Chapter 4
Comment naman po riyan. Ano ang magandamg panghuli ng mga pakalat-kalat na daga? Eh, 'di dora rat killer!!!
~~~~~~~~~
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
Parang may namuong tubig sa pantog ko at gusto kong magkubeta dahil sa nerbiyos ko. Hindi ko alam kung naiihi ako o natatae. Bigla ring nanlamig ang mga kamay ko.
"Bless us oh Lord in these thy gifts, which we are about to receive from thy bounty..."
"Anong ginagawa mo?" si Sir John na huminto sa paglalakad at nilingon ako.
Sumagot ako. "N-Nagdadasal po ako, sir."
Para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. Ngayon lang ba siya nakakita ng nagdadasal? Sa nininerbiyos ako eh, masama bang manalangin? Nagulat pa ako nang bigla siyang humagalpak ng tawa. Tinatawanan ba niya ako? Kaloka siya!
Nang tumigil siya ay humihingal siyang nagtanong. "Ano na ulit ang pangalan mo?"
"Mayumi, sir." Mabilis kong sagot.
"Ilang taon ka na, Mayumi?"
"Mag-nineteen na po ako next month."
Tumango-tango siya. "Okay, Mayumi. Tip ko sayo bago kita ihatid sa office ni Mr. T..." Dumiretso ako ng tayo. Kasama pa rin siguro ito sa training ko. "Huwag kang kikibo kapag hindi ka tinatanong. At kapag may question, yes or no lang ang isasagot mo. You understand that?"
"Understand, sir! Uh, understood pala!" Sumaludo pa ako sa kanya. Natitigan ko tuloy ng malapitan ang mukha niya. Parang bata pa itong si Sir John. Ganda ng ilong niya, matangos at walang black heads. At katulad ng iba, naka-merkana rin siya. Iyon siguro ang uniform dito sa Tee Corporation. Iba-iba lang ang kulay.
"May dumi ba ang mukha ko, Mayumi?"
"P-Po?" Ibinaba ko ang kamay kong sumaludo sa kanya.
Nginisian niya ako. "Nakatitig ka sa mukha ko."
"Sa ilong nyo lang po, sir." Sagot ko habang kinakamot ang kili-kili.
"My nose?" Parang nagtaka si sir John. Pero nakangiti pa rin.
"Gusto ko po ang ilong nyo, sir." Diretso kong sabi.
Napasinghap siya. "Do you always speak up your mind, Mayumi?"
"Sir?" Ano ba ang sinasabi niya?
Umiling na lang siya. "Never mind." Huminto siya sa nakasaradong pintuan na may nakasulat na President. Niligid ko ang paningin ko at nakita ang iba pang empleyado na lahat ay may ginagawa sa harap ng computer nila. Napansin ko rin si Ate Wanda na sumulyap sa akin pero napakaseryoso ng mukha. Nilingon akong muli ni Sir John. "Good luck, Mayumi. Tandaan mo ang tip ko sayo."
Marahan akong tumango. At saka niya binuksan ang nakapinid na pinto.
"Nandito na ang taga-linis, Mr. T."
Para na talaga akong maiihi. Pati tiyan ko parang may hinahalukay sa loob. Kung 'di ko iipitin ang pwet ko baka magkalat na 'ko rito!
Nagdasal ulit ako ng mabilisan. "Sa edad na bente Lord, I want the best man. Sa edad na bente singko Lord, I want a good man..." Napatingala ako at bakasakaling may makarinig agad ng panalangin ko. "Sa edad na trenta Lord, I want any man..." Nakita kong nagpipigil ng tawa si Sir John. Bakit kaya? Sa madasalin talaga ako, anong magagawa niya? "Sa edad na kwarenta Lord, please naman!" Inulit-ulit ko ang dasal ko at nang isara na ni Sir John ang pinto ay nakita ko pang hawak niya ang tiyan niya at umaalog ang balikat. Natatae rin kaya siya?
Huminga muna ako ng malalim. Nakatalikod si Mr. T. May kausap yata sa cellphone niya, pero 'di ko marinig kasi parang bumubulong lang siya. Umikot ang mga mata ko sa kabuuan ng silid. Grabe naman ang laki ng opis ni Sir Brix. Kumpleto sa sopa, mesa, side table. May ref pa siya at parang shelf ng mga alak. Kulang na lang dito ay TV at kama, pwede nang bahay!
"Okay Lily. I'll see you later. No!" Parang biglang tumaas ang boses niya. "I said not in my condo! Wait at your place. Bye!" Iritado ang dating niya. Mukhang wala sa mood. Lagot ako nito!
Umikot ang upuan ni sir at medyo naulinigan ko ang pagsinghap niya.
Hinanda ko na ang sarili ko. Dumiretso ako ng tayo. Pinagpapawisan ako kahit napakalamig dito sa office niya. Parang nanuyo ang lalamunan ko nang pagbabang-pagbaba niya ng cellphone sa mesa ay matalim na titig agad ang salubong niya.
"Why are you here?" Napatayo siya.
Ulyanin na yata itong si Sir Brix. Sayang, napakagwapo pa naman at yaman niya para maagang magka-alzheimers.
"Pinatawag nyo po ako, sir." Paalala ko sa kanya. Ganito ang lolo ko bago sumakabilang-buhay. Naging magagalitin tapos naging makakalimutin. Tsk! Sayang ka, pogi.
"Who the hell told you that I called you?" Sarkastiko naman siya.
"Si Sir John, po." Tumingin ako sa carpeted na sahig. Nakakatakot kasi ang tingin niya. Para akong lulubog sa kumukulong lava.
"Idiot! I said I need someone to clean my table and was asking for Mang Celo!" Aniyang pipindutin na ang isang puting aparato. "John, I don't want a rat in my office. Nasaan si Mang Celo?" Halos pasigaw niyang tanong. Hala! Dinadaga rin pala ang ganito kalinis na opisina?
"Uh, sorry Mr. T. Sabi kasi ni Wanda, si Mayumi ang papuntahin ko riyan." Narinig ko ang boses ni Sir John mula sa aparato.
"And why the shit you're following Wanda? Siya ba ang boss mo?" Mas mataas na ang boses niya. Pwedeng singer itong si Sir Brix. Kailan kaya birthday niya? Regalohan ko siya ng magic sing?
"S-Sorry. I'll go get Mang Celo." Si Sir John na halata sa tinig ang pagkataranta.
"Forget it! Go back to your work!" Tinanggal niya ang daliri sa aparato. "You!" Duro niya sa akin.
Me?
"Sir!" Automatikong tumaas ang kamay ko at nabiglang sumaludo.
"Mr. T!" pagtatama niya. Umikot siya sa mesa niya.
"Sir, yes Mr. T!" sigaw ko. Sabi ni Sir John, yes and no lang daw isagot ko. Natandaan ko iyon.
"Clean my table. And remove all the rubbishes away." Sinulyapan niya ang malaking mesa niya na may mga nilamukos na papel. Nakita ko rin na may natapong likidong kulay krema na humalo na sa mga basura.
"Sir, yes Mr. T!" tugon ko at lumapit na sa mesa niya. Tumabi naman siya at nakita ko pang humalukipkip. Hindi ko mapigilang langhapin ang mabangong amoy pagdaan ko sa harap niya. Ano kaya ang perfume niya? Ang sarap ng amoy. Parang toilet freshener. Sarap umupo sa inidoro. Lalo na ngayon na parang gusto kong ilabas ang sardinas na kinain ko.
Napadilat ako nang may malakas na hanging bumuga sa mukha ko. Parang ulan. May tubig-tubig pa.
"What are you doing?" Napanganga ako dahil pagdilat ko ay katapat ng mga mata ko ang kulay asul na mga tingin. Mahabang pilikmata, matangos na ilong at mapulang labing bahagyang nakabuka. Shemay! Parang naging gelatine ang mga tuhod ko. "Are you somnambulistic?"
Hindi ko maintindihan ang tanong niyang balistic animalistic lipstick. Ang alam ko lang, ambango-bango niya. At gusto ko pang langhapin siya. Gusto ko pang titigan ang labi niya. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Para akong nalalasing sa mala-sapphire niyang mga mata.
"S-Sir, yes Mr. T..." Mabagal kong sagot na parang naliliyo sa kinatatayuan ko.
Kumunot ang noo niya. "What?" Kinilabutan ako. Bumulong siya sa mukha ko. At parang mahihimatay na 'ko.
"G-Gusto kita, Mr. T..." Umawang ang bibig niya.
Huli na nang maintindihan ko ang lumabas sa bibig ko.
~~~~~~~~~~
Got a secret
Can you keep it?
Swear this one you'll save
Better lock it, in your pocket
Taking this one to the grave
If I show you then I know you
Won't tell what I said
'Cause two can keep a secret
If one of them is dead?
~~~~~~~~~~
Ano ba iyan, Mayumi? Ano'ng itatawag ko sayo? 'Di ko alam kung mali-mali ka o sinasabi mo lang talaga ang gusto mo? Pigil-pigil din 'pag may time!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro