Chapter 32
Eto na po mga miss. Nag-black out kasi ang aming neighborhood! Generator pa rin nga ang gumagana hanggang ngayon 😦
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
"Akalain mo! Engagement party mo na? Ano, bes? Kailangan mo ba ng support? Puntahan kita riyan, now na." Ngumunguyang daldal ni Leng habang nagcha-chat kami. Tinuruan ako ni Gloria na gumamit ng waypay para maka-connect daw ako sa internet. Kaya heto, nakikita ko ngayon ang kapangitan ng bespren ko. Ayoko talagang maging hipag ang babaeng ito. Ang panget niya talaga. Daming bakukang sa mukha. 'Di gaya ng feces ko, flowless.
"Talaga, Leng?" masayang tanong ko. Aba syempre gusto kong nandito siya sa tabi ko kahit ampanget niya. "Pupuntahan mo 'ko rito?"
"Oo naman, May. Alam mo namang hindi kita matitiis, 'di ba?" Ngumangata pa rin siyang parang kambing. "Pero ikaw taya sa pamasahe. Ano ako mayaman? Hindi kaya!"
Bigla akong nakadama ng lungkot. Akala ko pa naman, makakasama ko na siya.
"Hindi ako babayaran ni Mr. T hangga't hindi natatapos ang trabaho ko." Napabuntong hininga ako. "Wala pa akong pera."
"Ay boba ka talaga!" nanlaki ang mga mata niya sa screen. "Eh 'di humingi ka ng advance. Siguradong hindi ka pa nakakapagpadala sa inyo, 'no? Gusto mong mapalayas kayo ni medusa?"
Nanghihina akong napaupo sa harap ng dresser kung saan nakapatong ang cellphone ko. Nawalan ako ng salitang dapat sabihin kay Leng. Nang makausap ko sina nanay, hindi na raw kailangan ang pera at sila na ang bahala nina tatay. Pero ganoon naman sila lagi. Ayaw nilang nahihirapan kaming magkakapatid. Gagawa sila ng paraan. At iyon ang nagpapalakas ng loob ko para gawin ang lahat para sa pamilya ko. Kung paanong ayaw nila kaming mahirapan at kung paanong gusto naming makatulong sa aming mga magulang.
"Huwag ka nang malungkot diyan," napansin ni Leng ang pag-aalala ko. "Pasasaan ba at makakaraos din kayo. Ako na ang bahala kay Dorisa medusa. Huy!" aniya nang hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
"U-Uh, oo naman. Makakaraos din ang lahat ng ito." Pagsang-ayon ko na lang at malungkot na ngumiti.
Napalingon ako nang may malalakas na katok akong narinig.
"O! Ano iyon? Kung makakatok parang gigibain ang pinto, ah." Nakita pala ni Leng sa likuran ko ang pagyanig sa pintuan.
"Teka, titingnan ko lang," sandali akong tumayo nang hindi pinapatay ang screen.
Niluwa ng pinto ang kasambahay na chubby na nagpaluwa rin ng mga mata ko. At ang ganda ng suot niya. Nakasuot din siya ng evening gown na kagaya ko. Kung ang suot ko ay kulay silver, ang sa kanya naman ay kulay bronze. In fairness, maganda rin pala itong si Gloria kapag naayusan.
"Ano ka ba naman Mam Mayumi? Hindi ka pa rin ba tapos mangarap hanggang ngayon?" tanong ni Gloria. Nakapamaywang na pumasok siya sa silid ng palakang naging prinsesa. Mukhang naiinis na naman siya at hindi ko alam kung bakit. "Halika nga rito!" Hinila niya ako at pinaupo sa harap ng salamin. At masakit niyang hinila ang buhok ko pataas.
"A-Aray!" reklamo ko.
"Hoy, sino ka? Bakit mo inaaway ang bespren ko?" narinig ko si Leng mula sa speaker ng cellphone.
Nakita ko sa pamamagitan ng salamin na pinandilatan ni Gloria ang nasa ibabaw ng dresser. "Hindi ako sinuka! Inire ako ng nanay ko!" aniya at isa-isang nilagyan ng hair pin ang buhok ko mula sa sarili niyang buhok. Kinakagat-kagat pa niya iyon na parang gigil na gigil.
"Aba at ang yabang mo ha? Ano ka ba riyan? Make up artist? Hairdresser? Nakakaimbyerna ka huh!" asik ni Leng kay Gloriang nakaka-ilang hila na ng buhok ko. Napansin kong dinukwang ni Leng ang monitor ng computer na ginagamit niya.
Simpleng sabunot yata ang ginagawa sa akin ng Gloriang ito, eh. May masama ba akong nagawa sa kanya?
"Pake mo! Sino ka rin ba?" balik na tanong ni Gloria kay Leng.
Sinikipan pa ng kasambahay ang tali sa damit ko. Lalabas na yata ang mga bituka ko dahil sa ginawa niyang pagsakal sa maliit kong bewang. "Ayan! Okay ka na. Humanda ka at nandito na ang karibal mo!" pahabol na sabi niya bago lumabas ng silid.
"Ang bruhang iyon! Walang modo!" gigil na sabi ni Leng. "Hoy! Taba! Bumalik ka! Hindi pa 'ko tapos sayo!"
Hihinga na sana ako dahil inayos ko ang pagsakal sa bewang ko nang may isang diwatang nagliliwanag na pumasok ng dahan-dahan sa silid ko.
"Hi. Ikaw si Mayumi?"
Umikot ako upang tingnan ang babaeng nakakulay gold na gown. Parang awards night yata ang party na dadaluhan naming tatlo. Si Gloria ang bronze queen, ako ang silver queen at ang babaeng ito ang gold queen. Nakakainis lang! Siyang-siya na ang panalo. Wala kaming sinabi ni Gloria labandera.
"Bes, sino siya?" narinig ko si Leng. Ngunit hindi siya ang sinagot ko kundi ang babaeng nakangiti ngayon sa harapan ko. Napakaitim ng kumikintab niyang buhok na inadornohan ng munting korona. Ang mga mata niya ay may sobrang habang pilikmata. Alam ko namang peke lang iyon at mukhang dinugtungan. Pero shemay kalamay may lamay, bagay na bagay iyon sa kanya.
"M-Mam Lily..."
Nagtaka siya. "Kilala mo 'ko?" nakangiti niyang balik-tanong.
"Kilala mo siya?" sabat ni Leng.
Paanong hindi ko makikilala ang ka-jugjugan ni Brix nang gabing iyon? Si Lily-halili na may mani, patani at kulani.
May mani—pis na labi. May patani—kalang hikaw. At kulani—ewan wala akong maisip na ka-rhyme maliban sa kula—sisi! Basta siya na iyon!
"And why did you call me, 'mam'? Such respect. I don't think I'm that old either." Isinabit pa niya ang nahulog na buhok sa likod ng tenga niya.
"Oo nga, bakit mo siya tinawag na mam? Teacher ba siya?" singit ni Leng kasi wala nang pumapansin sa kanya.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Ikaw yung totoong girlfriend ni sir, 'di ba?" seryoso kong tanong sa kanya. Nandito kaya siya para pigilan ang engagement party? Iiskandalohin niya kami at palalayasin ako sa pamamahay ng mga Talaserna? Ganoon ba ka-cliche ang kwento ng buhay ko?
Nawala ang ngiti sa kanyang mga mata. "W-What are you talking about? I'm here to congratulate you. And—" sinipat niya ang itsura ko. "—meet you."
Napalunok ako. Wala ba siyang alam? Hindi ba niya alam na babayaran lang ako ni Brix para magpanggap sa harap ni lolo pogi?
"H-Ha? Eh, w-wala... Huwag mong intindihin ang sinabi ko. Akala ko lang kasi ikaw yung babaeng nakaupo sa harapan ni Brix isang gabing umulan ng malakas. Pinayungan pa nga kita tapos binigyan ka ng jacket ni Mr. T." Napahawak ako sa panga ko habang inaalala ang gabing iyon. "Tandang-tanda ko pa ang mukha mo noon. Galit ka na malungkot na naiinis pero mas halata ang pagkabitin mo kaya..."
"Shit!" malutong na lumabas sa bibig ng babaeng may suot na kulay ginto.
"Shit ka rin!" si Leng. Ano ba siya, singit ng singit! Wala siya rito, audience lang naman siya.
"Ikaw si manang? P-Paanong—"
Tumalim ang mga tingin niya. Pinagmasdan ang kaseksihan ko mula naka-pedicure kong mga paa hanggang naka-keratin oil kong mga buhok.
"This can't be true." Hindi makapaniwalang sabi. Namumutla na siya. "You are that old fashioned, kinky haired, janitress at Tee Corp?!"
Natakpan niya ang kanyang bibig habang unti-unting umaatras na para bang may nakakahawa akong sakit. At saka nagtatakbo palabas ng kwarto.
"Kung nagmamahalan ang dalawa, huwag ka nang umeksena." Boses na umalingawngaw sa utak ko. Ume-echo iyon na parang pumupuno sa pandinig ko. Ano nga ba ang magagawa ko? Masasaktan ko si Mam Lily. Pero hindi ko naman ginusto ito...
"Aanhin mo naman ang bahay na bato, kung kabit ka lang naman na itinira rito." Napapikit ako. Kabit. Ako ang kabit sa buhay ni Brix at Lily. Hindi ako dapat na naririto...
"Bago ka makipaglambingan sa internet, alamin mo muna kung may sabit. Para hindi ka matawag na kabit!"
Tama. Tama naman iyon. Ayokong matawag na kabit. Hindi ako dapat nakikipaglambingan sa internet...
Teka! Internet? Paano naman napasok ang internet dito?
"May isa pang quote rito bes. Ginoogle ko para sayo. Ano basahin ko rin ba? Ang taong magaling mangaliwa..."
"Leng, ano ba?" Galit kong hinarap ang screen kung saan siya naroon. "Hindi ito ang oras ng pagbibiro. May nasasaktan akong tao." At hindi ako sanay sa ganito.
Gulat, galit, lungkot. Nakita ko iyon sa mata ni Mam Lily.
"Ano'ng magagawa mo kung mas maganda ka pala sa totoong girlfriend ni Mr. T? Halata namang tadtad lang siya ng kolorete at alahas sa katawan, 'no!" wika ni Leng na tila hindi apektado sa nangyayari sa buhay ko. Kaibigan ko ba talaga siya? "Ngayon nabihisan ka na at nakapagsuklay, mas maganda ka pa kay Ganda sa Bagani.
Magsasalita na sana ako para tutulan ang mga pang-uuto sa akin ni Leng nang may mga yabag akong narinig.
Ganoon na lang ang gulat ko nang lumitaw si Brix sa harapan ko na madilim ang tingin. Sobrang gwapo niya sa kanyang suot na kulay royal blue na coat and tie. Pero paano ko pa mapagsasawa ang mga mata ko sa kakisigan niya kung mabilis na niyang nahawakan ang magkabilang balikat ko? At galit na tinanong ako.
"What have you done to Lily?" singhal niya sa mukha ko. "Tell me! Bakit mo siya pinaiyak?"
~~~~~~~~~
Wala kang karapatan na ako ay paratangan
Pagkat ika'y walang alam sa tunay kong pinagmulan
Wala akong kasalanan
Sana ako'y hwag husgahan
Kasalanang 'di ko alam
Hangad ko ay katarungan
Nasaan?
_________
Comment po mga loves.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro