Chapter 36
Nalalapit na ang SPG.
Ang sumusunod na kabanata ay may salitang hindi masyadong angkop sa mga bata. Pang-isip bata lang. Patnubay ng magulang ang kailangan.
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
Tumaas ang dalawang kamay ni Sir Apolonio. Para siyang nasa giyera at ngayon ay sumu-surrender na. Nabitiwan tuloy niya ang pagkahawak sa kamay ko, na inagaw naman agad ng principal.
"Brixander Talaserna. Long time, no see. Akala ko, hindi na tayo magkikitang muli." Sabi ni Sir Apolonio na ibinaba na ang mga kamay at inayos pa ang nagulong makapal na buhok.
"What are you doing here? Sino ang nagpapasok sayo?" Medyo galit yata si principal. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Parang ayaw niyang nandito ang tutor ko.
"Ako!" boses mula sa may pintuan ng library. "Ako ang nag-imbita rito kay Apolonio." Si lolo pogi na naka-bathrobe lang. Feeling niya isa siyang bold star. "Lumabas ka na, Brixander. Iwan mo si Mayumi rito kay Pol."
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Brix sa lolo niya. Bakit? Hindi ba kapani-paniwala na gusto ko ring tumalino kagaya niya?
"Lumabas ka na lang, Brix." Sabi ko at bumitiw sa kamay niya. Masarap mang hawakan ang malambot niyang kamay, kailangan kong pigilin ang aking nararamdaman dahil gusto ko talagang ma-memorize si webster. Dabalyu-ihhh-biii-easter, webster!
"Isa ka pa!" reklamo niya sa akin. Tinitigan din niya ng masama si Sir Apol. Ngumisi lang ang teacher sa kanya.
"Labas na, Brixander." Utos ng bold star na kulay pink ang bathrobe. "We will also discuss something about your wedding. I'm reminding you, you and Mayumi will get married two weeks from now. Kahit inaasikaso naman iyon nina Arman at Lily."
Napaangat ang mga mata ko. "Lily?" lumabas sa bibig ko.
"Si Lily, hija. Kaya nga namalagi muna siya rito pansamantala para maging maayos ang kasal nyo. Bukod sa mahusay sa negosyo ang batang iyon, marami pa pala siyang nalalaman tungkol sa ganitong bagay." Paliwanag ni lolo na itinali ang roba niya kasi lumilitaw na ang abs niya.
Kaya pala parang dito na nakatira si Lily. Simula noong party, palagi na lang siyang sumusulpot sa paningin ko. Sigurado ako, alam niya ang set up namin ni Brix.
"My fiancee likewise has the right to know all about our wedding. Dapat kasama ko siya." Napalunok ako nang hapitin ako sa bewang ni Brix. Napasandig tuloy ang katawan ko sa kanya. Namaaan!Bakit ang tigas kasi!?
"That is why Pol is here to teach her. Everything, apo. Trust me." Lumapad naman ang dibdib ni Pol. "Kaya labas na, Brixander!"
Parang nag-atubili pa si Brix nang pakawalan ako. Sarado ang mga kamao niya na inis na lumabas ng library. Takot niya lang kay lolo.
Tinapik ni lolo si Sir Apol. "Pagpasensiyahan mo na ang apo ko, Pol. Hindi pa rin siguro niya makalimutan na ikaw ang nakatalo sa kanya sa regional division." Hmm, regional division? Naglaban kaya sila? Sa isang quiz bee? At natalo ni Sir Apol si Mr. T? Ting! Sabi ng bombilya sa ibabaw ng ulo ko.
"Wala po iyon, Don Emilio." Ngumiti siya at lumitaw na naman ang mga ngipin. "Malapit na po pala ang engrandeng kasalan?"
"Tama ka, hijo. Pero civil wedding lang. Ewan ko ba sa batang 'yun at ayaw sa simbahan." Eh kasi baka raw masunog siya. Sabi ulit ng bombilya. "Kaya nga gusto kong mag-refresher itong si Mayumi. Para kasing kinakalawang na ang utak niya."
Napanguso ako. Makabili nga ng steel wool o kaya liha, pantanggal kalawang. May pag-asa pa kayang kumintab ang utak ko?
Sabay na tumawa si lolo at Sir Apol. Dahil ba humaba ang nguso ko at lalo akong naging cute? O dahil talagang kailangan ko ng panghasa? Hasain ko kaya mga sandata nila nang matigil sila?
"Ano, Mayumi? Simula na tayo!"
Iniwan nga kami ni lolo pogi. At hindi ko akalaing seryoso pala talagang magturo ang tutor ko. Eto nga oh, nangangamote na 'ko.
Sabi niya bago raw namin aralin ang dictionary, kailangang matutunan ko ang tatlong kwento. Kwento tungkol kay Peter, kay Betty at kay Wushak.
"Dapat makabisado mong lahat ito. Mas maganda kung haharap ka sa salamin para ma-praktis mo ang tamang pagbigkas..."
Araw, gabi, bawat oras, minu-minuto. Kung pwede nga raw hanggang sa pagtulog ko. Dahil seryoso rin akong matuto, nangako ako kay Sir Apol na pag-iigihan ko ang aking pag-aaral. Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan. Diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. Para maka-graduate ako ng may honor at maipagmalaki rin ako. Dahil edukasyon lang ang maipapamana sa akin ng aking mga magulang. Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa. World peace.✌️
Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Kanina pa nakaalis ang tutor ko. Hinatiran na nga lang ako ni Gloria labandera ng pagkain dito. Antok at pagod akong napatingin sa wall clock. Alas onse na pala ng gabi. Bakit napakabilis naman ng oras? Konti na lang makakabisado ko na ang tatlong kwento. Hirap lang ako tungkol kay Wushak. Parang mawuwusak din ang utak ko!
Sumandal ako sa silyang inuupuan ko rito sa silid-aklatan. Napapikit. At parang idinuduyan ang aking pakiramdam. Malamig ang paligid. Tahimik. Walang masungit na nagsasalita laban sa akin. Walang nananakit sa damdamin ko at walang nagpapaluha sa mga mata ko. Narinig ko na lang ang sariling hilik ko.
"Hoy! Hoy gumising ka nga. Bakit dito ka natulog?"
Naalimpungatan ako sa mainit na palad na yumuyugyog sa balikat ko.
"Iwan na natin siya rito, honey. Come on, I want to sleep with you." Maarteng boses.
"That's not possible. You know we can't do that with my gramps around."
"But I need you so much, Brix. We haven't had sex, since when? Since nakilala mo ang babaeng iyan!"
Bed sheet naman! Binabangungoy ba ako? Lumalanguyngoy sa kasalanan ang mga karakter sa panaginip ko. Nanunuoy sa utak at damdamin ko.
"Will you shut your mouth? I don't want others to know anything about us."
"Shut my mouth? You should have fvcking proposed to me and not on this brainless, shallow, slutty girl!"
"Makinig ka, Lily..." Lumakas ang hilik ko. Pedeng pampamas ang akting nila, ah. Pampamas-sahe ng nangangalay kong ulo na nakasubsob na pala sa lamesa. "Gusto ni lolo si Mayumi," humina ang boses. "I will fix this later on because my plan is to ditch her soon after all the Talaserna properties are under my name. Then if you're still here, I might consider you to replace her."
"Consider? You mean you really don't have any plan for me? I'm staying beside you because I love you. But you're just using me, Brixander!" tumaas ng bahagya ang tinig ng babae. Konti na lang ay sasabog na siya.
"You know where you stand, Lily. I didn't ask you to do this for me. You volunteered to become our pseudo wedding planner on the first place. If you dislike the idea, leave and don't howl on me!" galit na rin ang mga salita.
Papalakpak na sana ako sa nakaka-carried away na dramatic na telenobela nang marinig ko ang paglabas ng hangin mula sa pwet ko. Dahan-dahan pa ngang lumalabas eh. First time kasi. Camera-shy ba.
"Whatta?"
"Oh my gosh! What was that?" lalo tuloy umarte ang babae. Parang nakikita kong tinakpan niya ang ilong niya. Bakit? Masama bang magpalabas ng sama ng loob?
At dahil nakakahiya naman sa kanila, tumayo ako at naglakad habang natutulog. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko.
"Somniloquy, somnambulist..." Tumabi kayo sa daraanan ko. Zombie ako!
"Gosh! Is she walking and sleep-talking?"
"Somniloquy, somnambulist..." Gumegewang na sabi ko.
"Tss! I knew this woman is a psycho." Sabi ni Brix na hindi man lang ako alalayan.
Habang palabas ako ng library, nabigkas ko pa ng mabilis ang kwento tungkol kay Peter...
"Peter Piper picked a peck of pickled peppers. A peck of pickled peppers Peter Piper picked. If Peter Piper picked a peck of pickled peppers, where's the peck of pickled peppers Peter Piper picked?"
Dahil hindi ko nakikita ang dinaraanan ko, nadulas tuloy ako.
"Ay mapeklat na pekpek na may nakapasak na pikel!"
Hindi ko na nakita ang naging reaksyon ng dalawang tao sa likuran ko. Kasi nagtatakbo na ako. Nautot pati pekpek ko!
~~~~~~~~~
Hay, Mayumi. Hindi bagay sayo ang pangalan mo eh. Hindi ka naman Mayumi. Andyumi kasi ng utak mo. Maryuming maryumi!
Ewan ko sayo!
>Bili na po ng librong ito na 30 Days with Mr. T @ shopee bago ka pa mabitin sa kakulitan ni Maryumi, este Mayumi pala, hehe!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro