walang bisa ang kasal, wala na akong halaga rito. Babalik ako sa dating buhay ko. Buhay na naglalaba sa umaga, umeekstra sa mga pabrika, naglalako ng balut sa gabi at nakikipag-sabong sa plaza. Bakit nga ba ako napadpad dito? Napakalayo sa pinanggalingan ko.
Napabuka ang bibig ko nang may maramdaman akong malamig na umaagos mula sa ulo ko. Sobrang lamig kaya nakakangatal nang dumikit sa balat ko.
Mabilis akong napatayo. At nagulat dahil si Lily pala ang nagbuhos sa ulo ko ng nagyeyelong juice. Hawak pa niya ang pitsel na wala nang laman.
"Anak ng!" Gusto ko siyang murahin. Sabunutan. Sipain. Sakalin. "Bakit mo ginawa yun? Ano bang naging kasalanan ko sayo?" mariing tanong ko.
Ibinagsak niya sa sahig ang pitsel. Buti at yari lamang iyon sa plastik kaya hindi nabasag. Kamag-anak niya kasi. Parehas silang plastik!
"Tanga ka talaga? You really don't know?" Nakakaloko ang tawa niya. "Simula nang dumating ka, nagbago ang lahat. It's because of you I was dumped like this. It's because of you, he doesn't need me anymore! Ikaw ang peste sa buhay namin ni Brix!"
"Eh, gaga ka pala eh. Kung peste ako, ikaw naman, salot! Salot ka Lily Suarez." Pinandilatan ko siya. Ayoko nang manahimik. Ayoko nang maalipusta. Sobra na siya. Lalaban na ako, pvta! "Kapag nakaalis ako rito, ipapabarang kita! Ipapakalbo ko ang buhok mo. Lahat-lahat ng buhok mo. Pati kilay at pilikmata mo!" Pati na ang buhok sa pwet mo! Bwiset ka!
Marami pa sana akong gustong sabihin sa kanya. Punong-puno ng galit sa dibdib ko. Dahil sa pang-aalipusta niya sa pagkatao ko.
Pero hindi ko na nagawa dahil nahulog na ako sa tubig. Itinulak ako sa pool ni Lily.
Sinubukan kong ikampay ang mga kamay ko. Ngunit sa halip na lumutang ay lalo akong lumubog. Sinubukan kong muli ang gumalaw. Wala pa rin. Hindi pa rin ako makaahon. Parang buhay ko, na kahit pilitin kong umangat, nahihila pa rin ako pababa.
"Mayumi!"
Inangat kong muli ang aking mga kamay. Bakasakaling may humila sa akin paitaas. At iligtas ako ng anghel dela gwardya ko. Subalit palubog pa rin ako nang palubog.
Marami na akong naiinom na tubig. Pakiramdam ko ay hinang-hina na ako. At puro tubig na ang baga ko. Naririnig ko ang boses na parang galing sa isang anghel. Siya na ba ang magliligtas sa akin? Siya na ba ang sasagip sa akin?
"Damn it! What are you doing?" Gusto ko siyang sagutin. Pero sa tuwing ibubuka ko ang aking bibig ay maalat na tubig naman ang pumapasok hanggang lalamunan ko. "Shit!" Anghel pa rin ba ang tinig na iyon? Bakit minumura ako? Malulunod na nga ako, galit pa rin?
Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Pati ng mga kamay ko.
"Brix, I said no! Umaarte lang ang babaeng iyan! Nagpapapansin lang siya sayo!"
Naipikit ko ang aking mga mata. Pilit ko pa ring iginagalaw ang aking mga kamay.
"Damn it, Mayumi! Stop this show! Tama na ang palabas mo!"
Ako pa ngayon ang may palabas? Ako pa ngayon ang umaarte?
Sinunod ko ang lahat ng gusto ni Brix. Mali. Hindi Brix kundi SIR BRIX! Dahil kahit saan tingnan, napakalayo pa rin ng pagitan naming dalawa.
Kinalimutan ko ang sarili ko. Hindi ako nakinig kay tatay at nanay. Sa kagustuhan kong maiahon sila sa hirap, ipinasok ko ang sarili sa butas ng karayom. Ngayon, pati ba buhay ko ay magiging puhunan ko?
"Come on, Brix! Iwan na natin ang babaeng iyan!" Hindi ko na halos marinig. Pinasok na rin ng tubig pati mga tenga ko.
"Get out of my way, Lily! I have to save her!"
"I said no, Brix! Mamili ka. Siya o ako?"
Masakit sa isip.
Masakit sa dibdib.
Alam ko namang sampid lang ako rito. Alam ko rin na si Lily ang pipiliin ni Brix. Sino nga lang ba ako? Isang nagpapanggap na fiancee. Pero ang totoo, si Lily ang mas matimbang sa puso niya. Isa lamang akong daga na dumaan, isang kalat, peste sa buhay ni Mr. T.
Ang liwanag ay unti-unting nagiging mapanglaw. Sabi ni Leng, kapag oras mo na, oras mo na! Walang makakapigil kapag tapos na ang misyon mo sa mundo.
Tapos na nga ba ang misyon ko? Hanggang dito na nga lang ba ako? Hindi man lang ako nakapag-paalam kay tatay at nanay. Kay Magilas at Marikit.
Nakalimutan ko ang sarili ko. Na may buhay rin nga pala ako. At ngayon, ganoon na lang matatapos. Nakakatawang aminin. Dahil totoo na palang nagmamahal ako. At sa maling tao pa. Malas ko naman! Sana hindi na lang naimbento ang pag-ibig na iyan. Sana hindi ko na lang naramdaman ito. Sana hindi ako pumayag sa gusto ni Brix. Sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana maibabalik ko pa ang kahapon. Sana walang thirty-days with Mr. T.
Nagdilim ang paningin ko. Tuluyan na akong ginupo ng pagod.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro