Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Nalaman kong malaki ang nanakaw sa  sikat na restawran ng mga Talaserna. Nalaman ko rin na halos nalulugi na ang kanilang negosyo dahil sa mga taong gusto silang sirain.

"Don Emilio already talk to a well-known general na kaibigan din ni Mayor Laborte. Maraming connections si Mayor na pwedeng makatulong sa mga Talaserna."

"Paano kapag tuluyan nang hindi mahuli yung magnanakaw?" nag-aalalang tanong ko.

"Then hindi maibabalik ang nawalang pera. Maaring tuluyan nang malugi at bumagsak ang mga Talaserna."

Natakpan ko ang aking bibig. "S-Sir Apol, kawawa naman si Brix." Kailan ko lang din nalaman na kaya pala umalis si Ben pati na ang tatay niya ay dahil sa pagnanakaw din. Dahil sa sobrang dami ng kayamanan ng mga Talaserna, maraming tao na ang gustong samantalahin sila. Bakit naman ganoon?

"Huwag kang maawa sa kanya." Kinuha niya ang kamay kong nakatakip sa aking bibig at ipinahawak sa akin ang mahiwagang ballpen. "Ganoon talaga sa negosyo at sa kahit anong industriya. Maaaring kumikita ka ngayon, bukas makalawa, malulugi ka."

Malungkot akong tumitig sa papel ng mga katanungan. "Kapag nakasal kami, mamanahin niya ang pinapangarap niyang posisyon, mamanahin din niya ang mga kasamang problema. Ganoon iyon Sir Apol 'di ba?"

"Kapag nakasal ka sa kanya, kasama kang magmamana ng mga problema. Who knows baka ikaw pa ang pagbuntunan niya." Napatingin ako sa kanya. Si Apolonio ay simpleng tao lamang. Hindi siya singyaman ni Brix pero may pinag-aralan at matinong kabuhayan. Hindi siya naghahangad ng kahit na anong yaman. Ano ba ang yaman sa mundo kung malulungkot ka rin naman? Ano ba ang posisyon kung iyon naman ang magpapahamak sayo? "Kilala ko si Brix, Mayumi. Gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya. At kahit sino pa ang matapakan o masaktan niya, wala siyang pakialam basta't masunod lamang siya." Nagulat ako nang muli niyang hawakan ang kamay ko. "Huwag kang magpakasal kay Brixander Talaserna. Masasaktan ka lang, Mayumi."

Malamig ang hangin at tahimik. Narito ako ngayon sa gilid ng pool. Nadadalas nga ang paglalagi ko sa parteng ito ng kabahayan tuwing gabi bago ako tumungo sa aking silid.

Ilang araw na rin akong nag-iisip. Oo tama ang nabasa nyo. Nag-iisip nga ako. Natututo na akong gamitin ang utak ko. Naguguluhan nga ako sa maraming bagay. Nalilito ako. Mabuti pa noong wala akong isip, hindi ako nagkakaganito. Mahirap din palang magka-isip.

Paulit-ulit ang mga salitang sinabi sa akin ni Sir Apol.

Huwag kang magpakasal kay Brixander Talaserna. Masasaktan ka lang, Mayumi. Masasaktan ka lang.

Isinawsaw ko ang aking mga paa sa tubig. Nakadama ako ng lamig. Masasaktan daw ako kapag nagpakasal ako kay Brix. Ngayon pa nga lang na hindi pa kami kasal, nasasaktan na ako. Kahit pa sabihing magiging palabas lamang ang kasal na iyon. Kahit pa kunwari lang daw gaya ng madalas sabihin ni Lily sa akin. At sakto, hayan siya papalapit sa kinaroroonan ko. Naka-one piece na kulay itim na swimsuit. Kung bakit ang sexy niyang maglakad at bumagay pa sa kanya?

Tumalsik sa mukha ko ang tubig nang mag-dive siya. Lumangoy siyang papalapit sa pwesto ko. Buti pa siya marunong lumangoy. Ako, ang alam ko lang lumamon. Kung bakit hindi naman ako tumataba.

Umangat ang ulo niya mula sa tubig. Inayos niya ang nabasang buhok. Nagtama ang aming paningin. Hindi ako umiwas. Nakipagtitigan din ako sa kanya. Ako yata ang first place sa titigan contest! Subukan lang niya.

"Bakit mo 'ko tinitingnan?" mataray niyang tanong. Noong una ko siyang nakilala, akala ko talaga ay mabait siya. Tinawag pa niya akong, manang. Ngayon, kulang na lang ay ipagsigawan niyang isa akong manananggal.

"Ikaw nga ang nakatingin sa 'kin, eh." Bulong kong hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kanya.

"May sinasabi ka?"

"Wala. Sabi ko maganda ka, Ma'm Lily!"

"Are you making fun of me?"

"Hindi po. I'm making fun of me!"

"What?" Nagsalubong ang kilay niya.

"What, watawat. Where, tupperware. When, wen ngarud. Who, hulangot mo sa ilong!"

"Anong sinabi mo?" napalakas na sigaw niya. Sabay alis sa tubig at nagmartsa palapit sa akin.

Hala, susugurin yata niya ako! Ang sabi ko lang naman, hulangot niya sa ilong! Masama ba iyon? Gusto niya ituro ko pa sa kanya, eh. Hayun, mamasa-masa pa nga, oh!

"Bastos talaga 'yang bibig mo, 'no! Ulitin mo ngang sinabi mo?"

Weh? 'Di nga? Gusto niyang ulitin ko talaga ang sinabi ko? Teka lang...

Tumayo rin ako. Hmm, mas matangkad siya kaysa sa akin. Talo ako nito kapag sabunutan.

"Malakas na ang loob mong sumagot kahit katulong ka lang dahil malapit na ang kasal nyo ni Brix! Tandaan mo 'to, hindi ka niya tototohanin. Bayaran ka lang niya. Katulad ng ibang babaeng binayaran niya." Nagtaas-baba ang tingin niya sa akin. "Five hundred thousand pesos? You are that cheap? Nakakaawa ka naman. Daig mo pa'ng magnanakaw!" Nakagat ko ang labi ko. Paano niya nalaman ang halagang nakasulat sa tsekeng iniabot sa akin ni Brix?

"Pinaghirapan ko iyon. Hindi ko iyon ninakaw!" Madiing sabi ko sa kanya. "Saka si Brix naman ang may gusto na pakasalan ako, ah!" lakas-loob ko pang dinugtong.

"Huh! Kapag naisalin na sa pangalan ni Brix ang buong negosyo ng mga Talaserna, palalabasin niyang walang bisa ang kasal nyo at ang perang ibinigay niya sayo ay ninakaw mo lang. Kasi, mukha kang pera!"

Umakyat ang dugo sa ulo ko. "Ikaw ang mukhang pera!" sigaw ko na ikinagulat niya. Akala niya siguro hindi ako marunong sumagot. What does she thinks of me? Thinking of her? Pinapausok niya ang tenga ko. Pinalalaki niya ang butas ng ilong ko! "Sabi ko ikaw ang mukhang pera. Buntot ka ng buntot kay Brix kahit alam mong ikakasal na siya. Ako ang gusto ni lolo pogi at hindi ikaw. Kami ang ikakasal at hindi kayo! Kaya wala kang karapatang manatili pa rito. Ikaw ang sampid dito."

Napanganga siya. Pulang-pula ang mukha niya sa galit. Nakita ko pang nagsara ang mga kamao niya. Ano? Susuntukin niya 'ko? Sige, suntukan na lang.

"You bitch! Sinasabi ko na nga ba't masama talaga ang ugali mo. You acted as if you're an oppressed yet the truth is you're a witch! You're just pretending to be nice to gain their trusts! You're a pathetic, fabricated, bloodsucker!"

Napakurap-kurap ako. Sa dami ng mga sinabi niya isa lang ang sagot ko.

"Buti alam mo!"

Nagngalit ang panga niya. Kulang na lang kagatin ako. Humakbang siya palapit sa akin. Humakbang din ako. Tumaas ang ulo niya, itinaas ko rin ang ulo ko. Ano? Laban ka? Subukan mo lang sugurin ako't mata mo lang ang walang latay. Ganda mo pa naman. Sisirain ko iyang ganda mo! Gusto ko pang sabihin sa kanya.

"Humanda ka, Mayumi, dahil gaganti ako sayo. Hindi pa tayo tapos. Ikaw ang mapapaalis dito at hindi ako!" Pagkasabi niya no'n ay nanggigigil na siyang tumalikod.

"Eh, 'di gumanti ka!" Habol ko. "Kulangot mo tumutulo. Punasan mo, bumabaho!"

Humihingal akong muling napaupo sa gilid ng pool. At saka ko naramdaman na may tumulo sa pisngi ko. Pinahid ko iyon. Dinama kung saan nagmula. Natawa ako sa aking sarili. Umiiyak na pala ako. Masakit ang mga sinabi ni Lily. Alam kong may katotohanan ang mga sinabi niya. Masakit isipin na totoo ang mga iyon. Na maaari ngang mangyari ang mga sinabi niya. Na iyon nga siguro ang plano ni Brix.

Napayupyop ako sa aking mga palad. Tinatapangan ko na lang ang sarili ko. Nilalakasan ko na lang ang loob ko. Dahil ang totoo, nahihirapan na rin ako. Kasi sa isang banda ng isip ko, ayoko nang umalis dito.

Napalapit na sa akin si Lolo Emilio na magulo ang gender at may Arman na palaging nasa tabi niya. Kundi dahil din sa kanya, hindi ko makikilala si Sir Apol na nagturo sa akin kung paano gamitin ang utak ko. Tapos noong umalis si ka-love team ng walang paalam, isang araw akong nagmukmok at umiyak. Si Gloria, kahit bully siya, alam ko bully pa rin siya. Yung mga kasambahay dito, ma'm lahat ang tawag sa akin. Saan pang lugar ako makakapunta nang may tatawag sa akin ng ma'm kundi dito lang?

At si Brix...

Napasinghot ako.

"G-Gusto ko na si Brix, eh." Pinahid ko ang mga luha ko. Pero tulo pa rin ng tulo. Ayoko mang aminin pero ang totoo, ayoko nang umalis sa bahay na 'to. Dahil, "M-May nararamdaman na 'ko para sa kanya." Kapag tinitingnan niya ako, pakiramdam ko ang ganda-ganda ko. Na para bang ako lang ang nakikita niya.

Kung sana nagpatuloy na lang siya sa dati niyang ugali. Noong masungit pa siya at sobrang galit sa 'kin. Sana hindi ako mahihirapang bumalik kina tatay at nanay. Sana mas madali kong matatanggap na ginagamit lang niya ako para sa pansarili niyang hangarin. Sana hindi ko 'to nararamdaman ngayon.

Kaya paano na? Ilang araw na lang, kasal ko na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro