Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Hello po! It's a fast Sunday Update!
Huwag po kalimutan mag-comment.☺️
~~~~~~~~~
Gusto kong iumpog sa pader ang ulo ko. Embarrassed of myself. Of what I was thinking. Kung bakit naisip kong ako ang nagmamay-ari ng kapeng iyon.

Wala sa loob na napatikhim ako. At sabay na napalingon sa kinalalagyan ko ang dalawa. Ben immediately stood at the sight of me. He couldn't even look straight into my eyes.

I don't know why I still went near them when in fact I should have been in my room right now, resting in peacefulness after all that happened this whole, entire day.

"S-Sir Brix—"

"Huwag ka nang magsalita, Ben. Ako na ang magpapaliwanag sa kanya." I swallowed hard when Mayumi touched Ben's arms to cut him off. "Ako ang nagpumilit na huwag muna siyang umalis. May sugat sila ni Mang Antonio. Kailangan nilang magpagaling."

I didn't say anything.

"Maraming salamat sa paggamot sa mga sugat namin ni itay, Mam Mayumi." Ben said looking straight at Mayumi's face before he turn to me. "S-Sir Brix, aalis na po kami." Nakayukong sabi niya. Napansin ko ang mga band aid na nakadikit sa kanyang mukha na tumakip sa mga sugat niya. But the swelling is still very visible, he couldn't actually hide.

Napatingin ako sa umuusok na kape na hindi pa niya nagagalaw. Noon pa lamang siya binitiwan ni Mayumi.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko ngayon. Kung bakit nakatitig ako ngayon sa mga bagay na ginawa ng isang hamak lamang na tagalinis ko. Sa mga sugat na ginamot niya, sa kanyang tinimplang kape, sa braso ni Ben na hinawakan niya... It's like I wanna be that man to be healed, to be served and to be held...

"T-Tama si Mayumi." I seriously said. "Ipagpaliban nyo muna ang pag-alis." Nakita kong parang hindi makapaniwala si Ben sa narinig mula sa akin. "Wala pang alam si lolo. He will surely ask if you leave. And I don't have plans of telling him the truth."

"S-Sir?" His eyes widen. "P-Pero inamin na ni itay na totoo ang lahat ng ibinibintang sa kanya. Wala kaming karapatang magtagal pa rito." Muli siyang napayuko.

Napabuntong hininga ako. "Few days won't make a difference. Stay while you haven't find a place. Besides, we're planning to climb Mount Mambukal before our wedding, at ikaw lang ang nakakaalam ng pagtungo roon." Sumulyap ako kay Mayumi. "G-Gusto kong dalhin doon ang mapapangasawa ko."

Katahimikan ang bumalot sa buong paligid. I don't know what's in to me that I felt heat originating from my nape.

"M-Mayumi, pwede ba tayong mag-usap?" I swallowed. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong panginginit and the same time, panlalamig ng mga kamay. I felt irritated as well knowing she doesn't want to leave Ben behind.

"Importante ba?" tanong niyang walang kangiti-ngiti. Ngayon ko lang yata siya nakitang ganito kaseryoso. Her eyes always smile even if I'm scolding her. That even if she's crying, she tend to easily forget everything and even could cracked a joke.

"I-Iyung nangyari kanina..." Napatingin ako kay Ben. Bahagya siyang tumingin sa akin. Hinawakan ang lumalamig nang tasa ng kape.

"M-Mauna na ako, Sir. At maraming salamat sa inyo ni Mayumi." He smiled at her. Saka marahang tumalikod.

Sinundan ni Mayumi ng tingin si Ben. It's like saying, please don't go. Like she didn't want him to leave her. Like they are that close and I was this far.

"M-Mayumi..." She then looked at me without saying anything. "U-Uh, bukas punta tayong mountain? Mamasyal naman tayo bago ang," nahawakan ko ang batok ko. "Bago ang kasal natin."

"Tama iyang naisip mo, apo!"

Napapikit ako nang marinig ko ang papalapit na tinig ni lolo. If he's not my lolo, I would reprimand him and ask him to stay away! Wrong timing siya palagi.

I frowned when I saw John and Wanda with him. "What are you two doing here?"

"Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag nila, Brixander. Pati mga emails and contracts for your signing. Hindi mo na naasikaso. Aba, you should know how to manage your time. Hindi dahil lang ikakasal na kayo ni Mayumi ay napapabayaan mo na ang iba pang negosyo natin!" Hearing that, I saw surprises, confusions on both of my employees. "Dumito kayo kahit ilang araw. Maraming silid dito." Inakbayan ni lolo si Wanda. "At tama na sumama na rin kayong mamasyal. Mambukal has seven wonderful waterfalls."

"Naririnig na nga po namin ang Mount Mambukal. Mayroon nga bang hot spring at zip line roon, Don Emilio?" Wanda asked eyeing the woman beside me.

"Yes that is true!" si lolo na napatingin din kay Mayumi. "Mag-e-enjoy tiyak doon si Mayumi. Hija, bakit hindi nga pala kayo nakapunta kanina kay judge? We were all waiting. Hindi ba't nakabihis ka na alas sais pa lamang ng umaga?" My grandfather sounds amused while I was staggered hearing what he just said. "Brixander, sa isang linggo na ang kasal ninyo. Nakalimutan mo ba'ng may meeting tayo kay judge kanina?"

"M-Meeting?" The meeting with the judge for our wedding briefing was today! Damn! I forgot all about it. Kaya nakaayos si Mayumi kaninang nadatnan ko sila ni Ben. But why were they wet?

"You also forgot?!" lolo slapped his forehead in disgrace. "Ano ba naman ang mga kabataan ngayon? Napakaimportanteng bagay, kinakalimutan! Ano naman ang mga dahilan ninyo?" He rested both of his hands on his waist. "Mayumi?"

Napaangat si Mayumi ng tingin kay lolo. "U-Uh lolo, pasensya na. Nasira kasi ang gripo sa kusina. Nabasa yung binili mong damit para sa akin. Hindi ko na rin nasampay para matuyo kasi nasira na..." She stopped for while, biting her lips. We were all watching and waiting for her next words.

"Paano masisira iyon apo, eh kabibili ko lang?" lumambot ang tinig ni lolo. There is really something with Mayumi that could melt my grandfather anytime. For him, she is very special.

On the other hand, that meeting with the judge is very important. Bihirang nakikipag-usap si Judge Kruz ng personal. Our absence on that briefing is a big mistake.

"K-Kasi po..." Napasinghap ako ng mahina nang tumitig sa akin si Mayumi. I know it was my fault. Ako ang sumira ng damit niya. I didn't know what came into me, or what am I thinking. I never forced any woman in my entire life. Never I have seen myself like a monster growling to devour a helpless woman.

"I-It was my fault." Agad kong nilapitan si Mayumi. Nagulat siya ng bahagya, nang hapitin ko siya palapit sa akin. "L-Lo, alam mo naman ang mga lalaki kapag nami-miss nila ang mga nobya nila, 'di ba?" Napakunot noo si lolo, habang mukhang naintindihan agad ng dalawang empleyado ko ang ibig kong sabihin dahil halos sabay silang napangisi. "M-Miss na miss ko na kasi si Mayumi. Uh," napatungo ako. "A-Ako ang may kasalanan kaya nasira ang damit niya, lolo." I declared in a low voice.

Hindi nakapagsalita agad si lolo. Ngunit bigla ring malakas na tumawa. Iiling-iling siyang palitan kaming pinagmasdan ni Mayumi.

"Mga kabataan talaga! Ikakasal na nga, hindi pa makapaghintay. Palaging nanggigigil! Kaya pala hindi nyo napuntahan si judge. I understand now, Brixander. But this is the last. I don't want you getting Mayumi tired. Baka hindi na makalakad ang pinakamaganda kong apo!" biro ni lolo. Mas lumakas ang kanyang pagtawa nang mapatitig siya kay Mayumi. When I glanced at her, she was crimson red.

"Maiwan ko na kayo. Brixander, ikaw na ang bahala sa mga bisita mo." Masayang tumalikod si lolo. He's the only one laughing at this awkward situation.

"W-Wala na si lolo, Mr. T." Narinig ko.

"H-Ha?" taka kong tanong. Napatingin ako kay Mayumi.

"Ang sabi ko, wala na si lolo. Pwede mo na akong bitiwan." I open-closed my eyes and she was the one who get off from me. "Sir John, Ate Wanda, mauna na po ako." Hindi ko alam ang sasabihin ko. I also saw questioning faces from my employees curiously watching us. Hindi ugali ng mga tao ko ang magtanong. Ngunit alam kong nagulat, nagtaka at naguguluhan sila ngayon.

But Wanda could not stop from saying, "Mayumi, wait. Usap muna tayo, girl." Pigil niya.

"Sorry, Ate Wanda. Magre-review pa kasi ako. May test ako bukas." And with that very serious look in her eyes, she walked away. Trudging.

That night, I wasn't able to talk to Mayumi anymore.

[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]

~~~~~~~~~
Anong magandang parusa para kay Brix?
a. Dedmahin
b. Awayin
c. Tuksuhin
d. All of the above

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro